After two and a half months….
1:00am Saturday
“Okay ka lang?” nag-aalalang tanong ni Ella kay Tiffany.
Nang araw na iyon ng bumisita at makitulog si Tiffany sa bahay nila Ella. Madaling araw pa lang ng Sabado ng may marinig si Ella na nagsusuka sa banyo niya. Nagpalagay kasi siya ng CR sa kuwarto dahil tinatamad siya bumaba kapag gabi.
“Oo okay lang ako.” sabi ni Tiffany matapos sumuka pero para siyang nanghihina ng mapaupo siya sa kama.
“May sakit ka ba?” nag-aalalang tanong ni Ella, kahit may hinala siyang buntis si Tiffany pero ayaw niyang pangunahan ang kaibigan.
“Hindi ko alam. Matutulog muna ako.” nanghihinang sabi ni Tiffany at humiga ito sa kama ni Ella.
Pinagmasdan ni Ella ang kaibigan alam niyang nakikipag live-in ito kay Ramon. Wala sa bukobolaryo ni Tiffany ang ganoong bagay lalo na at teacher ito, kaya malaki ang tsansang pinagsamantalahan ni Ramon ang kahinaan ng kaibigan para mapapayag ito. Alam ni Ramon ang pangungulila ni Tiffany ng pitong taon kaya ginawa iyong rason ng lalaki para gawan ng masama ang kaibigan niya.
“Ella?” mahinang tawag ni Tiffany, alam niyang pinagmamasdan siya ni Ella at may iniisip na itong konklusyon sa nangyayari sa kanya.
“Bakit?” mahinang tanong ni Ella kay Tiffany.
Nararamdaman ni Ella ang sakit na dinadala ng kaibigan, dahil sa kanilang apat mas mahirap ang naging kalagayan ni Tiffany
“Buntis ako.” naiiyak na sabi ni Tiffany.
Humarap si Tiffany kay Ella pero imbes na magulat o magalit si Ella sa kanya nagulat siya ng ngumiti pa si Ella at tumawa.
“Hahaha! Ano ka ba? Bakit ka umiiyak? Blessing iyan kaya kailangan magsaya tayo.”sabi ni Ella.
“Ella.”nahihiyang sabi ni Tiffany.
“Wait, tutal Sabado ngayon tatawagan ko sila Patty at mag-celebrate tayo mamaya.” masayang sabi ni Ella.
“Huwag muna, kasi nakakahiya.” nahihiyang sabi ni Tiffany. Nahihiya si Tiffany dahil teacher pa naman siya, na siya dapat nagtuturo ng kagandahang asal pero ngayon heto siya nakipag-live in at nabuntis.
“Bakit ka mahihiya? Hindi lang naman ikaw ang nakikipag live-in at hindi lang naman ikaw ang nabubuntis na hindi kasal. Dapat sa ganyang moment ng buhay na magkaka-baby ka ipinagdiriwang iyan.” natatawang sabi ni Ella. Alam ni Ella na sa ginagawa nila Ramon at Tiffany hindi malayong mabuntis nga ito. Masaya si Ella para sa kaibigan pero naiinis siya kay Ramon.
"Isa akong teacher, tapos nabuntis ako kasi nakipag live-in ako." naiiyak na sabi ni Tiffany.
"Hindi ka naman nagsisisi di ba? Saka wala naman dapat sumisi sayo, kasi nagmahal ka lang naman at sumugal ka, na baka suklian ka. And nasa tamang edad ka na. Hindi naman na tayo highschool na kailangan may bantay at may magmando sa kung anong gagawin natin." nakangiting sabi ni Ella,
“Ella, mawawalan ako ng trabaho. Ano ng gagawin ko?” umiiyak na sabi ni Tiffany, puwede pa naman siya magtrabaho iyon nga lang hindi na teacher bawal kasi sa pamantayan ng pagiging teacher ang nangyari sa kanya.
“Hindi ka mawawalan ng trabaho. Huwag ka muna mag-isip ng kung ano-ano, makakasama sa baby mo iyan. Ang maganda mong gawin ngayon, matulog ka muna.” nakangiting sabi ni Ella kay Tiffany, saka ni Ella inayos ang kaibigan sa kama at kinumutan.
“Salamat Ella.” nakangiting sabi ni Tiffany. Ang mga kaibigan na lamang ni Tiffany ang naging pamilya niya simula ng mamatay ang magulang niya, dahil ang mga kapatid naman niya ay umalis na ng probinsya at may kanya-kanya ng buhay at pamilya kaya hindi na sila masyado nagkikita-kita.
“Wala iyon, alam niyo naman mahal ko kayo nila Marie at Patty.” nakangiting sabi ni Ella at niyakap nito si Tiffany, dahil ng mawala at hindi na nagpakita ang kuya niya na si Steven, ang mga kaibigan niya ang naging mga kapatid niya.
“Salamat.”sabi ni Tiffany at pumikit na ito para matulog.
Ilang sandali pa ng naramdaman ni Ella na tulog na uli si Tiffany. Pinagmasdan niya muli ang kaibigan, halatang pagod ito at nanghihina. Alam niyang nakitulog ito dahil pinupuyat at hindi ito tinatantanan ni Ramon sa pagtatalik.
Nagulat nga si Ella kagabi ng makita ito sa park sa likod ng R-Square Hotel, doon kasi siya madalas tumambay kapag uwian. Nakita niya si Tiffany sa isang bench at nakatingin sa langit na waring nag-iisip.
..................
Flashback
7:00pm Friday
“Napagbigyan na ba ng mga bituin ang hiling mo?” nakangiting sabi ni Ella ng makita ang kaibigan ng gabing iyon na nakaupo sa park.
“Ella,” nakangiting sabi ni Tiffany kay Ella.
Umupo si Ella katabi si Tiffany at pinagmasdan ito.
“Anong sabi ng mga bituin sayo?” tanong ni Ella kay Tiffany, habang nakatitig lang ito sa kanya.
“Nakuha ko na ang unang hiling ko, pero muli akong humihiling. At nagbabakasakali ako na baka mapagbigyan muli ako ng mga bituin.” nakangiting sabi ni Tiffany, umusog ito ng upuan para makatabi niya si Ella.
“Ano bang hiling mo?” nakangiting sabi ni Ella.
Tumingin si Ella kay Tiffany at nginitian siya nito. Tumingala muli si Tiffany sa langit at muli itong nagsalita.
“Na sana maalala na ako ni Ramon, at maibalik iyong pagmamahal niya sa akin. Na sana hindi lang katawan ko ang gustuhin niya. Na sana maramdaman ko na love iyong makikita ko sa mga mata niya tuwing tinitingnan niya ako at hindi lust. Nasa sana kapag nagtatalik kami love making and not just a f*****g lustful sex.” naluluhang sabi ni Tiffany habang nakatingin ito sa mga bituin.
Umiwas si Ella ng tingin sa kaibigan, bata pa lang sila alam nilang apat na magkakaibigan na babaero ang grupo ni Rod kaya hindi na siya nagtataka kung hanggang ngayon nagbibilang ng babae ang mga ito.
At dahil sa pambabae ng grupo ni Rod, nabubuhay ang galit ni Ella sa grupo ng dating nobyo. Lalo na tuwing naaalala niya ang insidente sa La Secretos, kung saan nagkalat ang damit ng mga babae, bote ng alak at condom sa El Cielo, isang malaking ebidensya na makakapagpatunay na f^*kb*y ang mga ito.
Tumingala si Ella sa kalangitan at tinuro ang mga bituin.
“Mangyayari iyon Tiffany. At darating ang araw siya naman ang luluhod sayo at magmamakaawang mahalin mo.” seryosong sabi ni Ella.
Hindi pa sinasabi ni Ella sa kaibigan ang narinig na pag-uusap nila Rod at Ramon sa opisina ng dating nobyo dahil ayaw niyang masaktan si Tiffany. Pero may pinaplano siya at hinihintay lang niya ang tamang oras para bigyan ng leksyon si Ramon.
Ilang sandali pa ng magulat si Ella ng bigla siyang yakapin ni Tiffany at halikan sa pisnge.
“Masaya ako kasi naririyan ka. Kayo ni Arthur lagi niyo ako pinapasaya.” sabi ni Tiffany at niyakap pa nito ng mahigpit si Ella.
“Aiissstttttt, nakakaasar ka. Mahahalikan kita niyan.” natatawang sabi ni Ella at ginantihan nito ng yakap si Tiffany at hinalikan ito sa pisnge.
“Ang bait mo sa akin. At para ko na kayong kapatid nila Marie at Patty.”sabi ni Tiffany.
“Magkaibigan tayo higit sa pagkakaibigan na walang iwanan.”sabi ni Ella na ikinangiti ni Tiffany.
“Dahil pinalulubag mo ang loob ko, isang kiss para kay Ella Mae.” natatawang sabi ni Tiffany at nang hahalikan dapat nito si Ella sa pisnge ng biglang napalingon ang kaibigan sa kanya kaya sa labi niya ito nadampian ng halik.
“Hahahaha. Ang sarap ng lips mo.”natawang sabi ni Ella.
“Hahaha. Loko ka.”sabi ni Tiffany.
Nagtatawanan ang magkaibigan ng biglang humangin ng malakas at napuwing ang mata ni Ella kaya iniiwas niya ang mata sa hangin. Pero saktong sa pag-iwas ni Ella sa hangin hindi sinasadya nahagip ng labi ni Ella ang labi ni Tiffany na saktong napatingin sa kanya kaya napadampi muli ang labi ni Ella sa labi ni Tiffany.
Nagulat ang dalawa sa nangyari at nagkatitigan, pero ilang segundo lang ng sabay sila nagtawanan at nagyakapan sa naganap.
“Langya ka Ella Mae naka-dalawa kang halik sa akin” natatawang sabi ni Tiffany, na wala lang naman sa kanya ang bagay na iyon.
“Ikaw ang biglang humalik pero infairness ang lambot ng labi mo. Kaya pala adik na adik sayo si Ramon. Hahaha!” natatawang sabi ni Ella at niyakap pa ng mahigpit ang kaibigan.
………………
Samantalang mula sa kalayuan nakamasid lang si Rod kay Ella, kanina pa niya ito sinusundan mula ng ng umalis ito sa opisina. At lahat ay nakita niya, lahat ng yakap at halik nito kay Tiffany.
“Inaasar mo talaga ako Ella Mae pati kaibigan mo pinapatos mo. Napipikon na ako sayo.” nagpupuyos sa galit na sabi ni Rod sa isip at akmang lalapitan niya ang dalawa para komprontahin ng biglang sumulpot si Ramon.
“Hoy pare kanina pa kita hinahanap.” nakangiting sabi ni Ramon ng makita si Rod.
Nagulat man sa biglang pagdating ng kaibigan nagawa pa rin iiwas ni Rod si Ramon kay Ella at Tiffany na magkayakap pa rin hanggang ngayon.
“Pare doon tayo sa kabila dumaan.” nagmamadaling sabi ni Rod at iginiya ang kaibigan sa kabilang daan.
“Bakit? Mas maganda dito dumaan, mas mahangin saka walang tao sa park ngayon.” nagtatakang sabi ni Ramon, pero inakbayan na siya ni Rod at umalis sa lugar na iyon.
………….
8:00 pm Friday
“Ella?” sabi ni Tiffany.
“Hmmmn?” sagot ni Ella, nasa park pa rin sila at bumili lamang sila ng milk tea at bumalik muli sa upuan.
“Puwede bang makitulog sa inyo? Kahit ngayong gabi lang.” nagdadalawang isip na sabi ni Tiffany.
Ayaw muna kasi ni Tiffany umuwi sa condo ni Ramon at baka puyatin na naman siya ng nobyo. Kailangan niya magpahinga at baka mapaano ang baby niya sa tiyan. At naisip niya na mamaya na lang niya sasabihin kay Ella na buntis siya.
“Oo naman. Wala nga ako laging kasama sa bahay. Alam mo naman laging nasa grocery sila papa at mama.” malungkot na sabi ni Ella, dahil hanggang ngayon iniisip niya kung kailan uuwi ang Kuya Steven niya.
“Sige sasamahan kita.” sabi ni Tiffany, ng makita ang lungkot sa mata ng kaibigan dahil hanggang ngayon walang balita ang kaibigan sa kapatid nito.
“Tabi tayo sa kama kasi malamig para yakapin mo ako.” nakangiting sabi ni Ella, namimiss na rin niya kasi si Marie na madalas makitulog sa kanila at halos nga tumira sa kuwarto niya noong highschool days nila.
“Sige, iyon lang pala.” natatawang sabi ni Tiffany.
………………
Present Day
12:00 am Saturday
“Bakit pare?” tanong ni Rod ng sagutin ang cellphone ng magring iyon.
Nasa condo si Rod at may katalik na babae sa mga oras na iyon ng mapatawag si Ramon. Sinagot niya ito dahil baka importante, alas dose na ng gabi at imposible mapatawag ito sa dis oras ng gabi.
“Si Tiffany hindi umuwi at wala rin siya sa CluBee.” nag-aalalang na sabi ni Ramon.
Pinuntahan ni Ramon ang nobya sa St Valentine ng makitang alas-nueve na at wala pa ito sa condo. Hindi naman niya ito nasundo noong uwian dahil may ka-date siya kanina.
……………….
Flashback
9:00pm Friday
Pinuntahan ni Ramon ang nobya sa CluBee, kung saan puwede mag-stay-in ang empleyado o teacher na napapagabi ng uwi, pero wala doon si Tiffany. Hindi pa kasi umuuwi ang nobya sa condo niya.
Nang ilang sandali pa ng makita niya si Arthur na nagmamando sa mga tauhan para sa itinatayong gusali sa likuran ng CluBee.
“Si Tiffany?” tanong ni Ramon kay Arthur, sa inaakalang tinatago nito ang nobya niya.
Tiningnan ni Arthur si Ramon at kinapa ang sariling bulsa.
“Pare wala sa bulsa ko.” sarkastikong sabi ni Arthur, ng lapitan siya ni Ramon sa site ng ginagawa niyang building.
“Ilalabas mo o gugulpihin kita sa harap ng mga tauhan mo.” galit na sabi ni Ramon.
“Subukan mo ng ibaon kita sa hinukay namin.” sagot ni Arthur, nasa parte pa naman sila ng hukay ng pagtatayuan ng building.
“Nasaan si Tiffany?” nagpipigil sa galit na sabi ni Ramon, wala siyang ibang alam na pupuntahan ni Tiffany kundi ang lalaki na nasa harapan niya.
“Kung puwede nga lang ibulsa si Tiffany ginawa ko na para maitago sayo. Pero sa kasamaang palad, hindi siya kasya sa bulsa ko. Try mo kaya maghanap, baka natauhan na at iniwan ka na. hahahaha.” nakakalokong tawa na sabi ni Arthur.
“Asar.” sabi ni Ramon na nagpipigil suntukin ang lalaki sa harapan pero hindi niya mapigilan at akmang susuntukin niya ito ng pigilan ni Ramon ang kamay niya.
“F*ck pare huwag mo ako asarin. Tulad mo, galit din ako. Lumayas ka sa site ko baka tuluyan kitang ibaon sa hukay na iyan.” galit na sabi ni Arthur, itinuro nito kay Ramon ang hukay ng tinatayong building.
Pareho lang sila ng pangagatawan ni Arthur siguradong hindi rin ito magpapatalo sa suntukan kaya kinuha ni Ramon ang kamay niya na hawak ni Arthur. Saka ito tinitigan ng masama, kailangan niya muna hanapin si Tiffany saka niya ito babalikan.
“Huwag mong lalapitan ang nobya ko, dahil babalikan kita.” galit na sabi ni Ramon kay Arthur pero tinawanan lang siya ng binata.
…………………..
Present Day
12:00am Saturday
“Pare uuwi din iyon. Pagpahingain mo kasi.” natatawang sabi ni Rod, na may hinala siya kasama ni Ella si Tiffany, pero hindi niya iyon puwede sabihin kay Ramon at baka anong magawa nito kay Ella.
“Kailangan niya umuwi, dahil hindi ako makakatulog.” inis na sabi ni Ramon, dahil sa mahigit dalawang buwan na kasama ang dalaga sanay na siyang nasa tabi niya ito.
“Magpahinga ka na lang muna pare. Uuwi iyon maniwala ka.” seryosong sabi ni Rod, na nasa isip na kailangan niya makumbinsi si Ramon at baka halughugin nito ang lahat ng may kaugnayan kay Tiffany kasama ang bahay ni Ella.
“Sige, tatawagan ko na lang uli. Baka makatulog ako kapag nagreply man lang.” sabi ni Ramon kay Rod bago putulin ang linya.
Hindi makatulog si Rod ng ilang minuto pagkatapos makipag-usap kay Ramon, iniisip niya si Ella at Tiffany at ang maaaring gawin ng dalawa. Sa alalahaning iyon naaasar siya sa puwedeng gawin ng mga ito.
“Asar, ginagalit mo talaga ako sweetheart.” galit na sabi ni Rod sa sarili.
.......
“Aiiisssttttt hindi ako makatulog.” inis na sabi ni Ramon. Nagmessage siya kay Tiffany at nagreply naman ang nobya kaso ang sinabi lamang ay okay lang ito, at hindi nito sinabi kung nasaan ito. Kahit tawag niya ay hindi na nito sinagot, kaya nababaliw siya sa kakaisip kung nasaan si Tiffany at kung anong ginagawa sa mga oras na iyon.
“Namimiss kita babe.” sabi ni Ramon sabay yakap sa unan ni Tiffany hanggang sa makatulog na ito.
…………………..
Tuazon’s House
2:00 am Saturday
“Ngayon nakagawa na ako ng plano my friend.” nakangising sabi ni Ella sa natutulog na kaibigan.
Kinuha ni Ella ang mga print-outs na ginawa at humiga sa kama.
“Oplan-Revenge for Ramon: Love or Lust. Maglalaro tayo ngayon. Hahaha!” natatawang sabi ni Ella habang binabasa ang ginawa nitong plano sa gagawin nila kay Ramon.