ORLA My heart is racing with intense anger! Hindi lang pala buong pansin ni Daddy ang nakuha ng Kross na yon kundi pati na rin ang buong tiwala niya! Inis na inis ako. Sa sobrang inis ko ay napalakas ang ginawa kong pagsarado sa pinto ng kwarto ko. Kakagaling ko lang sa opisina ni Daddy at nalaman kong hindi lang basta-bastang trabaho ang binigay niya kay Kross kundi isang trabaho na dapat ay sa akin niya ipinagkatiwala dahil anak niya ako! Huminga ako ng malalim. Hanggang ngayon ay mabilis na mabilis pa rin ang tìbok ng puso ko dahil sa sobrang inis kay Kross! Ganitong-ganito ang naramdaman ko noong nalaman kong sinama ni Daddy si Levin sa Japan para i-train doon! Samantalang ako na sarili niyang anak at sobrang dalas niyang isama sa Japan pero hindi man lang yata sumagi sa isip niy

