Nagising ako hindi dahil sa alarm ng cellphone ko kun’di dahil sa ring ng ring ng ring ng ring ng ring yung cellphone ko na patunay na may tumatawag.
Kinapa ko ‘yon mula sa side table ko at sinagot ‘yung tawag nang hindi na nag abalang tignan kung sino yun.
“Hello?” I answered it with my kagigising lang na boses.
“Elli, nasa labas ako pag buksan mo ‘ko!” That's Carter’s voice. Hey!! Yes i like him pero, wala namang gisingan ng maaga! Pambihira naman oh!
“Okay, coming.” Bumangon na ‘ko sa kama ko at nag unat ‘saka kinuha ‘yung eyeglass ko at sinuot ito.
Lumabas na’ ko ng kwarto ko at nag lakad para pag buksan si Carter ng pinto. Pag bukas na pag bukas ko hinalikan niya agad ako sa labi ng walang pagbati, ‘saka dirediretso sa pag pasok ng Unit ko.
Sinundan ko nalang siya hanggang sa kusina. “Good morning.” I greeted him.
“Good morning.” He greeted back, smiling. Inihanda niya ‘yung binili niyang breakfast na paniguradong galing sa fast-food ulit dahil may logo pa ng pinag bilhan niya.
Pagkatapos niyang asikasuhin ‘yung binili niyang breakfast, nag timpla naman siya ng coffee sa isang tasa. Pinanuod ko lang siya sa bawat kilos niya hanggang sa matapos siya at inilapag niya sa tapat ko ‘yon ‘saka tumabi sa’kin. “Kain na tayo.” Sabi niya.
Pagkasabi niya nun, nag hiwa siya ng pancakes gamit ang tinidor at isinubo naman sa’kin. Kinain ko naman ‘yun at hinipan muna ‘yung coffee ‘saka ininum.
“Wala ka bang kasabay mag breakfast sa inyo kaya nandito ka?” Tanong ko.
“Meron naman, gusto lang talaga kitang pakainin ng breakfast kasi naman, alam kong ‘di ka kumakain dahil ‘di ka marunong mag luto. Parang napaka walang silbe ng ref mo dahil puro drinks lang naman ang laman.”
“Sorry naman ah!” Sarkastiko kong sabi.
Ngumisi lang siya sa sinabi ko. Nag hiwa ulit siya ng pancakes at sinubuan ako.
“Gusto mo ba ‘yung mga babaeng marunong magluto?” I asked chewing.
“Bakit kapag sinabi ko bang Oo, mag aaral kang mag luto?” Laking ngisi nitong tanong habang ngumunguya at nakatingin sa mga mata ko.
“H-Hindi ‘no!”
“Liar!”
I slapped him on his arm, making him laughed. Inagaw ko nalang sa kanya yung tinidor at ‘di na pinansin ‘yung pag tawa niya sa’kin. Kumain lang ako ng kumain, halos sunod sunod nga ‘yung pag subo ko eh.
“Dahan dahan baka mabulunan ka.” He said amusingly.
“Like you care!” I said chewing.
“I do care Elli, you know that.”
Yah, i know that. I know din na ako ang backgroud picture mo sa desktop mo. Haha!
He gives me a smack kiss. I blink at him, wanting him more to kiss me. Kaso puno pa yung bibig ko ng pancakes.
He smirks at me, sensing my thoughts. Hinalikan niya ulit ako ng smack sa labi, sunod ay yung leeg. My body heat up in pleasure. Shocks! Ganto na epekto ng halik niya sa’kin.
“Pwede na ba kitang paliguan ngayon, Elli?” He asked kissing my neck. Nabulunan ako sa sinabi niya kaya dali dali akong tumayo at kumuha ng tubig sa ref.
Pambihira talaga! Bakit ba trip niyang paliguan ako? Ano ako bata?
Nang makainum ako hinarap ko na ulit si Carter na todo tawa dahil sa nangyari sa’kin. Pambihira! Paano kaya kung namatay ako dahil pag ka-choke ? Tatawa pa kaya siya ng ganyan? Ang sarap din talaga minsan nitong batukan eh.
“Alam mo umalis ka nalang kung pagtitripan mo lang naman ako!” Irita kong sabi.
Pumito lang siya na tila namangha pa sa sinabi ko. “Ang cute mo talaga pag nagtataray.”
I rolled my eyes. “Mag shashower na ‘ko.” Aakma na sana ako sa paglalakad pabalik ng kwarto ko bigla naman niya ‘kong pinigilan sa pamamagitan ng pag hawak sa bewang ko at pilit na pinaharap sa kanya.
Nakatitig lang siya sa mga labi ko, ‘yung titig niya parang nagsasabing gusto-kitang-halikan-hanggang-magsawa-ako. Gosh! I want that too. Urgh! Ang dirty ko na talagang mag isip.
Hinawakan niya ‘yung mga kamay ko at inilagay niya ‘to sa mga balikat niya. He slowly bends down his face to kiss my lips, i respond making him moan. Wow! Kaka-respond ko palang nag moan na siya, mukhang gumagaling na ‘kong humalik. Malamang siya kasi ang teacher ko.
I feel his hand going up at my breast. I break the kiss, pulling away his hand. “No! Mag pigil ka muna puwede?” I said.
“Why?” He asked amusingly.
Bakit nga ba?
“Well... uh... dahil sinabi ko!” ‘Di na puwedeng ‘pag gusto niya bigay agad, pakipot din minsan.
“Gusto ko talaga pag nagpapakipot ka!”
I rolled my eyes. “Mag sha'shower na ‘ko.”
Nag simula na ‘kong mag lakad papunta sa kwarto ko, pero narinig ko pa na may sinabi siya. “Bilisan mo ah, kung hindi papasukin kita.”
Manyak talaga!
Gwapong manyak!
Kinuha ko agad ‘yung towel ko pagpasok ko sa kwarto, itinabi ko muna ‘yung eyeglass ko then diretso bathroom na.
Nang matapos naman akong mag shower, lumabas ako ng bathroom ng nakatapis lang. Nakita ko si Carter sa kama ko na feeling at home lang na nakahiga sa kama ko, habang nakapikit.
‘Di ko na inisip na gisingin pa siya kung natutulog man siya, baka kasi bigla na naman siyang makaisip ng kalokohan at magustuhan ko na naman eh.
Nag bihis nalang ako ng casual wear ko, T-shirt and jeans. Sinimulan ko ng mag patuyo ng buhok gamit ang blower ko. Tumingin ako mula sa reflection niya sa salamin ko, nakatitig lang din siya sa’kin.
“Bakit ka nakatitig?” Tanong ko.
“Wala, ang sexy mo lang talaga sa paningin ko.” He said smirking, lightly.
“Siraulo!” Nag focus nalang ako sa pagbo-blower ng buhok ko, hanggang finally matapos ako.
Kinuha ko lang lahat ng kailangan ko then tumingin na ulit sa lalakeng napaka gwapong nakahiga sa kama ko. “Alis na tayo?” Tanong ko.
I honestly never imagined na may makakahigang gwapong nilalang ng diyos ang makakahiga sa kama ko.
Bumangon na siya ng kama ko at lumapit sa’kin, hinawakan niya yung dalawang kamay ko at hinalikan ito ng hindi inaalis ang tingin sa mga mata ko. Bakit ang sweet niya?
Hinila na niya ‘yung kamay ko palabas ng kwarto ko. Buti nalang at ‘di na siya nakaisip ng kapilyuhan dahil baka matagalan pa kami sa pag punta sa studio.
Mag kahawak kamay kaming naglakad ni Carter papunta sa parking, we head straight to his car. Pinilit niya na ‘yon na ang gamitin namin since naipangako ko naman daw sa kanya kagabi na sa Unit ko siya matutulog ngayong gabi.
Pagkasakay namin sa kotse niya, sinimulan naman agad ang byahe hangang sa finally nakarating kami ng studio.
Dumiretso kami sa kanya kanya naming desk at nag paka professional. Siya bilang assistant ko at ako bilang boss niya.
Mabilis lang na lumipas ang oras dahil sa dami ng ginawa namin, lalo na sa pag pi-print ng mga kinuha naming litrato ni Carter sa Baguio, and sa’kin sa bills and kay Carter naman nililinis niya yung nga ginamit namin, hanggang sa dumating ang oras ng uwian!
“Elli, alis na tayo?” Carter asked.
“Okay.” Kinuha ko lang ‘yung bag ko at ‘yung envelope na naglalaman nung salary ni Carter. Inasikaso ko ‘to kanina habang inaasikaso ko ‘yung bills dito sa studio.
“Here…” Inabot ko ‘to sa kanya.
“Ano ‘to?” Pagtataka niya.
“Sahod mo.”
“Oh!!” He sounded surprised, looking at the envelope. “Hindi ko alam kung saan ‘to gagastusin.”
“Edi bilhin mo lahat ng gusto mo or ilibre mo si Claire or si Tita.”
Inilagay niya lang sa bag niya yung sahod niya ni hindi manlang tinignan kung magkano. “Mag sara na tayo, may naisip na ‘kong pagkakagastusan ng sahod ko.” Excited niyang sabi. He grabbed my hand, walking straight outside my studio.
Sinimulan na niyang mag sara at nang magawa niya ‘yon nag lakad na kami papunta sa kotse niya.
“Saan ba tayo pupunta?” Tanong ko pagka sakay namin ng kotse.
“Mag di-date!” He said starting the engine. Date!! Oh my GOD! I'm going on a date with Carter, again! Oh i love that idea!
Sinimulan na namin ang byahe papunta sa… hindi ko alam. Basta date ‘to ‘yon ang alam ko. Kung saan man ‘to sasama ako, ‘wag lang sana niya kaming dalhin sa hotel para mag check in dahil baka masasapak ko talaga siya.
Isang malaking luwag sa dibdib ko ng sa Mall kami ni Carter pumunta. Haay! Buti na lang.
Hawak hawak lang niya ‘ko sa kamay ko na para kaming mag jowa, kaya yung girls na humahanga sa kagwapuhan ni Carter ‘di maiwasang pag tinginan kami— i mean, siya lang pala.
“Ano palang gagawin natin dito?” Tanong ko.
“Bibile muna ako ng camera.”
“Camera? Para saan?”
“Para may camera rin ako, nasa States kasi yung camera ko.”
“Wait!! May Camera ka sa States? Were you really into, photography?” Naalala ko kasi bigla na, noong bago palang siyang assistant ko eh may alam na agad siya pag dating sa mga tools at kailangan sa isang shoot. Tapos ngayon, bibile pa siya ng camera.
“Yah! I was. Actually nag aral ako no’n ng isang semester. Bumalik lang ulit yung hilig ko dahil sa pagtatrabaho sa’yo.”
“Bakit isang sem lang?”
“Uhm... Do you really want to know?” He asked. Kita sa itsura niya na nag he-hesitate siyang ikwento ‘yon.
“Yah i do.”
“Well uh... Margaret wants me to stop.”
“Margaret? Yung—“
“Siya nga.” Pagpuputol niya sa sasabihin ko. Bakit naman siya pinahinto nung Margaret na ‘yon? At bakit siya sumunod? Wait— gaano na ba sila katagal?
“Gaano na kayo katagal nung Margaret na ‘yon?”
“Six years.”
My mouth fell, shockingly. Like seriously? Playboy siya pero may six years girlfriend siya? Kaya naman pala niya sinunod ‘yung sinabi ni Margaret na itigil ang pag kuha ng Photography, dahil ang tagal na nila at puwedeng malalim talaga ang relasyon nila.
Paano nga kaya kung i-demand ko ng hiwalayan niya ‘yung babae? Gagawin ba talaga niya? Sa tagal nilang ‘yon i don't think na gagawin nga niya.
s**t! Masyado ata akong natuwa sa nalaman kong gusto rin naman niya ‘ko at nawala na sa isip ko kung gagawin niya ba talaga ‘yon. Gusto nga naman ba niya ‘ko or baka sinabi niya lang ‘yon dahil wala naman dito si Margaret? Playboy siya kaya hindi posibile ‘yon.
s**t! Parang bigla akong nawala sa mood. Gusto ko nalang umuwi.
Bumitaw ako sa pagkakahawak niya sa kamay ko at huminto sa paglalakad. Huminto rin siya at tumingin sa’kin. “May problema ba?” Tanong niya.
“Actually gusto ko nalang umuwi, ikaw nalang bumile.” Plano ko na sanang mag lakad palayo pero bigla siyang humarang sa daan ko para pigilan ako.
“Hindi pa nga nag sisimula date natin uuwi ka na?” Pagtataka niya.
Hindi nalang ako sumagot, ayaw ko nalang din talagang sumagot. Umiwas nalang ako ng tingin.
“Dahil ba ‘to kay Margaret?” He asked, sensing my thoughts. Hinawakan niya ‘ko chin at pilit na pinatingin sa mga mata niya. “Elli, she's just now part of my past. We're done.”
I blinked at him, shockingly. “W-wala na kayo?”
“Yah!” Oh my GOD! “You asked me before, ‘pag nag demand ka na hiwalayan ko siya gagawin ko ba? Sinabi kong Oo ‘di ba? Kaya ginawa ko na bago mo pa tuluyang i-demand sa’kin.”
Oh my GOD!!
I don't know what to say, masyado akong kinikilig para makapag salita. Masyado akong masaya para makapag salita. Oh Gosh!! Ginawa talaga niya, kahit di ko pa tuluyang sinasabi!
“Tuloy pa ba date natin o uuwi ka na?” Tanong niya ulit.
“Well since...” I bit my lower lip, leche talaga kinikilig ako. “...since mukhang gusto mo’ tong matuloy edi sige, ituloy na natin.”
He grins, chuckling a little. “Ang cute mo talaga pag kinikilig, it makes me feel wanting to lay you on my bed.”
I rolled my eyes. “Manyak talaga.” I comment dryly. He just laughed at my words. Atleast ‘tong manyak na ‘to, nakikinig sa’kin. Hihi! Syete talaga Carter, anong ginagawa mo sakin?
Bigla niya 'kong inakbayan at nag simula siyang maglakad kaya napalakad na rin ako. Hangang sa nakarating kami ni Carter sa bilihan ng camera at hinayaan ko siyang mamile ng gusto niya kasi mukhang alam naman niya kung anong ginagawa niya at ‘di na niya kailangan ng advice ko. I wonder, ano kayang mas gusto niyang kuhanan ng litrato, portrait or landscape?
“Carter this is out of curiosity, ano mas gusto mong kuhanan portrait or landscape?”
“I'm into landscape.” He answered, not bothering himself to look at me. Busy siya sa camera eh. Tumingin siya sandali sa’kin at ngumiti na naman ng pilyo na tila may naisip na naman. “Gusto kong na cu-curious ka about sa’kin, ang hot nun.”
I raised my eyebrow, amused. “Para ka talagang sira!” Lagi nalang talaga kapilyuhan ang lumalabas sa bibig niya.
“Here, i want to buy this.” Sabi ni Carter do’n sa tendera na kung makahawi ng hair at makangiti akala mo close sila. “’Wag mo na ilagay sa lagayan yung camera, gagamitin ko kasi kaagad.” Carter added.
Saan naman niya ‘yon gagamitin ngayon?
Kinuha ni Carter yung wallet niya at inabot nito yung credit card niya. Akala ko gagamitin niya yung sweldo niyang nakuha sa’kin. Hindi pala. Kung sabagay kulang naman ‘yon sa napili niyang camera.
“Elli…” Carter called, i looked at him. I blinked as the flash of camera flashes through my eyes.
What the… “What are you doing?”
“Taking pictures of you.”
“Why for?”
“Ikaw ang una kong gustong kuhanan eh.” Okaaaaay, unexpected ‘yon.
Kinuhanan na naman niya ako kaya napapikit na naman ako do’n sa flash. Haay!
“Carter, enough!! hindi ako model type.” I scolded.
“I know, ang pangit mo nga dito eh.” Natatawa niyang sabi habang nakatingin do’n sa kuha niya sa’kin. Ay grabe siya!!! Sabihan daw ba ‘ko ng pangit?? Oo na!! Pangit na ‘ko, kailangan sabihin pa ‘yon? Wala ‘tong kiss mamaya!
“Patingin nga!” Pilit kong tinignan kung anong itsura ko do’n camera niya pero itinaas niya lang ‘to.
“Ayoko nga!” Grabe siya!
Nang maibalik kay Carter ‘yung credit card niya, hinala na niya ‘ko paalis ng shop. Saan naman kami ngayon pupunta?
Hinila ako ni Carter hangang sa makarating kami sa isang kainan. Yey! Food!
“Good evening Sir, may reservation po ba kayo?” Tanong nung isang staff sa restaurant.
“Wala, one table for me and for my girlfriend.” Girlfriend!!! Oh Gosh!! He called me his girlfriend! Carter called me his girlfriend!
“This way, Sir.” Inassist kami nung staff papunta sa table hangang sa makaupo kami. Kinuha rin naman agad nito ang order namin, nang mabigay namin ‘yon umalis din naman siya agad.
Habang hinihintay namin ang order, ‘di ko maiwasang tumingin kay Carter dahil sa sinabi niya kaninang girlfriend niya ‘ko. Shocks! ‘Yon na ata ang pinaka magandang lumabas sa bibig niya, well maliban sa sinabi niyang gusto niya rin ako syempre.
“Carter’..” i called him.
“Hmm?” He just hummed, nakatitig lang siya sa Camera niya habang nakangiti na parang baliw. Tinitignan niya siguro ‘yung litrato kong kinuhanan niya kanina.
“You called me your girlfriend, do you mean that?” I asked shyly.
He looked at me. “Yah i do, ayaw mo ba?”
Are you kidding me? Ako aayaw do’n? Malayong mangyari ‘yon, choosy pa ba ‘ko nito? Gusto niya ‘ko at hiniwalayan niya ‘yung girlfriend niya para sa’kin, though parang ang pangit pakingan dahil parang naging dahilan ako ng break up pero may ibang boyfriend din naman yung girl at nasa States pa so, ayos na rin.
“I do want that.” I said nodding.
He smiles. Tumayo siya at hinila yung upuan papalapit sa’kin at tumabi. Ipinatong niya sa sandalan ng upuan ang braso niya at umakbay sakin ‘saka ako hinalakan sa ulo.
Shocks hindi ako makapaniwala, I'm now Carter's girlfriend.
Langya kinikilig na naman ako. Pang ilan na ba ‘to ngayong araw? Kota na ata siya ah! Hihi!
“Don't bite that lip Elli, baka makalimutan kong nasa public place tayo.” He whispered, seductively.
I didn't even noticed that i was biting my lip. Kasalanan niya, pinapakilig niya ‘ko eh. “Good girl.” He said laughing softly. Mukhang pinagtitripan pa ‘ko nitong boyfriend ko ah! Hihi!
I glared at him, sweetly. Hindi niya pinansin ‘yung sama ng tingin sa halip, nag pacute lang siya sa’kin. I bit my lower lip to stop my smiles, ang cute po niya talaga!