Pitong taon ang lumipas mula ng insidente sa La Secretos bar, bente singko anyos na si Tiffany.
Ang insidente sa bar ang nagpabago ng lahat sa kanya. Ang pagkamatay ng nobyo niya dahilan ng gulo sa bar na pagmamay-ari ng binata kung saan nabaril ito sa mismong harapan ni Tiffany. Iyon din ang araw na minolestiya si Tiffany kasama ng tatlo niya pang kaibigan.
"Wala ka bang balak magka-boyfriend Tiff. Baka mawala ka na sa kalendaryo. Ang edad na ganyan sa mga panahong ito ay nag-aasawa na." sabi ni Lesly, kasamahan ni Tiffany sa trabaho bente syete anyos, may asawa at dalawang anak.
Napabalikwas ng bahagya si Tiffany ng marinig ang boses ni Lesly.
"Wala pa akong balak mag-asawa. Saka malayo pa ang expiration ko.
Hahaha! Anim na taon pa bago ako matanggal sa kalendaryo." natawang sabi ni Tiffany.
Nag-aayos na sila ng mga oras na iyon para sa pag-uwi.
"Talagang sinama mo pa ang thirty one ha." natatawang sabi ni Lesly.
Napangiti lamang si Tiffany marami na sa kanya inirereto ang kaibigan. Teacher sila sa St. Valentine Academy kung saan nagtuturo siya ng kinder.
Ilan taon din ng mapag-pasyahan ng Academy na magtayo ng preparatory at elementay level at isa siya sa mapalad na nakuhang guro dito.
"Hindi ka ba naiinggit, kapag kinukuha na ng mga magulang nila iyang mga batang tinuturuan mo. Naiiwan ka na nag-iisa." sabi ni Lesly. Pang-umaga siya at pang-hapon naman ang schedule Tiffany. Minsan na niyang makita si Tiffany na nakatulala at parang malalim ang iniisip nito tuwing umuuwi ang mga estudyante ng dalaga.
Bilib si Lesly sa kaibigan, matiyaga ito sa mga bata kahit nga dalawang section pa ang hawak ni Tiffany. Dahil kaya ni Tiffany i-handle ang dalawang klase. Para ngang gamay ng kaibigan ang pabago-bagong ugali ng mga bata o tantrums na matatawag.
"Hindi naman. Saka magkakaroon din naman ako ng anak baka nga sampu pa." natatawang sabi ni Tiffany.
"Hay naku Tiff. Ewan ko sayo baka mamalayan mo na lang, matandang dalaga ka na." sabi ni Lesly.
"Bakit ka ba nag-aalala sa akin? Ako nga hindi nag-aalala sa sarili ko." natatawang sabi ni Tiffany.
"Ikaw din, basta sinabihan kita." naiiling na sabi Lesly.
"Hindi iyan. May hinihintay lang kasi ako." nakangiting sabi ni Tiffany.
"Sino naman ang hinihintay mo?" tanong ni Lesly.
"Nasa langit pa, baka maisipang bumaba sa lupa." nakangiting sabi ni Tiffany.
"Hala ka, ang creepy ha. Baka nababaliw ka na sa pag-iisa." sabi ni Lesly.
"Hindi ha. Bababa iyon maniwala ka." makahulugang sabi ni Tiffany.
"Haist Tiff kung ako sayo, kung sino man ang hinihintay mo, kalimutan mo na siya. Nakikita mo ba ang sarili mo maganda ka, makinis iyon kutis mo, ang amo ng mukha mo, ang haba ng legs mo na para ka ngang model, samahan pa na matalino at mabait ka.
DM for hard copy Follow or Like my sss page Rose Chua Novels