ORLA Sa unang linggo pa lang ng klase ay alam ko na kaagad ang mga subjects kung saan ako posibleng mahirapan. Ang nakakainis sa lahat ay hindi lang isang subject ang komplikado para sa akin kundi tatlo! Economics, College Algebra at Fundamentals of Accounting! Nagsisimula pa lang ang klase ay para na akong aatakihin sa puso sa tuwing darating ang professors namin sa mga subject na nabanggit ko! “Gets n’yo ba ‘tong assignment sa College Algebra? Kahit anong gawin ko litong-lito ako dito sa polynomials!” Sa totoo lang ay kanina pa masakit ang ulo ko sa kakasubok na gawin ang assignment namin. Magaling sa Math si Levin at siguradong kayang-kaya niya itong gawin pero mamamatay muna ako bago magpaturo ng assignment sa kanya! “Bullshìt! Ayoko na nga! I’m having headaches na because of this

