Kabanata 2 : If Ever in Your Arms Again

2786 Words
Kinabukasan “Ang init naman. Late na naman ako.” inis na sabi ni Tiffany, ilang araw na siyang ganito, late o sabihin natin ilang araw na talagang traffic, dumarami na kasi ang tao sa probinsya nila. Hindi tulad ng dati na minuto lang ang biyahe kakayanin na. Maraming pasahero ng araw na iyon nang Biyernes kung saan parang excited ang lahat sa huling araw ng linggo na may pasok. Maaga naman siya nagising kanina, fresh look nga ang pakiramdam niya kanina paggising pero ngayon feeling niya daig pa niya ang tumakbo ng isandaang kilometro. “Ano ba naman? Ang sikip.” sabi ni Tiffany sa isip ng maya-maya halos isang oras na girian at pakikipagbalyahan nakasakay din siya sa bus. Kaso sa sobrang daming tao na sa loob halos igitgit na niya ang sarili mapagkasya lang ang mahabang katawan niya. “Hirap maging matangkad.” bulong na sabi ni Tiffany sabay naalala niya tuloy si Marie at napangiti sa naiisip na kakulitan nito. Napatingin si Tiffany sa paligid puno ang bus kaya yumuko na lamang siya at niyakap nito ang sarili habang pinapakiramdaman ang takbo ng bus sa hi-way. “Grabe.” sabi ni Tiffany ng tingnan niya uli ang relo sa bisig, ilang minuto ang nakalipas habang nakatayo siya sa bus. Halos hindi gumalaw ang bus dahil sa traffic, kalahating oras na siya sa loob at nakatayo pa rin. Hindi niya din magawang kumilos at tuwing nadidikit siya sa ibang balat ay napapaigtad siya, at bumabalik sa ala-ala niya ang nakaraan sa kamay ng mga manyak na lalaking iyon na nangmolestiya sa kanya. “Grabe ang tagal naman tutubuan na yata ako ng ugat dito.” bulong ni Tiffany, masakit na ang paa niya kahit na nga ba nakasuot siya ng doll shoes. Panaka-naka pa niyang iniiwas ang mga hita niya sa mga tao sa paligid niya sa pagkailang. Nakasuot pa naman siya ng skirt, na siyang school uniform ng mga teacher. Tiningnan muli ni Tiffany ang oras, late na siya pero mabuti na lang at panghapon pa ang klase niya. Pang-umaga dapat siya pero naki-pag palit siya kay Lesly dahil sa mga ganitong pangyayari. Tutal naman malapit lang ang bahay ni Lesly sa St. Valentine Academy. “Hay talaga naman. Ang tagal umusad. Makakagawa na yata ako ng lesson plan ko dito.” naiinis na sabi ni Tiffany sa isip, ayaw pa naman niyang nasasayangan ng oras sa walang kuwentang bagay. Ilang oras ang lumipas at nasa mainit na bus pa rin si Tiffany “Excuse, excuse padaan may bababa.” sabi ng isang pasaherong lalaki may bigote ito at malaking tao. Harabas itong dumaan sa center aisle ng masikip na bus. Pasimpleng tumingin si Tiffany sa lalaki at nang dadaan na sa likod niya ang lalaki tumingin ito sa kanya. Kinilabutan si Tiffany sa pagtama ng mga mata nila ng lalaki, samahan pa na parang sinadya ng lalaki na ikiskis ang braso sa kanya. “Ahhhhhhhh,” nanghihilakbot na sigaw ni Tiffany ng maramdaman ang magaspang at may pawis pang balat ng lalaki na dumikit sa braso niya. Nakuha pang tumawa ng lalaki pag kalagpas nito sa kanya. Nagulat ang mga pasahero sa ginawa niyang sigaw kaya napatingin ang mga ito kay Tiffany. “Miss okay ka lang?” tanong ng matandang babae kay Tiffany ng magulat ito sa pagsigaw ng dalaga. “Sorry, okay lang po ba kayo?”sabi ni Tiffany ng magulat niya ang matanda sa pagsigaw niya. “Ikaw okay ka lang ba?” ulit na tanong ng matandang babae kay Tiffany. “Okay lang po ako.” sabi ni Tiffany. “Gusto mo umupo, namumutla ka kasi at parang nanginginig ka.” nag-aalalang sabi ng matanda. “Okay lang po ako, nagulat lang po ako.” sabi ni Tiffany. Gustuhin man ni Tiffany umupo, naaawa din siya sa matanda dahil may kasama pa itong bata na kandong nito. Samahan pa na may katabi rin itong lalaki na nakasuot ng shorts lamang at siguradong pag-umupo siya makikiskis ang balat niya dito lalo na at parang sardinas na sila sa bus. Paniguradong sisigaw lang siya uli. ……….. Samantalang, kanina pa badtrip si Ramon habang nakasakay ito ng bus. Late na kasi si Ramon sa meeting, ang akala niya mapapadali kapag sumakay siya ng bus, pero hindi pala. Dahil ilang oras na siya doon at gusto na nga niyang pasabugin ang bus. Isama pa na siksikan sa loob nun na kulang na lang magkapalit ng ang mga mukha ng mga pasahero. Pero dahil matangkad siya kita niya lahat na nangyayari sa bus. Panatag siya na hindi naman siya mananakawan at subukan lang na nakawan siya ng kung sino siguradong hindi na ito mabubuhay pa. Maya-maya may babaeng sumakay sa bus, matangkad ito at kita ang mahaba nitong legs sa suot nitong skirt, kilala niya ang uniform na iyon at sigurado siyang sa St. Valentine Academy nagtatrabaho ang babae. Nakasuot ang babae ng headset. Pinagmasdan ni Ramon ang mukha ng babae, maamo iyon na parang kay lambot hawakan. Napangiti siya sa naisip dahil umagang-umaga pinapainit siya ng babae. Ilang minuto ang lumipas, hindi na maalis ang tingin ni Ramon sa babae mula ng pagsakay nito. Napakunot noo pa si Ramon habang pinagmamasdan ang babae, halos sumiksik kasi ang babae sa sulok at pilit iniiwas ang katawan nito sa iba. Nakayakap sa sarili na parang ayaw nitong magpadikit kahit kanino. At kapag may dumaraan sa gilid ng babae para bumaba, pumipikit ito na parang pinipigilan sumigaw. Napaisip pa lalo si Ramon ng gumilid pa ang babae at halos sumiksik na sa may upuan. Ilang sandali pa at may dumaan sa gilid ng babae na isang lalaki. Napasigaw ang babae, namumutla ito at nanginginig sa takot, nanlaki ang mata nito ng nakuha pang tumawa ng lalaking humipo dito. Napatiim ng bagang si Ramon kaya ng dumaan sa harap niya ang lalaki nanghipo sa babae, tinuhod niya ito sa gitna na ikinaigik ng lalaki ng matamaan ang p*********i nito. “Sorry ha.” maangas na sabi ni Ramon sa lalaking nanghipo sa babaeng kanina pa niya pinagmamasdan. Mukha naman natakot ang lalaki sa laki niyang tao kaya hindi ito nakapagsalita. Pagkababa ng lalaki sa bus, pasimpleng nilapitan ni Ramon ang babae at puwesto ito sa likuran nito para hindi ito masanggi ng kung sinuman. At ilang sandali pa nagpreno ng bigla ang driver ng bus na ikinagulat ng mga pasahero at dahil maagap si Ramon napigilan niya ang muntikan pagtumba ng babae nakuha pa niyang iharang ang mga kamay para hindi ito madikitan ng mga pasahero. …………….. “Ano ba iyan?” bulong na sabi ni Tiffany ng biglang mag-preno ang bus. “Oooppppsss, sorry.” sabi ng baritonong boses. Napalingon si Tiffany sa pinanggalingan ng boses hindi siya puwede magkamali sa naulinigang boses. Bumilis ang t***k ng puso niya at sa paglingon ni Tiffany sa likuran niya laking gulat niya na ang nasa likuran niya at nakatayo sa bus ay ang lalaking hindi nawala sa isip niya sa loob ng pitong taon. “Ramon?” mahinang sabi ni Tiffany pero tumingin lang ang lalaki sa kanya. “Ramon.” ulit na sabi ni Tiffany niyakap niya ito habang umiiyak, hindi siya puwede magkamali ang init na nagmumula sa katawan nito ang nagpapatunay na ito ang lalaking minamahal niya. “Miss, excuse me. Kasi late na ako sa meeting.” supladong sabi ng lalaki. Tinanggal ng lalaki ang braso ni Tiffany, na ikinapula ng mukha ni Tiffany sa kahihiyan lalo na ng magtawanan ang mga pasaherong nakakita sa ginawa niya. “Bakit ganoon?” nagtatakang sabi ni Tiffany sa isip ng hindi siya makilala ni Ramon. Hindi siya nito kilala pero hindi siya puwede magkamali. Tiningnan niya ang lalaki at aktong bababa na sa bus ang lalaki, dali-daling sinundan ni Tiffany ang lalaki pababa ng bus. Samantalang, nagulat si Ramon ng yakapin siya ng babae kanina, kilala siya nito. Pero sino ba naman ang hindi makakakilala sa kanya? Eh, siya lang naman ang nagmamay-ari ng Franxie Cuisine Restaurant, nakuha niya ang buong pagmamay-ari nito ng ibigay ito sa kanya ng ama ng bumalik siya ng bansa. Samahan pa na nagmamay-ari siya ng condo at isang bar na pinapalago niya ngayon. Pero napangiti si Ramon sa init na nag-mumula sa katawan ng babae ng yakapin siya nito kanina. Ito ang tipong hindi niya palalagpasin ikama. “Lumapit ka lang uli, ikakama na kita.” nakangising sabi ni Ramon sa sarili, habang naglalakad papuntang Cheung Mall. Ilang araw pa lang si Ramon ng makabalik mula sa ibang bansa. Tinawagan niya ang mga kaibigan. Inuna niya si Dennis na kababalik lang din ng bansa pero busy ito dahil hinahanap nito ang asawang si Marie. Nakuha niyang kontakin si LJ pero busy lagi sa babaeng lagi nitong pinasusundan, si Rod naman ay halos walang ginawa kundi mambabae. Nagpatuloy sa mabilis na paglalakad si Ramon dahil mukhang inip na inip na ang ka-meeting niya, pero napangiti lang siya. Dahil kaunting ngiti at karisma lang, panatag siyang maisasarado rin niya ang transaction deal dito. Mula sa malayo nakita ni Tiffany na pumasok si Ramon sa Cheung Mall, hinabol niya ito. Kapag hindi niya iyon ginawa baka hindi na naman niya ito makita. Pero ngayon ang lubos niyang ipinagtataka hindi siya nito kilala. “Imposibleng hindi si Ramon iyon, nag-mature lamang ang mukha niya pero lalo itong naging guwapo at lumaki rin ang katawan niya. Nagkita rin tayo, Ramon.”sabi ni Tiffany sa isip. “Ramon!” malakas na tawag ni Tiffany sa lalaki pero hindi siya nito nilingon, ng pumasok ito sa Franxie Cuisine Restaurant ang isang branch ng restaurant na nasa loob ng mall. “Nakakaasar, bakit ba hindi mo ako kilala?” inis na sabi ni Tiffany sa sarili. Mabilis na naglakad si Tiffany at pumasok siya sa loob ng restaurant para habulin si Ramon. Sa loob ng Resto nakita ni Tiffany si Ramon na kausap ang isang staff ng Restaurant at akmang aalis ito ng hawakan niya ito. “Sandali lang?” sabi ni Tiffany kay Ramon lumingon ang lalaki at tiningnan siya nito. “Why?” pormal na sabi ni Ramon sabay tingin sa kamay ng babae na nakahawak sa bisig niya, na pumigil sa kanya umalis. “Aiiiisssssttttt, hindi mo ako kilala?” asar na sabi ni Tiffany na ikinangisi ng lalaki. “Sino ka ba?” maangas na sabi ni Ramon. Tiningnan ni Ramon ang dalagang kaharap, ito ang babae sa bus at sinundan talaga siya nito. Pero ang ipinagtataka niya kilala talaga siya ng babae. “Hindi mo ako kilala?”malungkot na sabi ni Tiffany Nakita ni Ramon ang gumuhit na lungkot sa mga mata ng babae sa sinabi niya na ikinabilis ng t***k ng puso ni Ramon. “Sir sorry, nakapasok po. Hindi ko po siya napansin.” sabi ng guard at hinawakan nito si Tiffany. Nagulat ang dalaga, at bigla itong napasigaw na ikinatingin ng mga tao sa restaurant. “Aaaaahhhhhh,” sigaw ni Tiffany ng hinawakan ng guard ang braso niya. Nagulat ang guard ng biglang sumigaw ang babae kasunod ng pag-iyak nito. “Bitawan mo.” galit na sabi ni Ramon sa guard at tiningnan ito ng masama. Tumingin si Ramon sa babae na nasa harapan niya, takot ang mababakas sa mukha nito. “s**t,” napamurang sabi ni Ramon at wala sa loon na niyakap niya ang babae na halos hindi tumigil sa pag-iyak “Bakit hindi mo ako kilala?” umiiyak na tanong ni Tiffany kay Ramon. “Hindi talaga kita kilala, pero ganito na lang…” putol na sabi ni Ramon. Inilayo nito ang babae sa pagkakayakap niya at kinausap. “....magpakilala ka para makilala kita.” dugtong na nakangising sabi ni Ramon. Sa isip ni Ramon kung nakikipaglaro ang babaeng nasa harapan niya, makikipaglaro din siya dito. Hindi na kasi bago ang mga babaeng tulad ng nasa harapan niya. Lapitin siya ng babae at kung ano-anong pakulo na ang ginawa ng iba’t ibang babae mapalapit lang sa kanya. “Ako si Tiffany Quimson.” sabi ni Tiffany. Tinitigan ni Tiffany si Ramon kahit saang anggulo niyang tingnan, si Ramon ang nasa harapan niya. “And?” sabi ni Ramon. Hinawakan ni Tiffany ang mukha ni Ramon, na ikinagulat ng lalaki at akmang magsasalita ang binata ng unahan niya ito. “Ikaw, si Ramon Valiente.” sabi ni Tiffany, pati petsa ng kapanganakan nito sinabi niya, pero tumawa lang ang binata. “Marami ang nakakakilala sa akin Miss, hindi lang ikaw.” maangas na sabi ni Ramon, tulad ng naisip niya kanina alam niyang nakikipaglaro lang ang babae pero pagbibigyan niya ito tutal mukhang masisiyahan siya dito. “Dapat kilala mo ako, kasi nobya mo ako at ikakasal na tayo.” naiiyak na sabi ni Tiffany. Ipinakita ni Tiffany kay Ramon ang dalawang engagement ring na ibinigay nito dati sa kanya. Tumingin si Ramon sa babae at napangiti ito. “Marunong kang makipaglaro. Pagbibigyan kita.” bulong na sabi ni Ramon sa isip. “Lahat ng nobya ko kinakama ko, naikama na ba kita?” pilyong sabi ni Ramon. Napangiti si Ramon ng biglang namula ang babae sa harapan at napalunok pa ito sa sinabi niya. “Hindi pa kasi natin ginagawa iyon, sabi mo kasi papakasalan mo ako kapag nag disi-otso na ako, pero wala ka na.” naiiyak na sabi ni Tiffany habang naka titig kay Ramon. “Damn.” inis na sabi ni Ramon ng makita ang mabilis na pagtulo ng luha ng babaeng kaharap. Hinila ni Ramon si Tiffany paalis sa lugar ng biglang tawagin siya ng staff. “Sir paano po iyong meeting niyo?” sabi ng staff kay Ramon ng habulin siya nito. “Reschedule the meeting.” inis na sabi ni Ramon, alam niyang mahalaga ang meeting na iyon pero kailangan niya kausapin ang babae o kailangan niyang ikama ang babae ngayon mismo. “Sir baka po mag-back out na sila.” nag-aalalang sabi ng staff. “Mag-back out sila kung gusto nila. Huwag niyo ako tawagan at istorbohin may gagawin lang akong mas mahalaga.” sabi ni Ramon sa staff, binalingan nito si Tiffany na nakatingin lang sa kanya at naaasar siya dahil tingin lang nito nag-iinit na siya. “Dito tayo.” sabi ni Ramon at iginiya ang babae palabas ng restaurant. “Saan tayo?” nagtatakang tanong ni Tiffany ng hilahin siya ni Ramon sa elevator. Alam niya ang taas na bahaging iyon ay mga condo unit, dahil minsan na siyang dinala doon ng binata. “Sa langit.” pilyong sabi ni Ramon at sumakay sila ng elevator. Pagkasakay ng elevator nakatingin lang sa kanya si Tiffany na parang kinakabisa ang mukha niya na ikinaiilang niya dito. “Kilala mo na ba ako? Naaalala mo na ba ako?” mahinang tanong ni Tiffany at hinawakan nito ang mukha ng binata. “s**t, gusto mo makipaglaro. Pagbibigyan kita, ngayon na.” sabi ni Ramon at hinalikan nito si Tiffany habang nasa elevator sila. Dumampi ang labi niya sa malambot na labi ng dalaga at lalo siya nag-init sa ginawa. “Ramon, dahan dahan lang. Naaalala ko sila.” sabi ni Tiffany ng biglang mapangahas ang ginawa ng binata at pumunta ang labi nito sa kanyang leeg. Nakuha pa nitong pisilin ang hita at puwetan niya na hindi niya kaya, dahil unti-unting bumabalik ang nakaraan sa kanya. “Huwag po. Ayoko na. Nasasaktan po ako.” umiiyak na sabi ni Tiffany kumawala ito kay Ramon at sumiksik ito sa gilid ng elevator. Parang binuhusan ng malamig na tubig si Ramon ng makita ang babae na halos humahagolhol na sa kanyang harapan. “f**k, hindi kita ginagahasa. Lumalapit ka sa akin kaya dapat alam mo, ang gagawin ko sayo.” inis na sabi ni Ramon, hindi niya alam ang laro ng babaeng ito at naaasar siya. Nang bumukas ang elevator binuhat ni Ramon si Tiffany at dinala sa condo unit niya. Nanatiling umiiyak si Tiffany habang buhat siya ni Ramon. Dineretso ni Ramon ang babae sa kuwarto at isinalya ito sa kama. Ayaw niya ng matagal makipaglaro pero mukhang iyon ang gusto ng babaeng nasa harapan. Hinubad niya ang suot na pantaas at pinuntahan ang babae. “Simulan na natin ng matapos na tayo.” sabi ni Ramon kay Tiffany. Hinawakan ni Ramon ang makinis at mahabang legs ni Tiffany pero bigla itong sumigaw. “Tama na. Ayoko na po.” sabi ni Tiffany nang maghilakbot siya ng pisilin ni Ramon ang hita niya. Bigla siya napaupo sa kama at tinakip ang unan sa katawan niya. “Nakikipaglaro ka talaga? Ayokong binibitin ako.” asar na sabi ni Ramon. Naghubad si Ramon ng damit sa harapan ni Tiffany na ikinagulat ng dalaga. Follow and Like me at my sss Page Rose Chua Novels Hard Copy on Sale
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD