Kung Anak Mayaman

2073 Words
ORLA Maagang maaga akong gumising kinaumagahan dahil sa plano kong pagsabay na mag-enroll sa mga kaibigan ko. Nakabihis na ako nang bumaba para sumabay na kumain kina Daddy. Bumilis ang lakad ko nang narinig ang tawanan nilang dalawa ni Levin! Napasimangot ako at bubulong-bulong na nagpatuloy sa paglalakad. Alam ko naman na pangarap talaga ni Daddy na magkaroon ng lalaking anak pero nawalan siya ng pagkakataon na magkaroon ng anak na lalaki dahil maagang namatay si Mommy. “Good morning, Orla. I heard you are going to enroll today?” Nakangiting bumati sa akin si Tita Leah, ang stepmom ko. Mabait siya sa akin at ramdam ko naman na genuine ang pakikitungo niya sa akin. Siguro ay ako lang talaga ang pilit na inilalayo ang loob sa kanya. I don’t want to be too close to her. Feeling ko ay nagtataksil ako kay Mommy sa tuwing hindi ko namamalayan na napapalapit ako sa kanya. Tipid na ngumiti ako sa kanya. “Yes po. Ayaw ko kasing sumabay na mag enroll sa maraming estudyante,” sagot ko at saka umupo sa pwesto ko. Katapat ko si Tita Leah na siyang katabi ni Daddy. Sa tabi ko ay nakaupo si Levin na nakatingin agad sa akin pero iniwasan kong tumingin sa gawi niya dahil ayaw kong masira ang araw ko! Makita ko pa lang siya ay nasisira na ang araw ko. Hindi siya kagaya ng Mommy niya na ginagawa ang lahat para makisama sa akin. Si Levin ay walang pakialam kahit na ayawan ko siya! He never tried to please me which made me super annoyed! Matanda siyang hamak sa akin pero parang hindi siya willing na ituring akong kapatid kaya wala rin akong balak na ituring siya na kapatid! “Kross is also going to enroll today, Daddy. Wesley University is really one of the best schools here in the country. I heard they recently achieved the highest passing rate for the CPA Licensure Examination.” Agad na kumunot ang noo ko nung narinig ang sinabi ni Levin. Kross ang pangalan ng trabahador na nagpintura ng sobrang aga sa pavilion! Anong ibig niyang sabihin? Sa Wesley University din mag-aaral ang lalaking yon? How the hell can he afford the tuition there? “Really, Levin?” Nagsalita si Daddy at saka nakita kong tumingin sa akin. “Orla is going to take Accountancy, too.” Tipid na ngumiti ako sa kanya. Kitang-kita ko sa mga mata ni Daddy na proud siya sa pagsasabi tungkol sa kukunin kong course. “Really, Orla? Sigurado kang Accountancy ang kukunin mong course ngayong college? That’s quite surprising.” Narinig kong komento ni Levin. Napatigil ako sa pagkain at saka kunot noong tumingin sa kanya. “Ano namang nakakagulat sa pagkuha ko ng Accountancy? Can’t I take the course that I want to take?” Mariing tanong ko. Nakakainsulto ang paraan ng pagtatanong niya kung sigurado na ako sa course na kukunin ko! “Oo nga naman, Levin…” Nakisali na naman sa usapan si Tita Leah kaya pinigilan kong pukulin ng masamang tingin si Levin! Alam na alam ng Mommy niya kung kailan siya papatigilin at kung kailan ito mamamagitan sa amin para walang gulo! “Orla can take whatever course she wants. Tsaka hindi naman niya kukunin ang course kung alam niyang hindi niya kaya,” sambit ni Tita Leah. She really knows how to make me feel better! At nakakainis dahil nakukuha niya ang loob ko sa tuwing nagiging supportive siya sa akin! “Orla can handle her studies well, Levin. At kung totoo na magaling talaga ang mga professor sa Wesley University, mas makakasiguro tayo na makakapasa sa board exams si Orla kung doon siya mag-aaral,” sambit ni Daddy. Nang tingnan ko si Levin ay yumuko lang siya ng bahagya at nagpatuloy sa pagkain! Halatang-halata na hindi siya sang-ayon sa mga sinabi ni Daddy at ng Mommy niya kaya naglapat ang mga labi ko dahil sa inis! Alam kong hindi ako ipinanganak na matalino pero kayang-kaya kong gawan ng paraan na makuha ang lahat ng gusto kong makuha! At papatunayan ko sa Levin na yan na makaka graduate ako at makakapasa sa board exams! Pagkatapos kumain ay bumalik lang ako sandali sa kwarto para kunin ang mga gamit ko bago bumaba. Naabutan ko pa si Daddy sa open garage ng bahay namin na kinakausap ang isa sa mga drivers namin. “Dad…” Ngumiti ako kay Daddy nang lumingon siya sa akin. “Sumakay ka na. Ihahatid ka niya sa school,” sambit niya. Nakangiting tumango ako pero bago pa ako tuluyang sumakay sa sasakyan ay sinabi ko na sa kanya ang kagabi ko pa pinag planuhan na gawin. “Dad, I don’t want the color of the pavilion. The color is making the ambiance too gloomy. I want it a bit lighter and lively,” sambit ko. Kumunot ang noo niya. “I already asked Levin to repaint it. Did you check it?” Usisa niya. Agad na tumango ako. “Yes, Dad. Bagong pintura nga po kahapon pero hindi ko po gusto yung kulay na ginamit,” paliwanag ko. “Really? Alright. Sasabihin ko na lang kay Levin na ipabago ulit ang kulay. Sabihin mo na lang sa kanya kung anong gusto mong kulay.” “Yes, Dad…” Nakangiting tumango ako sa kanya bago tuluyang sumampa sa sasakyan. Ngiting-ngiti ako habang nag-iisip ng panibagong kulay na ipapalit sa kulay ng pavilion. Kailangan kong mag isip ng pangit na combination ng kulay para mahirapan ang trabahador na yon na sunod-sunuran kay Levin! Pagdating sa Wesley University ay mukhang ako na lang ang hinihintay ng mga kaibigan ko. “Wow, Orla! I like your new hairstyle!” Lumapit agad si Janine sa akin at hinawakan ang buhok ko. Sa totoo lang ay wala naman akong gaanong pinaayos sa buhok ko noong nagbakasyon. Siguro ay naninibago lang sila dahil nagsuot lang ako ng manipis na wired hair band at hinayaan kong nakalugay ang hanggang bewang kong buhok. My hair is straight from the top and wavy at the bottom. Parehong-pareho kami ng buhok ni Mommy kaya hindi ko na kailangan na mag effort para kulutin pa ang dulo ng buhok ko dahil natural na ito. “Did you get a new stiletto?” Narinig kong usisa naman ni Kelly? Umiling ako. “No. Tita Leah got it for me as a gift after graduation,” sagot ko. “How about your bag, Orla? Oh, my God! It’s a new model released in Japan just recently!” Namamangha na bulalas ni Lexa. Napangiti ako. Alam ni Daddy na mahilig ako sa mga bags kaya kapag pumupunta siya sa Japan ay hindi pwede na wala siyang pasalubong na bagong bag sa akin. “Yeah. Binili ni Daddy sa Japan, last week lang,” sagot ko. Matapos nilang usisain ang mga bagong nakita sa akin ay pumasok na kami sa loob para magpa enroll. Ang akala ko ay kami ang unang magpapa enroll pero nagkamali ako! Dalawang linggo pa bago ang simula ng klase pero marami na kaagad na nagpapa-enroll! Hindi ko tuloy naiwasan na mapasimangot nang makita na mahaba na ang pila at nasa bandang likuran kami! “Gosh! Akala ko pa naman konti pa lang ang magpapa eenroll ngayon!” Kahit ang mga kaibigan ko ay hindi na naiwasan ang magreklamo nang makita ang mahabang pila. Maya-maya ay may mas dumami pa ang mga dumating para magpa enroll. Umayos kami ng pila para hindi masingitan. “Oh, my God! Look who’s there!” Bumulong si Janine sa amin kaya sabay-sabay kaming tatlo na napatingin sa gawi na tinuro niya. Nasa bandang unahan ng pila ang isang lalaki na mukhang seryoso ang mukha. None other than Marion Buenaobra. Isa siya sa mga matalino noong High School pa kami at kasali siya sa mga naka line up para maging boyfriend ko. “Accountancy rin pala kukunin ni Marion?” tanong ni Kelly. “That’s for sure! Isa yan sa mga matatalino sa Wesley High kaya sa Accountancy talaga yan pupunta.” Maya-maya pa ay may mga dumating na naman na agad ko ring nakilala dahil isa rin siya sa mga nasa listahan ng mga pwede kong gawin na boyfriend para makasurvive ako sa course ko. It’s Jonas Mijares. Madalas ang mga ate niya noon sa bahay namin dahil kaibigan nila si Levin. At kahit hindi kami close ni Levin ay pwede akong magpanggap na close kami para lang mapalapit kay Jonas kung sakaling kailanganin ko siya para sa plano ko. “Ang haba naman ng pila! What the heck?!” Narinig kong nagreklamo ang kasama ni Jonas. It’s his best friend–Cecil Cordova. Hindi ko maiwasan na mapatingin sa ayos niya. She’s so simple but so charismatic. Her aura screams sophistication. Almost perfect ang facial features niya at makinis na makinis ang balat. Probably because she is Cordova and Cordovas are mostly good looking and look so expensive. “This is why I told you to wake up early, Cecil. Sobra ka pa namang mareklamo at mainipin,” mariing sermon ni Jonas sa kanya. “Ayoko nang mag-enroll! Bukas na ako! Ang haba-haba ng pila! Maiinip lang ako dito at magugutom!” Bulalas ni Cecil at saka huminto sa paglalakad pero hindi siya hinayaan ni Jonas at agad na nilapitan at hinawakan sa braso. “Let’s go. I will get you some snacks–” “Jo, ayoko na! Bukas na ako! Alas tres pa lang ng madaling araw gigising na ako para mauna sa pila–” “I said let’s go, Cecil!” Mariin na mariin na utos ni Jonas sa kanya kaya mukhang napilitan na si Cecil na sumunod kahit ayaw niya. “Ang ganda talaga ni Cecil! Crush ng kuya yan eh kaso suplada daw tapos ayaw sa maiitim!” Sambit ni Lexa. “Hindi yata Accountancy yung kukunin ni Jonas,” sambit ni Kelly kaya napatingin ako sa kanya. “Sa Engineering nakapila,” sambit naman ni Janine. Ngumuso ako. Okay. He is out of the list. Hindi ako pwedeng mag boyfriend ng hindi ko kapareho ang course kaya automatic out na si Jonas. Sayang! Matalino pa naman! Maya-maya ay mas dumami pa ang mga nagpapa enroll kaya mas lalong nasisira ang mood ko. Mas lalo pang nasira ang mood ko nang may sumingit na babae sa harapan namin! “Kross! Sorry! Nainip ka ba?” Kumunot ang noo ko nang marinig ang pangalan na binanggit ng babaeng kakarating lang at pinasingit ng lalaking kausap niya sa pila! “Hindi naman, Annalise. Okay lang. Dito ka na…” Nag-init agad ang ulo ko dahil sa ginawa niyang pagpapasingit sa babae kaya hindi na ako nagdalawang isip na lapitan sila para sitahin. “Hey…” tawag ko nang nakalapit sa kanilang dalawa. Sabay silang napatingin sa akin. Nang balingan ko ang lalaki ay muntik ko pang hindi makilala ang trabahador na utusan ni Levin! Siguro ay dahil mukhang bagong ligo siya at mukhang fresh kaya hindi siya mukhang trabahador ngayon! “May kailangan ka ba?” tanong niya sa akin. “Kilala mo siya, Kross?” tanong ng babaeng kasama niya. Hindi ko na hinintay na sumagot siya sa kasama niya at nagpatuloy ako sa gagawing pagsita sa kanila. “Hindi mo ba nakikita na may pila dito? Bakit ka nagpapasingit sa pila?” Mariing sita ko sa kanya. “Hindi ko siya pinasingit. Kanina pa siya dito. Umalis lang dahil may kailangan na ipa-photocopy–” Sarkastikong tumawa ako. “You think I’ve no idea that you’re just trying to cover for her? Hindi lang naman kayo ang gumagawa niyan para lang maka singit sa pila.” Tinaasan ko siya ng kilay pero hindi man lang siya nasindak at confident na sinalubong ang titig ko! “Unfortunately, we came here early and there was no shop open yet. Umalis lang siya sa pila dahil kailangan niyang magpa photocopy ng requirements. Pwede kang magtanong sa guard kung duda ka pa rin na kanina pa kami dito.” Seryosong seryoso ang mukha niya at mukhang wala talagang balak na magpatalo kaya inis na inis ako! “Orla…” Sumenyas ang mga kaibigan ko na bumalik na ako sa pila kaya wala akong nagawa kundi ang tingnan ng mariin ang trabahador bago bumalik sa pila sa likuran nila! Kainis! Ano bang ginagawa ng trabahador na yan dito sa Wesley University? Hindi naman siya mag coconstruction kung anak mayaman siya kaya paano siyang makakapag enroll dito?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD