Eight

1873 Words
    Nasa tapat na kami ngayon ni Carter ng bahay nila, nasa loob lang kami ng kotse, kita sa labas na bukas pa ang mga ilaw nila at paniguradong gising pa ‘yung mga tao, for sure pati si Claire.     Bago bumaba si Carter ng kotse binigyan muna niya ‘ko ng matagal na halik sa labi ‘saka tumingin sa mga mata ko at ngumisi ng pilyo. “Goodnight, Nerd.”     I roll my eyes. “Bumaba ka na lang!” Pagtataray ko.     “Oh ba’t ang ang taray mo na naman?”     “Naiinis lang ako dahil pumayag akong may mangyari sa’tin sa studio.”     He laughed. “Ano naman? Gusto mo naman eh, enjoy ka pa nga eh.” Ayokong lokohin ang sarili ko, totoong na enjoy ko talaga ‘yon kaya lang kasi talaga nakakahiya eh. ‘Di ko alam kung anong pumasok sa isip ko, basta ‘pag nahahalikan na niya ‘ko parang nawawala na ko sa sarili.     “Tumahimik ka nga!” Irita kong sabi. He was about to kissed me again when we heard Claire's voice. Sabay kaming napatingin sa direksyon niya at bigla akong nakaramdam ng kaba, shocks buti nalang hindi kita sa labas ng kotse ko kung anong nangyayari dito kung hindi paniguradong lagot kami kay Claire.     Sabay kaming bumaba ni Carter ng kotse at nilapitan si Claire. “Bakit kanina pa kayo nasa loob ng kotse lang?” She asked both me and Carter.     “Uh... may iniinstruct lang ako sa kanya about sa gagawin namin bukas.” Pagpapalusot ko.     “Bakit lumabas ka pa? Gabi na ah.” Carter scolded her sister, making smile secretly. Kung mag salita na siya ngayon parang kapatid na talaga ah.     “Gusto ko lang makipag chikahan pa kunti kay Elli…” Hinawakan niya ‘yung kamay ko at hinila papasok ng bahay nila. Nilingon ko sandali si Carter, nakangiti lang siya sa’kin.     Dumiretso kami ni Claire papunta sa kwarto niya at pagpasok na pagpasok namin sabay kaming umupo sa kama niya. “Ano bang pag chichikahan natin? Gabi na kailangan ko ng umuwi.”     “Sandali lang ‘to. Nawiwirduhan kasi ako kay Carter eh.”     I raised my right eyebrow, confused. “Paanong weird?”     “Kung kumilos na kasi siya at mag salita tulad kanina parang Kuya na Kuya ang dating. Alam mo ba nung hinatid ako ni Carl kagabi dito sa bahay na pinagbantaan niya ‘yung tao na ‘wag akong sasaktan kundi ha-huntingin niya. Never kong na imagine na gagawin niya ‘yon, kasi parang wala naman kaming pakialamanan dito sa bahay eh. Kahit nga ‘di siya umuwi nung isang araw ‘di ko pinakialamanan eh.”     I cleared my throat, remembering he was with me that night.     “Uh... baka naman, gusto na niya lang talagang kayong mag kaayos.” Ibig din siguro sabihin nun, ginagawa na ni Carter yung kondisyon ko sa kanya. Marunong naman pala siyang tumupad eh.     “Bakit parang biglaan naman?” Pagtataka niya.     “Ewan ko.” I said shrugging.     “Anyways.. nakita ko kagabi na binigay mo yung number mo kay Vince, tinawagan ka na ba niya?” Malisyosa niyang tanong.     “So hindi lang pala ‘to tungkol sa wirdong kilos ni Carter, pati pala sa’min ni Vince?”     She laughed. “Mag kwento ka na lang!”     “He texted me, actually i went to a dinner with him sa restaurant niya.”     “Oh my God! I knew it he's into you.”     “Mmm... maybe, he actually called it a dinner date.”     She claps her hands showing of her... kilig? “Magkaka boyfriend ka na! Finally! And sa gwapong guy pa ha!” She teases.     Boyfriend? Agad agad? Grabe siya. I don't think na magiging boyfriend ko ‘yon si Vince, he's a nice guy. Yes, Gwapo, no question to that and also a gentleman, double check. Pero... sa mga nangyayari sa’min ni Carter i don't think na mapupunta kami sa ganung relasyon. Lalo na't inaangkin ni Carter ang katawan ko. Urgh! I feel so liberated.     Tumayo na ‘ko. “Uuwi na ‘ko.”     “Okaay, ingat ka sa pag uwi. Mag sleep over ka ulit dito ha! Kwentuhan tayo tungkol sa Vince mo at sa Carl ko.”     I chuckled. “Vince ko? Tumigil ka nga.” I said making her laughed. Bumeso na ‘ko sa kanya. “Alis na ‘ko, ‘wag mo na ‘kong ihatid baka pagalitan ka ng Kuya mo, pag lumabas ka pa.” I joke.     “Tama ka.” She agreed. We burst out into laughter.     Lumabas na ‘ko ng kwarto niya at nag simula ng mag lakad, sumulyap ako sandali sa kwarto ni Carter pinakikiramdaman kung nando’n ba siya then nag simula na ‘kong maglakad pababa at narinig kong bukas pa ‘yung tv sa sala kaya napatingin ako do’n, nakita kong nakaupo si Carter at nanunuod na naman ng basketball.     “Anong laro?” Tanong ko kaya napalingon siya sa direksyon.     “Replay lang ng Miami and Boston game.” He answered.     “Mmm... okay, uuwi na ‘ko.” Tumayo siya at pinatay ‘yung tv.     “Ihahatid na kita hanggang sa labas.” He said. So, sabay na kaming lumabas hanggang sa makarating kami sa tabi ng kotse ko ‘saka ko siya hinarap.     “Sige na, goodnight.” I said waving my hand.     He steps forward me, my first reaction is to step back. “Ano na namang gagawin mo? Baka makita tayo ni Claire.”     He smirked. “Wala naman akong gagawin ah. Pag bubuksan lang kita ng pinto.”     “Oh! Uh… Okay.”     Humakbang na siya ulit papalapit sa’kin habang ‘yung ngisi niya ay ‘di mawala. Binuksan niya ‘yung pinto ng kotse ko ‘saka naman ako pumasok. Inistart ko na ‘yung makina ng kotse pero nasa pinto parin si Carter at hindi ‘to sinasarado. “May kailangan ka pa?” Tanong ko.     Tumingin siya sandali sa direksyon ng bahay at mabilis akong hinalikan sa labi. “Goodnight.” Pagkasabi niya nun, sinara na niya ‘yung pinto ng kotse. ‘Yun pala ang kailangan niya, yung kiss.     I smile biting my lower lip and started to drive.     Hindi nawala ang ngiti ko habang nasa nagmamaneho ako, para tuloy akong timang nito. Buti nalang at ako lang mag isa dito sa kotse ko kun’di baka pag isipan pa ‘kong nababaliw na.     Nakarating ako sa condo ko at dumiretso naman agad ako sa Unit ko, dahil sa nakatulog ako sa byahe hindi padin ako nakakaramdam ng antok pero ramdam ko ang puro byahe ngayong araw kaya una kong ginawa ay nag shower para kahit papaano mag freshen up.     Nang matapos naman ako, nag bihis lang ako ng pajama ko at nag patuyo ng buhok ko bago tuluyang humiga ng kama ko.     I look at my ceiling, thinking about Carter... only Carter. Mmm… simula nang makilala ko siya ang mga boring kong araw ay nag iba, naging... exciting dahil sa kanya. Nakakaramdam na ‘ko ng sari-saring emosyon dahil sa kanya na hindi ko naman nararamdaman noon sa isang lalake.     Haay! Carter, anong ginagawa mo sa’kin?     Ipinikit ko nalang ‘yung mga mata ko kahit ‘di pa naman ako inaantok.     Nagising ako sa dahil sa alarm ng cellphone ko. Kinapa ko ‘yon sa side table at pinatay ang alarm.     Bumangon ako sa kama at inayos ito ‘saka tuluyang lumabas ng kwarto ko bitbit ang cellphone ko and nag timpla ng coffee bago ako mag shower. Habang nag kakape ako narinig kong may nag doorbell mula sa labas ng Unit ko. Naglakad ako papunta sa pinto para pag buksan yung nag doorbell at ang nakita ko ay si Carter.     “Ang aga mo naman?” Pagtataka ko. He smiles. “Nag dala kasi ako ng breakfast.” Pinakita niya sa’kin ‘yung bitbit niyang plastik na ‘di naman obvious na binili niya sa fast-food chain. Hinawakan niya ‘ko sa kamay at naglakad kami diretso sa dining area.     Umupo ako sa pwesto ko kanina at hinyaan siyang kumilos. Kumuha siya ng plato at inilagay dito ‘yung dala niyang breakfast. ‘Saka siya umupo sa tabi ko, kinuha niya ‘yung kape ko at ininum. “Kung gusto mo ng kape, ipagtitimpla nalang kita.”     “Hindi na share nalang tayo.”     Pinagmasdan ko na lang siya habang kinakain ang pancakes niya. Humiwa siya ng maliit na slice at itinapat sa labi ko. Plano niya ba ‘kong subuan? “Sabayan mo ‘ko.” He said chewing.     Plano ko sanang kunin tinidor pero ‘di siya pumayag. “Susubuan kita.” Since mukhang seryoso siyang susubuan niya ‘ko wala na ‘kong nagagawa.     Pinagsaluhan namin ‘yung coffee ko at pancakes na dala niya. Habang kumakain kami, narinig kong may nagtext sa cellphone ko. Kinuha ko ‘yon at binasa ang text na nag mula kay Vince.     ** Good morning Ellison, pwede ba kitang yayaing mag lunch mamaya? **     Biglang kinuha ni Carter yung cellphone ko kaya napatingin ako sa kanya. “Good morning Ellison, pwede ba kitang yayaing mag lunch mamaya?” Malakas niyang binasa ‘yung text ni Vince. Tumingin siya sa’kin at mukhang ‘di niya nagustuhan ang nabasa niya ‘saka binalik ‘yung cellphone sa’kin. Kumain lang ulit siya at hindi naman nag comment sa nabasa niya.     Ano kayang iniisip nito?     Siniko ko siya pero parang wala lang sa kanya kaya inulit ko ‘yon, pero parang waley na naman. Siniko ko ulit siya this time tumingin na siya. “Anong iniisip mo?”     “Wala!” Umiwas nalang siya ulit ng tingin.     “Okay.”     Nag type nalang ako ng message pang reply kay Vince.     ** Good morning too Vince. Text mo nalang yung address ng restaurant na pupuntahan ko. **     I was about to send that message nang biglang hilain ni Carter ulit yung cellphone ko ‘saka ‘to binasa. Tumingin siya ng bahagya sa’kin nang mabasa niya ‘to atsaka tila nag type rin ng message. “Teka, anong ginagawa mo?” Tanong ko.     “Nirereplyan yung Vince mo.” Sabi niya habang nag ta-type ng message at nang sa tingin ko na i-send na niya ‘yon ibinalik niya sa’kin ‘yung cellphone ko. Binasa ko naman agad yung nireply niya.     ** Good morning too Vince. Sorry hindi ako pwede. **     “Bakit mo pinalitan message ko?" Tanong ko. He just smirked at me. Hinampas ko siya sa braso niya.     “Aww!” Pag aangal niya. “Parang text lang nagagalit ka, buti nga hindi ko sinabing hindi ka puwede dahil mag se-s*x tayo eh.”     My mouth fell, slapping his arms again. “Subukan mo lang gawin ‘yon!” I warned making him laughed. Tignan mo ‘to, kaninang pag-dating ang saya niya, nung mag text si Vince biglang parang na badmood tapos ngayon tatawa na naman siya. Baliw na ata ‘to!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD