HADEN: NAALIMPUNGATAN ako na may mga naririnig na tawanan ng mga lalake sa kinaroroonan ko. Nanigas ako na maramdamang nangangalay ang mga kamay ko na nakatali sa likuran ko. Naigala ko ang paningin at kung hindi ako nagkakamali ay nasa isang lumang warehouse ako. Mariin akong napapikit na sumagi sa isipan ang nangyari kagabi. Kung saan sumama ako kay Kuya sa pag-aakalang nasa hospital si Papa at nag-aagaw buhay. "Uhmm." Napalingon ako sa katabi ko na marinig na umungol ito na ikinamilog ng mga mata kong makilala ito! "Kuya!?" bulalas ko na malingunan si Kuya Hades na katulad ko. . . nakagapos! Tuluyan naman itong nagising na nanghihinang napaayos ng upo. Kunot ang noo na naigala ang paningin sa paligid namin. "Nasaan tayo?" tanong nito. "Nasaan tayo? Ikaw ang nagdala sa atin dito,

