One month later "Late na ba kami?" nakangising sabi ni Dennis habang nag-aayos na ang wedding planner para sa pagsisimula ng church wedding nila Ramon at Tiffany. "Marie.” sabay-sabay na sabi nila Ella, Patty at Tiffany ng makita si Marie na kasama ni Dennis at nakadamit na rin ito na pang-abay. Nagulat ang tatlo dahil ang akala nila hindi ito makakarating sa kasal. "Best wishes Tiff. Late ba kami?" nag-aalalang sabi ni Marie at tiningnan nito si Dennis na nakatitig sa kanya. "Hindi pa naman kasi magsisimula pa lang. Ang akala ko kulang ang abay ko." nagtatampong sabi ni Tiffany kay Marie. "Aiiisssstttt, alam niyo naman na pupunta ako kahit anong mangyari." natatawang sabi ni Marie at sinulyapan muli si Dennis at kinindatan. "Paano ka nakita niyan?" bulong na taong ni Ella, imposible
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


