Two: Bitches Are Everywhere

2566 Words
Chapter 2: Bitches Are Everywhere "WAKE UP SLEEPY HEAD. We're here," nakangiting anunsyo ni Iñigo na nagpagising kay Nica sa pagkakahimbing. Napagod yata siya ng sobra sa pagwawala kaya namigat ang talukap ng mga mata niya. Hindi niya napansing hinila na pala siya ng antok. Bumusina lamang ito at bumukas na ang higanteng tarangkahan. Hindi lamang basta mansion ang bumungad sa kanya. Pakiwari niya ay nasa kwento siya ng isang fairytale dahil tila kastilyo ang bahay nito. Naengganyo siyang bumaba ng sasakyan at lakbayin ang golden bricks ng gateway. May malawak na hardin doon kung saan ang engrandeng fountain ang pinakasentro. "Welcome home!" salubong sa kanila ng mga tao. Alam marahil ng mga itong darating sila roon. Isang matandang babae ang agad na lumapit sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. "What a beautiful girl. You are Veronica, right? You have such a beautiful name, too," puri nitong nagsigalawan ang mga laugh line sa pisngi. Hindi siya nagsalita upang tugunin man lang ng pasasalamat ang papuri nito. Sa halip ay pinakatitigan lamang niya ang matanda. "Another bastard of the family. What a very special gift you've brought us today, Iñigo. At least, we don't have to pay slaves to clean dead rats in the sewers when they grow up." Nabaling ang pansin niya sa nagsalita. Isang babaeng sopistikada. Mapang-uyam ang tinging ipinupukol nito sa kanya. "I don't want to argue with you anymore, Natalia. I'm tired of bickering. Would you just please give me a peace of mind for a while," iritadong tugon ni Iñigo sa babae na inignora lamang ng huli at walang pasabing tumalikod. "Don't mind her sweetie. Your Tita Natalia is having her bad hair day this morning. No worries 'bout her, she's fond when you give her diamonds. Come inside and I will introduce you to your sisters and brother," magiliw na pahayag ng matanda. Napakaganda ng bukas ng mukha nito. Pati mga mata nito ay ngumingiti. Iginiya siya nito papasok sa loob ng kabahayan samantalang minanduhan naman ni Iñigo ang mga katulong na ibaba ang mga gamit nila na hindi niya alam na dala-dala pala nila sa pagpunta sa bahay ng mga ito. Pagpasok nila sa sa salas ay naroon ang tatlong bata, dalawang babae na sa palagay niya ay kaedaran lamang niya at isang lalaki na mukhang mas matanda sa kanila ng ilang mga taon. Binatilyo na ito marahil sapagkat matangkad ito. May kakaibang taglay na ngiti ang mga labi nito na ikinainis agad niya. Samantalang ang dalawang babae ay tahimik lamang na nakaupo sa couch. "Children, dear. This is your sister Veronica and she will live here with us from now on. I want you to be friends with her. And Veronica these are your sisters Selene and Agatha, and your brother Anton. Say 'hi' to them, sweetie," pakilala nito sa kanila sa isa't-isa. Napilitan siyang mag-'hi' sa mga ito at kumaway. Tanging ang tinukoy lamang ng matanda na Selene ang gumanti ng bati sa kanya. "And by the way, I'm your Lola Miranda but I don't want to be called lola because that sounds too old. Just call me Mama." Mukhang hindi yata marunong mangalay ang matanda dahil hanggang ngayon ay nakangiti pa rin ito. Tumango na lamang siya dahil hindi niya magawang kontrahin ang likas na karinyong taglay nito. Nang sumulyap siya kay Iñigo ay nakangiti rin ito. Mukhang masayang-masaya na ito ngayon na para bang hindi ito umiyak kanina. Nilapitan siya nito at niyakap. "And I'll be glad if you call me Daddy, Veronica. Is that okay with you?" "Of course, she would Iñigo. Right, sweetie?" agaw ng matanda sa sana ay pagsagot niya ng pabalang sa anak nito. Tumango na lamang siyang muli dahil nakakakonsensya yatang ma-upset ang matandang babae. Mas malapad ang ngiting muli siyang niyakap ng lalaki. "Let's leave them for a while, son so they could play and have some sibling bonding. I absolutely believe that they will be good friends. They are in the same age bracket of ten. Right?" yakag at tanong ng matanda sa anak nito na agad namang sumunod at tumango. Umakyat ang mga ito sa grand staircase. "Hey, you b***h!" tawag sa kanya ng binatilyo nang tuluyang mawala sa kanilang paningin ang dalawa. Kahawig ito ng babaeng sopistikada kanina. Probably, he was her son. "I'm not a b***h. Your Mom looks like a b***h!" "You're too brave, huh. Let us see how long you would take." Nakakalokong ngumisi ito. Lalapitan sana siya nito ng unahan ito ni Selene. Tiningnan ito ng masama ng batang babae saka bumaling sa kanya. "Huwag mo siyang pansinin, bad boy talaga 'yan. Ako ang bahala sa 'yo. Tara laro tayo. Hindi kasi marunong makipaglaro si Agatha, e." "What are we going to play?" "'Iyang barbie mo. Pahawak nga ako." "Handle her with care." Kinuha nito si Charlotte sa pagkakayap niya. Mukhang nagulat ito nang makita ang mukha ng manyika niya dahil nabitiwan nito iyon. "Bakit ang pangit ng barbie mo? Ang pangit-pangit naman niya." "She's not ugly. Charl is the most beautiful doll I've ever had. My Mom burned her but she's still beautiful for me and I love her." "You love this doll, b***h? Would you still love this if I put it into pieces?" ani Anton na inunahan siyang damputin si Charlotte. "Ibalik mo sa kanya 'yan, Anton. Isusumbong ka namin kay daddy," babala ni Selene ngunit hindi ito natakot man lang. "Go and tell your daddy, bitches!" bulyaw nito saka pinugutan ng ulo ang manyika niya at itapon ang piraso niyon. Nanlisik siya sa galit. Dinampot niya ang vase na nakapatong sa mesa at inihagis iyon sa mukha ni Anton. Tinamaan ang binatilyo sa ulo at sumadlak ito sa tiles na sahig. Napasigaw si Agatha na malapit sa pinagbagsakan nito. Naagaw ang atensyon ng mga katulong na agad na nagsilapitan sa kanila. Pumanaog din sina Miranda at Iñigo ganoon din si Natalia. "What happened?" bulalas ni Natalia na agad na dinaluhan ang anak nito. Punong-puno ng dugo ang ulo ni Anton. Sindak na sindak ang babae sa nangyayari sa anak nito. "Veronica hit me with the vase!" pumapalahaw sa sakit na sumbong naman ni Anton. Maliksing nilapitan siya ng babae at ubod ng lakas na sinampal sa pisngi. Siya naman ang napasadsad sa sahig at tumama ang ulo niya sa stool ng lamesang bakal na nasa likod niya. Hindi na niya alam ang sunod na nangyari sapagkat agad siyang nawalan ng malay.   HATINGGABI. Naalimpungatan na naman si Nica na naglalawa sa sariling ihi. Nanibago siya sa kanyang paligid nang bumangon siya sa higaan. Hindi pamilyar sa kanya ang lahat ng nakikita niya maliban lamang kay Charlotte na nakahiga sa kanyang tabi. Maayos nang nakakabit ang ulo nito. Kahit ang kanyang damit ay bago sa kanya. Hindi siya nagsusuot ng pajamas sa pagtulog. She preferred sleeping with a dress. Nakapa niya ang bandage sa ulo niya. Bahagya pang nanakit iyon pero kaya na niyang tiisin ang kirot. Bumaba siya ng higaan kasama ang manyika. Lumabas siya ng kanyang silid at walang takot na tinahak ang mahaba at madilim na pasilyo ng kabahayan kahit hindi siya pamilyar sa pasikot-sikot sa mansion ng mga Feron. Patalon-talon pa siyang pumanaog sa bawat baitang ng hagdan nang marating niya ang grand staircase. Aliw na aliw siya sa malambot na pulang carpet na kumikiliti sa kanyang talampakan. Wala siyang pakialam kahit na mapatakan iyon ng basang pajamas niya. Nagpaikot-ikot siya sa bawat sulok ng mansion hanggang sa mapasok niya ang kusina. Maliwanag sa bahaging iyon ng kabahayan dahil bukas ang fluorescent bulb doon. Inilapag niya si Charlotte sa cooking table at sumampa siya sa bangko. Nang makita niya ang mga kutsilyong nakasalansan sa isang rack ay pinaglaruan niya ang mga iyon. Inayos niya ang kanyang manyika sa pwestong paupo at isiniksik sa kili-kili nito ang isang maliit na kutsilyo. Kumuha rin siya ng kawangis na sukat at pinag-espadahan ang mga ito. Giliw na giliw siya sa ginagawa lalo pa nang bumagsak si Charlotte at tumalsik ang kutsilyo sa sahig. "You lost, Charl," humahagikgik na turan niya. Muli niyang iniupo ito. Naghanap naman siya ng iba pang mapaglalaruan doon. Isang maliit na kahon ang nakakuha ng atensyon niya. Nang buksan niya iyon ay may maliliit na stick iyon sa loob na may mga kulay pulang ulo. Nagtataka siya sa kung anong bagay iyon. Kumuha siya ng isang stick at sinuri. "Do you know what is this, Charl?" Ilang beses pa niya iyong pinakatitigan hanggang sa maisipan niyang ibuhos lahat ng laman ng kahon. Nang makapa niya ang magaspang na bahagi sa gilid niyon ay naisipan niyang ikiskis doon ang pulang ulo ng stick. Bahagya pa siyang nagulat ng lumiyab at mag-apoy iyon. "Wow! This is such a wonderful thing, Charl!" bulalas niya at sunod-sunod na pinagsisindihan ang iba pang mga stick. "Why the hell they're keeping such an amazing toy like this in the kitchen? Idiot adults!" Kumanta pa siya ng happy birthday sa paghihintay na maupos ang bawat hawak niyang stick. "Hey, sweetie! What are you doing?" Nagulat siya nang may magsalita mula sa kanyang likuran. Napabaling siya sa b****a ng kusina. It was Iñigo. Kararating pa lamang siguro nito dahil naka-office attire pa ito. "None of your business!" pabalagbag na sagot niya. Nilapitan siya nito at tiningnan ang pinagkakaabalahan niya. "Those are matches, Nica." Inagaw nito ang mga pinaglalaruan niyang sticks at muling isinilid iyon sa kahon. "These are not for kids. It may burn you or things around you. Do not play with these again, it's dangerous." Itinaas nito iyon sa cabinet na hindi na niya kayang abutin pa. "By the way, I'm really sorry for what your Tita Natalia did. Selene explained what happened. But Nica, it's not good to hurt someone. Your Tita had been reprimanded by Mama. And Anton is alright now. Thank God he's not savagely injured in the head. He will be perfectly fine, soon." Lumuhod ito sa harap niya at hinawakan siya sa magkabilang balikat. "How about you? Do you already feel better? It is late night. You need to take a rest now. It is what the doctor recommended for you to heal quickly. It's just a small wound, though so there's nothing to worry. Okay?" "I never feel better since you and Mommy hurt my Daddy. And I will never be okay anymore." Bumaba siya ng upuan at tinalikuran ito. "No, Nica. You don't understand. Your Daddy Vergil killed himself." "It's because of you and Mommy!" bulyaw niya, sumisikdo ang galit sa dibdib. Kasabay niyon ang pagbalong ng kanyang mga luha. "I'm sorry, I'm sorry! Please don't cry. I shouldn’t have said that." Pinahid nito ang mga luha niya at niyakap siya nito. Nagpumiglas naman siya sa ginawa nito. Pinabayaan na lamang siya nito at tumawag ng kawaski. "Linda, pakibihisan na lang si Nica at pakipalitan ang bed sheet at foam sa kwarto niya," habilin nito sa matabang babae na agad namang tumalima at iginiya siya palabas ng kusina. "Ang panghi mong bata ka. Umihi ka siguro sa higaan mo, ano? Naku, naistorbo mo na nga ang pagtulog ko pahihirapan mo pa akong maglaba, e kabago-bago lang ng mga iyon. Bagong salta ka lang dito gaganyan-ganyan ka na. Sa susunod hindi na pwede ang ganyan dahil malilintikan ka kay Señora Natalia," inis na wika nito. Matalim na sinulyapan niya lamang ang katulong at tumakbo na sa kanyang silid. Ikinandado niya ang seradura niyon. Mukhang hindi naman siya sinundan nito kaya nilinis na lamang niya ang sarili at naghalungkat ng maisusuot sa dambuhalang wardrobe. Nang makapagdamit siya ay sa kabilang panig ng kama na hindi nabasa ng ihi niya siya nahiga. Hindi pa rin niya nakalimutang mag-pray kay God na sana ay mabuhay ang Daddy Vergil niya. Niyakap niya si Charlotte at muling nagpahatak sa antok.   NAGLALARO sa swing sa may bakuran si Nica kasama si Charlotte ng umagang iyon. Magaling na rin naman ang bukol niya sa ulo sa katunayan ay tinanggal na ang benda roon. Kaya kahit papaano ay hindi na siya naaasiwa. Ika-isang linggo niya sa poder ng mga Feron at wala siyang ibang ginawa kundi ang tumunganga sa magdamag. Minsan naman ay kinakausap niya ang manyika niya o minsan din kapag nababagot siya ay pinauunlakan niya ang pagyaya ni Selene na makipaglaro ng bahay-bahayan at lutu-lutuan. Naaasar lamang siya rito sapagkat ayaw nitong isali si Charlotte kapag naglalaro sila dahil natatakot daw ito sa manyika niya. Hindi naman niya muling nakita pa si Anton. Marahil ay nagpapagaling pa rin ito ng sugat nito sa ulo kaya hindi naglalalabas ng silid. Samantalang si Agatha ay hindi niya napapansin dahil tila hindi ito nag-e-exist sa sobrang pagkamahiyain. Sinubukan niya din naman itong kausapin minsan subalit naubos lamang ang pasensya niya sapagkat wala man lang lumabas sa bibig nito kahit isang salita. Ang sarap nitong saktan sa totoo lang kung hindi lamang ay wala rin siya sa mood. Sa bawat araw ay mas gusto niyang si Charlotte ang madalas kasama at magkulong na lang sa kuwarto niya. Pero kapag pinapatawag siya ni Miranda ay hindi rin siya nakakatanggi. Ito yata ang pinagmanahan ni Selene. Sobrang naiinis siya pero wala siyang magawa. Kapag nag-uusap sila ng matanda ay madalas ito lamang ang nagkukuwento ng kung ano-ano. Hindi na lamang siya kumikibo at mukhang ayos lang naman dito iyon. Nabanggit din nito sa kanya na doon na nga siya titira at hindi na babalik sa bahay nila ng Daddy Vergil niya. Lilipat na rin daw siya ng school na isang bagay na nagustuhan niya. Ayaw niya sa school niya ngayon dahil ang papangit ng ugali ng mga kaklase niya pati na rin mga teacher niya. Wala siyang kasundo sa mga ito. Wala siyang kaibigan. Mean at bad raw siya sabi ng mga ito sa kanya. Nang isumbong niya iyon sa Daddy Vergil niya ay tinawanan lamang nito ang mga kaklase niya. Ganoon daw talaga ang mga batang kaedaran niya sa ibang bata na hindi nito maka-vibes. Kakaiba raw kasi siya sa mga iyon dahil mabilis daw mag-mature ang isip niya. Dalaga na raw siya minsan kung umakto kahit sampung taong gulang pa lamang siya. Kahit daw ang pagsasalita niya minsan ay pang-matanda na. Iyon daw ang reason kaya binilhan siya ng regalong manyika noong birthday niya para maalala niyang bata siya at dapat pang mag-laro. Nagambala ang pananahimik niya at pagbabalik-tanaw nang mapansin ang tila komusyon sa salas. Lumapit siya sa mga taong nagkukumpulan doon na pawang mga maid ng mansion. Naki-usosyo siya sa pagitan ng mga katulong at nakita niyang umiiyak si Miranda. Nasa tabi nito si Selene at Agatha na kapwa umiiyak din. Nakatayo naman sa gilid ng mga ito si Natalia na blangko ang ekspresyon sa mukha. "Tell me this isn't true. Tell me, Natalia," tumatangis na anas ng matandang babae. "You've heard the news, Mama. The building was totally burned and no one escaped from the fire accident. Let us just hope that at least we could get his cadaver if there's still any remains to retrieve," kalmadong sagot ng babae. "No! No! No!" Lalo namang nag-hysteria si Miranda. Inawat naman ito ng mga katulong na nagsipagluha na rin sa narinig. "This couldn't be true! My son is still alive! The curse is not real!" nagsisigaw ito na tila mababaliw na sa pakiwari niya. Hindi niya maiwasang makaramdam ng saya at tuwa. Iniwan niya ang mga tao sa salas at lumabas. A grinning smile brandish on her lips. Revenge, at last!  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD