ORLA
We still have two weeks more to enjoy our vacation. Ang sabi ng mga kaibigan ko ay i-enjoy na raw namin ang bakasyon dahil mukhang hindi na raw biro ang pag-aaral kapag college na.
Sina Lexa, Janine at Kelly ay pare-parehong may mga kapatid na mas matanda sa kanila kaya sila ang nagsasabi na mahirap daw ang college life dahil nakikita nila sa mga ate at kuya nila. Para sa akin ay wala akong ibang nararamdaman kundi excitement.
Sobrang excited na akong mag-aral ng college dahil excited na akong maka graduate at makapagsimulang tumulong sa business namin.
At sa dalawang linggo na natitira sa bakasyon bago magsimula ang pasukan ay wala akong ibang maisip na gawin kung hindi ang mag practice ng volleyball dito sa bahay o kaya naman ay sumama sa mga kaibigan ko sa paglilibot kung saan-saan.
Sa ngayon ay maaga akong nagising dahil sanay talaga akong gumigising ng maaga kahit na walang pasok. Inayos ko ang sarili ko at saka nagbihis para sa gagawin kong pag practice ng volleyball. I have no choice but to work against the wall. Mabuti na lang at maluwang ang area sa likuran ng pavilion at mataas ang pader kaya doon ako madalas na mag practice.
I thoroughly checked myself in front of the full body mirror in my walk-in closet before I came out of my room. Kahit dito lang ako sa bahay nag papractice ay gusto kong maayos ang suot ko. Maayos din na nakatali ang buhok ko na nilagyan ko pa ng hairbond para hindi humarang ang mga baby hair sa mukha ko mamaya kapag naglalaro na ako.
Bago ako tuluyang lumabas at pumunta sa pavilion ay kinuha ko na rin ang tumbler ko at nilagyan ng tubig para hindi na ako papasok sa loob kapag napagod at nauhaw.
Ngiting-ngiti ako habang palabas sa bahay dala ang tumbler at bola ng volleyball. Volleyball is also my Mom’s favorite sport! Noong college siya ay member daw siya ng varsity team at doon niya nakilala si Daddy na member din ng varsity pero baseball naman ang sport niya. Sa kwarto nila ni Mommy dati ay mukhang nag paramihan pa sila ng awards na nakuha sa paglalaro nila kaya halos mapuno ng medals, certificates at trophies ang buong kwarto!
Noon ay hindi ko napapansin ang mga yon. Noong lumaki na ako ay saka ko lang unti-unting napagtanto kung anong klase ng relasyon ang meron silang dalawa.
And I grew up wanting to have that kind of relationship with the opposite sēx, too.
Pero nang magsimula akong makakilala ng kung sino-sinong mga lalaki ay habang tumatagal ay nawawalan ako ng pag-asa na makakahanap ng kagaya sa nakita ni Mommy kay Daddy. And I started to believe that the kind of love that Mom found doesn't exist in this generation anymore!
Hindi naman sa pagiging choosy pero wala talagang pumapasa sa standards ko!
It’s not that my standards for guys are high. I just didn’t feel the spark or connection in every guy I’ve met. Parang ayaw ko na tuloy maniwala sa mga kwento ni Mommy. I don’t think I’d be able to experience that kind of ‘kilig’ because most of the guys I’ve met are annoying!
Tuloy-tuloy na naglakad ako papunta sa backyard pavilion. Kumunot ang noo ko at bumagal ang paglalakad nang maalala ko na naman ang trabahador na nag pintura doon!
“Pasalamat ka lang dahil busy ako ngayon!” Nakairap na bulalas ko bago nagpatuloy sa paglalakad. Tuloy-tuloy na naglakad ako sa gawing likod ng pavilion at saka binaba muna ang hawak kong tumbler at bola para mag stretching bago magsimulang mag practice.
Pagkatapos ng limang minutong stretching ay nagsimula na ako. I tried setting the ball to myself. Ilang beses kong hinagis pataas ang bola pabalik sa akin. Paulit-ulit kong ginawa yon bago nagbago ng routine.
I tried to pass the ball to myself. Ilang beses ko ring ginawa yon bago ko ginawa ang alternate na setting at passing.
Nang natapos ay nagsisimula na akong pagpawisan kaya mas lalo akong napangiti. This part excites me the most. Yung tipong lumalabas na ang pawis ko kaya mas nagiging ganado pa ako sa ginagawa ko.
Umayos ako ng tayo at humarap sa pader. Ito ang pinaka likod ng pavilion at dito ako mas nag eenjoy kapag nag papractice. Working against the wall is enjoyable even when I’m playing alone!
I started serving the ball against the wall. Nang bumalik sa akin ang bola ay napangiti ako nang makuha ko agad. Inulit ulit ko ang pag-serve hanggang sa natapos ang isang set.
Nang ihagis ko ulit ang bola ay masyadong napalakas ang pagpalo ko kaya lumagpas sa pader at napunta ang bola sa bubong ng pavilion!
“Oh, crap!” Mariing bulalas ko nang hindi na bumalik ang bola sa akin at mukhang na-stuck na sa bubong!
Halos mapapadyak ako sa inis habang nakatingala sa itaas kahit na sa sobrang taas ng bubong ng pavilion ay hindi ko natatanaw ang bola mula dito!
Napasimangot ako. Kung kailan naman ganadong ganado na ako sa paglalaro ay saka pa napunta ang bola sa bubong!
Inis na naglakad ako pabalik sa bahay para pumunta sa storage at maghanap ng hagdan! Nakakita agad ako ng extension ladder at hindi na ako nag abalang maghanap pa ng ibang available na hagdan. Sayang ang momentum kung mag aaksaya ako ng maraming oras sa pagkuha ng bola sa bubong!
Medyo may kabigatan pa itong hagdan kaya nahirapan pa akong buhatin pabalik sa pavilion! Nang nakarating doon ay inis na napapahid ako ng pawis sa noo. Ayaw na ayaw kong napapawisan kung hindi rin lang dahil sa paglalaro ko ng volleyball!
Mabilis ang ginawa kong pagkilos para ipatong ang hagdan. Medyo may kataasan din itong pavilion kaya medyo nag alangan pa akong umakyat noong una.
But for the sake of getting the ball back, I ignore my fear of heights!
Nagsimula akong umakyat sa hagdan. Hindi ako tumingin sa ibaba dahil baka biglang magbago ang isip ko kapag nakita kung gaano kataas ang kailangan kong akyatin.
“Way to go, Orla. Konti pa. Kaya mo yan…” I was busy cheering for myself when the ladder started to shake!
“Holy shìt! What’s happening?” Mariing bulalas ko bago humigpit ang kapit sa hagdan at saka yumuko para silipin kung bakit umuuga ang hagdan na tinatapakan ko.
Agad na namilog ang mga mata ko nang makita ang isang mataba at itim na aso!
“What the f**k are you doing there, Shadow?!” Gigil at iritadong sigaw ko nang makilala ang aso ni Levin! His black and white Staffordshire Bull Terrier is my Dad’s gift to him! Pareho silang mahilig ni Daddy sa mga aso kaya niregaluhan niya si Levin! Hindi ko nga lang alam kung paanong nakawala ang aso niya samantalang wala naman siya ngayon dito!
“Holy shìt! Get the hell out of here, Shadow!” Malakas na saway ko pero saglit lang siyang tumigil sa pagkagat sa paa ng hagdan bago tumahol nang tumahol at sinimulan na namang kagatin ang paa ng hagdan!
Napasinghap na ako nang umuga ng todo ang hagdan dahil sa patuloy na paglalaro niya! Masyado pa naman siyang mataba kaya siguradong kayang-kaya niyang itulak itong hagdan!
Nagmadali ako sa pagbaba pero mauga talaga kaya natatagalan ako at nanginginig ang mga tuhod sa takot!
“Shadow!”
Isang malakas na boses ng lalaki ang tumawag sa aso ni Levin kaya tumigil siya sa pagkagat sa hagdan. Gumalaw galaw ang buntot niya at tumahol kaya pilit na sumilip ako para tingnan kung sino ang paparating! Handa na sana akong murahin si Levin pero hindi siya ang nakita kong dumating at lumapit kay Shadow kundi ang trabahador na nagpintura sa pavilion!
Kakakita ko lang sa kanya sa school kahapon! Sa Caphe Cup din! At ngayon ay nandito na naman siya sa bahay namin!
So, siya ang nagpakawala kay Shadow kaya napunta dito at inistorbo ako?!
“Are you out of your damn mind?!” Malakas na sita ko sa kanya at sa inis ko ay bumilis ang ginawa kong pagbaba sa hagdan. Hindi ko na napansin na masyado pang mataas ang kailangan kong babain kaya agad na umuga ang hagdan at natumba!
Napamura ako sa takot lalo na nang napasama ako sa pagbagsak ng hagdan! Kung hindi dahil sa matigas na mga bisig ng trabahador ay bumagsak na ang likod ko sa bermuda grass!
“Shìt…” Mariing mura ko nang nasalubong ang mga mata niya.
“Ayos ka lang ba?” Kunot noong tanong niya habang nakatingin sa akin. Agad na nag init ang ulo ko.
Sisigawan ko na sana siya pero bigla akong napapikit dahil sa biglaang pagsampa ni Shadow sa akin at agad na dinilaan ang mukha ko!
Oh, my God!
Narinig kong tumawa siya at saka sinaway si Shadow sa ginagawang pagdila sa mukha ko!
Muntik pa akong mapasinghap nang makitang sobrang lapit ng mukha niya sa akin!
Bigla tuloy akong hindi makahinga ng maayos. I was fūcking afraid to move even a little! Baka kapag gumalaw pa ako ay magdikit ang mga mukha namin!
“Shadow, tama na. Hindi siya nakikipaglaro sayo.” Narinig ko pang sambit niya bago inilayo ako kay Shadow at saka dahan-dahang binaba!
“Okay ka lang–”
“Mukha ba akong okay?!” Agad na pagtataray ko at saka inis na tinulak ang dibdib niya at tumakbo pabalik sa loob ng bahay! Napahawak ako sa dibdib ko na malakas na malakas ang tìbok ng puso!
Shìt! Kabang-kaba ako sa muntik ng pagkahulog!