bc

THE JANITOR'S SECRET

book_age18+
34
FOLLOW
1K
READ
friends to lovers
drama
office/work place
like
intro-logo
Blurb

Paano kung ang iyong paghihiganti ay bumaliktad at sayo lahat bumagsak? Paano mo itatama ang isang pagkakamali kung may isang buhay na ang nanganganib?Tara samahan n'yo akong tuklasin ang lihim ni Tanner.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
C1 "Nalinis mo na ba ang sasakyan na gagamitin sa pagsundo sa aking anak?" tanong Ginoo kay Tanner. "Yes, Sir." tipid na sagot ni Tanner sa amo. "Good." wika ni Mr. Green kay Tanner. Balita kasi sa mansyon na darating ngayong araw na 'to ang nag-iisang anak ni Mr. Green. Pero wala naman siyang pakialam dahil trabaho ang pinunta niya sa rito. "May ipag-uutos pa po ba kayo sir?" tanong ni Tanner sa boss nito. "Wala na, oh wait, kapag hindi dumating ang driver ko ay ikaw ang magsusundo sa anak ko." pahabol ni Mr. Green. "Ako po?" paniguradong tanong ni Tanner sabay turo sa kanyang sarili. "Oo, bakit may iba pa bang tao rito? bukod sa ikaw at ako." sagot ni Mr. Green. "Ah sige po." magalang na sagot ni Tanner, hindi pa niya kilala ang anak ng kanyang amo, at sa picture lang nito nakita na nakalagay sa may living room nila, at medyo bata pa ito. "Ipapatawag kita mamaya kung ikaw ang magsusundo." sabi ni Mr. Green saka na tumalikod si Tanner. Janitor talaga ang trabaho na in-applyan niya, pero minsan nagiging extra driver siya kapag wala ang driver ng matandang amo niya. At isa rin siya sa pinagkakatiwalaan ni Mr. Green na naglilinis sa opisina nito mapabahay man or sa kumpanya nito. Masaya naman siya sa kanyang ginagawa. Dahil tapos na ang kanyang trabaho kaya nagpasya muna siyang mag-gym sa loob ng kanyang tinutulugan, mag-isa lang niya sa kanyang room, dahil ayaw niyang nakahalubilo sa mga kasamahan niyang janitor sa malaking bahay na kanyang pinagta-trabahuan gusto niyang napag-isa kapag oras ng pahinga, at pinagbigyan naman siya ni Mr. Green na mag-isa lang sa kanyang quarter. Gusto niyang manatili ang hubog ng kanyang katawan kaya gym lang sa kanya ay sapat na Tuwing day off niya ay sa gym lang siya ng kanyang kaibigan sa labas nagpapalipas ng oras. Habang nasa kalagitnaan siya ng kanyang ginagawa ay biglang nag-ring ang kanyang phone at ng tingnan niya ito ay wala iba kundi si Mr. Green kaya kaagad niya itong sinagot. "Yes, Sir?" tanong niya kaagad. "Hindinpa dumating ang driver ko, ikaw na ang susundo sa anak ko." utos ni Mr. Green sa kanya. "Sige po, sir." sagot naman ni Tanner. "Ibibigay sayo ng secretary ko ang details niya." pahabol ng matanda. "Sige po, hihintayin ko na lang." ani Tanner sabay patay sa linya at kaagad na siyang nagpunas ng pawis at nagbihis na wala na siyang time para maligo pa. Malinis naman siya sa kanyang katawan at wala rin naman siyang amoy kaya ok na 'yun. Isang plain white t-shirt at gray jogging pants lang ang kanyang suot at nag-rubber shoes lamang siya. Dahil kahit anong suot niya talagang hindi sila naniniwala na janitor lang siya. Habang nasa daan na siya patungo sa airport ay tumawag sa kanya ang secretary ni Mr. Green, at sinabi sa kanya ang details ng anak ng kanilang amo. Sinabi rin nito kung ano ang suot ng dalaga. "Nakuha mo ba lahat ng sinabi ko?" tanong ng secretary ni Mr. Green kay Tanner. "Yes, Ma'am." sagot naman ni Tanner, magkakilala silang dalawang dalawa dahil palaging pumupunta si Tanner sa opisina ni Mr. Green para maglinis doon. "Good. Mag-iingat ka." wika ng secretary saka na niti binaba ang linya. Dahil ay oras pa naman ay hindi na nagmamadali si Tanner, tamang drive lang siya habang napapa-music. Biglang tumawag ang kanyang pinsan at kaagad naman niya itong sinagot. "Yes, napatawag ka?" wika kaagad ni Tanner. "Aba, wala ka yatang balak umuwi, at nasarapan mo na ang pagiging janitor mo diyan." sabi ng kanyang pinsan sa kabilang linya. "Hindi pa ako nagsasawa kaya, gawin mo muna ang mga ginagawa mo." sabi naman ni Tanner. "Pagod na ako, samantalang ikaw sarap buhay." sabi ng kanyang pinsan. "Mas pagod ako." sabi naman ni Tanner. "Pinili mo 'yan kaya huwag kag magreklamo." sabi naman ng kanyang pinsan. "Alam ko, at alam mo kung bakit ko ginagawa 'to." sagot naman ni Tanner. "Sige na, bye na muna at busy na ako." paalam ng kanyang pinsan sabay patay sa linya. Hindi na namalayan ni Tanner na nasa airport na pala sila. Kaagad siyang naghanap ng parking area, para i-park ang sasakyan at pumasok na sa airport, at baka ma-late pa siya. Habang naglalakad siya papunta s aloob ay tiningnan muna niya ang latest picture na se-nend ng secretary ni Mr. Green, naiiling na lang si Tanner ng titigan nito ang kanyang susunduin, ngayon lang niya ito makita, at hindi niya pa alam ang ugali ng anak ng kanyang amo. Tiningnan niya ang board at ng makita niya na kalalapag lamang ng ariplane na sinakyan ng kanyang susunduin, aabanagan na lang niya ito sa may exit. Mga ilang minuto na rin ang nakalipas ay nakita na niya itong palabas dala ang mgha damit nito, lalapitan na sana niya ng may sumalubong sa kanyang susunduin at kaagad na nagyakapan ang dalawa at may pahalik pang kaganapan, mapakunot ang noo ni Tanner sa kanyang nakita, hindi siya nagkakamali ito ang kanyang susunduin at anak ni Mr. Green, at may mga kasama pa talagang mga bodyguard ang lalaking sumalubong sa dalaga. No choice siyanilapitan niya ang mga ito, dahil utos ni Mr. Green na sunduin siya nito, hindi yata sila na-inform na may susundo na pala rito. "Hi, ikaw ba si Ms. Green?" tanong ni Tanner sa dalaga. "Yes, sino ka?" kunot noong tanong nito kay Tanner. "Ah kasi, ma'am, pinapasundo po kayo sa akin ng inyong daddy." magalang na sagot ni Tanner. "Driver ka niya?" tanong ni Ms. Green kay Tanner. "Hindi po, wala po kasi ang driver niya kaya ako ang pinasundo sayo." sagot ni Tanner. "So, sino at ano ka?" tanong ng dalaga. "Ako nga po pala si Tanner, janitor po ako sa inyo." sagot niya. Napatawa ng bahagya ang kasama ni Ms. Green at si Ms. Green sa narinig na janitor lang pala siya. Tiningnan siya ni Ms. Green mula ulo hanggang paa, dahil talagang hindi ito kumbinsido na janitor ito, sa tayo at porma nito kahit simpleng suot ay parang hindi ito sanay sa trabahong janitor, alam niya ang galaw ng mga tao. Ngunit napatigil si Ms. Green sa bandang gitna ni Tanner dahil may bumukol yata roon, halatang-halata kasi sa suot nitong jogging pants, mapakurap din siya ng mabilis ng tauhan siya, dahil kaharap niya ngayon ang kanyang boyfriend. "Ok, pakidala na lang ang mga gamit ko." ani Ms. Green kay Tanner. "Hace, magkita na lang tayo, attawagan kita." ani Ms. Everlee. "Ok, mag-iingat ka." sabi nito sabay halik sa dalaga. "Let's go." ani Everlee kay Tanner. Nauna namann si Tanner dahil hindi naman alam ni Everlee kung saan ang kanilang sasakyan. Napapaisip tuloy si Tanner sa boyfriend ng anak ni Mr. Green parang wala siyang tiwala roon. Maganda at sexy at anak ni Mr. Green at mukhang matalino ito, ngayon lang niya kito nakita. Balita kasi niya ay ito na ang papalit sa ama na mamahala sa kanilang mga kumpanya, at parang mahihirapan na siya sa ngayon. Pagkatapos nailagay ni Tanner ang mga gamit ng babae ay binuksan nito ang pinto para makasakay na ang dalaga. "Wait, sa susunod huwag kang mag-usot ng ganyang pants." mataray na sabi ni Everlee kay Tanner. "Bakit, Ma'am may masama po ba sa suot ko?" tanong ni Tanner sabay tingin sa kanyang baba, dahila alam niya kung ano ang tinutukoy ni Everlee. Nangiti naman ng lihim si Tanner. "Ikaw na sumagot sa tanong mo!" mataray na sagot nito sabay sakay sa sasakyan. Tiningnan ulit ni Tanner ang sinasabi ni Everlee, bago siya sumakay at sinara na ang pinto. "Ma'am, normal pa lang po 'yan." ani Tanner sabay pakawala ng pang-iinis na ngiti, saka nito pinaandar ang sasakyan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Vampire King's Human Mate

read
93.4K
bc

My Crush Is My Best Friend's Dad

read
10.6K
bc

Just Got Lucky

read
141.8K
bc

The Luna He Rejected

read
117.2K
bc

The Lone Alpha

read
31.3K
bc

Sold to the Ruthless Alpha

read
5.1K
bc

Cruel Love

read
774.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook