Chapter 3

1430 Words
"O, nandito na pala kayo Hanamichi Sakuragi at Dave Ishida!" Wika ni Fujima sa dalawa pagkatapos ay pumasok na sina Sakuragi at ang mga kasama nito sa loob ng Basket Gymn. Sa pagkakataong iyon ay nagulat si Sakuragi sapagkat naroon si Eiji Sawakita sa Gymn. "Teka lang, bakit nandito ka Sawakita!!.. Bumisita ka lang ba dito!!?" Nagtatakang tanong ni Sakuragi kay Sawakita. "Ah, lumipat na kase kami ng tirahan, at ang nilipatan namin ay malapit lang dito kaya dito na rin ako mag-aaral!" Tugon naman ni Sawakita kay Sakuragi. Ilang sandali pa ang lumipas ay napatingin si Sakuragi kay Kiyota sabay sabi nito ng; "Aba! Tingnan mo nga naman ang pagkakataon!.. Nandito rin pala si Matsing!" Pang-aasar na wika ni Sakuragi kay Kiyota. "Tumahimik ka diyan Unggoy!!" Bawing pang-aasar naman ni Kiyota kay Sakuragi. "Hay! Naku!... Nagsama ang dalawang gunggong!" Napapangising wika nina Jin at Rukawa kina Kiyota at Sakuragi. "Tumahimik kayo diyan Jin at Zoro!!" Sabay na tugon naman nina Sakuragi at Kiyota sa sinabi nina Jin atbRukawa. "Teka, magkakakilala kayo?" Tanong naman ni Dave kay Sakuragi. "Oo Dave. Sila yung nakalaban namin noon sa District Tournament pati na sa Interhigh Tournament. At nilampaso ko na rin silang lahat!" Tugon naman ni Sakuragi kay Dave pagkatapos ay tumawa ito nang malakas. Mayamaya ay may dumating na isang magandang babae at lumapit ito kay Fujima. "Aba! Sino iyan Fujibu? Chiks mo ba iyan?" Napapangising tanong ni Sakuragi kay Fujima. "Tumahimik ka diyan Unggoy!! Siya si Rica Ayumi, ang Team Manager ng Kanagawa Rising Sun!!" Pang-aasar muli ni Kiyota kay Sakuragi na may kasamang pagpapaliwanag. At dahil sa sinabi ni Kiyota ay natahimik si Sakuragi. Ilang sandali pa ang lumipas ay dumating na ang Head Coach ng Kanagawa Rising Sun na si Coach Riyu Osaka at napatingin ito sa mga bagong member ng Team. Aba! Mukhang may mga bagong mukha dito sa Team ah!!?.." Wika ni Coach Osaka sa mga bagong member ng Team. Mayamaya ay muling nagsalita si Coach Osaka at nagwika ito ng; "Players, assemble!" Wika ni Coach Osaka sabay palakpak nito ng dalawang beses. "Magandang hapon sa inyong lahat lalong-lalo na sa mga bagong member ng team. Ako nga pala si Riyu Osaka, ang Head Coach ng Kanagawa Rising Sun..." Panimulang wika ni Coach Osaka sa mga player. "Nais ko rng ipakilala sa inyo lalong-lalo na sa mga bagong member ng team si Mis Rica Ayumi, ang Team Manager ng Kanagawa Rising Sun! At ang akin namang Assistant Coach ay si Kenji Fujima!" Dugtong pa ni Coach Osaka sa kanyang sinabi. "Okay! Mga bagong member ng team, maaari ba kayong magpakilala sa amin isa-isa?" Muling wika ni Coach Osaka sa mga bagong member ng team. At sa pagkakataong iyon ay isa-isa nang nagpakilala ang mga bagong player ng Kanagawa Rising Sun. "Magandang araw sa inyong lahat! Ako si Eiji Sawakita, 3rd Year. Position, Power Forward." Wika ni Sawakita. "Kaede Rukawa, First Year, Position, Small Forward at kahit anong position ay nilalaro ko!" Wika naman ni Rukawa. "Dave Ishida First Year, Position, Center!" Wika naman ni Dave. "Nobonaga Kiyota, First Year, Position, Small Forward!" Wika naman ni Kiyota. "Akuma Togashi, First Year, Position, Point Guard!" Wika naman ni Akuma. "Jay-Ar Hachimura, First Year, Position, Shooting Guard!" Wika naman ni Jay-Ar. "Kenzo Borusome, First Year, Position, Point Guard!" Wika naman ni Kenzo. "Hanamichi Sakuragi, First Year, Position, Power Forward. ATV Kahit anong position ay nilalaro ko!" Wika naman ni Sakurgi. At sa pqgkakataong iuon ay namangha sina Jay-Ar at Akuma sa sinabi ni Sakuragi. "Diba siya yung hijirang na Number 1 High School Basketball Player sa buong mundo?" Wuka ni Akuma. "Tama ka sa sinabi mo Akuma. At si Sakuragi rin ang naging MVP Sa Inteehigh Tournament!" Tugon naman ni Rica kay Akuma. "At saka nandito rin ang Best Point Guard ng Interhigh Tournament na si Kenzo Borusome na nakasama rin sa Mythical 10 ng Interhigh Tournament. At kasama pa nila sina Kaede Rukawa at Eiji Sawakita na kapwa nakasama rin sa Mythical 10 ng Interhigh Tournament. At nandito rin ang isa sa pinakamabilis na Small Forward sa Distrito ng Kanagawa na si Nobonaga Kiyota!" Paliwanag naman ni Kay-Ar. "Kung gano'n ay nandito pala ang magagaling na Player na sina Kenzo, Rukawa, Sawakita, Kiyota, at Sakuragi! Nice!" Wika ni Coach Osaka habang nakayingin sa lima. "Mukhang kilala na talqga tayo rito?" Wika ni Sawakita sa apat.. "Hindi na nakapagtataka iyan Pre dahil sinubaybay nila ang mga laro natin noong nasa High School pa tayo!" Tugon naman ni Kiyota kay Sawakita. "Coach Fujima, may naisip akong magandang gawin ngayong hapon na ito. Ano kaya kung magkaroon tayo ng practice game para masubukan natin ang kakayahan ng mga bagong member ng team?" Wika ni Coach Osaka kay Fujima. "Ayos iyan Coach para mapag-aralan na nila ang galaw ng isa't-isa. At.para makita na rin natin ang laro nina Dave, Jay-Ar, at Akuma. Wala pa kase akong masyadong data tungkol sa kanila!" Sabat naman ni Rica sa usapan. "Kung gano'n ay magsagawa tayo ng Practice Game ngayon din!..... New members laban sa mga dating Members ng team." Wika ni Coach Osaka sa mga player. At sa pagkakataon ngang iyon ay nahati sa dalawang grupo ang mga player ng team. Sa Team A ay naroon ang mga dating member na sina, Sendoh, Maki, Fujima, Fukuda, Jin, Hanagata, at Harikawa Harimoto. Sa Team B naman ay naroon sina Sawakita, Rukawa, Kenzo, Sakuragi Kiyota, Dave Ishida, Jay-Ar Hachimura, at Akuma Togashi.. "Pumili na kayo ng magiging First 5 ninyo para masimulan na natin ang Practice Game!" Wika ni Coach Osaka. At sa pagkakataong iyon ay nag-usap-usap na ang mga players ng magkabilang Team. At pagkalipas ng isang minuto ay napagkasunduan ng Team B na ang kanilang magiging First 5 ay sina Kenzo, Hachimura, Sakuragi, Kiyota, at Ishida. Ang magiging First 5 naman ng Team A ay sina Maki, Jin, Sendoh, Fukuda, at Hanagata. Pagkalipas ng ilang sandali ay nagtungo na ang First 5 ng magkabilang team sa gitna ng court para simulan ang laro. At sa magaganap na Practice Game ay dalawang Quarter ang itatagal ng laro, atb10 minutes kada Quarter. "Mukhang magandang laban ito?.. At sa muling pagkakataon ay magtatapat ang magkakalaban noon sa District Tournament sa isang practice match na magaganap ngayon!" Wika ni Mito habang nakatingin sa gitna ng Court. At sa pagkakataong iyon ay si Coach Osaka ang magiging Referee sa magaganap na Practice Game. Ilang sandali pa ang lumipas ay pumuwesto na sina Hanagata at Ishida sa gitna para sa Jump Ball. At sa mga oras na iyon ay mababakas kay Dave ang sobrang kaba. At nang inihagis na ni Coach Osaka ang bola sa ere ay sabay na tumalon sina Hanagata at Ishida. "Amin ang unang possession!!!" Sigaw ni Hanagata sabay dukot jito ng bola sa ere ngunit ang bola ay mabilis namang natapik ni Ishida. At ang bolang natapik ni Ishida ay sakto sa direksyon ni Kenzo kaya't mapupunta sa Team B ang unang possession. Habang idinidribble ni Kenzo ang bola ay mahigpit ang dipensang ipinamamalas ni Maki sa kanya. Mayamaya ay napansin ni Kenso na humihingi ng pasa si Hachimura kung kaya't mabilis namang ipinasa ni Kenzo ang bola kay Hachimura. Pagkasalo ni Hachimura sa bola ay nakita nito na mabilis na tumakbo si Sakuragi patungo sa ilalim ng ring kung kaya't mabilis na inihagis ni Hachimura ang bola patungo sa ring. At ang ginawa ni Sakuragi ay hindi napansin ni Sendoh kung kaya't malaya itong nakapunta aa ilalim ng ring habang si Ishida naman ay inagaw ang atensyon ni Hanagata upang malayang maisagawa ni Sakuragi ang kanyang plano. "3 Point Shot!!?" Nagtatskang wika ni Harikawa sa kanyang sarili habang nakaupo sa bench ng Team A. "Sablay iyanng 3 Point Shot mo Hachimura!" Napapangising wika ni Jin kay Hachimura. "Eh hindi naman 3 Point Shot ang ginawa ko eh!" Napapangising tugon naman ni Hschimura kay Jin na ikinagulat naman nito at ng mga kakampi ni Jin. At nang malapit na ang bola sa ring ay mabilis na tumalon si Sakuragi at dinukot nito ang bola sa ere sabay dakdak nito ng hola sa ring. At dahil sa pangyaysring iyon ay nagulat ang lahat sa ginawa ni Sakuragi. Sa pagkakataong iyon ay humanga naman ang lahat kay Hachimura sapagkat psrang alam na nito kung ano ang gagawin ni Hanamichi. At ang ginawa ni Ishida na kunin ang atensyon ni Hanagsta ay naging ipektibo rin kaya naman malayang nakagaws si Sakuragi ng Easy Allley-oop Dunk. Ang score sa pagkakataong iyon ay 2 - 0 in favor of Team B. 9 minutes and 25 seconds nalang ang nalalabing oras sa First Quarter.....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD