CHARISE MARIE TWO WEEKS LATER... Wala akong pasok ngayon. Day off ko sa trabaho. Kaya naisipan kong dalawin si Evan. Dalawang linggo na ang lumipas simula ng pinuntahan ko siya sa bar nang maglasing ito at inuwi namin siya ni Lei sa tinutuluyang condo unit nito. After nun ay wala na akong balita sa kanya. Ilang beses ko ding sinubukan na tawagan si Evan para mangumusta pero hindi ito sumasagot. Maging sa mga messages ko ay hindi ito nagrereply. Kahit paano kasi ay nag-aalala na ako sa kanya kung ayos lang ba ito o hindi. Mahigit dalawang linggo na din siyang nakabasyon at hindi na pumapasok sa trabaho. Natambak na ang trabaho nito na naghihintay sa kanya. Pero I make sure na lahat ay naka-organize at ready na sakaling bumalik ito. Hindi ko pa alam kung kailan ang exact date ng balik nit

