Kabanata 19 : Will You Still Love Me

344 Words
Nasa harapan na si Tiffany ng condo unit ni Ramon, kinakabahan siya at hindi niya alam kung naiihi ba siya dahil sa tensyon. “Paano ba?” kinakabahang tanong ni Tiffany sa sarili. Ilang minuto na siya doon at naguguluhan siya kung paano kakausapin si Ramon. “Bahala na.” sabi ni Tiffany at huminga muna siya ng malalim at unti unting binuksan ang pinto, ng biglang narinig niya ang iyak ni Orion, at sa pag-aalala bigla niyang nakalimutan ang kaba kanina. Nagmamadali si Tiffany pumasok sa loob ng condo unit ni Ramon at hinanap niya ang iyak ng anak. “Baby, nandito na si Mama.” sabi ni Tiffany. Nang makita niyang nasa loob ito ng kuwarto at karga ni Ramon na hindi alam ang gagawin. “Oh God, salamat dumating ka na.” sabi ni Ramon na parang nakahinga ng maluwag ng makita siya. “Mama, dede.” umiiyak na sabi ni Orion sa ina, inaabot siya nito pero dahil hawak ito ni Ramon kaya natatakot si Tiffany madikit sa balat ni Ramon. “Asar,” sabi ni Ramon ng mapansin naguguluhan si Tiffany kung paano kukuhanin ang anak nila at mukha ayaw nito madikit sa kanya. Inilapag ni Ramon si Orion sa kama saka ito kinuha ni Tiffany, agad naman ipinasok ni Orion ang kamay loob ng dibdib ni Tiffany na waring gutom na gutom na ito. “Mama dede.” bugnot na iyak ni Orion ng hindi nito makuha ang dede niya dahil nakabra pa siya. “Baby wait.” sabi ni Tiffany wala siyang panaklob dahil nasa loob pa iyon ng bag kaya wala siyang choice kundi ipakita kung paano siya magpadede kay Orion sa harap ni Ramon. “Mama dede.” sabi uli ni Orion ng tinanggal niya ang kawit ng bra at inilabas ang dibdib niya bigla itong kinagat ni Orion. “Aray baby, gutom na gutom ka na. Kawawa ka naman.” sabi ni Tiffany na hindi na nito napansin si Ramon dahil nakafocus ito kay Orion na waring gusto tubisin ang gatas sa dibdib niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD