EVAN LEE Maganda ang araw. Maganda din ang pakiramdam ko. Nasa mood na uli akong pumasok at bumalik sa trabaho. After ng halos dalawang linggo pagluluksa at pagmumokmok ay finally ay okay na ako. Sa ilang araw kong nasa bahay ay madami akong naisip at narealize. Lahat ng mga paalala ng mga kaibigan ko maging ang kay Cha. Ngayong wala na si Cathy ay hindi ibig sabihin ay dapat tumigil na din ako sa halip ay dapat pa akong magpatuloy at mabuhay. Halos mahigit dalawang taon din na hindi ko siya nakasama pero nakaya ko din naman. Nasanay na wala siya sa tabi ko tapos ngayon pa kaya na alam kong nasa mabuti na siyang kalagayan kasama ng ating Panginoon. Though andito pa din sa puso at alaala ko si Cathy. Kahit paano ay naging malaki ang parte niya sa buhay ko kaya hindi siya ganun kadaling k

