SOFI: PALAKAD-LAKAD ako dito sa loob ng banyo. Mabuti na lang at nahihimbing pa si Haden kaya nakalabas ako at bumili ng pregnancy test ko. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko habang hinihintay lumabas ang resulta ng PT. Umaasa na sana. . . sana buntis na nga ako. Ilang beses akong napabuga ng hangin. Kinakalma ang puso kong nagtatatalon sa loob ng ribcage nito. Dahan-dahan kong ikinadilat ang mga mata ko na napasilip sa hawak kong pregnancy test. "Oh my God!" bulalas ko na naglaglagan ang butil-butil kong luha. Napahikbi ako dala ng labis-labis na tuwang makita ang resulta ay. . . two red lines. Positive. Buntis nga ako. Napapikit akong napahaplos sa puson ko at sumilay ang matamis na ngiti sa aking mga labi habang dinadama ko si baby. Para akong hinahaplos sa puso ko at hindi mapig

