Kabanata 15 : Take Me Now

2462 Words
Dumaan ang mga araw mula ng mangyari ang insidente sa hotel. Nagpalamig muna sila Ella, Tiffany at Patty at baka mabuko sila ni Ramon "Paano na?" tanong ni Patty kay Ella. "Iyong pangatlo na lang." sabi ni Ella. "Naging maligalig si Ramon kay Doc Red check, nagselos kay Miguel check, so isa na lang ang mapaamin siya sa nararamdaman kay Tiffany?" sabi ni Patty. "Mukha malabo naman iyon." sabi ni Tiffany, tatlong buwan na ang tiyan ni Tiffany at maumbok na iyon. Kumakain na naman ito ng mangga at isinawsaw sa suka at ketchup. Mula ng may mangyari sa hotel ang akala ni Tiffany iuuwi siya sa condo ni Ramon pero sa bahay siya ni Ella inuwi nito. Pumupunta na lang si Ramon  ng patago tuwing gabi sa kuwarto ni Tiffany sa quest room nila Ella para magtalik, at isang beses na lamang ni Ramon ginagawa ang pagtatalik sa kanya na. "Ang sabi sa plano ni Marie para malaman mo ang tunay na nararamdaman sayo ng tao, ilatag mo ang plano mo sa kanya." sabi ni Ella. "Paano natin gagawin iyon?" tanong ni Patty. "Kailangan aksidente niya kunwari makikita ang folder na ito." sabi ni Ella at inilapag ang print-outs. "Then?" tanong ni Tiffany na hindi tinitigil ang pagnguya ng mangga. "Then malalaman natin kung anong reaksyon niya, so doon natin malalaman kung ano ang sasabihin niya sayo. Kung love ka nga niya or lust lang talaga ang nararamdaman niya sayo." sabi ni Ella kay Tiffany. "Ano ka ba Ella? Siempre magagalit iyon, kapag nalaman na pinaplanuhan natin siya. Isama pa na pinag-leave niya pa si Tiffany sa school, tapos buntis pala si Tiffany hindi niya pala alam. Samahan pa na inilayo natin si Tiffany at hindi magawa ni Ramon ang s*x escapades niya. " sabi ni Patty. "Ang pagbubuntis ni Tiffany ay labas sa usapan, hindi natin sasabihin na buntis siya. And yes magalit man si Ramon malalaman naman natin kung ano nga ba ang nararamdaman niya. At kung mahal niya talaga si Tiffany mauunawaan niya lahat ng ginawa natin. Bakit? Kasi tumulong lang naman tayo para magsabi siya ng totoo." sabi ni Ella. "Kaya ang huling plano ay para malaman ni Tiffany at Ramon ang katotohanan sa relasyon nila." dagdag pa ni Ella. "Kailan natin gagawin?" tanong ni Patty. "Mamayang gabi, hindi ba Tiffany?" makahulugang sabi ni Ella na ikinapula ng mukha ni Tiffany. Nahulaan ni Tiffany ang ibig sabihin ni Ella. Hindi niya akalain na nagkukunwari lang itong walang alam sa nangyayari sa kanila ni Ramon. "Sorry Ella." nahihiyang sabi ni Tiffany alam niyang alam na nito ang pagpunta ni Ramon sa quest room. "Okay lang iyon, kasi kasama iyon sa plano." natatawang sabi ni Ella. Nagkatinginan sila Tiffany at Patty, hindi nila alam na may planong ganoon si Ella dahil wala iyon sa print out. "Don't worry girls inilagay ko na siya sa print out pati ang pagbunggo ko sa motor ni Rod, lahat ng nangyari nakaplano. At lahat iyon naririto sa folder." natatawang sabi ni Ella. "Ibig sabihin pati ang pagbunggo mo sa motor ni Rod, nakaplano iyon?" di- makapaniwalang tanong ni Patty. "Oo, sinama ko lang para makaganti. Hahaha." natatawang sabi ni Ella. Hindi pa niya makalimutan ang paghalik sa kanya ni Rod at naaasar siya sa ginawa nito, kaya aasarin din niya ito. "Loka-loka ka talaga." natatawang sabi ni Tiffany. "Ewan ko sayo Ella. Pero sandali bago natin gawin iyan, nag-message si Arthur na ililibre niya tayo." sabi ni Patty. "Sige. Milk tea lang sapat na sa akin." sabi ni Ella. "Pero di ba, parang may okasyon ngayon?" nag-iisip na sabi ni Patty ng biglang nagkatinginan ang magkakaibigan. "Birthday ni Arthur." sabay-sabay na bulalas ng tatlo. “Bilisan natin para makapag-enjoy ng mahabang oras.”nakangiting sabi ni Ella. “Sige.”sabi ni Tiffany "Halika na." yaya ni Patty at nauna na ito lumabas ng bahay nila Ella. Sa paglabas ni Patty ng bahay nila Ella, ilang sandali pa na may mapansin si Patty lalaki sa labas ng bahay nila Ella na kanina pa naroon. "Patty nandyan na kami."sabi ni Tiffany. Napalingon si Patty kay Tiffany saka ito sumagot. “Oo, sige. Bilisan niyo.”sabi ni Patty at sa paglingon ni Patty wala na ang lalaki na nakita niya kanina na tila nagmamasid sa bahay nila Ella. ....................... Hours Later "Hi Art," bating sabi ni Ella at hinalikan sa pisnge si Arthur. Nasa maliit silang karaoke bar at nakapuwesto lamang sa may labas ng kalsada na nilagyan lamang ng monoblock chairs at table. "Namiss kita Ella." sabi ni Arthur. "Ako Art, hindi mo ba ako namiss?" birong sabi ni Patty kay Arthur. "Siyempre kayong lahat namiss ko. Sayang nga lang wala si Marie." sabi ni Arthur "Oo, si Marie na first love mo." natatawang sabi ni Tiffany na ikinatawa ng lahat. "Oo crush ko talaga iyon si Marie, hindi ko naman siya isusulat ng napakahabang notes sa mga subjects natin kung hindi ko siya gusto." natatawang sabi ni Arthur. "Hayaan mo malay mo dumating." birong sabi ni Tiffany kay Arthur. "Asa ka pa." natatawang sabi ni Patty. "Ano bang meron?" tanong ni Ella kay Arthur "Nakakahinanakit naman kayo, nakalimutan niyo." nagtatampong sabi ni Arthur sa tatlong kaibigan "Hahahaha, joke lang." sabi ni Ella na ikinatingin ni Arthur sa tatlong babae. "Happy birthday Arthur." sabay sabay na sabi ng magkakaibigan. "We love you Arthur." sabi ni Ella at hinalikan muli sa pisnge ang lalaki at sinundan iyon nila Tiffany at Patty. "Salamat. Akala ko nalimutan niyo" natatawang sabi ni Arthur. Naalala pa ni Arthur noong high school sila, tuwing birthday niya lagi siyang nagse-celebrate kasama ang mga kaibigan,  at kahit milk tea lang ang handa niya tuwing birthday niya masaya na ang mga ito "Dito tayo, okay lang ba sa inyo?" tanong ni Arthur. "Oo mas maganda dito wala masyadong tao at hindi kilala ang lugar." makahulugang sabi ni Ella. "Nakakahiya naman. Gusto niyo sa mas maganda tayong bar pumunta? May pera na ako ngayon kaya hindi lang pang milk tea ang handa ko." natatawang sabi ni Arthur. Nasa isang maliit at hindi kilalang karaoke bar sila ng gabing iyon, alas sais pa lang naman kaya okay pa kay Tiffany ang lumabas. "Okay na dito," sabi ni Ella at tumingin sa paligid. "Simulan na natin," masayang sabi ni Patty ng biglang may dumating na ikinagulat nila. "Hi, guys." nakangiting sabi ni Marie at bahagya nitong inalis ang sumbrero. "Bakit ka naka ganyan?" natatawang sabi ni Arthur ng makitang nagpagupit na panlalaki si Marie at nakasuot ito na panlalaking damit. "Buweset huwag kang maingay." natatawang sabi ni Marie nilapitan nito si Arthur at tinakpan ang bibig nito. "Hindi kita nakilala?" gulat na sabi ni Tiffany, bukod sa panlalaking damit ang suot ni Marie at panlalaking gupit, ay guwapo nito. "Ang guwapo mo." bulalas na sabi ni Patty kay Marie. "Bhes, paano ba iyan mas guwapo ako sayo." natatawang sabi ni Marie kay Ella at nagsuot ito ng sumbrero. "Langya ka, talaga tinaob mo ako ha." birong sabi ni Ella at niyakap si Marie. "Namiss kita bhes." excited na sabi ni Marie kay Ella. "Ako rin," natatawang sabi ni Ella kay Marie. "Si Steven, hahanapin ko siya para sa ating dalawa." sabi ni Marie kay Ella. "Hindi iyon magpapakita, kung babalik man iyon, dati pa sana." sabi ni Ella. "Tama na nga iyan, mag-inuman na tayo." sabi ni Arthur. "Kaya nga, bawal ang malungkot sa kuwento natin." natatawang sabi ni Marie. "So pakiss muna." sabi ni Arthur kay Marie. "Kiss lang pala." sabi ni Marie at dinampian nito sa labi ng halik si Arthur na ikinatawa ng lahat. "Happy Birthday Arthur!" sabay sabay na sigaw ng apat na babae. "Huwag ka ng iinom Tiffany, maggatas ka lang." biro ni Marie kay Tiffany. Napatingin si Arthur kay Tiffany sa sinabi ni Marie. "Huwag mo sabihing..." putol na sabi ni Arthur. "Huwag ka ng maingay, walang ibang nakaka-alam tayong lima lang. Kaya tumahimik ka. Hahaha!" natatawang sabi ni Patty kay Arthur. "Okay kasama na pala ako sa grupo niyo. Aissst! Hindi ako makapaniwala na ang devil pala puwede mag-punla ng anghel." natatawang sabi ni Arthur, na nakaramdam ng saya  at nakasama ang mga kaibigan. "Baliw" natatawang sabi ni Tiffany. Nagsimula mag-order ang magkakaibigan ng alak at pagkain at ng mailapag iyon sa mesa nila nagngitian ang lima. "Mag inuman na tayo!" sigaw ni Marie. "Nakompleto rin ang mga babes ko. Cheerssssss." sigaw ni Arthur na senegunduhan ng apat na babae. "Ilang bote ang kaya mo?" tanong ni Ella kay Marie. "Langya bhes, nakakalalaki ka. Padamihan na lang tayo." birong sabi ni Marie kay Ella na ikinatawa ng malakas ng mga ito. "Dapat Marie nagpalagay ka ng bigote para hindi ka na makilala ni Dennis." birong sabi ni Tiffany habang kanina pa tinititigan si Marie. "Langya ka Tiffany huwag mong titigan si Marie baka mapaglihian mo." natatawang sabi ni Arthur. "Okay na ako mapaglihian mo, anghel itong mukha ko kaysa kay Ramon na iniluwa ng impiyerno." natatawang sabi ni Marie. “Hahaha!”reaksyon na tawanan ng lahat sa sinabi ni Marie. "Grabe ka sa kanya." sabi ni Tiffany. "Behave Marie, bawal magtampo ang buntis." natatawang sabi ni Ella. ......................... Samantalang sa gilid ng kalsada isang lalaki ang nakamasid sa kasiyahan ng magkakaibigan. "Sir, nandito si Maam Patty kasama niya mga kaibigan niya at may isang lalaki." sabi ng private agent sa cellphone ng tawagan nito ang among si LJ. "Send me the photos." sabi ni LJ "Okay sir, nasend na po." sabi ni private agent. "Bantayan mo lang. Huwag mong bulabugin." sabi ni LJ matapos putulin ang linya. "Pareng Dennis, ito nagpakita na ang hinahanap mo at si Arthur lang pala ang makapagpalabas sa kanya." sarkastikong sabi ni LJ kay Dennis, nasa La Secretos ang magkakaibigan ng gabing iyon. "Ayos kompleto ang tropa." sabi ni Rod ng makita ang picture. Pero kumunot ang noo nito ng halikan ni Ella si Arthur sa pisnge at hindi lang isang halik ang ginawa ng dalaga batay sa mga pictures na ipinadala kay LJ ng private agent nitio. "Nakakailan na itong Arthur na ito" inis na sabi ni Rod. "Damn, ano ginawa niya sa sariili niya?" galit na sabi ni Dennis ng makita ang itsura ni Marie. "Pare mas guwapo pala sayo si Marie. Hahaha" tumatawang sabi ni Ramon. "Talaga naman kailangan ko na talagang buntisin ang asawa ko baka sakali mawala ang kakulitan." inis na sabi ni Dennis. "Pare singilin mo ng utang." natatawang sabi ni LJ kay Dennis. Nalaman lamang noong nakaraang buwan ni Dennis na nakadispalko ng pera si Marie sa kompanya nito kaya nagtatago ito sa kaibigan. "Pare mahanap ko lang iyong lungga niya, doon ko na siya mismo sisingilin" nakangising sabi ni Dennis, ilang taon din ang hinintay niya para kay Marie. Pinarangalan na nga siya ng mga kaibigan dahil sa pagtitiis niyang hindi maikama si Marie. Ayaw naman kasi niyang pilitin ito at baka maalala nito ang nangyaring pangmomolestiya dito. "Pare wala kayo napapansin sa picture?" tanong ni LJ ng bahagyang napatitig sa larawan. "Pare iyong asawa ko lang ang nakikita ko at naaasar ako sa ginawa niya sa sarili niya." galit na sabi ni Dennis. "Si Tiffany lang ang hindi umiinom ng alak." sabi ni Rod ng mapansing mango juice lang ang nasa mesa nito at may kinakain itong mangga. "Pare mukhang napunlaan mo. Hahaha." natatawang sabi ni LJ kay Ramon na nagbago ang timplada. "Saan ka pupunta?" tanong ni Rod kay Ramon. "Susunduin ko lang at aalamin ko."galit na sabi ni Ramon. "Sasama na ako ng makapaningil na ng utang." nakangising sabi ni Dennis. ............. Hours later Bar "Anong oras na?" tanong ni Ella at tiningnan nito ang relo alas dies na ng gabi. "Bakit?" tanong ni Arthur. "Uuwi na kami Arthur. Kasi si Tiffany bawal magpuyat." sabi ni Ella. “Okay sige.”sabi ni Arthur. Maya-maya napansin ni Marie ang kotse ng asawa na paparating. "Sandali uuwi na rin ako, nandiyan ang monster ko. Babay na." nagmamadaling sabi ni Marie at bigla itong tumakbo. "Hahahaha, ang bilis ha." natatawang sabi ni Ella ng umeskapo ng mabilis si Marie. "Gabi na. Bakit nasa labas ka pa?" tanong ni Ramon kay Tiffany ng makalapit ito sa mesa nila Tiffany. Tumingin si Ramon sa ininom ng nobya ng mapakunot ang noo nito. Napansin ni Ella ang pagtingin ni Ramon sa iniinom ni Tiffany kaya kinuha niya iyon at ininom. "Sa susunod damihan pa natin nito Tiffany." sabi ni Ella. "Oo nga." sabi ni Patty at tinungga ang mango juice ni Tiffany. "Arthur, thank you ha. Happy Birthday uli." sabi ni Ella at hinalikan sa pisnge si Arthur "Happy Birthday Arthur," sabi ni Patty at hinalikan din nito sa pisnge si Arthur. "Happy Birthday Arthur." sabi ni Tiffany akmang hahalikan niya si Arthur ng hilahin ito ni Ramon. "Kapag hinalikan mo iyan, magagaya iyan kay Miguel." bantang sabi ni Ramon kay Tiffany. "Sige na Arthur mauna na kami." paalam ni Tiffany at inirapan lang si Ramon. "Tiffany halika na." sabi ni Ella . "Umuwi ka na." sabi ni Tiffany kay Ramon. Hinintay muna nila Tiffany makasakay ng taxi si Arthur bago sila umuwing tatlo. "Sige girls bye." paalam ni Arthur sa tatlo ng makasakay sa taxi. "Mahirap na baka sa ospital dumeretso ang kaibigan namin." sarkastikong sabi ni Tiffany kay Ramon ng makaalis si Arthur. "Mag-uusap muna tayo?" sabi ni Ramon at tinitigan nito ang puson ni Tiffany. "Ano bang ginagawa mo?" naiilang na tanong ni Tiffany ng titigan siya ni Ramon. "Wala lang nagche-check lang ako" nakangising sabi ni Ramon kay Tiffany. "Umuwi ka na nga." sabi ni Tiffany. "Okay mamaya aakyat ako." pilyong sabi ni Ramon. Napatingin si Tiffany kay Ella at Patty at nagsenyasan sila sa mata. "Sige, hintayin na kang kita." sabi ni Tiffany at ngitian nito si Ramon. "Umuwi na tayo!" sigaw ni Patty. Hinatid ni Ramon ang tatlong magkakaibigan sa bahay nila Ella at ang ikatlong plano ay ilalapag na nila. Samantalang napahinto si Dennis sa pagtakbo ng hindi na makita at naabutan si Marie. “Asar, tumakas na naman.”inis na sabi ni Dennis ng hindi nito naabutan si Marie na nakatakbo ng mabilis. “Pare, umuwi na tayo.”sabi ni Rod kay Dennis ng sundan ito. “Okay.”inis na sabi ni Dennis. “Magpapakita din iyon,”sabi ni Rod na ikinahingang malalim ni Dennis’ “Nasaan na sila Ramon?”sabi ni Dennis. “Inihatid na ang tatlong magkakaibigan.”sabi ni Rod. “Hindi mo kinompronta si Ella?”tanong ni Dennis. “Huh! Saka na.”napangising sabi ni Rod sa kaibigan. “Ikaw Lukaz?”sabi ni Dennis ng makita si LJ sa sasakyan nito. “May nakabantay kay Patty kaya hindi ko siya kailangan sundan.”nakangiting sabi ni LJ sa mga kaibigan na ikinangisi nila Rod at Dennis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD