Flashback
Years Ago
Nasa kotse si Ramon ng mga oras na iyon at papaandarin na sana niya ng mabilis, nang bigla siya magpreno ng biglang may tumawid na kung sino.
"s**t! sino bang t*nga ang dadaan bigla?" asar na sabi ni Ramon sabay baba ng kotse na pabalya niyang binuksan.
"Ay sorry po," sagot ng babaeng nagpupulot ng gamit na tumilapon sa gulat sa kotse na umandar.
Natigilan si Ramon ng mapagmasdan ang mukha ng babaeng nasa harapan niya dahil parang nakita na niya ang babae sa kung saan. O naisip ni Ramon na baka naisip lang niya, o baka kung saan lang niya nakita o baka sa eskwelahan lang din.
"Huwag ka kasi tatawid agad dahil kung namatay ka edi kargo kita," asar na sabi ni Ramon sa babae.
"Sorry nagmamadali kasi ako dahil mahuhuli na ako sa klase," humihingeng despensa ng dalaga.
Nakita ni Ramon na nahulog ang id ng babae sa lupa. Pinulot niya iyon at nakita ang pangalan nito.
"Tiffany, nice name," bigkas ni Ramon sa pangalan na nasa ID.
"Ay akin na po iyan. Sorry po uli," sabi ng babae.
Hinablot ng babae ang ID nito kay Ramon at nagmamadali itong tumakbo.
.................
Present Day
"Tiffany," naalimpungatang sabi ni Ramon.
Napahingang malalim si Ramon dahil napanaginipan niya ang unang araw kung kailan niya nakilala si Tiffany.
Hindi sinabi ni Ramon kay Tiffany dati na may bumalik na alaala sa kanya ng may gawin sila sa ValPark noong nakaraang araw dahil may kalabuan pa ang nasa memory niya. Pero ngayon malinaw niyang napanaginipan ang araw noong una niyang nakilala si Tiffany.
Sinulyapan ni Ramon ang nobya, mahimbing pa rin ang tulog nito at waring napagod nga ito sa mga ginagawa nila araw-araw.
Hinalikan niya ito sa pisnge at muling tinitigan.
"Hindi pa ako handa. Saka ko na sasabihin sayo, dahil tingin ko mas okay na ganito muna tayo." mahinang sabi ni Ramon sa isip habang nakatitig sa natutulog na si Tiffany.
..........................
St Valentine Academy
Days Later
"Mukha ka na naman pagod. Okay ka lang ba?" tanong ni Lesly kay Tiffany, ng makitang parang wala na naman tulog ang kaibigan.
"Okay lang ako." tipid na sagot ni Tiffany, dalawang buwan na sila ni Ramon at pakiramdam niya dalawang buwan na rin siyang walang tulog.
"Alam mo sis, mula ng dumating iyong nobyo mo parang laging kang pagod." nahihiwagaang sabi ni Lesly.
"Lagi kasi kami magkausap sa cellphone." sagot ni Tiffany, sabay iwas ng tingin kay Lesly dahil bukod kay Arthur wala ng nakakaalam sa Academy na nakipag live-in siya sa binata.
"Grabeng pag-uusap naman iyan." sabi ni Lesly, na kahit hindi sabihin ni Tiffany, my kutob siyang magkasama na ang dalawa sa iisang bahay.
"Ganoon talaga kapag na-miss niyo ang isa't isa." natatawang sabi ni Tiffany.
"Pero sis, huwag kang magagalit ha. May nangyari na ba sa inyo ng nobyo mo?" nagbabakasaling tanong ni Lesly.
"Hahahaha, ayoko sagutin napaka-private ng tanong mo." nakangiting sabi ni Tiffany.
Umiiwas si Tiffany kay Lesly at baka masabi nito sa ibang teacher ang tungkol sa kanila ni Ramon. Natatakot si Tiffany na makarating ito sa Admin at matanggal siya sa trabaho.
"Sa sagot mo meron na nga. Sis, payong kaibigan lang kung alam mong hindi sayo seryoso ang lalaki hiwalayan mo. Mahirap na baka kasi mabuntis ka at matanggal ka sa Academy kapag hindi ka pinakasalan." nag-aalalang sabi ni Lesly.
"Alam ko naman iyon." tipid na sagot ni Tiffany. Dalawang buwan na mula ng magsama sila ni Ramon, irregular ang buwanang dalaw niya kaya hindi niya rin matiyak kung may nabuo na ba sa mga ginagawa nila.
May proteksyon naman si Ramon, pero minsan hindi na ito naisusuot ng lalaki lalo na kapag nagmamadali itong ipasok sa kanya ang sarili nito.
"Mamaya pala birthday nung isang estudyante ko. Magpapakain daw, kasama ka sa bibigyan kaya libre na tayo ng lunch." sabi ni Lesly, na binago na niya ang topic dahil alam niyang hindi naman magsasalita ang kaibigan regarding sa nobyo nito.
"Salamat sabihin mo. Sayang libre din iyon." natatawang sabi ni Tiffany, at nagsulat na siya at nag-panggap na busy para hindi na siya tanungin ni Lesly.
Ilang sandali pa ng may may bumungad sa pintuan na ikinatingin nila Tiffany at Lesly.
"Hello girls." bungad na sabi ni Arthur.
"Ang aga mo yata, mas maaga ka pa sa mga tauhan mo." nakangiting sabi ni Tiffany sa binata.
May bago na naman na ipinapatayong building sa likod ng CluBee kung saan si Arthur ang Architect.
Napangiti pa si Tiffany ng maaalala ang lugar na iyon kung saan nag-away away ang grupo ni Steven at grupo ni Rod noong high school pa sila.
"Ganoon talaga, saka okay ng maaga kasi pupuntahan talaga kita para yayain kang mag-almusal." sabi ni Arthur, at tiningnan nito si Lesly na waring ipinapaalam si Tiffany.
"Oh sure, isama mo na si Tiffany, para mawala naman ang pagod niya" natatawang sabi ni Lesly kay Arthur ng mabasa ang nasa mukha nito ng tingnan siya.
"Grabe ka talaga sa akin." natatawang sabi ni Tiffany kay Lesly. Dahil kahit hindi ni Tiffany kinukwentuhan si Lesly alam niyang may kutob na ito sa nangyayari sa kanya at kay Ramon, at natutuwa naman siya at hindi nagtatampo sa kanya si Lesly kahit hindi siya nagkukuwento dito.
"Halika na." sabi ni Arthur kay Tiffany sabay hawak ni Arthur sa siko ni Tiffany para alalayan ito.
..................
Franxie Resto
Minutes Later
"Sana sa canteen na lang tayo pumunta." sabi ni Tiffany kay Arthur.
Nagulat si Tiffany kanina ng dinala siya ni Arthur sa Franxie Restaurant. Ang sabi kasi ng binata sa malapit na fastfood chain lang siya dadalhin nito kaya hindi niya inaasahan na sa Franxie Resto siya ililibre nito ng almusalan.
"Madali lang tayo dito, saka hindi na tayo nakakakain dito." sabi ni Arthur, habang nag-oorder na ito sa waiter.
"Ikaw na mag-order sa akin." nakangiting sabi ni Tiffany, ng tingnan siya ni Arthur.
Hindi naman ni Tiffany mapaghindian ang binata, utang na loob na rin niya dito ang laging nandiyan at kasama ito noong mga panahong nag-iisa siya.
"Kung hindi na kita mayaya sa lunch at dinner. Sa breakfast kita yayayain." natatawang sabi ni Arthur na ikinangiti ni Tiffany
Ilang sandali pa nang ilapag ng waiter ang inorder nila ni Arthur sa mesa biglang may kakaibang naramdaman si Tiffany, na tila hinahalukay ang sikmura niya.
"Art, wait lang pupunta lang ako sa restroom," sabi ni Tiffany hindi na niya hinintay ang sasabihin ni Arthur at dali-dali itong umalis habang naiwang nagtataka si Arthur.
Nagmamadaling pumunta ng loob ng cubicle si Tiffany at inilabas ang lahat ng gusto niyang isuka.
Ilang minuto rin sa ganoong tagpo si Tiffany habang nagsusuka ito ng makaramdam siya ng ginhawa.
"Ayoko na." nanghihinang sabi ni Tiffany.
Napaupo si Tiffany sa bowl, at maya-maya lang ng may narinig siyang ungol sa kabilang cubicle. Dala ng kuryusidad sinilip niya iyon at ng makita kung sino ang nasa kabilang cubicle nagulat ito.
Si Ramon lang naman at may ginagawa na naman na kababalaghan sa ibang kandungan.
Gusto sana sitahin ni Tiffany si Ramon kaso nanghihina siya kaya napagdesisyunan ng dalaga na lumabas na lamang ng RestRoom.
"Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Arthur ng makita si Tiffany papalapit sa mesa nila at parang namumutla ito.
"Oo, pero parang ayoko ng amoy ng egg sandwich saka iyong hotdog, ayoko din." nanghihinang sabi ni Tiffany at iniusog nito ang plato kay Arthur.
Nagtataka man si Arthur hindi na ito nagsalita at pinabalot na lamang ang egg sandwich at hotdog, at nag-order ng bagong pagkain kay Tiffany.
Inorder lamang ng dalaga ay mango shake at cookies na lalong ipinagtaka ni Arthur.
"Kumain ka pa, at dapat hindi ka nag-i-skip ng breakfast mo." sabi ni Arthur at sinubuan nito si Tiffany ng cookies ng biglang may nagsalita sa likuran ni Arthur.
"Talagang dito pa talaga kayo nag-date sa pag-aari ko." galit na sabi ni Ramon.
Napansin ni Ramon sila Tiffany at Arthur ng palabas siya ng Restroom kanina.
"Customer kami, hindi ganyan ang tamang pakikitungo sa mga customer." sarkastikong sabi ni Tiffany kay Ramon. At lalong nainis si Tiffany ng maalala niya ang ginagawa ni Ramon at ng babae nito kanina sa restroom.
"Hindi ka customer at mas lalong hindi ko siya customer." galit na sabi ni Ramon kay Tiffany.
"Sorry pare hindi ko kasi alam na pag-aari mo pala ito. Hayaan mo next time sa iba ko na dadalhin si Tiffany." sarkastikong sabi ni Arthur kay Ramon.
"Hindi mo na siya madadala sa iba, dahil last mo na ito pare. At kapag tuluyan akong naasar sayo babarilin kita." galit na sabi ni Ramon kay Arthur.
Napangisi si Tiffany ng biglang naalala na may koleksyon nga pala si Ramon ng mga baril.
"Ramon, tumigil ka nga. Ikaw nga umagang-umaga nakikipaglampungan ka sa banyo." iritableng sabi ni Tiffany.
Nagulat si Ramon, dahil kung nakita siya ni Tiffany kanina may narinig naman siyang nagsusuka sa restroom kaya kinutuban siya sa naisip.
"So, ikaw ang nagsusuka kanina sa restroom?" tanong ni Ramon kay Tiffany.
Nagulat si Tiffany hindi dapat malaman ni Ramon na buntis siya dahil iiwan siya nito, at hindi pa naman iyon sigurado kaya itatago niya muna.
"Hindi ah. Narinig ko rin iyong nagsusuka at hindi ako iyon. Pero mas narinig ko ang ungol mo." iritableng sabi ni Tiffany kay Ramon.
"Bakit ka naninilip?" inis na sabi ni Ramon.
Alam ni Ramon naiinis si Tiffany sa kanya, pero wala naman itong karapatan magalit dahil wala naman sila at wala itong alam na may natatandaan na siya sa nakaraan nila.
"Kahit hindi ka naman silipin, nakakabulahaw kayo." sabi ni Tiffany kay Ramon.
"Excuse me, lang ha. Nakikipagsex ka sa iba habang nobya mo si Tiffany? Aba pare, ikaw na ang numero unong f^ckb*y." insultong tono na sabi ni Arthur kay Ramon.
"Wala kang pakialam sa relasyon namin dalawa ni Tiffany," sabi ni Ramon kay Arthur.
"So proud ka pa, kapag nakikita ka ng nobya mo na nakikipagsex sa iba. Pare ang tindi ng apog mo. Nang iluwa ka yata ng langit binabaunan ka ng kalibugan." sarkastikong sabi ni Arthur, dahil hindi niya maatim na winawalanghiya ni Ramon si Tiffany.
"Bakit ka ba nakikialam sa relasyon namin ni Tiffany? Saka bakit ba lagi mo idine-date ang nobya ko? Hindi mo ba alam na pag-aari ko si Tiffany." inis na sabi ni Ramon kay Arthur.
“Ayos ka talaga pare, hindi lang langit ang umayaw sayo pati impiyerno sa tindi ng kapal ng mukha mo." asar na sabi ni Arthur kay Ramon.
Nawalan si Arthur ng gana kumain, dahil hindi niya alam kung paano ito minahal ni Tiffany matapos nitong makita nakikipagsex si Ramon, parang wala lang kay Tiffany o baka itinatago lang ng dalaga ang nararamdaman nito sa kahihiyan.
"Umayos ka sa pananalita mo, at baka ikaw ang ipalit ko sa kinalalagyan ko sa impiyerno." napipikong sabi ni Ramon kay Arthur.
"Tiff, halika na. Mahirap makipagtalo sa taong galing sa hukay." sabi ni Arthur at hinawakan nito sa braso si Tiffany.
Nagulat si Ramon ng hindi sumigaw si Tiffany ng hawakan ito ni Arthur. At hindi puwede iyon at baka kung sino-sino na ang humawak sa dalaga kapag nangyari iyon.
“Huwag kang sumama.”sabi ni Ramon kay Tiffany.
"Pagod na ako Ramon, mamaya na lang tayo mag-usap." sabi ni Tiffany.
Pero ang totoo nagulat din si Tiffany ng hawakan siya ni Arthur na parang natural lang sa kanya. Marahil dala ng pagod at sa nakita kay Ramon kanina.
"Huwag ka ng sumunod sa amin. Maghanap ka na lang ng babae na titirahin mo." galit na sabi ni Arthur kay Ramon.
Sa inis ni Arthur kay Ramon biglang nahawakan ni Arthur si Tiffany para yayain ito umalis, at mabuti na lang hindi ito sumigaw. Kaya natuwa si Arthur at mahahawakan at maa-akbayan na niya ang dalaga.
"Huwag mo siya hawakan pare, at ako na maghahatid sa kanya." nagpipigil sa galit na sabi ni Ramon kay Arthur.
"Ramon huwag mo na ako ihatid. Si Arthur na lang ang maghahatid sa akin. Magpakasaya ka na lang muna para mamaya kapag umuwi ako sa condo, patulugin mo naman ako." seryosong sabi ni Tiffany, dahil napapagod na siya at gusto na niya munang magpahinga.
"Ang tindi mo pare." galit na sabi ni Arthur saka ito tuluyan itong lumabas ng resto kasama si Tiffany.
........................
R-Square Hotel
"Kailan mo sasabihin kay Tiffany na naaalala mo na siya?" tanong ni Rod kay Ramon, nasa opisina sila ng R-Square Hotel ng mga oras na iyon, na pag-aari ng mga Cheung.
"Kapag handa na akong pakasalanan siya? Kapag nag-sawa na ako sa buhay binata?" pormal na sabi ni Ramon.
Pumunta si Ramon sa opisina ng kaibigan na si Rod, at himalang naabutan niya ito sa opisina nito. Kung tutuusin ang opisina ni Rod ay isang kuwarto lamang at wala itong ginagawa, dummy lang ito sa kompanya. Ayaw nitong mamahala ng kompanya ng pamilya Cheung at si Rico lahat ang nagpapalakad sa lahat ng kompanya ng pamilya. Pumapasok lang si Rod kunwari para pagbigyan ang ama nito at si Rico.
At ngayon ng puntahan ni Ramon si Rod nagbibilyar lang ito sa loob ng opisina nito.
"Paano kung mabuntis mo pare?" natatawang sabi ni Rod.
Noong nakaraan buwan dapat ang alis ni Rod papuntang Amerika kaso nakita niya sa list ng OJT si Ella, kaya ipinagpaliban niya muna ang pag-alis.
"Hindi naman siguro, pare." pormal na sabi ni Ramon.
Pinagmamasdan ni Ramon si Rod halos hindi ito nagbago, mas lalo nga lang naging babaero at maloko. Sino ba naman ang matinong tao na ang laman ng opisina ay billiard table, mini bar at may malaking tv pa, na parang nasa sinehan lang.
"Inaaraw-araw mo hindi mabubuntis. Malabo iyon pare." sabi ni Rod, na natatawa sa kaibigan, dahil naalala ni Ramon ang ilang bagay kay Tiffany, pero nagpapanggap ito na wala pang alam.
"Magpapanggap mo na ako, na hindi ko siya kilala para susundin niya pa rin ako." nakangising sabi ni Ramon.
Hindi ni Ramon sigurado kung mahal nga ba niya si Tiffany matagal na panahon ang pitong taon. Kaya naisip ni Ramon na magkunwaring walang alam para kung sakali wala siyang pagmamahal talaga kay Tiffany madali niya itong maalis sa buhay niya.
"Hahahahahaha, ayos ka talaga." natatawang sabi ni Rod.
....................
Samantalang sa labas ng opisina ni Rod kanina pa nakikinig si Ella sa pag-uusap ng magkaibigan.
"Ahhhh, ganoon." nakangising sabi ni Ella sa isip ng marinig ang usapan ng dalawa sa opisina ni Rod.
Pumunta si Ella sa opisina ni Rod dahil inutusan siya ng immediate boss niya sa on-the-job-training/ OJT na dalhin ang papeles na pipirmahan ni Rod.
"Ella bakit hindi ka pumasok?" sabi ni Lexi, isa sa nakasundong empleyado ni Ella sa hotel at sekretarya din ito ni Rod.
"Huwag kang maingay. Ikaw na magdala nito tutal maganda ka naman." sabi ni Ella kay Lexi, dahil ang totoo iniiwasan din kasi ni Ella si Rod dahil naaalibadbaran siya sa mukha ng dating nobyo.
“Sige pero diyan ka lang kasi baka magalit iyan, para ipagtanggol mo ako." kinakabahang sabi ni Lexi, siya ang sekretarya ni Rod pero si Ella ang gusto nito magdala ng papeles na pipirmahan nito.
"Oo, hahalikan kita mamaya." birong sabi ni Ella kay Lexi na ikinakilig ng dalaga.
"Langya ka Ella kung lalaki ka mas guwapo ka pa kay Sir Rod." natatawang sabi ni Lexi kay Ella na ikinangiti ni Ella.
Kumatok si Ella sa pinto ng opisina ni Rod at ng marinig ang boses ni Rod ay bigla siyang nagtago.
"Bakit ikaw ang nag-dala? Nasaan si Ella Mae?" galit na sigaw ni Rod kay Lexi ng bumungad ang secretary nito sa pintuan.
Napalunok lang ang sekretarya nito sa takot kay Rod.
"D*mn it, siya ang padalhin mo sa akin." sigaw na sabi ni Rod at inihagis nito ang folder.
Nagmamadaling lumabas ang sekretarya nito na si Lexi na parang naiiyak sa kaba at takot sa amo nitong si Rod.
"Pare grabe ka. Hahaha!" natatawang sabi ni Ramon ng umalis si Lexi na naiiyak sa takot.
"May relasyon si Lexi kay Ella, at lahat ng nagiging sekretarya ko hinaharot ni Ella. Buweset." galit na sabi ni Rod.
Nakatatlong palit na si Rod ng sekretarya, wala pa man siyang tatlong buwan sa hotel dahil madalas niyang makitang kasama lagi ni Ella ang mga nagiging secretary niya at halos landiin ito ni Ella.
"Hahahahaha, mag sekretarya ka ng lalaki. Para hindi landiin ni Ella." natatawang sabi ni Ramon.
"Mas lalong ayoko. Argghhhhh." galit na sabi ni Rod at ibinato nito ang bola ng bilyar sa pintuan.
......................
Sa labas ng opisina ni Rod kung saan naghihintay si Ella, nagulat si Ella ng naiiyak na lumabas ng kuwarto si Lexi.
"Ella nagalit, baka mawalan ako ng trabaho." nag-aalalang sabi ni Lexi.
"Hindi iyan, ililipat ka lang iyan ng ibang branch." nakangiting sabi ni Ella.
“Sana nga.”sabi ni Lexi.
“Huwag ka ng umiyak.”nakangiting sabi ni Ella at saktong hinalikan ni Ella sa pisnge si Lexi ng bumukas ang pinto at nakita iyon ni Rod.
"S*n *f * Bit^h!" malakas na mura ng binata ng makita ang ginawang paghalik ni Ella sa ikatlong sekretarya niya na ikinatawa ng malakas ni Ramon.