CHAPTER 24 "A-anong ginagawa mo rito?" hindi makapaniwala kong tanong, matapos niya akong tinulungan na tumayo. Hindi naman kasi niya hilig ang maggala at magpunta sa mga Mall tulad nito. Maliban na lang siguro kung kasama niya si Jeka. Tumingin ako rito. Napakagwapo niya talaga. Nakasuot lang ito ng isang white v-neck shirt and simple lang din naman ang suot niyang jeans at naka rubber shoes din siya. Mas lalo nga siyang gumagwapo dahil sa suot niyang ito. "Ahm. Boring kasi sa bahay," naiilang nitong sabi at napakamot pa ng ulo. "Eh, bakit di ka nagpunta kanila Cleo?" tanong ko. "Nagpunta ako. But until now, he's still sleeping. Ang sabi ng mga katulong nila gabi na raw siya umuwi. Well I guess. Nagbar sila kagabi," mahabang sabi nito. Tumango tango ako. "Are you alone? Where's Je

