Dalawang buwan ang matuling lumipas... Kanina pa tinitingnan ni Tiffany si Ramon habang natutulog, nailipat na niya sa kabilang kama si Orion. Kinakabahan siya dahil sa pagnanais na gusto niya hawakan si Ramon, dalawang buwan itong nakatiis na hindi siya hinahawakan at naiinis siya dito. Hindi man lang ito mag-effort kung paano siya hahawakan. Kaya siya na lang ang gagawa ng paraan tutal mukhang wala talagang planong hawakan siya ni Ramon. Itinaas ni Tiffany ang t-shirt ni Ramon, mahimbing itong natutulog. Nagpapakapagod ito sa trabaho para hindi siya galawin, naging workaholic ito at itinuon ang atensyon sa trabaho at kay Orion para hindi siya nito pansinin. Pumikit si Tiffany at dahan-dahan nitong inilagay ang sariling kamay sa dibdib ni Ramon. "Nagawa ko," nakangiting sabi si Tiffa

