Chapter 3: That Girl
PABAGSAK na isinara ni Veronica ang pinto ng van na naghatid sa kanila sa school nila Selene at Agatha. Unang araw nila sa Pilipinas matapos ang mahigit apat na taon na paninirahan sa states simula ng mamatay si Iñigo. Kahapon lamang sila nakarating at kahapon pa siya nanggagalaiti sa inis.
Ang totoo niyan ay ayaw niyang umuwi pabalik ng Pilipinas sa kadahilanang ayaw niyang mag-aral sa local school. Gate pa lang ng high school na papasukan nila ay napakaluma na, paano pa kaya ang mga facilities? Hindi niya malaman sa lola niya kung bakit hindi na lang sila pinagtapos ng high school sa states gayong mas mataas ang quality at standard ng mga paaralan doon. Hindi naman nagpaliwanag ang lola niya sa kanila kaya clueless siya.
Pangalawa sa mga dahilan niya ay nagpaiwan ang Mama Miranda niya sa ibang bansa at iniwan sila sa pangangalaga ng kanyang madrasta. Isa pa iyon sa ipinagtataka niya.
Napabaling siya sa katulong nila nang bulyawan siya nito. “Napakamaldita mo talagang bata ka! Isusumbong kita kay Señora Natalia nang mapagalitan ka niya!” galit na galit sa kanya si Adora, ang dakilang mayordoma sa kanilang mansion.
Hindi naman nito kailangang sumabay sa kanila. Nagpumilit lamang ito na makisakay dahil mamimili daw ito ng mga stock para sa bahay. Isang bagay iyon na alam niyang kabulaanan. Halata namang si Rodolfo ang habol nito sa pagsabay sa kanila dahil kanina pa nito nilalandi ang driver nila.
“f**k you, slave! Sana masagasaan kayo!” asik niya sa mga ito sabay takbo sa school gate.
“Humanda ka sa akin pag-uwi mong bata ka!” nanggigigil na pahabol nito. She only replied with a dirty finger then entered the campus.
Bahagya siyang nakaramdam ng kasiyahan at kaginhawaan sa kaalamang naasar niya ang katulong nilang si Adora. Agad namang napalis iyon nang makita niya si Anton. Pangatlong dahilan pa pala ang half-brother niyang ito. Hindi lamang nila ito kasabay sa sasakyan dahil may sarili itong service. Nasa fourth-year high school na ito samantalang silang tatlo ay nasa third-year high school pa lamang.
Hindi na niya matanaw pa ang mga half-sisters niya, marahil ay nakapasok na ang mga ito sa mga sari-sariling classroom. Iignorahin sana niya si Anton kaso ay nilapitan siya nito. Brusko ang katawan nito kahit wala naman itong ginagawa sa mansion kundi ang kumain at matulog. Napakatangkad din nito. Katunayan ay ito ang pinakamatangkad sa lahat ng mga kabarkada nito. At napakaangas ng mukha nito na may ngiting taglay na laging nagyayabang. Naroroon pa rin ang pilat sa noo nito na dulot nang pagbato niya ng vase noong mga bata pa sila. Mas lalo lamang iyong nagdagdag ng character sa matured looks nito.
“Hey, bastard! Where are you going? Trying to escape from me again, scared little p***y-cat?” tatawa-tawang saad nito. Nagsitawanan din ang mga kasamahan nito.
“Leave me alone, asshole. I don’t want you to ruin my day,” matapang na turan niya. Hindi siya kailanman natakot dito. Being coward isn’t in her vocabulary.
“I’m starting to like you, b***h. Your tough and I love that. But don’t play hard with me, you may end up crying under Mama’s skirt,” muli ay nagtawanan ang mga ito. Nag-uumpisa na siyang mapikon dahil kanina pa man din mainit ang ulo niya.
“No, Anton maybe you were the one who will end up crying inside Tita Natalia’s bikini,” nakangising pahayag niya. Nagalak siya nang magsitawanan din ang mga kaibigan nito.
Pinagalitan nito ang mga kabarkada nito at hinawakan ang braso niya. “Give me your money, Veronica or else I will crack your bone.”
“Why will I do that? I’m not your mommy, jerk!” Akmang sasampalin sana siya nito nang biglang mag-ring ang bell ng school.
“You are lucky, b***h. Thank the bell for saving you but next time I’ll assure you, you will end up crying like a baby for messing with me,” he warned. Binitiwan siya nito at umalis na kasama ang mga barkada. Inayos niya ang sarili at hinayon nang tingin ang papalayong bulto ng mga ito.
Hahanapin na sana niya ang kanyang room nang matanawang bigla na lamang nadulas ang mga ito at pagtawanan ng lahat ng mga nakakita. Ang bilis nga naman ng karma. Natatawa sa isip na umakyat siya sa ikalawang palapag ng gusali kung nasaan ang room ng mga third-year high school. Mula sa baba ng building ay nagtaka siya nang may mag-thumbs up sa kanyang isang dalagita. Umalis din naman ito agad. Hindi na lamang niya ito pinansin pa at nagpatuloy na sa paghahanap sa kanyang classroom.
Nahirapan siya sa paghahanap ng kanyang pangalan dahil hindi niya naalalang Feron na nga pala ang gamit niyang apelyido at hindi na Ramirez. Kapapaayos lamang iyon ng lola nila bago sila umuwi ng Pilipinas at mag-enroll sa school. Nagpatuloy parin siya sa paghahanap sa mga listahan ng mga estudyante sa bawat silid hanggang sa matagpuan niya ang kanyang pangalan.
Pagpasok niya ay nagkaklase na ang guro, nagpapaliwanag tungkol sa rules and regulations ng paaralan at kung anu-ano pa. Dumiretso na siya ng walang paalam sa loob at naupo sa pinakalikod na row. Isang bababe na mukhang Indian ang lumapit sa kanya, ang dalagitang kaninang nag-thumbs up sa kanya. May hawak-hawak itong isang garapon na mga marbles.
“Hi!” bati nito. Simpleng ngiti lamang ang iginanti niya. “Ako nga pala si Rebecca. Ikaw, anong pangalan mo? Transferee ka rito, ano?” Hindi niya ito dapat papansinin. Snob at aloof siya sa mga kaklase niya kahit noong nasa US pa siya nag-aaral at wala siyang pinansin sa mga ito kahit isa. Kaso ay na-curious siya kung ito ba ang gumawa ng dahilan kung bakit nadulas si Anton at mga kaibigan nito.
“Yes, I’m new here. My name’s Veronica.” Inabot nito ang palad niya kahit hindi niya inilahad iyon. Nakipag-shake hands ito at binitiwan din siya.
“Okay ka lang ba? Notorious talaga ang grupo ng Anton na iyon. Kilalang mga bully dito sa school pero hindi mapatalsik kasi isa sa mga anak ng mismong may-ari ng school ay miyembro ng gang nila.”
“I’m all right. You don’t have to be bothered. Anton’s my half-brother.”
“Ows talaga? Wala talagang patawad ang mga iyon. Akalain mo na pati ikaw na kadugo ay binubully nila.”
“It’s because they were born assholes.”
“Ang taray mo, infairnes. Ilang taon ka na ba?”
“Fourteen. You?”
“Same age, LOL! Ang bongga mo! Inglesera ka, pwede bang magtagalog ka nalang kanina pa ako na no-nose bleed sa ‘yo.” Amusement dragged on her face then suddenly she’s laughing silently.
“Oh, anong nangyari sa ‘yo? May sayad ka ba?”
“No, hindi ako nababaliw. Natatawa lang ako sa ‘yo.”
“Sa akin? Bakit clown ba ako sa paningin mo?”
“Of course not. Oo nga pala, ikaw ba ang dahilan kung bakit nadulas sila Anton?”
“Huwag kang maingay pero ako nga ang gumawa n’on. Naaasar din kasi ako sa kanila. Gusto ko ako ang number one bully dito. Bully ng mga bully.”
“Nice dream,” she commented.
Nagkakwentuhan pa sila nito at nagkatawanan hanggang sa matapos ang klase. Ni hindi na nila masyadong napakinggan ang lectures ng mga teacher nila.
MABIGAT na ibinagsak ni Veronica ang katawan sa malambot na kama. Wala pa ring pagbabago ang silid niya simula nang umalis sila papuntang states. Kinuha niya si Charlotte mula sa kanyang tabi at ipinatong sa kanyang dibdib.
“How was your day, Charl? Me? It’s great! I had a nice day. I got Anton pissed-off and there’s this girl Rebecca who made me laugh all day,” kuwento niya sa manyika.
“Oh, don’t worry, Charl you are still my best friend. Just you and me forever, I promised that to you, right?” Hinalikan niya ito sa pisngi sa parteng hindi sunog.
Bumangon siya sa higaan nang makarinig ng pagkatok sa pinto. “Who’s that?”
“Si Delia po. Kakain na daw po, Señorita Veronica,” anang katulong sa mansion mula sa labas ng pinto sapagkat hindi niya man lang ito pinagbuksan.
“I’ll go down later!” Muli niyang inihiga ang katawan sa kama upang muli ring bumangon nang mapansin niya ang isang bulto na tinatabingan ng puting tela sa isang gilid ng kanyang silid. Ngayon lamang niya napansin iyon.
“Delia may gumalaw ba sa mga gamit ko dito sa kwarto?” tanong niya sa katulong ngunit hindi ito sumagot. “Delia! Delia!” tawag pa niya rito ngunit mukhang nakababa na ito.
Napilitan tuloy siyang tumayo upang alamin kung ano ang bagay na iyon na tinatakpan ng kumot. Napakalaki ng bagay na iyon at napakataas. Marahan niyang hinatak ang tela pababa at muntik na siyang mapasigaw nang bumuluga sa kanya ang isang manyika na nasa loob ng transparent na kahon.
Isang vintage doll iyon na may itim na buhok na naka-braid at may itim na mga matang kasing kulay ng balahibo ng uwak. Itim din ang suot nitong gown na grandiyoso ang pagkakatahi at pagkakahabi ng disenyo. Turtle neck iyon na balloon gown, humahakab ang damit sa magandang katawan ng manyika. Mukha ring babasagin ang manyika, porselana ang malasutla nitong kutis.
May maliit na note na nakaipit doon na may nakasulat na “Welcome back.” Marami pang kahon ang naroroon na isa-isa niyang pinagbubuksan. Pawang mga vintage dolls ang laman niyon. Iba’t-iba ang kulay ng buhok, iba’t-iba ang klase ng make-up pati ang style ng gown ay iba-iba rin. Napakaririkit ng mga iyon at wala siyang mapagsidlan ng tuwa dahil para sa kanya ang lahat ng iyon. Lahat din ng mga iyon ay may maliliit na note: “Happy Valentines”, “Merry Christmas and Happy New Year”, “Hapy Birthday” at kung anu-ano pang okasyon na dumaan sa buong apat na taon simula pa noong manirahan sila sa states. At naipon na ang lahat ng iyon sa kwarto niya. Mahigit apatnapu yata iyon.
Subalit sino ang nagpadala ng mga iyon sa kanya?
Wala siyang ibang maisip na magpapadala niyon kundi si Santa Claus lamang ngunit pang-pasko lamang naman si Santa. Naguguluminahan siya sa bagay na iyon hanggang sa hayaan na lamang kung sino mang poncio pilato ang nagbigay niyon sa kanya. Ang mahalaga para sa kanya ngayon ay mabuksan ang lahat ng mga iyon. Galak na galak at sabik na sabik na pinagbabalatan nga niya ang iba pang saradong kahon.
Nakalimutan na niyang maghapunan at kinatulugan na rin ang pakikipaglaro sa mga manyika.
BUSY si Veronica sa pag-iisp ng mga pangalan na ibibigay para sa kanyang mga bagong manyika nang gulatin siya ni Rebecca.
“Hoy, anong sinusulat mo diyan? Love letter?” Inagaw nito mula sa kanya ang notebook na pinagsusulatan niya at binasa iyon ng malakas.
“It’s not important. Binibigyan ko lang ng bagong pangalan ang mga bago kong manyika.” Sukat na lamang ay bigla siya nitong pagtawanan sa gitna ng klase.
“Ang laki-laki mo na naglalaro ka pa ng mga manyika? Hay naku, itigil mo na yan at sumama ka sa akin. Bilisan mo at may gagawin tayong kababalaghan ngayon. Isang bonggang-bonggang misyon.” Hinatak na siya nito agad hindi pa man siya nakasasang-ayon. Excited na excited yata ito sa kung ano mang gagawin nila. Hindi na sila nagpaalam sa geometry teacher nila at basta na lamang silang lumabas.
“Saan ba tayo pupunta?” nababagot na tanong niya rito, kanina pa siya nito karay-karay sa pag-iikot sa vicinity ng campus.
“Basta,” tanging tugon nito. Dinala siya nito sa garden ng paaralan.
“Huwag mong sabihing magtatanim tayo? I don’t have a green thumb, darling.”
“Ano ka ba? Huwag ka ngang OA. Dali, umakyat ka diyan sa puno ng Star Apple. Bilis.”
“Hindi ako marunong.”
“Isampa mo lang iyang mga paa mo tapos itutulak na lang kita pataas.” Ganoon nga ang ginawa nila at inabot sila roon ng siyam-siyam bago siya nakaapak sa unang sanga ng puno. “Umakyat ka pa sa isa pang sanga," sigaw pa nito bago umakyat din. Walang kahirap-hirap para ditong ginawa iyon.
“Sanay na sanay ka sigurong gawin ito.”
“Hindi naman masyado.” Binuksan nito ang bagpack nito at inilabas nito mula roon ang isang bamboo made na basket. Muntik na siyang malaglag sa pagkakakunyapit sa sanga ng puno sa labis na pagkasindak nang ilabas nito mula roon ang isang ahas. Buti na lamang at nahatak siya nito sa necktie bago siya tuluyang ma-out of balance.
“The hell you brought a snake here! Stay that away from me!” nahihintakutan niyang saad. Tumataas ang mga balahibo niya sa lahat ng parte ng katawan lalo pa nang ilabas ng ahas ang biyak nitong dila.
“Tumahimik ka nga. Huwag kang mag-alala hindi ka tutuklawin ni Danielle. Pet namin ito sa bahay. Iyong lolo ko dating snake charmer iyon bago natuklaw ng ahas na ikinamatay niya.”
“Are you dead serious? Akala ko ba snake charmer ang lolo mo tapos tinuklaw pa rin siya ng ahas?”
“E, kasi ulyanin na iyon si Lolo Manolo. Nakalimutan niyang pakainin iyong pet niyang si Valentina kaya iyon, siya ang ginawang merienda.”
“This is insane! Tulungan mo na lang akong bumaba at babalik na ako sa classroom.”
“Huwag ka ngang killjoy! O, dali, hawakan mo siya. Mabait yan.” Iniumang nito sa kanya ang alaga nito. Nagtititili siya sa takot. Hindi niya hahawakan iyon kailanman kahit napakaganda ng scales niyon na nag-aagaw pula at kahel ang kulay.
“Oh, please!”
“Okay, fine. Tumahimik ka na diyan. Saglit lang naman ito at siguradong mag-eenjoy ka pa. Ay, hayan na pala sila.” Hinayon niya ng tingin ang itinuturo ni Rebecca. Isang grupo iyon ng mga babaeng senior students base na rin sa I.D. lace ng mga ito.
“What are we going to do?”
“Parang second revenge mo na rin ito sa half-brother mo kasi iyang si Stephanie e, nililigawan ni Anton. Isa pa, sadyang nakakaasar ang mga feeling pretty girl na iyan kaya dapat turuan ng leksyon.”
“Oh, I see. I felt excited.”
“Dapat lang. Umakyat pa tayo at baka mapansin nila tayo dito sa itaas. Dito sila sa ilalim ng punong ito madalas mag-tambay tuwing religion class nila. Cutting-classes ang mga ‘yan dahil nabobored sa madreng nagtuturo sa kanila.”
“I think you've been spying on them for centuries. You are very sure. So, what’s the plan?”
“Wala tayong plano. Si Danielle na ang bahala sa lahat.” Ngumisi ito ng pilya at hinimas-himas ang alaga nitong ahas. Hinalikan pa nito iyon sa mga labi. “Subukan mo rin siyang i-touch para masanay na rin siya sa ‘yo.”
“Thanks, but no thanks.”
“Bahala ka nga,” turan nito at hindi na ipinilit pa sa kanya ang gusto nito. Hinintay na lamang nilang makapwesto ang grupo nila Stephanie sa lilim ng puno.
Pinatagal na muna nila saglit ang mga ito roon bago basta na lamang inihigas ni Rebecca ang ahas sa ibaba. Nagsitilian at sigawan agad ang mga ito. Mabilis na nagsitakbuhan ang mga ito palayo. Halakhak naman sila ng halakhak na dalawa sa itaas ng puno. Talilis din silang umiskapo at bumaba ng puno. Ibinalik nito sa lalagyan ang ahas at madaling bumalik sila sa classroom. Nasalubong pa nila ang grupo ni Stephanie na may kasamang guwardya na pinagsumbungan marahil ng mga ito.
Pagkarating nila sa room nila ay chemistry class na nila at napagalitan sila ng teacher nila. Lihim lamang silang nagtatawa habang nagsasaway ito.
PAG-UWI nila ay naabutan niyang nagsesermon ang Tita Natalia nila. Naroroon lahat ng kasambahay sa mansion at pinagagalitan nito. Agad silang pinatawag nito hindi pa man sila nakapagpapalit ng damit. Sumunod naman sila nila Selene at Agatha. Mukhang mainit na mainit ang ulo nito. Pawisan ang buong mukha ng babae, tila hapis na hapis ito na hindi nagawang itago ng koloreteng inilagay nito. Nawala ang sopistikasyon nito ng mga sandaling iyon. She looked like a lioness that lost her meat for dinner. At mukhang anumang oras ay sasagpangin sila nito.
“Ikaw, Adora hindi mo ba napansin ang heirloom? Ikaw lang naman ang hinahayaan kong pumasok sa silid ko para maglinis doon. Disabled ang mga camera sa kwarto kaya siguradong may kasapakat sa security ang nakialam sa gamit ko. Bukas din ang vault ng wala man lang sira kaya siguradong magaling ang kumuha niyon.” Her teeth were chattering in wrath.
“Hindi po kaya pinasok tayo ng kawatan, Señora?”
“Estupida! Paano tayo papasukin ng tagalabas gayong napakahigpit ng seguridad sa loob ng mansion. Well, maliban na lang kung sadyang may nagpapasok sa kanya dito.” Mapanghinalang tiningnan silang tatlo ng kanilang madrasta.
Naagaw lamang muli ang pansin nito nang magsalita ang katulong. “Bakit naman po namin kukunin iyon, Señora, e alam naming may sumpa ang heirloom ng pamilya ninyo. Kahit gaano pa iyon kamahal, e hindi namin pagtatangkaang nakawin iyon dahil ayaw naming mahawaan ng sumpa.” Nagbulungan ang mga katulong sa sinabing iyon ng mayordoma na labis pa lalong ikinagalit ng babae.
Sinampal nito ang katulong ng ubod ng lakas. “Moron! Walang mga silbi. Kung anu-anong kabalbalan ang pinaniniwalaan ninyo. Palibhasa lumaki kayong mga dukha at mangmang.” Nagtatagis ang mga bagang nito. Mas lalong pinagpapawisan.
“Kayong mga bastarda may nakialam ba sa inyo sa mga gamit ko? Alam naman siguro ninyo ang tungkol sa heirloom at baka isa sa inyo ang kumuha niyon. Mga ambisyosa! Kahit kailan wala sa inyong magmamana niyon dahil mga hampas lupa kayo,” mapanuyang turan nito sa kanila. Nakatunghay itong tila nilalait ang buong pagkatao nila.
“You look so pathetic, Natalia. Don’t you see, your son Anton is the only one who’s not here and he is the only one that has full access in the vault inside your room. In short, your son stole the heirloom, b***h!” walang takot na sabat niya.
“Bastard!” nanlilisik sa galit na bulyaw nito.
“Dare to slap me and I will tell it to Mama Miranda,” babala niya rito ng akma siya nitong sasampalin din.
“Tama naman ang point nila, Tita Natalia. Hindi ka dapat mambintang agad dahil wala ka namang katibayan pa. Mas mabuting pa-imbestigahan na lang po ninyo ang bagay na ito para na rin sa kaligtasan nating lahat. Baka pinasok talaga tayo ng magnanakaw at pasalamat na lang tayong walang napahamak sa atin,” singit ni Selene sa pagsasagutan nilang dalawa ng babae.
“Anong karapatan ninyong pakialaman ang desisyon ko? Ang lalakas ng loob ninyo por que kinakampihan kayo ni mama. Oras lang na malaman ko kung sino talaga ang nagnakaw ng heirloom sa kwarto ay tiyak na makakatikim sa akin. Nagkakaintindihan ba tayo?” banta nito. Mga katulong lang ang siyang tanging tumugon dito. Umalis ito at pumanaog na sa silid nito.
“Bitch.” Pahabol na komento ni Selene bago umalis na rin sa sala. Umakyat na rin siya sa kanyang kwarto samantalang si Agatha ay hindi man lang tuminag doon. Napailing na lamang siya.