bc

Suddenly it's Magic [Sofia Montereal Series9]

book_age18+
1.7K
FOLLOW
22.9K
READ
one-night stand
HE
opposites attract
dominant
badboy
police
bxg
lighthearted
campus
office/work place
like
intro-logo
Blurb

Ang masayang engagement party nila Sofia at Hades ay nagtapos sa nakakadurog pusong eksena sa magkasintahan. Dahil sa kalasingan ay hindi namalayan ni Sofia na ang nakatabi nito sa kama ay ang binatang si Haden. Ang nakababatang kapatid ni Hades na kasintahan nito! Paano nga kaya magsasama ang dalawang puso kung parehong makukulong sa isang kasalang walang pagmamahalan?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
SOFIA: HINDI ko mailarawan ang sayang nadarama sa mga oras na ito. Kahit simple lang at pribado ang nangyaring engagement party namin ni Hades ay sobrang saya kong sa wakas ay maitatali na ito sa akin. Si Hades San Diego ay ang long time secret boyfriend ko. Isa kasi akong international model sa France at bilang modelo? Milyon-milyong fans ang sumusuporta sa akin. Nakatago sa publiko ang katauhan ng kasintahan ko para na rin sa privacy nito. Simple lang kasi si Hades na ngayo'y kasalukuyang Mayor sa probinsya nila dito sa Tarlac. Kaya pabor din sa kanya ang sikretong relasyon namin sa publiko. Maliban sa aming pamilya dahil dinadala ko naman si Hades sa mansion at pinakilala sa angkan ko bilang kasintahan ko. Tanggap siya ng pamilya ko at gano'n din ako sa kanya. Tanggap ako ng mga magulang niya. May isang nakababatang kapatid ito pero never ko pang nakilala. Ang sabi ay isa itong pulis at naka-destino sa ibang lugar. Kaya naman hindi ko pa ito nakikilala sa loob ng sampung taon naming magkarelasyon ni Hades. Si Inspector Haden San Diego. Nakita ko na ang larawan nito sa kanilang bahay. Pero hindi ko pa ito nakakausap o nakakaharap. Tanging ang mga magulang lang nila ang nakakasalamuha ko na. "How are you, sweetie?" Napalingon ako sa nagsalita mula sa likod ko. Si Kuya Kieanne. Ang nag-iisang kapatid ko. Dalawa lang kaming magkapatid ni Kuya. Pero sa angkan namin ay marami kaming magpipinsan kaya lumaki kami sa malaki, magulo, maingay at masayang pamilya. Ang pamilyang nangungunang pinakamayaman sa buong bansa. Ang pamilya. . . Montereal. "I'm good, Kuya." Kimi itong ngumiti na naupo sa tabi ko. Nasa mga bisita kasi si Hades na kasalukuyang kinakausap ang mga kapwa nito politiko. Nagkakasiyahan na rin ang aming pamilya sa katatapos lang naming engagement nito. Habang ako ay naiwan dito sa mesa namin sa harapan. Masayang pinapanood ang lahat na nagkakasiyahan. "Sigurado ka na ba talagang siya ang gusto mong makasama, Sofi? Look, oh? Mas inuuna pa niya ang mga kasamang pulitiko kaysa sa'yo na fiance niya," ani Kuya. Napahinga ako ng malalim. Kung ang buong angkan namin ay boto kay Hades para sa akin? Kabaliktaran naman kay Kuya Kieanne. Ayaw niya kay Hades. Nagpapasalamat na lang ako na hindi nito sinusungitan ang fiance ko. Na hindi niya pinaparamdam ditong ayaw niya dito. "Kuya, please? Mahal na mahal namin ni Hades ang isa't-isa. Hwag mo namang sirain ang gabi," aniko sa tonong nagtatampo. Napahinga ito ng malalim na nagkibit ng balikat. Napabusangot naman akong napasunod ng tingin kay Hades. Masayang nakikipag kwentuhan sa mga bisita nito. Sampung taon na kaming magkarelasyon ni Hades. Nagtatabi sa kama pero hanggang halik at yakap lang kami. Nirerespeto niya ako at iniingatan ang dangal ko. Hindi naman kasi lingid sa kaalaman nitong birhen pa ako. Kaya nilalaan niya sa unang gabi namin bilang mag-asawa ang pagkuha niya sa virginity ko. Gusto kasi nito ay malinis niya akong dalhin sa altar. At nalalapit na ang araw na iyon. Mabait si Hades. Maunawain at malambing. Na kahit sa sampung taon naming relasyon ay madalas long distance relationship kaming dalawa dahil sa uri ng career ko bilang modelo? Hindi siya nagreklamo. Minsan kapag may sapat na oras ito ay magtutungo siya ng France para dalawin ako. Lalo na sa tuwing may occasion like valentines, anniversary, birthday o pa-party para sa success ko. Napaka-supportive boyfriend nito na wala ka ng mahihiling pa. Gwapo si Hades. Maputi, matangkad at makisig din. Para siyang si Ian Veneration noong kabataan nito. Tisoy na tisoy ang itsura kaya marami ding babae ang umaaligid sa kanya. At bilang public servant? Malapit si Hades sa mga tao para sa suporta nila dito. Hindi naman siya binibigo ng mga ito dahil heto at sa murang edad na bente-otso? Isa na siyang Mayor sa kanila. Magkaedaran lang kami ni Hades. Nasa eighteen pa lang kami noong sinagot ko siya. At masayang-masaya ako na ito ang naging kasintahan ko. Wala na akong mahihiling pang iba. "Fine. But in case you need someone to listen to you, magsabi ka lang." Ani Kuya na ikinalingon ko dito. Pilit akong ngumiti dito na sumandal sa kanyang balikat. Palagi kasing sinasabi sa akin ni Kuya Kieanne na ayaw niya kay Hades. Na mukha lang daw itong maamong tupa pero ang totoo ay nagbabalatkayo lamang ito. Na isa pala siyang. . . mabangis na lobo sa loob nito. Hindi ko na lamang binibigyan ng pansin ang mga paratang niya kay Hades. Alam ko naman kasi mula sa umpisa na ayaw ni Kuya sa boyfriend ko. Mabuti na lang at hindi naman nito pinapahiya si Hades. Na pinakikisamahan niya pa rin ito alang-alang sa akin. "Thank you, Kuya. For always there for me. Don't worry about me. Malaki na ako at kaya ko na ang sarili ko. Pero nagpapasalamat ako na nand'yan ka palagi para sa akin," nakangiting saad ko na hinagkan ito sa pisngi. ILANG minuto muna kaming nagkakwentuhan ni Kuya Kieanne bago ako nito iniwan. Tumayo na rin ako at nakigulo sa mga pinsan ko. "Sofi!" tili ng mga itong napapairit. Natatawa naman akong inabot ang beer na bigay ni Danica. Ang pinsan ko na para ko ng kakambal dahil sa pagkakahawig namin. Magkaedad lang kami ni Dani at identical twins ang ama namin. Kaya para din kaming kambal nito na iisa ang mukha. "Cheers!" Halos sunod-sunod na ang pagtagay namin habang napapasayaw na rin dala ng tugtugin. Kitang masayang-masaya rin naman ang mga ito para sa akin. Aba. . . lalagpas na ako sa kalendaryo kaya atat na rin ang mga itong magpakasal na ako. Marami na nga sa mga pinsan kong mas bata pa sa akin ang naunang ikasal. Inunahan pa kaming mga Ate nila. Hanggang sa naparami na nang naparami ang nainom namin. Ramdam kong tamado na rin ako at nahihilo na. Pagewang-gewang akong pumasok ng bahay dahil halos lasing na lahat ng mga tao. Alam ko naman kung saan ang kwarto ni Hades. Kahit nahihilo at parang umiikot ang mundo ko ay pinilit kong umakyat ng hagdanan. Napangiti ako na maaninag na ang silid ni Hades. Halos gumapang na nga ako dahil hindi ko na kaya ang pag-ikot ng paningin ko. Kumatok ako sa may pinto pero walang sumasagot. Pinihit ko ang seradula na natawang hindi naman ito naka-lock. Pagpasok ko ng silid ay nakapatay lahat ng ilaw. Pero naaaninag ko pa naman kung nasaan ang kama mula sa liwanag na sumisingaw sa bintana. Nagtanggal na rin ako ng sandal ko at iniwan na lang kung saan. Sunod ang dress ko na inihagis ko lang din kung saan. Sunod ang panty at bra ko bago pabagsak na sumampa ng kama. "Uhmm." Napaungol pa ako na maramdaman ang kalambutan ng kama ni Hades. Napangiti ako na madamang nandidito na rin itong tila nahihimbing na. Marahil ay naparami din ang nainom nito kaya lasing na lasing tulad ko. Umayos ako ng higa na nagsumiksik sa kanyang dibdib. Umungol naman ito na tumagilid ng higa at niyakap akong ikinangiti ko. Napatingala ako dito na inabot ang kanyang mga labi. "Uhmm." "Uhmm. . . H-Hades," ungol ko na iginiya itong pumatong sa akin. Hindi naman niya ako binigo at inangkin ang mga labi ko. Napayakap ako sa kanyang batok at buong pusong tinugon ang halik nito. Napapahaplos na rin ito sa katawan ko na ikinauungol ko at ikinabubuhay ng init at pananabik sa katawan ko. "H-Hades," nasasarapang ungol ko na napatingala habang nakasabunot dito. Umungol lang naman ito na bumaba sa panga at leeg ko ang mga labing ikinaungol ko lalo at tuluyang nadarang sa init ng aming damdamin. "Oohhh!" Napasinghap ako na sumubsob ito sa bilugan kong hinaharap. Napaungol naman itong madama ang kalambutan ng dibdib ko. Parang sanggol na gutom na gutom na salitang sinisipsip ang tayong-tayo kong u***g. Hindi ko alam pero kusang bumigay ang katawan ko. Marahil dahil handa na ako at sigurado na sa kanya. Kaya heto at malugod ko ng ipinauubaya sa kanya ang kalinisan kong mahigit dalawang dekada ko ring iningatan. "Oohhh," napasinghap ako na sumapo ang malaking kamay nito sa kaselanan ko at hinaplos niya iyon. Parang may sariling pag-iisip ang mga hita ko na kusang bumuka. Naramdaman ko naman ang pagpasok ng kamay nito sa loob ng panty ko na lalo kong ikinaungol. Umangat ang mga labi niya sa panga ko na muling inabot ako sa mga labi. Mapusok at malalim ang ginagawad niyang halik na halos lapain na ako ng buong-buo! Ibang-iba ang halik na ginagawad nito ngayon sa akin. Na tila binubuhos na niya ang isang dekadang pagpipigil sa sarili na maangkin ako. Malugod kong sinabayan ang mapusok nitong halik. Habang malayang nilalaro ng mga daliri niya ang c******s ko na nagugustuhan ko. Nanlalagkit na rin ako sa pagitan ng mga hita ko na tila lalabasan na ako sa ginagawa nito! "Oohhh, uhmmm. . . more, please?" ungol ko na hindi malaman kung ano ang tinutukoy. Naramdaman ko naman na bumaba ang daliri nito na humagod sa mismong. . . lawa ko. "Fvck! You're so wet, baby," ungol nito na dahan-dahang ibinaon ang isang daliri sa loob ko. Napaigik ako na madama ang kirot mula doon. Patuloy lang naman itong bumaon hanggang sa maisagad niya na ikinaungol kong napakiwal ng balakang! "Ooohh, yes. Uhmm. . . so good," ungol ko na mabibigat ang paghinga. Salitan naman itong nagpapakasasa sa aking dibdib na parang gutom na gutom na sanggol habang nagsimula na ring maglabas masok sa loob ko ang daliri nito. Kahit nakakadama pa ako ng kirot ay mas nananaig ang sarap at kiliti na nadarama ko. Mas lalo akong nasasabik at nag-iinit sa aming ginagawa. Lalo na't dama ko ang nakalapat nitong sandata sa aking puson na sobrang tigas na no'n! "Aahhh! Aahhh! Uhmm. . . yes. . . sige pa, love. Sige pa, aahhh!" magkakasunod kong ungol na nasasalubong ng balakang ang bawat paghugot baon nito. Naglilikha na rin ng tunog ang ginagawa nitong paghugot baon dahil basang-basa na ang lawa ko. Napasabunot ako dito na mas naibuka ang mga hita. Tila nakuha naman nitong naghahanap pa ako ng higit. Pumwesto ito sa pagitan ng mga hita ko. Hinugot ang daliri sa loob ko na naramdaman ko pang isinubo niya iyon. Halos pigil ang hininga ko nang maramdaman ang mainit at matigas niyang sandatang. . . ikinikiskis sa lagusan ko! Sunod-sunod akong napapalunok na ibinaon na niya iyon kasabay ng dahan-dahan na niyang pagbaon. Napatukod ito ng braso sa magkabilaang gilid ko na mahinang napapaungol habang patuloy sa maingat niyang pagpasok! "Fvck! You're so tight and warm, baby," nasasarapang ungol nito na dama ko ang mabibigat niyang paghinga. Impit akong napadaing na madama ang pagkapunit ng balat ko sa loob. Tandang. . . nasira na niya ang barrier ko. Nakuha na niya ang virginity ko. May ngiti sa mga labi na napayakap ako sa batok nitong kaagad yumuko at siniil ako sa mga labi. KINABUKASAN. Napabalikwas ako sa kama na kumikirot ang ulo at buong katawan ko particular sa. . . p********e ko! Namimilog ang mga mata na natutop ko ang bibig. Ano bang nangyari kagabi? Paanong nandidito ako sa silid ni Hades na hubo't-hubad at. . . katabi itong wala din maski anong saplot! Napasabunot ako sa buhok na mariing napapikit. Pilit inaalala ang mga nangyari. Pero kahit pigain ko na yata ang utak ko ay wala akong maalala. Kumikirot na ang ulo ko pero hindi ko na matandaan ang mga nangyari kagabi. "Love? W-what is the meaning of this?" Nanigas ako na bumukas ang pinto at narinig mula doon ang boses ni. . . Hades!? "Love!?" gimbal na bulalas ko na malingunan nga ito sa may pinto. Para akong sinabuyan ng malamig na tubig at nahablot ang kumot sa gilid ng kama para ipambalot sa hubo't-hubad kong katawan! Namilog ang mga mata namin ni Hades na mapalingon sa lalakeng nasa kama pa rin. Nakadapa ito na mahinang humihilik. Pero ang nagpanigas sa akin ay ang nakitang. . . pulang bahid sa puting kobrekama. Nangatog ang mga tugod ko at isa-isang nag-alpasan ang butil-butil kong luha. "H-hindi. . . hindi ito maaari," garalgal kong anas. Sunod-sunod akong napapalunok na nakatulala sa pulang marka sa kama. Siya namang pagpasok nila Mommy at Daddy na lalo kong ikinatuod sa kinatatayuan. "Sofia!?" Napabalikwas ang lalake sa kama na marinig ang malakas na boses ni Mommy. Hindi ako makakilos. Para akong napako sa kinatatayuan ko habang pupungas-pungas naman ang binata na naniningkit pa ang mga matang naigala ang paningin. "Traydor ka, Haden!" Mabilis na sinugod ni Hades ang binata sa kama at pinagsasapak ito sa mukha! Lumapit din sina Mommy at Daddy na itinago ako sa bulto nito. Hindi ako makakilos at walang ibang magawa kundi ang umiyak na lamang dahil ramdam kong. . . may nangyari sa amin ng lalakeng nakatabi ko sa kama! "Anong nangyayari dito!?" Natigilan si Hades sa pagsuntok sa binatang duguan na ang mukha na kinubabawan nito sa kama na sumulpot ang Mama at Papa nito dito sa silid. "Haden, Hades!?" gimbal na bulalas ni Mama na makita ang dalawang lalake sa kama. Pabalang tumayo si Hades na punong-puno ng galit ang mga mata. Duguan na rin ang kamao mula sa lalakeng binasag nito ang pagmumukha. "Oh my God! Ano bang nangyayari dito!?" hysterical na bulalas ni Mama. "Itong magaling niyo'ng anak, Mama! Pinatos niya ang fiance ko! Paano ko pa pakakasalan si Sofia, kung ikinama na siya ng Haden niyo!?" Umalingawngaw sa buong silid ang nanggagalaiting bulyaw ni Hades na nanginginig na sa sobrang galit. Hindi ako makakilos sa kinatatayuan habang nakaharang sina Mommy at Daddy sa akin. Tila pinoprotektahan ako mula sa lahat. Mahigpit akong nakayakap sa kumot na nakabalot sa katawan ko. Impit na humihikbi at hindi na malaman ang gagawin. Sana lang ay binabangungot ako pero. . . damang-dama kong totoo ang mga nangyayari. "Pero hindi rin ako makakapayag maagrabyado ang unica hija ko! Panindigan mo ang dalaga ko!" nanggagalaiting bulyaw din ni Daddy Khiranz. Humawak si Mommy Sam sa braso nito na inaalo si Daddy. Kuyom na kuyom ang kamao nito at bakas sa tono at mukha ang galit habang nakatitig sa binatang nagngangalang. . . Haden. Nanigas ako na mapagsino ang binatang parang gulong-gulo din sa mga nangyayari. Napapunas ito sa labi na pumutok dahil umaagos pa doon ang dugo. "Balae, hindi natin kailangang magsigawan dito. Tara na muna sa labas para makapag bihis at mag-usap muna ang mga bata. Hwag kayong mag-alala. Sa madaling panahon ay ipapakasal natin si Sofia. . . at Haden." Ani Papa na lumabas na ng silid. Para akong umaangat sa alapaap sa mga sandaling ito. Nakatulala at hindi mag-sink-in sa utak ko ang mga nangyayari. Napasabunot ako sa buhok kong sabog-sabog pa. Napailing-iling ako na ginigising ang sarili ko sa bangungot na ito. Sana nga. Sana nga binabangungot na lang ako. Na bukas paggising ko ay maayos na ang lahat-lahat. "Hindi pwede. Kami ipapakasal? Kami ng Haden na 'to? Ni hindi ko nga ito kilala. Lalong-lalo ng hindi ko ito mahal!" piping usal ko. Para akong matatakasan ng bait sa mga sandaling ito. Hindi ko matanggap na sa iba ako maikakasal. Sa hindi ko pa mahal!? Hiyang-hiya ako kay Hades na naibigay ko sa kapatid niya ang katawan ko. Sampung taon niya akong iningatan pero heto at. . . naibigay ko sa iba ang virginity ko na dapat ay sa kanya. "Hey, get dressed. We need to talk." Ani ng baritonong boses. Napakurap-kurap ako na iniabot nito ang isang black plain tshirts at cargo pants. Tulala akong inabot iyon sa kanya. Tumalikod ito na hinayaan akong magbihis ng sarili ko. Dama ko ang panginginig ng katawan ko at ang pagsidhi ng kirot sa p********e ko. "Damn, Sofi. Anong katangahan ito? Paanong naibigay mo sa kanya ang sarili mo?" kastigo ng utak ko. Mariin akong napapikit na tumulo ang luha. Kahit puno ng pagsisisi ang puso ko ay wala na akong magawa. Nalulula ako sa nangyari pero anong magagawa ko? Tapos na. Wala na. Hindi ko na mababago ang mga nangyari na. Hindi ko na mababawi. . . ang naibigay ko sa kanya. Lalo akong binabalot ng guilt sa puso ko. Sinusumpa ang sarili sa katangahan at kapabayaan ko. Kung paanong. . . hindi ko nakilala ang lalakeng pinagkalooban ko ng sarili. Ilang beses akong humingang malalim. Sana. . . sana nananaginip lang ako. Sana bangungot lang ito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
70.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
107.4K
bc

His Obsession

read
76.9K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
162.3K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
21.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook