Isang taon din ang nakalipas ng mawala si Ramon. Nasa sementeryo si Tiffany ng araw na iyon, kung saan anibersaryo ng pagkamatay ni Ramon. Ang araw kung kailan nagbago ang lahat sa kanya.
Umupo si Tiffany sa damo at inilagay ang bulaklak sa puntod ni Ramon, saka nagsindi siya ng kandila at pinagmasdan ang mukha ni Ramon na naka-ukit sa lapida nito.
“Kaasar ka. Sabi mo hindi mo ako iiwan. Alam mo bang disi-otso anyos na ako, ang edad ko na ipinangako mong pakakasalan mo ako.” malungkot na sabi ni Tiffany habang nakatitig sa larawan ng nobyo na nasa lapida.
Tiningnan ni Tiffany ang dalawang engagement ring na ibinigay ni Ramon sa kanya noong nabubuhay pa ito na nakasuot sa daliri.
“Ano ba iyan Ramon? Hindi yata kita kayang kalimutan. Pero alam mo ba kung anong wish ko noong birthday ko? Na sana dumating ang araw na makita kita muli at mayakap.
At kapag dumating ang araw na iyon, hindi na kita pakakawalan. Ako naman ang bubuntot at susunod sayo kahit saan ka magpunta.” nakangiting sabi ni Tiffany pero pumatak ang luha sa mga mata ng dalaga.
Humiga si Tiffany sa damuhan at tumingin sa langit.
“Ang araw ang pinakamalaking bituin sa kalawakan. Hinihiling ko sayo, na makita ko ang nobyo ko balang araw.
Ramon Valiente, hihintayin kita.” nakangiting sabi ni Tiffany at tumuro ito sa kalangitan kasabay ng pagtulo pa lalo ng luha nito.