KROSS Kahit na hindi ko sinasadya na alamin ay napapansin ko ang ginagawa ng isang kaklase naming si Marion Buenaobra kay Orla. Mukhang hindi lang ako ang nakakapansin dahil pati ang mga bago kong kaibigan na sina Jax, Kiko at Kobe ay pinag-uusapan din siya. “Tang ina, Jax. Mukhang mauunahan pa tayo ni Marion kay Orla,” naiiling na sambit ni Kobe habang nag mimirienda kami dito sa canteen ng Wesley University. Unang linggo pa lang ng klase ay mukhang sa halip na pag-aaral ang atupagin nila ay puro babae ang nasa isip. Mababait naman silang tatlo at hindi mahirap pakisamahan. Sa totoo lang ay kahit na alam kong anak mayaman silang tatlo ay hindi nila kahit kailan pinaramdam sa akin na naiiba ako sa kanila. Ang pinaka hindi ko talaga inaasahan ay nang nalaman kong interesado silang tatl

