ORLA “Is he lūsting over me or nah?!” Inis na inis ako dahil hindi ako makatulog dahil pilit na sumisiksik sa isip ko ang sinabi at ginawa ng Kross Castellano na ‘yon kaninang umaga! Pasukan na bukas tapos heto ako at mukhang mapupuyat pa dahil sa kanya! Sa tuwing maaalala ko ang ginawa niyang paghawak at pagkapa sa likuran ko ay parang kinikilabutan ako! Kaninang umaga pa nangyari yon at naubos na nga ang oras ko sa mall kasama ang mga kaibigan ko pero pagdating ko dito sa bahay kanina ay nakita ko na naman siya kaya bumalik na naman sa isip ko ang mga sinabi niya kanina! “Sanay na sanay ka bang lumalabas ng kwarto at humaharap sa mga tao na walang suot na bra?” Inis na kinuha ko ang isang unan sa gilid ko at saka itinakip sa mukha ko! Sa sobrang linaw sa isip ko ng sinabi niya ay pa

