KROSS Nang lumabas si Orla dito sa opisina ni Chairman ay hindi ako makabalik sa pagtatrabaho lalo na at pabalik balik sa isip ko ang itsura niya kanina. Galit na galit siya nang malaman na pinagamit sa akin ni Chairman itong computer. Mas nagalit pa siya nang nalaman niyang binigyan ako ni Chairman ng access sa system ng kumpanya nila. Hindi ko na kailangan pang pag isipan kung saan nanggaling ang matinding galit niya sa akin kanina. Nabanggit na rin ni Sir Levin na hindi sila magkasundo ng anak ni Chairman. Alam ni Sir Levin na nagseselos si Orla sa kanya dahil naging malapit siya kay Chairman. At kanina nang makita ko ang galit niya sa akin ay naisip ko agad na pinagseselosan niya na rin ako dahil nagiging malapit na ako kay Chairman. Bumuntonghininga ako at tumigil na sa pagtatrab

