CHARISE MARIE Napamulat ako ng mata. Medyo maliwanag na kasi sa labas pero wala pa ang hinintay kong sunrise. Hindi ko namalayan na naka-idlip pala ako. Ganun din ang lalaking katabi ko. Napaurong agad ako ng mapansin kong nakasiksik ako dito. Dumistansya ako ng kaunti. Buti na lang at hindi ito nagising. Napatitig ako sa mukha nito habang mahimbing na natutulog ito. May itsura din si Evan. Gwapo din ito pag tinitigan ng malapitan. Makakapal ang kilay nito. Mahahaba din ang mga pilik mata nito. Sakto lang din ang tangos ng ilong nito. Naka-awang ang mga labi nito na feeling ko kay lambot niyon and the cleft chin that makes him more handsome. Bihira lang ang may ganoon sa mga lalaki. And it suits him. After ko siyang damayan at hinayaan na umiyak kanina after nitong ikuwento ang dahilan

