CHAPTER 9

1134 Words

Muli ay nakarinig ako ng kaluskos. "Sino ka?" matapang kong tanong dito. Pilit kong hindi matakot. Bigla naman humangin nang malakas at tumama pa ito sa aking mukha. Bukas ang sliding door ng kwarto ko? Bakit? Eh, sinara ko iyan bago ako mahiga. Wala pa rin kumikibo. May narinig pa akong ilang yabag nang naglalakad. Dahan-dahan akong bumangon at dahan-dahan ako na lumapit sa kurtina. Bahala na! Kung multo siya ay puwede akong magsisisigaw rito. Nang makalapit ako rito. Kitang-kita ko ang isang imahe ng tao na nakatayo at nagtatago sa kurtina ng sliding door. Sisigaw na sana ako nang bigla na lang lumapit sa akin ang taong 'to at walang sabi sabing tinakpan ang bibig ko. Gusto ko man sumigaw pero hindi ko kaya. Pagtatalon na lang ang nagagawa ko. "Hmmmmmmmmm!" Pilit kong tinatanggal

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD