Trabahador

1406 Words
ORLA Lumabas ako sa kwarto nang masigurado na wala na si Daddy na opisina niya dito sa bahay. It's the weekend and my dad usually plays golf until 10 in the morning. Alas sais pa lang ngayon kaya marami pa akong oras para magawa ang gusto ko. Dahan-dahan pa ang ginawa kong pagpasok dahil baka biglang sumulpot ang magaling kong stepbrother dito sa opisina ni Daddy. Alam kong pareho lang kami ng gustong mangyari—to please dad in every possible way we can! Pero alam kong iba ang purpose niya kaya niya ginagawa ang lahat para matuwa si Daddy sa kanya! Napasimangot ako nang tuluyang makonsumo ng Levin na yon ang isip ko. Umagang-umaga ay sinisira niya ang araw ko dahil lang sa pag-iisip ko sa kanya! I immediately sneak into my dad's table and get the information about the project he is currently doing. My Dad is a software engineer and he is running our main business which is Salvatierra Technologies. Nasa Japan ang ST at kilalang-kilala doon. Salvatierra Technologies currently has more than ten sister companies here in the Philippines. Parami nang parami ang subsidiaries kaya mas madalas na si Daddy dito sa Pilipinas kesa sa Japan. May mga pagkakataon na inuutusan niya ang stepbrother ko na pumunta sa Japan at siya ang pinag aasikaso ng mga dapat asikasuhin doon. The fact that my dad is entrusting ST to someone who is not even his son frustrates the hell out of me! Ako ang totoo at nag-iisang anak ni Daddy pero sa kanya ipinagkakatiwala ang business! Kaya hindi ako papayag na magkaroon siya ng mas mataas na posisyon kesa sa akin! Mabilis ang ginawa kong pagkuha sa mga information na dapat kong kunin. My dad wanted me to focus on the financial field that's why I am planning to take Accountancy. Ayaw na ayaw ko ang numbers pero kung ito lang ang paraan para makuha ko ang tiwala ni Daddy para mapatakbo ang business namin ay gagawin ko. Kahit habulin pa ako ng numbers hanggang sa panaginip ko! Nang makita ko ang file na hinahanap ko ay mabilis ang ginawa kong pag-print para magkaroon ng copy. Lumabas ako agad sa opisina ni Daddy at nag tuloy-tuloy hanggang sa labas ng bahay. Bumagal ang lakad ko nang tuluyang nakalabas para puntahan ang paborito kong spot dito sa labas ng bahay. We have a huge backyard pavilion here. At mas madalas pa akong tumambay doon kesa sa sarili kong kwarto! Habang naglalakad papunta doon ay binabasa ko na ang files na nakuha ko sa opisina ni Daddy. Lahat ng ginagawa niya ay pinag aaralan ko para hindi ako magmukhang tanga kung sakaling magtatanong si Daddy sa akin kung ano ang alam ko sa business namin. Ayaw kong malamangan ako ng Levin na yon! Malapit na malapit na ako sa backyard pavilion nang tumunog ang phone ko. Nang makita kong si Lexa ang tumatawag ay agad na sinagot ko ang tawag niya. Lexa is one of my closest friends together with Janine and Kelly. Wala akong kapatid kaya marami akong kaibigan. “What is it, Lexa?” tanong ko nang sagutin ang tawag niya. “Mag eenrol na yung kuya ko bukas, Orla! Pinapasabay na ako ni Daddy. Enroll na rin kaya kayo para sabay-sabay na tayo?” Ngumuso ako at saka hindi na nagdalawang isip na pumayag sa gusto niya. I hate getting enrolled late! Ayaw ko sa lahat ay iyong nahuhuli. Ang gusto ko ay parati akong nauuna sa lahat kahit pa sa mga pila. Kaya mas okay na yung mauna sa pag enroll para hindi na nakikipagsabayan sa maraming estudyante. “Sure.” “Talaga, Orla? You're in?! Sige, sasabihan ko yung dalawa! See you tomorrow!” Binalik ko ang phone sa bulsa ko matapos ang tawag ni Lexa. Patuloy na naglakad ako palapit sa pavilion habang nagbabasa pa rin. Nang nakapasok ako sa pavilion ay binaba ko muna sa wooden table ang file na binabasa ko bago umupo para mag stretch ng katawan. Napangiti ako nang nalanghap ang fresh na fresh at malamig na hangin sa umaga. Noong nabubuhay pa si Mommy ay madalas na madalas kami dito. Dito na nga rin kami kumakain kaya sobrang dami talagang good memories sa pavilion na ito. “Huh! I love this place so much!” Ngiting-ngiti pa ako nang ipatong ang mga braso ko sa table para makapag patuloy sa pagbabasa. Pero ilang sandali lang ay natigilan ako nang nakaramdam ng kakaiba. “What the hell is that sticky feeling—oh, my fùcking God!” Namilog ang mga mata ko at agad na napatayo nang makita kung ano ang dumikit sa mga braso ko! “Ano ba ‘to?! A paint?!” Hindi pa rin makapaniwala na bulalas ko. Mukhang bagong pintura pa lang ang wooden chair at table pero hindi ko napansin dahil basta na lang akong umupo dito! “Who the hell painted this so early?! Hindi man lang naglagay ng sign!” Gigil na gigil na bulalas ko. Ilang sandali lang ay may dumating na isang lalaki. He is holding a yellow caution sign. Napatigil siya sa paglalakad nang makita ako. Mabagal na bumaba ang tingin niya sa katawan ko kaya mas lalong nag init ang ulo ko! “Ikaw ba ang nagpintura dito?” Mariin at gigil na tanong ko. Parang bata pa naman siya at mukhang magka edad lang kami kahit na matangkad siya ng hamak sa akin! “Oo. Naupuan mo ba?” tanong niya pa na para bang kailangan ko pang sagutin ang tanong niya kahit na sobrang obvious naman ang sagot! “Bakit ba sobrang aga mo dito? Alas sais pa lang ah!” Hindi ko na napigilan na sitahin siya. “Maaga kasi akong nagising kaya ayaw kong mag aksaya ng oras. Tsaka marami pa akong gagawin mamaya, gusto kong matapos ako kaagad—” “I don’t care if you have loads of work to do! Kung alas otso ang pasok mo dito, ‘wag kang pumunta dito kung wala pa sa oras ng trabaho!” Inis na inis na bulalas ko bago iritadong naglakad palabas dito sa pavilion! Ang ganda ganda ang araw ko kanina pero biglang nasira dahil lang sa kung sinong trabahador! Nang tumapat ako sa kanya ay hindi ako tumigil sa pag sita. “Dapat bago mo iniwan ang pagpipintura, naglagay ka na agad ng signage! Hindi ka naman yata kasali sa trabaho dito! Nasaan ba yung tatay mo? ‘Wag mo siyang palitan sa trabaho niya dito lalo na kung wala ka namang alam sa construction!” Kumunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. “Hindi ang tatay ko ang nakuhang magtrabaho dito. Ako mismo,” sagot niya. Kumunot ang noo ko pero nagpatuloy siya sa pagsasalita. “Tsaka matagal na akong nagtatrabaho sa construction kaya basic lang sa akin itong pagpipintura. Sorry kung nahuli kong ilagay itong signage. Akala ko kasi wala pang pupunta ng ganito kaaga dito sa pavilion.” Sa halip na sumagot ay inirapan ko siya at saka tuluyang nilagpasan. Napatigil lang ako sa paglalakad nang masalubong ko si Levin! Agad na nilapitan niya ako at tiningnan ang ayos ko! “Anong nangyari sayo, Orla?” Halata sa mukha niya na natatawa siya sa akin kaya uminit agad ang ulo ko! “Mind your own business!” Mariing saway ko at nilampasan na siya pero natigil ako sa paglalakad nang tuluyang narinig ang tawa niya! “What a mess!” Tatawa-tawang sambit niya pa kaya mas lalong tumindi ang gigil ko habang sinusundan siya ng tingin habang papunta sa pavilion! “Kross!” Malakas na tawag niya sa trabahador na kausap ko kanina. “Good job!” Tumatawang sambit niya pa na malinaw na malinaw kong narinig kaya nag-init ng todo ang ulo ko. “Good job? Ibig sabihin ay sinadya niyang utusan ang lalaking yon na mag pintura ng maaga para gawin sa akin ito?!” Mariing napamura ako habang nakatingin ng masama sa kanilang dalawa. Ngiting-ngiti pa ang trabahador na inutusan ni Levin para bwisitin ako kaya mas lalong tumindi ang gigil ko. Akala mo ba ay mapapalampas ko ang ginawa mo sa akin? Humanda ka sa akin! Gagawin ko lahat para matanggal ka sa trabaho mo dito! Magsisisi ka na sinunod mo ang kalokohan ng Levin na yan! Inis na inis na nagmartsa ako papasok sa bahay habang pinaplano sa isip kung paanong matatanggal sa trabaho ang trabahador na yon!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD