CHARISE MARIE "Evan Lee Sarmiento by the way," pakilala ng lalaki sa sarili nito at inilahad ang kamay nito para makipagkamay sa akin. Medyo nag-alangan pa akong abutin iyon at makipagkilala dito. Tinignan ko muna ang kamay nitong nakalahad saka bago dumako ang mata ko sa mukha nito. Nakikita ko sa mga mata nito na mukhang sincere naman ito sa pakikipagkilala. Iniisip ko kung sabihin ko ba ang totoo kong pangalan sa kanya. Hanggang bukas lang naman ako dito sa bundok at after ng sunrise ay uuwi na din ako. Isa pa sigurado akong makakalimutan niya rin ako pag nagkanya-kanya na kaming bumaba ng bundok bukas. Pero naisip ko din na wala naman sigurong mawawala if makipagkilala ako dito. For formality na lang since kaming dalawa lang naman dito tapos di pa kami magkakilala. Tuluyan ko nang

