CHARISE MARIE Maganda na ang panahon. Nawala na ang malakas na ulan. Lumabas na din si Haring Araw. Nakabawi na din kami pareho ni Evan ng lakas mula sa lahat ng nangyare at pinagdaanan namin mula kahapon. Magaan na din ang pakiramdam ko at okay na ako. Nasa mood na uli akong maglakad ng malayo. Nagkabati at okay na din kami ni Evan after ng misunderstanding namin kanina. Hindi lang kami nagkaintindihan at aminado naman ako na kasalanan ko. Nagpadalos-dalos ako sa mga pinagsasabi ko. Kaya nakapagbitaw ako ng mga salitang hindi maganda. Kung tutuusin ay ito pa pala ang tumulong sa akin during may weakest time. He never hesitate na tulungan ako tapos pinagbintangan ko pa siya ng kung anu-ano. Super nahihiya talaga ako sa kanya dahil dun. Mabuti na lang at mabait si Evan hindi na nito masy

