CHAPTER 18 Mabilis na lumipas ang oras at natapos na rin ang klase ko. Kanina pa ako rito sa labas ng gate ng university at kanina ko pa rin hinihintay si Mang Rowell. Ano bang mayro'n? Bakit late yata siya nang pagsundo sa akin? 30 minutes na kasi akong nakatayo rito sa labas pero wala pa ring Mang Rowell na dumarating. Dati-rati naman nauuna ito sa akin dito sa gate. Nasa hallway pa lang ako, nakikita ko na siya na nasa gate inaabangan ako pero ngayon hindi, eh. "Busy siguro." Pagdadahilan ko sa aking sarili. Ayaw kong mag-isip nang hindi maganda sa mga oras na ito. Ma-stress lang ako. Napatalon ako sa gulat nang bigla na lang may umakbay sa akin. Malakas ito tumawa siguro dahil sa reaction ko dahil sa pagkagulat ko. Tinignan ko ito nang masama. Ngumiti lang ito at niyakap ako. I

