Maga ang mga mata ko at antok na antok akong bumangon kinaumagahan. Anong oras na nga ba ako natulog kagabi? Ah, oo. Alas dose na nang madaling araw. Tapos ngayon ang aga-aga ko pang nagising. Lintik kasi ang lalaki na 'yon. Hindi man lang umuwi matapos kong gamutin ang sugat niya. Bagkus kinulit niya pa ako para lang bumaba ng kusina at kumuha ng makakain niya. Hindi pa raw kasi siya kumakain nang gabihan. Dahil alas syete pa lang nang gabi kagabi ay nasa labas na siya ng bahay namin. Hinihintay na makatulog ang lahat ng mga tao sa bahay. Kasalanan ko ba kasing gutumin niya ang sarili niya? Hindi naman, eh. Wala rin naman akong sinasabi na magpunta siya sa bahay nang gano'ng oras. Sinabi ko na ngang umuwi na lang siya sa kanila at doon kumain. Pero mapilit ang siraulo at tinakot ako

