CHAPTER 30

1949 Words

CHARISE MARIE Kakapasok lang namin sa isang exclusive subdivision sa Makati. Mabilis naman kaming nakapasok sa loob sapagkat kilala na din si Evan ng mga guards na nagbabantay sa gate. Hindi ko alam na dito pala nakatira si Rye. First time kong makapasok dito at siyempre namangha ako. Napapanood ko lang sa tv, nababasa sa mga magazine at nadidinig ko lang ang tungkol dito. Aside dun, pagkakaalam ko ay puro mga kilalang mga personalidad sa iba't-ibang larangan ang mga nakatira dito. At tanging mga mayayaman at may kaya sa buhay. Hindi ko tuloy mapigilan ang hindi mainggit habang nakikita ang mga nag-gagandahang mga bahay na aming nadadaanan. "Ang bongga naman dito," manghang pahayag ni Mylene habang nakatingin sa labas. "Oo, nga girl. Parang ang sarap tumira dito," sang-ayon ko sa kanya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD