Nasa studio na kami ngayon ni Carter at nag simula naman agad ako sa trabaho, ako nag pi-print nung mga kinuhanan namin sa shoot kahapon habang siya ang sumasagot ng calls para sa mga clients. Masaya ako at hindi niya ‘ko ginugulo habang nasa office, marunong naman pala siyang maging professional kahit minsan.
Busy ang kalahating araw hanggang sa dumating ang lunch break.
“Elli, may alam akong kainan ng masarap na burger gusto mo bang sumama sa’kin?” Carter asked, excitedly.
“Hindi na, baka malayo.”
“No, malapit lang. Fifteen minutes away lang dito.”
“Hindi na, ikaw nalang. Mamaya pa ‘ko kakain.”
My cellphone suddenly ring, interrupting my conversation with Carter. I answered it without looking at the screen.
“Hello?”
“Hi Ellison, si Vince ‘to. Kumain ka na?” Napatingin ako kay Carter nang malaman ko kung sino ‘yung tumatawag. Nakatitig lang din siya sa’kin at mukhang gustong malaman kung sino ‘yung kausap ko. Pero syempre wala akong planong ipalam na si Vince ‘tong kausap ko. Baka kasi atakihin na naman siya ng… ano nga ba? Pagiging possessive niya? Tama ‘yon ang mas best na sabihin kesa sa selos.
I stand. “Uh... no, not yet.” I said walking straight to comfort room. Para ‘di marinig ni Carter paguusapan namin.
“Since hindi ka pwede ng lunch, baka pwede ka ng dinner?” He asked. I roll my eyes, si Carter ang nag sabing hindi ako pwede kaya siguro babawi nalang ako sa dinner.
“Sige, sure pwede ako mamaya.”
I sense his smile. “Okay, susunduin nalang kita?”
“Uh... maybe itext mo nalang kung saan. Nakakahiya naman kasi kung magpapasundo pa ‘ko.”
“Mas gusto ko nga ‘yon eh, it means more time to be with you.” Hindi siya nag mimintis sa pag bibigay ng compliment ah. Infairness to him.
“Sige.”
“Okay, see you later.”
“Yah, see yah!” I ended the call. Then lumabas na ‘ko ng comfort room, since tapos naman na yung conversation ko kay Vince.
Naglakad na ‘ko pabalik kung nasaan si Carter pero wala na ‘yung presensya niya. Saan na kaya nag punta ‘yon? Baka ayaw na ‘kong piliting kumain ng Burger kaya iniwan nalang ako.
Pero dahil nagugutom na ‘ko, naisipan ko nalang lumabas sandali at bumili ng pwedeng kainin sa malapit lang naman. Pagkalabas ko ng studio i saw Carter sa tabi nung kotse. Nakatalikod siya kaya ‘di pa niya ‘ko napapansin, siguro rin kasi dahil may kausap siya sa cellphone.
So, hindi pa pala siya nakakaalis.
Naglakad ako papalapit sa kanya pero napahinto rin ako agad sa narinig kong sinabi niya do’n sa kausap niya sa cellphone.
“I miss you too babe, i know, i know... I’m really sorry for not calling you back. I'm just really busy at work, babawi ako.” Naglakad nalang ako palayo papunta sa kung saan ako bibile ng kakainin ko.
Nakakaramdam ako ng inis sa sarili ko at para akong sinampal ng katotohanang, may girlfriend pala si Carter. Nakakainis dahil nawala sa isip ko ‘yon, dahil pumapayag pa ‘kong halikan niya at mag talik kami. Nakakainis dahil alam ko sa sarili ko na nagugustuhan ko na si Carter pero may girlfriend naman siya. Nakakainis dahil naramdaman ko ‘to sa may girlfriend!
Dumiretso na ‘ko sa cafe kung saan ako bibile ng makakain and since ayaw ko pang makita si Carter mag iistay nalang muna ‘ko dito habang tinatapos ang lunch break.
Nag order ako lang ako ng isang slice ng cake at cappuccino coffee. Habang sinisimulan ko ng dikdidikin sa inis yung cake— i mean hiwain pala. Mukha ko na kasi siyang dinidikdik sa inis. Nag ring yung cellphone ko, tinignan ko ‘yon at nakita kong si Carter ang tumatawag. Pinatay ko lang ulit ‘yung tawag niya. Wala akong planong sagutin ‘yon, bahala siya sa buhay niya tutal may Babe naman na siya.
Sinimulan ko nalang kainin ‘yung pagkain ko hanggang sa maka-received ako ng text kay Carter.
** Where are you? **
None of your business dude!
Inilapag ko nalang ulit ‘yung cellphone ko sa table at nag focus na sa pagkain at inalis sa isip ko si Carter.
Natapos akong kumain at nag bayad lang ako sandali ‘saka na ‘ko nag lakad pabalik ng Café pero bago pa ko makalapit ng Studio nakita ko si Macky sa ‘di kalayuan, na naka sumbrero. Pero kahit gano’n nakilala ko pa rin siya. What the hell is he doing here?
“Macky?” I called him, making him looked at me.
Humakbang siya papalapit sa’kin pero umatras ako kaya huminto agad siya. The last time na malapit siya sa’kin, pinilit niya ‘kong halikan kaya ‘di ko hahayaang makalapit siya ulit.
He sighed. “Elli, gusto ko lang humingi ng sorry sa ginawa ko sa’yo. Nag selos lang ako nun kay Carter, matagal na kasi talaga akong may nararamdaman sa’yo hindi ko lang siguro matanggap na may Carter ka na. Sorry talaga Elli.” He sincerely said.
Huminga ako ng malalim. “Okay, you're forgiven. But next time na may magustuhan ka ulit na babae, ‘wag mo na ulit ‘yon gagawin. Instead, ipaalam mo ‘yung nararamdaman mo.” Wow! Kailan pa ko natutong mag advice?
“Oo.” He said nodding. “Pwede ba ‘kong lumapit?” Tanong niya.
Pwede ba? Hindi ko alam.
“Ahm…Sige.” Bahala na, nasa kalsada nama kami eh. Wala naman siguro siyang gagawin ‘saka nandito siya para mag sorry kaya malayong gumawa siya ng kalokohan.
Humakbang siya papalapit sa’kin at nag offer ng shakehands. Inabot ko ‘yon at nakipag kamay sa kanya. “Sorry talaga.”
I smiled, weakly. “Wala ‘yon.”
“Hoy freak!!” We heard Carter’s voice, shouting. Sabay kaming tumingin sa direksyon, tumakbo siya papalapit sa’min na akala mo planong patayin si Macky dahil sa sama ng tingin niya. Pumwesto si Macky sa likod ko na halatang natatakot.
Kwinelyuhan niya si Macky nang makalapit siya sa’min. “Anong ginagawa mo dito, freak? Hindi ka ba natatakot na sirain ko ng tuluyan ‘yang mukha mo?”
“Bitawin mo siya, Carter!” I scolded Carter.
“No! Nakalimutan mo na ba kung anong ginawa niya sa’yo?”
“Nandito siya para mag sorry, kaya bitawan mo na siya.”
“Gano’n, gano’n lang ‘yon?”
“Oo!” Patulak siyang binitawan si Macky at sinamaan parin ng tingin.
“S-salamat Elli, aalis na ‘ko.” Macky said. I just nodded my head to him. Nang mag simula na siyang mag lakad palayo sa’min, kaya ako nag lakad na rin pabalik ng studio.
“Elli…” Carter called. Hindi ko siya pinansin at nag lalakad lang papasok ng studio at dumiretso ako sa desk ko.
“Elli..” Carter called again.
“What?!!” I irritatingly asked. Kinuha niya yung silya niya at umupo sa tabi ko.
“Ano na namang ginawa ko at nainis ka sa’kin?” Tanong niya.
“None of your business, dude! Bumalik ka na nga sa desk mo.”
“Ellison—“
“Carter inuutusan kita bilang boss mo! Kaya sumunod ka, utang na loob!” Bulyaw ko, dahil sa ginawa kong pagbulyaw sa kanya biglang sumama ‘yung itsura niya. Mas mabuti na ‘yon para tigilan niya ‘ko.
Binitbit niya ‘yung silya niya at bumalik sa desk niya kaya ako nag focus nalang sa trabaho ko.
Hanggang finally oras na ng pagsara ng shop..
Tinulungan ako ni Carter sa pagsasara ng pero until now ‘di kami nag uusap o nag titinginan manlang.
“Ellison...” I heard Vince voice. I face him and he’s smiling cutely at me. “Sakto pala ako.”
Naglakad siya papalapit sa’kin at hinalikan ako sa pisnge. “Shall we go?” He asked. I just nodded my head to him.
Inilagay niya yung kamay niya sa sa bewang ko bilang pag alalay sa’kin ‘saka kami naglakad papunta sa kotse niya, ‘di na ‘ko nag abalang mag paalam kay Carter. Wala rin ako sa mood na gawin ‘yon.
Pinag buksan ako ng pinto ni Vince kaya sumakay na agad ako. Tumingin ako sandali kay Carter na ang sama ng tingin sa direksyon namin hanggang sa sumakay siya sa kotse niya.
“Okay ka lang?” Vince asked ng makasakay siya ng kotse niya.
“Yup.” I forces a smile.
“Ellison, hindi matatago ng eyeglass mo yung lungkot sa mga mata.” He seriously said.
“Hindi lang maganda ang araw ko.”
Naramdaman ko ang pag hawak niya sa kamay ko at hinalikan ‘to in a very gentleman way. “Sana may magawa ako para mapangiti ka. Nakakawala kasi ng pagod ‘yung ngiti mo eh.”
I chuckled, weakly. “Baka gutom lang ‘to.”
He smiles. “Ano bang kinain mo ngayong araw?”
“Uh... sa breakfast pancakes and coffee, nung lunch cake and coffee.”
“Diet ka ba?”
I laughed softly. “Hindi lang ako marunong magluto kaya sa labas ako kumakain.”
“Yes, you laughed!” He said, punching in the air na akala mo nanalo siya sa pustahan.
I giggle. “Alis nalang tayo.”
“Okay.” He said grinning. He kissed my hand again then nag simula na siyang magmaneho.
Natapos ang dinner ko kasama si Vince at on the way na kami ngayon sa studio ko para ihatid niya ‘ko. Ang saya nitong gabing ‘to dahil ginagawa talaga niya ang lahat para makita raw ang maganda kong ngiti, siya nag sabi nun hindi ako.
Hindi ‘yung mga korni jokes niya ‘yung nakakatawa kundi ‘yung mga pilit niyang pagpapatawa. Buti nalang talaga naging businessman siya at hindi comedian kasi siguradong ‘di siya bebenta.
“Salamat sa pag hatid.” Sabi ko pag kadating namin sa studio.
“Anything for you Ellison.” Siya ang unang bumaba ng kotse, ‘yon ang gusto niya para pag buksan niya ‘ko ng pinto. Bumaba rin naman agad ako at sinamahan niya ‘ko sa paglalakad papunta sa kotse ko.
Bago ako sumakay ng kotse ko, humarap muna ko sa kanya. “Salamat, i enjoyed this night.”
“Welcome.” Hinawakan niya ‘yung mga kamay ko. “Ellison ayokong isipin mong nagmamadali ako. Gusto kita Ellison kaya sana... sana pumayag kang ligawan ko.”
I blinked at him, shockingly. Did i just hear it right? He likes me? He wants to court me?
Hindi ako makapaniwalang nangyayari ‘to, kung magkakataon siya palang ang nag sabi sa’king gusto akong ligawan.
Hindi ko alam ang isasagot ko, hindi dahil sa choosy ako kaya ‘di ko alam ang isasagot ko. Haler papakachoosy pa ba ‘ko sa itsura kong ‘to? Sadyang may Carter na playboy lang na gumugulo sa utak ko kaya ang hirap sagutin.
“Ellison?” He called, interrupting my thoughts. “Ayos ka lang? Hindi mo ba nagustuhan yung—“
“No, it's not what you think Vince.” Pagsisingit ko. “I thank you for liking me, though hindi ko alam kung bakit mo ‘ko nagustuhan. Hindi sa nagiging choosy ako, wala akong karapatang magpaka choosy dahil hindi bagay sa’kin ‘yon. Sadyang hindi ko palang alam ang isasagot sa’yo, sa ngayon.”
“I understand, hihintayin ko ‘yung sagot mo.” He sincerely said. I just smile weakly at him.
“Goodnight, Ellison.” He kissed my cheek.
“Goodnight, Vince.” I said waving my hand on him then sumakay na ‘ko ng kotse ko pero kahit gano’n hindi parin siya umaalis siguro hihintayin muna niya akong makaalis bago siya tuluyang umuwi.
Sinimulan ko na ang byahe, para makauwi na at makapag pahinga. Luckily, sarado ang shop bukas. Sa wakas makakapag pahinga ng mahaba haba.
Nang makarating ako ng condo, dumiretso na ko ng Unit ko pero bago pa ‘ko makapasok, nakita ko si Carter na nag hihintay sa tapat ng pinto habang nakasandal at naka cross arms.
“Alis d’yan, nakaharang ka sa pinto.” Inis kong sabi pag kalapit ko sa kanya. Ini-angat niya ‘yung ulo niya para tumingin sa’kin.
He stares at me blankly, i just stared back. Nakipag titigan ako sa kanya at hindi ako bumitaw, hindi ko akalaing magagawa kong makipagtitigan sa kanya.
“Ano ba’ng problema, Elli?” Seryoso niyang tanong.
Hinawi ko siya pinto para mabuksan ko na ito. “Wala!”
“No, meron alam ko! Nagkakaganyan ka lang naman kapag may nasabi akong ‘di mo nagustuhan, so please tell me.”
“Pwede ba Carter, gusto ko ng mag pahinga!” Na buksan ko na yung pinto at dali dali na ‘kong pumasok, i was to closed it pero pinigilan niya. “Ano ba? ‘Di ka ba makaintindi na gusto ko ng mag pahinga?!!” Bulyaw ko.
“I’m sorry to whatever it is.” He sincerely said.
Huminga ako ng malalim, ipinikit ang mga mata ko at inilagay ang mga kamay sa bewang ko. I open my eyes again and stared at his eyes. “Gusto mo talagang malaman ang problema? Sige, sasabihin ko sa’yo,” I paused. “Gusto na kita Carter at hindi ko na gusto ‘tong nararamdaman ko sa’yo dahil may girlfriend ka sa States. Nawala sa isip ko ‘yon dahil... ewan ko, siguro nga dahil nagugustuhan na kita at nagugustuhan ko na ‘yung mga ginagawa natin. Until, para akong sinampal ng katotohanan kanina nang marinig kitang kausap mo siya sa cellphone mo.”
I pointed my heart. “Ito ang problema Carter, itong nararamdaman ko sa’yo at lahat ng ginagawa natin. Gusto ko ng matigil ‘yon at lalong lalo na ‘tong nararamdaman ko sa’yo dahil alam kong masasaktan lang ako.”
Humakbang siya ng isang step pa abante sa’kin pero umtras ako. “No! Stop! ‘Wag mo ng subukang lumapit sa’kin.” Nawawala ako sa sarili ko ‘pag nahahawakan at nahahalikan niya ‘ko, kaya ngayon palang iiwasan ko na.
He sighed heavily. “Elli, I don't want to stop this.” He seriously said, shaking his head.
“But i do. want. to stop this!” Pagdidiin ko.
I suddenly feel his hands on my both cheeks, pressing his lips to mine. Hindi ko hahayaang magtagal pa tong kiss na ‘to, dahil masyadong malakas ang impact sa’kin nito.
I pushed him with all my strength and slapped him on his face. “Don't ever try to do that again!” I warned, angrily.
“Elli—“
“Carter, this is the last time na gagawin mo ‘yon, understand?!!! Sa susunod na halikan mo ‘ko ulit, sesante ka na!” I seriously said. I pushed him para makalabas siya ng Unit ko ‘saka ko padabog na sinara ‘yung pinto.
I stared at my door, blankly. Hangang yung paningin ko ay tila nag b-blurd na at bigla kong naramdamang tumulo ‘yung luha ko. Tsk. Bakit ko ba iniiyakan yung kumag na ‘yon? Eh wala naman akong mapapala sa kanya, kung ngayon pa nga lang nasasaktan na ‘ko sa kanya... sigurado akong pati pag tumagal pa ‘to. Tama lang na ihinto na ‘to.
Pumunta nalang ako sa kwarto ko habang pinupunasan yung mga luha ko, tinangal ko ‘yung eyeglass ko at inilapag ‘to sa sidetable. Then kinuha ko ‘yung towel ko ‘saka dumiretso sa bathroom para makapag shower. The whole time na kumikilos ako, tumutulo rin ‘yung mga luha ko. Nakailang punas na ko pero ‘di epekto, maski nga sa pag sha-shower ko umiiyak parin ako.
Syete naman oh! Bakit ba kasi sa dami ng magugustuhan sa Playboy pa?
Lumabas ako ng bathroom ko at nag bihis ng Pajama ko, nag patuyo lang ako ng buhok ‘saka ako humiga na ng kama ko. Nag taklob ng ng kumot at niyakap ang unan ko.
This is my first heartbreak! And this feels... sucks!
Naramdaman ko ang bigat ng ulo ko sa pag gising ko, feeling ko rin namamaga ‘yung mga mata ko. Bumangon ako ng kama ko at pumunta sa harap ng salamin para makita ang itsura ko. Tama nga namamaga nga ‘yung mga mata ko.
Umupo nalang ulit ako sa kama ko. Hindi ko alam kung gaano ako katagal sa pag upo, basta parang bigla nalang akong bumalik sa katinuan nang marinig kong mag ring yung cellphone ko.
Kinuha ko ‘yun mula sa side table at tinignan kung sino ‘yung tumatawag... it's my best friend. Sa mga ganitong sitwasyon, kailangan mo ng kaibigan pero... anong sasabihin ko sa kanya?
Hoy girl, brokenhearted ako... gago kasi yung kapatid mo eh.
I answered it. “Hello?”
“Elli, sarado ngayon ‘yung studio ‘di ba? Gala tayo!”
“I can't medyo masama pakiramdam ko.”
“Bakit masama pakiramdam mo? Anong pinaggagagawa mo?” Umiyak!
“Over work, maybe.” I lied.
I heard her sighed. “Okay, ipahinga mo nalang ‘yan.” Then i heard her talking with someone. “It's Elli, no, may sakit daw siya eh... I don't know kayo magkasama lagi eh.”
“Sino kausap mo?” Pagtataka ko.
“Si Kuya.” She answered. Kuya! Wow! Tinawag na talaga niyang Kuya si Carter? Mukhang okay na okay na nga sila.
“Okay, ibaba ko na ‘to.”
“Sige, pahinga ka na.” Pagkasabi niya nun, ibinaba ko na ‘yung tawag. ‘Saka ibinagsak ‘yung katawan ko sa kama ko. Mukhang ‘yung pagsisinungaling kong masama pakiramdam ko magkakatotoo pa.