“Pare, ako na maghahatid sa kanila.” sabi ni Miguel kay Ramon ng makita ang reaksyon ni Tiffany sa paghawak ni Ramon dito.
“Lumayo ka sa pamilya ko at baka maospital ka uli.” nagtitimpi sa galit na sabi ni Ramon, lalo na ng makita nitong hinawakan ni Miguel si Tiffany na hindi ito sumigaw.
Inayos ni Tiffany ang sarili at si Orion at hinawakan si Miguel sa braso.
“Alis na tayo Miguel,” takot na sabi ni Tiffany.
“Damn it, hindi ka aalis kasama iyan at isasama mo talaga ang anak ko.” galit na sabi ni Ramon.
“Huwag kang lalapit,” sabi ni Tiffany kay Ramon, na hndi niya alam kung bakit ganito ang reaksyon niya kay Ramon, kaya napahawak siya kay Miguel habang karga niya si Orion.
Naptingin si Tiffany sa anak, sa pagsigaw niya kanina nagulat si Orion kaya umiiyak na ito ngayon.
“Hussssshhh, baby, uuwi na tayo.” sabi ni Tiffany habang pinapatahan ang pag-iyak ng anak.
Napatingin si Ramon sa batang lalaki, umiiyak ito ng malakas na tila magwawala ito.
“Umuwi na tayo,” natatakot na sabi ni Tiffany kay Miguel at hinila nito ang binata.
“Sa akin kayo sasama, hindi sa kanya.”sabi ni Ramon kay Tiffany, na naiinis na siya dahil hindi niya makuha ang mag-ina niya.
“Aiiiissssttttt, bumalik ako para sa baby ko.” sabi ni Ella, ng maisipan niyang bumalik ng maalalang naroroon nga pala si Tiffany, busy kasi siyang asarin si Rod kaya nawala sa isip niya kanina.
“Ella.” mahinang sabi ni Tiffany.
“Halika na Tiffany.” sabi ni Ella na hindi man lang magawang tingnan si Ramon at dinaanan lamang ito.
“Migs, tatawagan kita later.” pilyang sabi ni Ella kay Miguel na ikinangiti ng binata.
Naiwan si Ramon na nanggagalaiti sa galit, dahil hindi niya alam kung paano makukuha ang mag-ina.
“Saan mo na naman kaya itatago ang mag-ina ko, kutong lupa ka.” inis na bulong na sabi ni Ramon sa isip habang sinusundan ng tingin si Ella kasama ng mag-ina niya.
Napatiim pa ng bagang si Ramon ng maalala pa ni Ramon ang huling address na ibingay sa kanya ni Ella ng hanapin niya dito si Tiffany ng gabing umalis ito at tumakas.
.................
Flashback
Three Years ago
“Pare, sigurado kang ito ang address na ibinigay ni Ella?” tanong ni Rod sinama pa nila si Dennis at nagbabakasakaling magkasama sila Marie at Tiffany.
“Pare, grabe naman ang lugar na ito, hindi ko naman maaatim tumira ang asawa ko dito.” dismayadong sabi ni Dennis, na gusto na niyang tanggalin na lang ng kinuha niyang tauhan na naghahanap kay Marie dahil sa mabagal na paghahanap ng mga ito.
“Pare ito ang ibinigay ni Ella, at ito ang address.” sabi ni Ramon, na napatingin sa lugar kung nasaan sila, isa iyong apartment na puro babae ang nakatira at parang club house ang dating.
“Sir, babae po gusto niyo?” tanong ng baklang parang bugaw.
“Hindi kami kumukuha ng maduming babae.” galit na sabi ni Dennis, na hindi siya naniniwalang nandoon nga sila Marie at Tiffany.
“Umalis po kayo kung ayaw niyo, bahay aliwan ito. At kung choosy kayo lumayas kayo dahil nakakasira kayo ng negosyo.” sabi ng baklang bugaw pero nagulat ito ng hinila ito ni Ramon at isinalya sa pader.
“Ikaw bakla ka kilala mo ba ito?” galit na sabi ni Ramon at ipinakita ang picture ng apat na babae sabay itinuro ni Ramon ang mukha nila Tiffany at Marie.