Sabado
“Kailan ang baby shower?” nakangiting sabi ni Patty.
Nang tawagan si Patty ni Ella, at sabihin nito na buntis si Tiffany agad siyang pumunta sa bahay ni Ella kung nasaan si Tiffany.
“Saka na tayo magpa- baby shower, maglaro muna tayo.” pilyang sabi ni Ella.
“Paano tayo maglalaro?” excited na sabi ni Patty, habang nakatingin ito kay Ella na may hawak na print outs.
"Ito, ang laro natin. Ano Tiffany sasali ka? Tutal ikaw ang lead character sa laro." sabi ni Ella habang winawagayway ang hawak na folder.
Napasulyap sila Patty at Ella kay Tiffany, kumakain ito ng mangga at parang wala itong kasawaan. Nang ilang sandali pa ng bigla itong mapaiyak na lang basta habang ngumunguya ng mangga.
“Okay ka lang?” nag-aalalang sabi ni Patty, at pinuntahan nito sa kabilang sala si Tiffany para daluhan.
Tiningnan pa ni Patty ang kinakain ni Tiffany ng biglang nangasim ito sa tuwing kumakagat si Tiffany ng mangga na parang sarap na sarap ito.
“Si Ramon, binuntis ako tapos hindi ko alam kung matatanggap niya iyong baby namin. And worst mawawala na siya....
..... mawawalan pa ako ng trabaho.” umiiyak na sabi ni Tiffany pero hindi nito tinitigilan ang pagkagat sa mangga.
“Aiiisssstttt, huwag kang umiyak kawawa iyong baby mo baka maging kamukha ni Ramon.” birong sabi ni Patty.
“Buti kung kamukha lang paano kung maging manyak din.” natatawang sabi ni Ella na hindi matingnan si Tiffany habang kumakain ito ng maasim na mangga.
“Nag-usap na ba kayo? Sinabihan mo na ba regarding diyan sa baby niyo?” tanong ni Patty kay Tiffany.
Umiwas ng tingin si Patty sa buntis na kaibigan dahil hindi niya kayang tingnan si Tiffany na nagawa pa nitong uminom ng gatas at naglagay ng ketchup sa plato matapos isawsaw ang mangga, kinain iyon ni Tiffany.
“Hindi, ayoko sabihin. Siguradong iiwan niya ako.” sabi ni Tiffany na naluluha habang kumakain pa rin ng mangga. Nagawa pa nitong salitan idukduk ang mangga sa ketchup at gatas nito.
“Hindi ka pa iiwan ng lalaking iyon, hayok ang manyak na iyon sayo. Pinatikman mo ba naman ng masarap na luto ng Diyos. Hahaha!” natatawang sabi ni Ella, inilayo nito ang ketchup kay Tiffany dahil hindi niya kayang tingnan ito na parang sarap-sarap sa kinakain.
“Kaya nga yata bumalik si Ramon sa pagkabuhay dahil nasa lupa ang pinakamasarap na luto na gusto niya.” naiiling na sabi ni Patty.
Tinikman ni Patty ang manggang kinakain ni Tiffany at naluwa nito ang mangga sa sobrang asim.
“Ano ba kayong dalawa?” inis na sabi ni Tiffany ng maramdamang tinitingnan ng dalawa ang pagkain niya.
Inagaw ni Tiffany ang ketchup sa kamay ni Ella at naglagay uli ng sauce sa plato nito.
“Ano ba iyang kinakain mo? Ang pangit ng lasa.” sabi ni Patty matapos nito magmumog sa lababo.
“Masarap ito, kulang pa nga ito ng suka.” nangingiting sabi ni Tiffany, kung hindi siya buntis malamang sinuka din niya ang mga iyon. Pero iyon ang gusto niyang kainin mangga, na may ketchup at suka tapos iinom siya ng gatas.
“Iyong pinaglilihian mo halatang anak ni Ramon, magulo sa sikmura.” sabi ni Ella, nang makitang nilagyan talaga ng suka ni Tiffany ang ketchup nito saka idinukdok ang manggang maasim.
“Masaya ako dito, natutuwa iyong baby ko.” nakangiting sabi ni Tiffany pero bumalik ang pagluha nito ng isinubo muli nito ang mangga.
“Huwag kang iiyak. Ganito na lang gusto mo gantihan ang kabaliwan ni Ramon?” pilyang sabi ni Ella kay Tiffany.
“Paanong ganti?” naiiyak na sabi ni Tiffany, na hindi pa ito nakuntento sa kinakain ng makuha nitong higupin ang suka na may ketchup.
“Magpanggap ka na hindi mo siya kilala. I mean na nalimutan mo siya,” pilyang sabi ni Ella na ikinatingin ni Tiffany at Patty kay Ella.
Napangiti si Ella sa mga kaibigan dahil naisipan niya kagabi na hindi niya sasabihin kay Tiffany na naalala na ito ni Ramon, at hahayaan niya si Ramon ang kusang magsabi sa kaibigan. At paaaminin niya si Ramon sa pamamagitan ng plano nila ni Marie.
……..
Flashback
Days Ago
Noong araw na narinig ni Ella ang pag-uusap nila Rod at Ramon, tinawagan niya agad si Marie.
“NBI, searching for Marie Suarez.” sabi ni Ella ng tawagan nito si Marie. Iniba niya ang boses para lokohin si Marie.
“Wala pong Marie dito, sino po ba sila?” sabi ni Marie at nagboses lola ito.
Kinabahan si Marie ng may tumawag sa numero ng cellphone niya at hinahanap siya. Hindi siya puwede makita ni Dennis dahil sigurado may auditor na ngayon sa kompanya nito at malalaman ang ginawa niya dito.
“Huwag kang aalis diyan sa kinatatayuan mo dahil nakikita ka namin. Babarilin ka namin kapag naglaban ka.” sabi ni Ella na nagboses lalaki.
Natatawa na si Ella sa ginagawa dahil mukhang aligaga na si Marie sa kabilang linya, may narinig pa siyang bagay na nabasag.
“Wala ngang Marie dito. Wrong number po kayo.” nanginginig sa takot na sabi ni Marie pero boses lola ito. Napapiyok pa ito sa huling salita.
"Huwag ka ng magsinungaling, nabisto ka na namin. Kapag hindi ka sumuko papatayin ka na lang namin." boses lalaki na sabi ni Ella, na hindi na niya mapigilan ang pagtawa lalo na nag-iba ng boses si Marie.
"Ati, wala pong Marie deto. Katolong po ako deto." sabi ni Marie, na nag-iba ng boses.
“Huli ka na at isa lang ang hihingin namin kabayaran at iyon ay ang iyong puri.” natatawang sabi ni Ella, na hindi na niya mapigilan tumawa dahil mukhang puputulin na ni Marie ang tawag, dahil may narinig na naman siyang nabasag na bagay sa kabilang linya.
“Bhes? s**t bhes! Hayop ka bhes, pinakaba mo ako.” napipikong sabi ni Marie sa kabilang linya ng biglang nabosesan nito ang tumatawang kaibigan. Sa sobrang kaba niya nabasag niya ang baso at pinggan na hinuhugasan.
“Kabado ka masyado, magaling ka naman magtago at makatakas.” natatawang sabi ni Ella.
Alam ni Ella ang problema ni Marie at natatawa lang siya sa ginawa ng kaibigan. Siguradong problemado si Dennis kapag natuklasan nito ang ginawa ni Marie. Bukod pa diyan alam niyang hindi pa nito naikakama si Marie dahil forever virgin ang peg ni Marie na lagi pa ring hinahanap si Steven sa kanya.
“Hindi na lang tatlo ang sumusunod sa akin, dahil ang mokong na iyon isang batalyon na yata ang ipinadala para tugisin ako. Teka ano bang kailangan mo?” natatawang sabi ni Marie.
“Hahaha, sige bibilisan ko na at baka may makatunog pa sa akin na kausap kita." natatawang sabi ni Ella.
“Sige bhes, ano iyon?” mahinang sabi ni Marie. Luminga linga muna siya sa labas bago lumabas ng bahay na pinagtataguan niya para makasagap ng magandang signal sa lugar.
“May problema ako sa isang manyak na kagrupo nila. Kailangan ko ng utak mo kaya pahiram kami.” natatawang sabi ni Ella, dahil sa kanilang apat si Marie ang mabilis at magaling mag-isip lalo na sa kalokohan.
“Oo, sige ba. Basta sali ako sa laro, sino ba sa mga manyak ang tinutukoy mo?” nakangising sabi ni Marie.
Sinabi ni Ella ang lahat kay Marie at nagsimula sila magplano. Karamihan sa plano na nakalagay roon si Marie ang naka-isip. Kapag tumatawag siya sa kaibigan ibang number ang pantawag niya para hindi siya mapaghinalaan ni Dennis, na may alam siya sa kinaroroonan ng kaibigan.
.........
Present Day
“Tutulungan ka namin Tiffany, ito na iyon plano.” sabi ni Ella at inilapag ang print outs sa mesa.
Binasa nila Patty at Tiffany ang nakalagay doon. Napatingin ang dalawa kay Ella sa ginawa nitong plano, detalyado ang lahat ng iyon at sa huling bahagi may picture pa ni Marie na tumatawa.
“Parang imposible.” hindi makapaniwalang sabi ni Patty at kinuha nito ang picture ni Marie at inilagay sa bag nito.
“Papalabasin din natin na hindi mo siya natatandaan pati ang pakikipagtalik mo sa kanya. And take note huwag mo ipapahalatang buntis ka.” nakangiting sabi ni Ella kay Tiffany.
“May nakausap na kaming doctor ni Marie, kakilalala iyon ni Marie. Madali lang makipag-usap doon, at hindi noon mapaghihindian si Marie dahil matagal ng may gusto kay Marie ang doctor na iyon.” nakangiting sabi ni Ella.
“Hindi ba delikado? Paano kung mahuli tayo at iyong doctor? Mawawalan ng lisensya iyon?” tanong ni Patty. Kakaiba talaga ang utak nila Marie at Ella kapag nagsama at bata palang sila tandem in crime na ang dalawa.
“Delikado kung mahuhuli tayo, kaya nga hindi tayo magpapahuli. Ito di ba ang gusto mo Tiffany maibalik ang alaala ni Ramon para malaman mo kung mahal ka ba niya talaga o hindi, so ito na ang solusyon." pilyang sabi ni Ella.
"Sino ang mga kasabwat bukod sa atin?" tanong ni Patty may mga picture at pangalan na nakalagay sa print-outs pero hindi niya kilala ang mga iyon.
"May kaibigan akong nakilala sa hotel....si Migs, at isa siya sa gagamitin natin para bumalik ang alaala ni Ramon. Hindi lang ito oplan: revenge, isa rin itong oplan para mapabalik ang ala-ala ni Ramon.” sabi ni Ella habang kinukumbinsi si Tiffany dahil kailangan niya mapapaniwala si Tiffany, para magawa ang plano niya.
Matutulungan ni Ella ang kaibigan mapaamin si Ramon ng kusa dito kung magagawa nila ang plano. Ayaw naman ni Ella na pagsawaan lang ng tuluyan ni Ramon si Tiffany at iiwan sa huli lalo na magkakaanak na ang dalawa.
“Game ako. Ganti na rin ito sa mga manyak sa lipunan.” nakangiting sabi ni Patty.
“Kailan natin sisimulan ang plano?” tanong ni Tiffany na nakaramdam ng kaba lalo na ng makitang ubos na ang manggang kinakain niya.
“Papatagalin pa ba natin? Kaya ngayon na.” nakangiting sabi ni Ella.
…………………..
Cheung Mall
10am Saturday
“Ramon, kailangan ka namin.” humihingal na sabi ni Ella ng makita nito si Ramon sa Franxie Restaurant na branch nito sa mall, hindi nito napansin si Rod na papunta pa lang sa puwesto ni Ramon.
“Bakit?” nagtatakang tanong ni Ramon kay Ella, tiningnan niya ang dalaga, maganda ito tulad ni Tiffany kaya hindi nakakapagtaka kung magkagusto dito si Rod.
“Si Tiffany naaksidente kanina.” kinakabahang sabi ni Ella, habang ipinagdarasal niya na sana ang kabang nakikita sa mukha niya ay hindi ang kabang baka mahuli siya na nagsisinungaling.
“Nasaan siya?” nagulat at nag-aalalang na sabi ni Ramon, nasa meeting sila ni Rod para sa branch ng Franxie Restaurant na ilalagay sa R-Square Hotel and Resorts.
“Nasa bahay na siya, naroroon na siya kasi pinauwi na siya ng doctor kanina.” sabi ni Ella habang ang mata niya ay hindi niya maikurap at baka mahuli siyang nagsisinungaling.
“Sa inyo siya natulog?” nagtatakang tanong ni Ramon, dahil alam niyang nagkakainteres sa babae si Ella.
“Oo, bakit masama?” mataray na sagot ni Ella, pero na-realize niyang mali ang sagot niya kaya nagbago ang tono ng boses niya.
“Ay hindi, ang ibig kung sabihin, hindi naman masama kasi kaibigan ko siya. Saka mabuti nga iyon ako ang nakakita sa kanya.” sabi ni Ella kay Ramon.
“s**t, muntik na ako doon.” sabi ni Ella sa isip ng muntikan na siya mabuko.
“Okay sige. Halika na.” nagmamadaling sabi ni Ramon
“Saan kayo pupunta?” tanong ni Rod ng makalapit sa dalawa. Tiningnan ni Rod si Ella na umiwas na tingin sa kanya.
“Asar bakit ka ba nandito.” bulong ni Ella sa isip.
“Sa bahay nila Ella, naroroon si Tiffany at naaksidente.” sabi ni Ramon at hindi sinasadya nahawakan nito si Ella at hinila ito.
“Pare, huwag mong hawakan.” sigaw na Rod at hinila nito si Ella mula kay Ramon.
“Punyeta ang sakit.” napasigaw na sabi ni Ella ng bigla siyang hilain ni Rod kay Ramon.
“Aiiissssttt, bilisan natin.” sabi ni Ramon, at nginitian nito si Rod na hindi na maipinta ang mukha.
“Nakamotor ako, gusto mo maki-angkas?” birong sabi ni Ramon kay Ella.
“Ayoko nga.” asar na sabi ni Ella kay Ramon.
“May pagkababaero talaga ang lalaking ito lagot ka sa amin.” bulong na sabi ni Ella sa sarili
“Dito ka na sa akin,” seryosong sabi ni Rod at hinapit nito si Ella sa baywang at pinaupo sa motor.
“Sandali, magtataxi ako. Ayon naghihintay sa akin. Kita-kita na lang tayo sa bahay.” sabi ni Ella pero akmang tatakbo ito ng buhatin ito ni Rod at isinakay sa motor.
“Sumakay ka na, naaasar na ako sayo.” naiinis na sabi ni Rod sa dalaga, saka ni Rod senenyasan ang guard at binigyan ng pera para paalisin ang taxi na naghihintay kay Ella.
“Mauna na ako, pare.” natatawang sabi ni Ramon at pinaharurot nito ang motor.
“Ang kulit mo, bilisan natin. Mauunahan ako.” sabi ni Ella na wala na siya magagawa kaya sumakay na siya sa motor ni Rod, dahil kailangan niya makasakay agad at unahan si Ramon sa bahay nila.
“Bakit ba lagi ka nakasuot ng short?” asar sabi ni Rod ng makitang halos kita buong legs ni Ella ng umupo ito sa motor niya.
“Hay naku, bilisan mo na.” sabi ni Ella kay Rod wala siyanng balak makipag-usap at makipag-sagutan dito, ang nasa isip niya ay si Tiffany at ang plano nila na baka mabisto.
“Ayoko nga.” nakangising sabi ni Rod, saka nito dinahan-dahan ang pag suot ng helmet.
“Asar,” napipikong sabi ni Ella. Mabilis ni Ella kinuha ang susi sa bulsa ni Rod at isinuksuk ito sa motor saka malakas na itinulak ang binata at pinaharurot ang motor ni Rod.
“Damn it.” asar na naibulalas na sabi ni Rod. Hindi niya akalain na marunong magpaandar ng motor si Ella at halos para itong lalaking sumingit sa mga kasabayan nitong mga kotse.