Kinabukasan
R-Square Hotel
"Pare, kamusta anong bang pangmimitingan natin?" nakangiting sabi ni Dennis.
"Mukha yata nahanap mo na uli si Marie," sabi ni Rod kay Dennis.
Nang hindi mahabol ni Dennis si Marie sa party ni Arthur sa bar, pinagalaw ni Dennis ang mga tauhan at may magandang balitang nakalap ang mga ito.
"Muntik na pare, madulas si Marie." nakangising sabi ni Dennis.
"Magaling maglaro ang apat, pero mas magaling tayo maghanap at magpa-ikot." natatawang sabi ni LJ inilapag ni LJ ang nakuhang litrato ni Marie sa bag ni Patty at ang mga number na ginamit ng apat para makontak ang isa't isa.
"Pinapuntahan ko na siya sa mga tauhan ko sa bago niyang pinagtataguan. Siguro naman hindi na makakaalis iyon. Huh! Malaki rin ang nakuhang pera ni Marie sa akin na kailangan kong kunin sa kanya." sarkastikong sabi ni Dennis, nalaman niya ang nadispalkong pera ni Marie sa kompanya at kailangan niya lalong hanapin ito.
"Anong ginawa niyo sa doctor?" naiiling na sabi ni Rod.
"Pinatapon namin sa ibang lugar para hindi makagambala pa." natatawang sabi ni LJ.
"Akala nila maiisahan nila ako." sabi ni Ramon.
Nahuli ni Ramon ang kalokohan ng apat ng pasukin niya uli ang kuwarto ni Tiffany sa bahay nila Ella, may napansin siyang printouts at nakafolder ito, hindi niya sana gagalawin pero nakita niya ang pangalan niya harapan nito.
Napangisi si Ramon sa mga kaibigan saka nito inilapag ang folder ng pagpaplano sa kanya ng apat sa mesa.
"Pare, ayos ha para kang specimen na pinag-aralan. Hahaha!" natatawang sabi ni Rod ng buklatin at pahapyaw na basahin ang folder at may initial iyon ni Ella.
"Hindi ako papayag na ginago ako ng apat na iyon. Sa lahat ng ayoko iyon pinaglalaruan ako." nakangising sabi ni Ramon.
"Anong gagawin mo?" tanong ni Rod kay Ramon.
"Pagsawaan si Tiffany at idispatsa pagkatapos. Tapos na ang tatlong buwan siguro naman sapat na iyon." natatawang sabi ni Ramon na ikinatawa lamang tatlong kasama.
"Pare paano kung nabuntis mo na?" tanong ni Dennis kay Ramon.
"Bago ko idispatsa titingnan ko muna kung may laman ang tiyan kapag meron kukunin ko ang anak ko at malaya na siya makakaalis." natatawang sabi ni Ramon.
"Souvenir pare." natatawang sabi ni Dennis kay Ramon.
"Atleast may souvenir, ikaw ang tagal niyo na ni Marie. Hindi mo man lang nakuhanan ng souvenir." natatawang sabi ni Ramon kay Dennis.
"Susulitin ko kasi kapag kinuha ko. Pinapahinog ko muna para masarap." natatawang sabi ni Dennis.
"Dalian mo pare baka mahanap ng doctor iyon, maunahan ka pa" natatawang sabi ni LJ kay Dennis.
"Hindi mo gayahin si LJ. Binabantayan talaga si Patty.”sabi ni Rod
“Hahaha! Nakamagkano ka na pare sa mga private agent mo?" natatawang sabi ni Dennis kay LJ, hindi biro din ang ginawa ng kaibigan at pinuhunan nito para bantayan si Patty sa loob ng pitong taon.
"Pare, inaalagaan ko lang ang akin. Mahirap ng malusutan ng iba. Pero huwag kayong mag-alala dahil lahat ng nagastos ko sa private agent na bantay niya ay sisingilin ko sa kanya sa kama." nakangising sabi ni LJ.
"Kaya dinidispatsa mo ang lahat ng umaaligid.”sabi ni Dennis kay LJ.
“Oo.”napangiting sabi ni LJ.
“Ang tindi mo pare siguraduhin mo lang na makukuha mo si Patty baka umiyak ka ng bato kapag napunta rin sa iba." natatawang sabi ni Rod kay LJ.
"Ikaw ang mag-ingat, dahil hindi lang lalaki ang kalaban mo pareng Rod pati babae." sabi ni LJ kay Rod.
"Wala akong problema kay Ella, binabantayan din siya ni momy." natatawang sabi ni Rod.
Nagtawanan ang lahat sa sinabi ni Rod.
Panatag si Rod kay Ella dahil si Mrs Cheung mismo, ang kanyang ina, ang nagbabantay kay Ella. Stalker nga ang momy niya sa dalaga, dahil si Ella ang gusto nitong maging anak na babae. High school pa lang sila guwardiyado na ng momy niya si Ella.
"Malay mo pare. Malihim pa naman si Ella." natatawang sabi ni Dennis kay Rod.
"Hindi lang iyon pare, magaling na magtago, mautak pa." sarkastikong sabi ni LJ.
"Magaling pa magplano."galit na sabi ni Ramon, dahil mula sa print outs nalaman niya na si Ella ang mastermind ng panloloko sa kanya.
"Hahahaha, off limits si Ella pare. Malalagot ka kay momy, kay Rico at sa akin pare. Iyong nobya mo ang kausapin mo. Hindi naman gagawin ni Ella iyan kung hindi siya pumayag. Si Tiffany ang lead character sa plano ni Ella." seryosong sabi ni Rod kay Ramon. Nakamasid si Rod kay Ramon dahil kailangan niyang bantayan ang kilos ni Ramon at baka may gawin ito kay Ella.
"Kung ako sayo pare, puntahan mo ngayon si Tiffany. Amuin mo saka mo bitawan. Nakaganti ka na, nasarapan ka pa." natatawang sabi ni Dennis kay Ramon.
"Mahal mo pa naman yata kaya ka galit?" birong sabi ni LJ kay Ramon
"Hindi ko siya mahal. Kaya nga hindi ko sinasabi sa kanya na kilala ko na siya, kasi wala akong makapang pagmamahal na para sa kanya. Masarap lang siya, na parang pagkaing hindi mo pagsasawaan kainin lagi." natatawang sabi ni Ramon.
"Hayop, kainin talaga pare. Hindi tikman?" natatawang sabi ni Dennis.
"Pare, si Tiffany ang babaeng game ako makipag s*x mula umaga hanggang gabi ng walang tulugan." natatawang sabi ni Ramon.
"Kaya lumipat ng bahay, pinapagod mo." natatawnag sabi ni Rod kay Ramon.
"Satisfied naman siya sa ginagawa namin. Give and take relationship ang tawag doon." nakangising sabi ni Ramon na ikinatawa ng lahat.
.......................
R-Square Hotel
Minutes ago
"Tiffany, mamaya na tayo pumasok. Nakita ko iyong apat na pumasok sa opisina ni Rod dala ni Ramon iyong folder. Pagkakataon na para malaman natin ang totoo, makinig muna tayo sa pag-uusap nila." sabi ni Ella.
Nasa R-Square Hotel sila ng gabing iyon, pinuntahan si Ella ni Tiffany para sana sa labas sila mag-dinner pero inutusan si Ella ng supervisor niya para ibigay ang papeles kay Rod.
"Sige," tipid na sabi ni Tiffany.
Mula ng ilapag ni Tiffany sa side table ng kuwaro niya sa bahay ni Ella ang print outs hindi na siya makatulog. Pinuntahan siya ni Ramon ng madaling araw sa kuwarto at nagkunwari siyang tulog, at nang makita ni Ramon ang print outs bigla itong umalis.
"Halika Tiff," sabi ni Ella kay Tiffany na pumuwesto sa pintuan ng opisina ni Rod.
Nakita pa ni Ella ang sekretarya ni Rod at sinabihan na huwag maingay na sinunod naman nito.
Mula sa makapal ng pinto, binuksan nila ng bahagya ang pintuan para marinig ang pag-uusap sa loob at ilang sandali lang ang lahat ng pag-uusap ng magkakaibigan ay narinig nila.
.................
Present hour
"Okay ka lang Tiffany?" tanong ni Ella kay Tiffany ng maisara nila ang pinto.
"Oo, umalis na tayo." nagpipigil sa pag-iyak si Tiffany. Ang akala niya sa pagbabalik ng alaala ni Ramon babalik din ang pagmamahal nito pero nagkamali siya.
"Okay." sabi ni Ella at kinausap nito si Lexi na kunwari hindi siya nito nakita.
Dali-daling bumaba ang dalawang magkaibigan gamit ang elevator.
"Tiffany dito muna tayo, kailangan ko makontak si Marie." nagmamadaling sabi ni Ella.
Kinontak ni Ella si Marie pero nagriring lang ang cellphone ng kaibigan.
Kinuha ni Ella ang bagong sim at isinuksuk iyon sa cellphone.
"Marie sumagot ka." kinakabahang sabi ni Ella kailangan niya maunahan ang mga tauhan ni Dennis. Dahil sa narinig ni Ella tiyak na mahuhuli si Marie at baka makulong ito.
"Hello, bhes." sagot ni Marie sa kabilang linya.
"Magkita tayo, umalis ka na diyan. Huwag ka magsasalita naka-tap ang lahat ng tawag mo. Tawagan mo si Ly. Ngayon na, sasabihin niya kung saan kayo magkikita at saan ka puwede magtago." mabilis na sabi ni Ella kay Marie bago nito putulin ang linya.
"Ella." sabi ni Tiffany.
"Bakit? Okay ka lang ba? May masakit ba sayo?" nag-aalalang tanong ni Ella kay Tiffany ng balingan ito ng tingin.
"Sasama ako kay Marie. Hanggang manganak ako, itatago ko muna ang pagbubuntis ko." sabi ni Tiffany.
"Ano? Bakit?" tanong ni Ella.
"Para hindi siya makita ni Ramon, dahil kukunin niya ang anak namin." naiiyak na sabi ni Tiffany, hanggang ngayon hindi siya makapaniwala sa mga narinig kay Ramon kanina.
"Aisssttt, huwag kang umiyak makakasama sa baby mo. Hindi natin puwede kontakin si Patty. Hintayin natin ang tawag ni Ly, para makita natin kung saan kayo puwede ni Marie magtago." sabi ni Ella.
"Salamat Ella. Paano ba kita mababayaran?" nanlulumong sabi ni Tiffany.
"Ano ka ba? Hindi ko naman kayo hahayaan ni Marie mapahamak." sabi ni Ella.
Luminga-linga si Ella sa paligid at niyaya si Tiffany umalis sa lugar.
................................
Kinabukasan
"Ella," tawag ni Marie kanina pa siya sa madilim na kalsadang iyon at hinihintay si Ella at Tiffany.
"Aiiiissssttt, ang pangit mo. Bakit ganyan ang suot mo?" natatawang sabi ni Ella kay Marie ng makitang mukha itong pulubi.
"Huwag kang tumawa mas okay na ito. Kaysa mahuli ako ng monster ko.”sabi ni Marie
“Loka ka talaga.”sabi ni Ella na natatawa sa itsura ni Marie.
“So ngayon paano na?" sabi ni Marie, sinadya niyang mag-anyong pulubi dahil may sumusunod na naman sa kanya.
"Isama mo si Tiffany, ito iyong ticket ng barko at bahay na pagtataguan niyo. Malabong makita kayo diyan kasi liblib na lugar na iyan.”sabi ni Ella.
“Okay.”sabi ni Marie sabay kuha ng ticket kay Ella.
“ Ingatan mo si Tiffany, ito iyong perang pinakuha mo. Langya ka nagnakaw ka pa uli sa asawa mo para gamitin sa pantakas mo." natatawang sabi ni Ella kay Marie.
"Mayaman naman siya , saka last na ito. Basta huwag lang niya ako makita. May nakatago pa akong kayaman kinuha ko sa cottage niya sa El Paradiso noong nagpunta kami doon pag-balik namin galing Amerika. Hahaha!" natatawang sabi ni Marie kinuha niya ang maliliit na antique collection ni Dennis at iyon ang pinanggagastos niya sa pagtatago.
“Hahaha. Ang dami mo ng utang sa asawa mo.”sabi ni Ella kay Marie.
“Hayaan mo siya.”nakangiting sabi ni Marie na ikinailing ni Ella.
Maya-maya pa ng tiningnan ni Marie si Tiffany.
"Ingatan mo si Tiffany at iyong anghel natin, baka makuha ng mga demonyo." paalala ni Ella kay Marie.
"Akong bahala. Basta iyong mga code natin huwag mong kalimutan.”sabi ni Marie.
“Oo. Mag-ingat kayo.”sabi ni Ella.
“Ikamusta mo na lang ako kay Patty dahil mukhang marami na rin ang sumusunod sa kanya." sabi ni Marie na ikinatango ni Ella.
Minsan na ni Marie binalak puntahan si Patty sa bahay nito ng mapansin niya na may tatlong lalaking kanina pa umaaligid sa bahay ng kaibigan kaya hindi na niya napuntahan iyon.
"Oo. At ikaw naman Tiffany huwag kang masyado mag-isip. Huwag kang mag-alala okay ka sa pupuntahan niyo. Napuntahan ko na iyon, wala masyadong tao doon at mahirap hanapin ang lugar." sabi ni Ella.
"Ella, salamat. Hindi ko alam paano kita masusuklian." nahihiyang sabi ni Tiffany.
"Naku naman, basta alagaan mo iyan angel natin bayad ka na sa akin. Kapag naalala niyo ko sa bituin na lang tayo mag-usap usap. Mag-ingat kayo, kapag nakapanganak ka pupuntahan ko kayo doon." nakangiting sabi ni Ella
"Oo bhes, mag-ingat ka rin." sabi ni Marie
"Oo naman. Balitaan niyo ako lagi." sabi ni Ella bago iniwan sa dilim ang dalawa.
...................
Hours later
"Nasaan si Tiffany?" galit na tanong ni Ramon kay Ella ng puntahan nito sa bahay nila Ella at hanapin si Tiffany.
"Hindi ko nga alam, umalis siya kanina at ang akala ko naman pupunta na sa condo mo." sabi ni Ella, na mabuti na lang wala doon ang magulang niya kundi napapulis na ang lalaking kaharap.
"Sweetheart sabihin mo na kasi kung nasaan si Tiffany?" sabi ni Rod kay Ella.
Sinamahan ni Rod si Ramon para sunduin si Tiffany pero naitago na ito ng dating nobya.
"Langya, huwag mo akong tawagin sweetheart. Kasi hindi ka naman sweet at wala kang heart." asar na sabi ni Ella kay Rod. Napipika siya at nagsama pa talaga ang dalawang f^*K B*y.
"Ibibigay mo ang address o magwawala ako dito sa bahay niyo?" sabi ni Ramon na hinalughog na ang bahay nila Ella pero walang Tiffany roon at ang dalaga nakaupo lang at kampante sa mahabang sofa, na nakuha pa nitong itaas ang mga paa sa mesa.
"Sandali."nakangising sabi ni Ella kumuha ito ng ballpen at papel.
Napatingin si Ramon at Rod kay Ella ng kumuha ito ng ballpen at papel at may isinulat doon.
"O, ito iyong alam kong pinuntahan ni Tiffany at iyan lang talaga." mapang-asar na sabi ni Ella at ibinigay nito ang papel na pinagsulatan ng address kay Ramon.
Kinuha ni Ramon ang papel at napamura ito habang tumawa naman ng malakas si Rod sa kalokohan ni Ella.
"Ako ba talaga niloloko mo?" napipikong sabi ni Ramon, ng mabasa na address ng condo niya, ng Academy at ng main branch ng restaurant ang nakasulat doon.
"Langya naman, buti nga binigyan kita ng address. Iyan lang ang alam kung pupuntahan ni Tiffany." seryosong sabi ni Ella, kinuha pa nito ang milk tea na pasalubong ni Rod at ininom iyon habang itinaas muli ang paa sa center table.
"Pare napipika ako sa nobya mo, baka anong gawin ko diyan. Kausapin mo, dahil kailangan ko ng matinong sagot." namumula sa galit na sabi ni Ramon kay Rod. Wala na si Ramon ibang alam na mapupuntahan ni Tiffany, at si Ella lang ang puwedeng lapitan nito.
"Hindi niya ako nobya, lumayas na nga kayong dalawa. May bisita pa ako mamaya." sabi ni Ella at sumilip ito sa labas ng bintana.
"Sabihin mo na kasi kung nasaan si Tiffany." mahinahong sabi ni Rod, na kahit alam niya kahit pigain niya si Ella wala itong sasabihin dahil kilala niya ang loyalty ng apat na magkakaibigan.
"Naku wala talaga akong alam. Nagbigay na nga ako ng address sa inyo, dapat nga magpasalamat kayo." sabi ni Ella at tumayo ito ng biglang may magtext.
"Sino iyan?" nakakunot na sabi ni Ramon ng marinig ang cellphone ni Ella agad hinablot ito sa dalaga.
"Ano ba? Kabastos talaga, magkakaibigan nga kayo." asar na sabi ni Ella at akmang kukunin nito ang cellphone kay Ramon ng ibigay ito ng lalaki kay Rod.
"Pare, kaya pala tayo pinapaalis may manliligaw." sarkastikong sabi ni Ramon kay Rod.
"Hindi ko iyan manliligaw. Bakla iyan." sabi ni Ella at maya-maya may naisip siya para umalis ang dalawa.
"Sandali," sabi ni Ella nagsulat ito sa papel at ibinigay kay Ramon at binasa iyon ng binata.
"Totoo ba ito?" tanong ni Ramon kay Ella.
"Oo, nandiyan si Tiffany. Kaya akin na iyang cellphone ko." sabi ni Ella at akmang hahablutin niya ang cellphone kay Rod ng kunin iyon ng binata at itago sa bulsa nito.
"Akin na ito, kulang pa ito pambayad sa sinira mong motor." nakangising sabi ni Rod kay Ella ng ibulsa ng binata ang cellphone nito
"Asar, lumayas na nga kayo." sabi ni Ella sa dalawa. Lumabas na si Ramon pero naiwan si Rod.
"Tutal hindi ka na guwardiyado, Malaya ko ng magagawa sayo ang lahat." sabi ni Rod at hinawakan nito si Ella sa baywang at hinalikan ito. Tulad ng dati tumugon ang dalaga sa halik niya, at ng bitawan niya ito nakuha na ni Ella ang cellphone sa bulsa niya.
"Masarap naman iyong pagtugon ko sa halik mo. So kukunin ko na itong cellphone ko. Okay na ha. Bayad na ako sa motor mo sweetheart." pilyang sabi ni Ella at dinilaan nito ang labi ni Rod.
"F*ck," sabi ni Rod ng bigla siyang nag-init sa ginawa ni Ella ng dilaan nito ang labi niya
"Umalis ka na." pilyang sabi ni Ella kay Rod.
Pumunta si Ella ng kusina at ng akmang susundan siya ni Rod bigla ni Ella hinablot ang kutsilyo na ikinagulat ni Rod.
"Aalis ka o puputulin ko ang p*********i mo?" sabi ni Ella kay Rod.
"Aiiisssstttt, may araw din tayong dalawa." inis na sabi ni Rod at lumabas ito ng bahay nila Ella.
"Hihintayin ko ang kuwento natin at sisiguraduhin ko, papahirapan kita.Hahaha!" natatawang sabi ni Ella kay Rod.