EVAN LEE Malalim na ang gabi ng maalimpungatan ako at nagising mula sa mahimbing na pagtulog. Hindi ko alam kung anong oras na ba. Nasipat ko ang oras sa relo ko para i-check. Nakita kong pasado alas dose na nang hating gabi. Mula sa pwesto ko ay napatingin ako sa paligid at maging sa labas. Puro kadiliman ang nakikita ko. Hindi na kasi ako nag-abalang magbukas ng ilaw ng dala kong flashlight. Wala na ding ulan akong naririnig pa. Mukhang tumila na nga iyon. Pero ramdam naman ang sobrang lamig. Wala akong damit na pang-itaas sapagkat na kay Cha napunta ang extra kong t-shirt. Ibinigay ko iyon sa kanya para may pamalit at may maisuot ito. Puro basa kasi ang dala nito. Samantalang sa akin naman ang pantalon. 'Yun lang ang suot ko. Sanay naman ako na walang pang-itaas kapag natutulog kaya a

