Nang makaalis na nga sina Sendoh, Maki, Fujima, at Jin ay nagpaalam na rin sina Rukawa at Kenzo kay Sakuragi pagkatapos ay nagtungo na ang mga ito.sa kani-kanilang mga classroom. Ilang sandali pa nga ang lumipas ay ipinagpatuloy na ni Sakuragi ang kanyang pglalakad patungo sa kanyang magiging classroom. Ngunit mayamaya ay bigla nalang siyang natigilan at muntik nang matumba dahil muntik na siyang mabaangga ng isang lalaking mabilis na tumatakbo ngunit mabuti nalang at mabilis na nakailag si Sakuragi samantalang ang binatang lalaki naman ay natumba ngunit mabilis naman itong bumangon pagkatapos ay maangas nitong nilapitan si Sakuragi.
" hoy! Ikaw na unggoy na may pulang buhok ka!!! Bakit ba haharang-harang ka sa daraanan ko!!??.. Hindi mo ba alam na nagmamadali ako!!!??" Naiinis na wika ng maangas na lalaki kay Sakuragi.
"Bakit? Sa iyo ba itong daan?!!" Tugon naman ni Sakuragi sa maangas na lalaki.
"Aba't sumasagot ka pa ah!!!? Hindi mo ba nakikilala kung sino ang kaharap mo??!" Ako lang naman si Dave Ishida, ang magiging bagong member ng Kanagawa Rising Sun!!!" Maangas at naiinis na wika naman ni Dave kay Sakuragi.
"Wala akong pakialam sa mga simasabi mo!! Diyan ka na nga!!" Tugon naman ni Sakuragi kay Dave pagkatapos ay maglakad na ito patungo sa kanilang classroom.
"Aba't ang yabang nitong unggoy na may pulang buhok na ito ah!!" Naiinis na wika ni Dave sa papalayong naglalakad na si Sakuragi.
"Dapat lang siyang magyabang dahil may ipagyayabang naman talaga ang taong iyon!" Wika ng kaibigan ni Dave na kararating nanfg mga oras na iyon.
Siya si Harikawa Harimoto, 2nd Year College, ang isa sa mga Shooting Guard ng Kanagawa Rising Sun.
"Anong ibig mong sahihin Harikawa!?" Nagtatakang tanong ni Dave sa kanyang kaibigan.
"Kung gano'n ay hindi mo na nakikilala ang lalaking iyon? Hmmm... Kung gano'n ay hayaan mong sabihin ko sa iyo ang mga impormasyong nalalaman ko tungkol sa kanya.." Tugon naman ni Harikawa kay Dave.
"Siya si Hanamichi Sakuragi, 18 years old, First Year College, ang pinakamagaling na Power Forward at Center sa Shohoku High School. Siya ang naging MVP sa Interhigh Tournament. Lahat ng position ay kaya niyang laruain. Bukod a diyan ay si Sakuragi din ang Hinirang na Number 1 High School Basketball Player sa buong mundo kaya hindi mo dapat siya inangasan nang gano'n..." Pagpapaliwanag pa ni Harikswa kay Dave. Dahil sa mga sinabi ni Harikawa ay hindi nakapagsalita si Dave sapaglat ang mga sinabi sa kanya ni Harikawa ay bigla niyang naalala sapagkat sa bawat laban ni Sakuragi ay palagi siyang nanonood.
"Naku! Patay! Dapat pala ay hindi ko siya inangasan nang gano'n! Wik ni Dave kay Harikawa.
"Oo Dave. Pero mabuti nalang at hindi ka niya pinatulan dahil kung pinatulan ka ni Sakuragi Pards ay suguradong may bukol ka na sa ulo at may Black Eye ka na rin!" Napapangising tugon naman ni Harikawa kay Dave. Ilang sandali pa nga ay nagtungo na sina Harikawa at Dave sa kani-kajilang classroom. At nang makarating na si Dave sa kanilang classroom ay bigla siyang nagulat sapagkat nakita niya roon si Sakuragi.
"Kung gano'n ay kaklase ko.pala si Hanamichi idol!!?" Gulat na gulat na tanong ni Dave sa kanyang sarili.
"Dave, dito kalang umupo sa tabi ng henyo para mas-okay. Magkatabi dapat ang mga henyon sa basketball!" Wila ni Sakuragi sabay tawa nito ng malakas. Ikinagulat naman ni Dave ang kanyang narinig sapagkat kilala siya ni Hanamichi. At sa pagkakataong iyon ay hindi na nag-atubili pang umupo si Dave sa upuan na katabi ng upuan ni Sakuragi.
"Sakuragi Idol pasensiya na pala sa inasal ko kanina." Wika ni Dave kay Sakuragi.
"Ah wala iyon! Kalimutan mo na iyon! Basta sa susunod ay iwasan mo nalang ang pagiging mainitin ang ulo." Tugon naman ni Hanamichi kay Dave. Ilang minuto pa nga ang lumipas ay nagsimula na ang kanilang klase. At sa buong panahon ng klase ay nagfocus naman doon si Hanamichi.
.
Pagsapit ng 4:30 ng hapon ay natapos na ang klase nina Sakuragi at Dave kung kaya't sabay na silang lumabas ng classroom. Ngunit paglabas nina Sakuragi at Dave sa classroom ay nakita ni Sakuragi sina Haruko at ang apat na ungas na nakaabang na sa kanya.
"Haruko?" Pagtawahmg ni Sakuragi kay Haruko.
"Teka nga Haruko my love, bakit hindi kita nakita kaninang umaga sa paligid ng campus?" Muling wika ni Sakuragi kay Haruko.
"Nagtampo kase ako sa iyo kaya hindi ako nagpakita sa iyo kanina!!! Hindi ka man lang nagsabi na mauuna ka nang pumunta rito kanina!! At saka yung ginawa sa iyo nina Rukawa at Kenzo kanina? Utos ko iyon sa kanila!!! Sinabihan ko sila na kapag nakita ka nila ay suntukin ka nila sa tagiliran!!!" Naiinis na wika ni Haruko kay Hanamichi. Sa pagkakataong iyon ay humingi ng pasensiya si Sakuragi kay Hsruko at pinatawad naman ito ng dalqgs.
"Basta huwag mo nang uulitin iyon dahil kapag inulit mo.pa iyon ay hindi lang suntok sa tagiliran ang mangyayari sa iyo!!" Wika ni Haruko kay Sakuragi na ikinangiwi naman ni Sakuragi.
Mayamaya ay nagtungo na sina Sskuragi, Haruko Dave at ang apat na ungas sa Kanagawa Gymnasium upang. At pagpasok nga nina Sakuragi sa Basketball Gymn ay biglang nagulat si Sakuragi sapagkat naroon sa Team ang mga player ma nakalaban niya noong High School sa District Tournament.....
TO HE CONTINUE....