CHAPTER 23 Tumayo na ako at nagtungo sa banyo. Tinignan ko muna ang aking sarili sa salamin. Magulo ang buhok medyo mataba at nangingitim na rin nang konti ang ibaba ng mga mata ko. Ramdam ko rin ang bigat ng talukap ng aking mga mata. Sa totoo lang inaantok pa talaga ako. Pinipilit ko lang bumangon kasi kailangan. Nag-umpisa na akong maligo at nang matapos ay nagbihis na ako. Bumaba na rin ako nang matapos iyon. Sa hindi kadahilanan napalingon ako sa sala. Sa sala kung saan lagi kaming magkasama ni Harvey. Lagi niya akong inaasar, pinipikon at nauuwi pa nga sa gusto ko na siyang saktan pero hindi pwede. Kaya amba lang talaga ang kaya kong gawin. At iyong ang daan kung bakit siya tawa nang tawa, na akala mo wala nang bukas. Naalala ko na naman ang mga araw na kasama ko siya d'yan, ta

