Naramdaman ko ang pag haplos sa labi ko na dahilan para magising ako. I opened my eyes and i saw Carter, smiling sexily at me.
“We're here, Elli.” He softly said. Tumingin ako sa paligid na pikit pa ang isang mata. Yah... we're here sa tapat ng studio. It's a very long and tiring byahe, though di naman ako nag drive. But still ang mahabang byahe ang nakakapagod.
“Ipasok na natin ‘yung mga gamit, tapos pwede ka nang umuwi.” I instructed.
“Okay, Ma'am.” He playfully said making me smiled, weakly.
Sabay na kaming bumaba ni Carter ng kotse at isa-isang pinasok yung gamit sa Studio at nang magawa namin ‘yon. Umupo muna ‘ko sa desk ko at ‘di maiwasang mag hikab. Nakakapagod talaga.
“Mag iistay ka pa ba dito?” Carter asked.
“Yah.”
“Samahan na muna kita.”
“’Wag na, mag pakita ka na muna sa pamilya mo.”
“Are you sure?”
“Mmm...hmm!” I hummed saying yes. He bends down his face on me, kissing my lips. I respond, willingly.
I'm now officially addicted to his lips.
“Guys?” We stopped the kiss right away as we heard Claire’s voice. Sabay kaming tumingin sa direksyon niya at napatayo ako sa gulat. Kung anong reaksyon ko ngayon, gano’n din siya halatang gulat na gulat sa nakita niyang paghahalikan namin. f**k! We are sooo dead!
“What the hell is happening?” She asked shockingly.
“Uh...” I don’t know what to say. Biglang umakbay si Carter sa’kin kaya napatingin ako sa kanya.
“Hindi na natin maitatago, nakita na niya tayo eh.” He calmly said.
“Maitatago ang alin?” Claire asked both of us.
“Carter umuwi ka, ako ng mag e-explain kay Claire.” I said.
“Let's explain together.”
“No! Go home, nakakailang kung nandito ka.”
He just nodded, looking at both of us. Tinangal niya ‘yung pagkakaakbay sa’kin at hinawakan niya ‘ko sa chin ‘saka hinalikan na naman ako sa labi. Bumitaw naman din agad ako sa halik na ‘yon.
“Ano ka ba nandito si Claire!!” I scolded him making him laughed softly. Loko talaga, akala niya ata nag bibiro ako.
“Nakita na niya tayo, so what’s the point of hiding it to her?”
Sinamaan ko lang siya ng tingin.
“Okay, sige na uuwi na ‘ko.” He gives up.
Nag simula na siyang mag lakad pero nang madaanan niya si Claire ginulo lang nito yung buhok ng kapatid niya.
“I can explain that!” I said nang mawala na si Carter sa paningin naming dalawa.
“Ha! Dapat lang ‘no!” She said and crossed her arms. She's mad!
“Uh... I don't know how to start.”
“May nangyari ba sa inyo sa Baguio?” She started to ask.
I bite my lower lip, nodding my head.
“Elli bakit ka pumayag? Playboy siya nakalimutan mo na?”
“Hindi ko nakalimutan ‘yon.”
“May girlfriend siya, alam mo ba ‘yon?”
“Oo.”
“Then bakit ka pumayag?”
“I like him!”
“Siya gano’n din ba?”
“Well, sabi niya, oo.”
“Naniwala ka?”
“Oo, seryoso naman mukha niya nung sinabi niya ‘yon.” Why do i feel like pinapagalitan ako ng Nanay ko?
“Gusto ka niya pero may girlfriend siya?” Huminga siya ng malalim. “Look, Elli nasabi ko na ‘to dati. Wala akong problema kung maging kayo ni Kuya pero ‘yon ay kung matino siya! Kaso hindi eh, playboy siya at may girlfriend. Elli ayaw kitang masaktan, kung noon pa nga lang kahit wala kang jowa parang ang bitter mo na sa love na ‘yan ngayon pa kayang nag kagusto ka sa playboy kong kapatid?”
“Sinubukan ko namang iwasan eh, dalawang linggo ko siyang iniwasan. Pero parang ‘yon pa ang naging way para lalo ko siyang magustuhan dahil namiss ko siya.”
“Na miss eh, magkasama naman kayo lagi dito?”
“’Yon na nga eh, mag kasama kami lagi dito. Nagkikita pero ‘di nag uusap maliban nalang kung tungkol sa trabaho. ‘Di ko maiwasan mamiss siya, ‘yung halik niya mga hawak niya—“ Dali-dali akong huminto sa pag sasalita. Shocks! Nagtuloy tuloy ako sa pag kukwento.
“Wait! Na mimiss ang mga hawak? So it means, maliban sa Baguio meron pang na unang mga nangyari?” She asked confused, shocked at the time.
“Oo.” I said looking down. Tanga ko rin talaga minsan eh.
“Oh my God!!! Ilang beses bang may nangyari sa inyo at kailan to lahat nag simula?”
“Uh… ang first namin ay sa bahay n’yo.” I shyly said.
“When was that?”
“No’ng unang beses na magkakilala kami.”
Her mouth fell. “Whaaaaaat?? Why didn't you tell me?”
“Kasi alam kong magagalit ka, hindi pa kayo ayos nun ni Carter at alam kong ‘pag nalaman mong may nangyari sa’min lalo kang magagalit sa kanya.”
Diyos ko blood pressure mo, Claire!
She sighed. “Okay continue.”
“Our second was uh… at my Unit. ‘Yon ‘yung gabing hindi siya umuwi.”
“Saan pa nga ba?” May pag sarkastiko niyang sabi.
“Our third—“
“Third!!” Pagsisingit niya. “What the hell, ilan ba ‘yan?”
“Uh… medyo madami kasi alam mo naman ‘yung kapatid mo ang..”
“Hot?”
“Hot and good kisser.” Urgh! I really feel liberated!
“Whatever, continue.” She said sighing.
“Well, our third was... here in my studio at the... comfort room.”
“Comfort room? Are you serious?!!!! What the... ‘di manlang ninyo natiis umuwi muna? Or mag check in?”
“Uh... nag selos kasi siya kay Vince, not totally na nag selos, ano lang uh... he just thought Vince only wants into my panties which is tama naman pala siya. Kaya ayun, nadala na rin sa moment no’ng mga sinasabi niya kaya... may nangyari.”
“Si Kuya ba ‘yung dahilan kung bakit ‘di kayo nag work ni Vince?” Seryoso niyang tanong.
“Not just your brother, talagang ang gusto lang sa’kin ni Vince ay yung virginity ko na ang ‘di niya alam nakuha na ng kapatid mo."
“Paano mo naman nalaman ‘yon?”
“May nag sabi sa’min na tingin ko ay ex niya, at inamin din naman ‘yon ni Vince.”
“Bakit ba ganyan ang mga lalakeng nagkakainterest sa’yo?” She comments bitterly.
“I don't know, either.”
“Okay, continue.”
“Ang pang apat ay dito ulit, no’ng birthday niya at ‘yon din ang gabi na nagkalabo na kami ni Vince. I was tipsy and i missed him so much, kaya ‘di ko na napigilan.”
“Utang na loob sana naman Baguio na ang kasunod.”
“Oo, ‘yon na ang sunod.”
She sighed heavily. “Alam mo kung nasa normal situation tayo baka magtatatalon pa ‘ko sa tuwa dahil ‘yung best friend ko at brother may chance na maging mag boyfriend at girlfriend kaso hindi eh. May girlfriend si Kuya, masasaktan ka r’yan sa setup n’yo.”
“I actually asked him na kung mag dedemand akong hiwalayan niya yung girlfriend niya, gagawin ba niya? Sinagot naman niya ‘ko ng gagawin daw niya para sa’kin.”
“Sinabi niya ‘yon?” Tumango lang ako. “Okay, since… mukhang wala na ‘kong magagawa dahil gusto mo na ‘yung kapatid ko at diyos ko lord naka lima na kayo sa pag se-s*x, hahayaan ko na kayo. Pero utang na loob pag nag away kayo o sinaktan ka niya sabihin mo sa’kin, ako ang re-resbak. Understand?”
“Okay.” Matipid kong sabi.
“No more secrets about you and Kuya! Okay?”
“Oo, pangako.” I said nodding.
Niyakap niya ‘ko ng mahigpit. “Uuwi na ‘ko para si Kuya naman ang masermunan ko at mapagbantaan.” She whispered.
“Okay.” I said tapping her back.
Bumitaw siya sa pagkakayakap sa’kin at bumeso lang ‘saka nag simulang lumabas ng Studio.
Pag kalabas niya umupo ako sa desk ko at para akong nakahinga ng maluwag. Feeling ko nakipag usap ako sa isang military officer, nakakaloka! Pero okay na rin ‘to, nahihirapan na rin naman akong mag lihim sa best friend ko.
Nakakailang lang dahil sa gano’ng sitwasyon pa niya nalaman.
Mmm... ano kayang isesermon niya kay Carter?
I decided na umuwi na maliban sa nakakapagod ang mahabang byahe, ‘di pa rin nawawala sa isip ko ‘yung pag uusap namin ni Claire na talaga namang ikinawindang niya.
Nakakawindang naman talaga ‘yon ‘di ko siya masisisi.
Nang makauwi ako sa Unit ko, dumiretso ako sa kama ko at ibinagsak ang katawan ko habang hawak hawak ko lang ‘yung cellphone ko. Gusto ko kasing tawagan si Carter kaso, nahihiya ako baka kausap pa siya ni Claire.
Until i heard my cellphone ring. Tinignan ko agad kung sino ‘yung tumatawag at ang nakita ko ay si Claire.
“Hello?” I answered it.
“I just call to informed you na, ikaw ang background picture sa desktop ni Kuya.” Pag babalita niya.
My mouth fell, grinning widely like an idiot. “Really?”
“Yah! ‘Yon lang tinawag ko, ‘wag kang masyadong kiligin d’yan!”
“Too late.” I said giggling.
I heard sighed. “Okay, ibaba ko na ‘to. Bye.”
“Bye.” She ended the call.
Oh my gosh!! Like seriously?? Ako ang background picture niya sa desktop. Oh my God!!! I'm super, kilig. Hihi!
I heard my cellphone ring again and this time si Carter na ang tumatawag.
“Hello?” I answered trying to hide my kilig.
“Claire, warns me na kapag pinaiyak daw kita magkakalimutan na daw ulit kami.” He informed making me giggle. Seryoso pala talagang pagbabantaan niya ‘yung Kuya niya ah.
“Anong sagot mo do’n?”
“I told her, don't worry.”
“Mmm...” i just hummed.
“What are you thinking?”
You! “Wala.”
“Pwede ba ‘kong makitulog dyan ngayon?”
I chuckled. “’Di ka ba nagsasawang kasama ako?”
“No, never!” Oh sabeeeh!
“’Wag na muna, matulog ka muna r’yan. Bukas nalang.”
“Okay, sabi mo ‘yan ah!”
“Oo na!”
“Okay, goodnight Elli.”
“Goodnight Carter.”