Four: The Guy In The Bar

3613 Words
Chapter 4: The Guy In The Bar  NAGREREVIEW para sa world history exam sa may cafeteria si Veronica nang lapitan siya ni Rebecca at yakagin patungong comfort room. “Anon na naman ang gagawin natin, Beki?” she asked using Rebecca’s nickname. “Sa banyo lang, napaparanoid ka ba?” anito at ini-lock ang pinto ng banyo nang makapasok sila sa loob. Pinasandal siya nito sa pinto at ganoon din ang ginawa nito. “May panyo ka bang dala? Naiwan ko kasi iyong sa akin, e.” “Wala, I left mine, too.” “Di bale na nga.” Nagtaka siya nang hubarin nito ang panty nito at tumuntong sa trash can at isabit iyon sa isang bagay na hindi niya mawari kung ano. “Hey, what was that for?” nagtatakang tanong niya. Kahit kailan ay amusing talaga si Beki. “Tinakpan ko lang iyong CCTV camera, masyado namang maliit kung medyas ang gagamitin ko. Kaya no choice.” Ipinaliwanag nito kung bakit may CCTV camera sa mga banyo. May nahuli raw ang faculty na gumagamit ng mga illegal drugs sa school at doon iyon dinadala sa banyo. To ensure and avoid it from happening again napagdesisyunan daw ng PTA na maglagay din ng CCTV sa mga banyo. “I smell something fishy, Beki. May binabalak ka na namang kapilyahan.” Inilabas nga nito ang isang stick ng sigarilyo sa bulsa nito. “Yosi lang, Nica. O, ayan hithit na.” Iniabot nito sa kanya ang sigarilyo na pinagdalawahang isip  niyang kunin. “Sige na, Nica. Sipsipin mo lang yang filter tapos ipasok mo sa baga mo iyong usok tapos ibuga mo rin,” susog nito. Napilitan siyang sundin ang gusto nito at tinikman nga ang sigarilyo. “Huwag lang bastang hithit-buga. Lunukin mo din.” Napaubo siya nang malunok ang usok. Tawa naman ng tawa si Beki sa kanya. “Okay lang yan, masasanay ka din. Go lang ng go!” Pakiramdam niya ay medyo narerelief ang stress niya sa paninigarilyo. Her veins were calming. Pero wala siyang balak kumain ng usok para lang magtanggal ng stress. Ipinasa na niya iyon kay Beki. Sunod-sunod namang hinithit nito iyon. Mukhang sarap na sarap ito at aliw na aliw sa pagtingin sa kanya. “Sama ka nga pala mamayang gabi sa akin. May pupuntahan tayong party. Dadaanan kita sa inyo mamaya.”  "Saan naman?" "Diyan lang sa tabi-tabi. Game ka ba?" "Fine. Hintayin mo na lang ako sa gate ng subdivision namin.  Huwag mo na akong puntahan sa bahay." "Sige. By ten o'clock. " Nagkasundo sila nito at naghiwalay na rin pagkatapos. Binilinan pa niya itong balikan ang panty sa banyo dahil nakaligtaan nito iyon doon.   "PINK TOP OR RED TOP?" Pasado alas-dyes na ng gabi ngunit hindi pa rin nakagagayak si Veronica. Tiningnan niya si Charlotte na nakahiga sa kama. Nakabusangot ang mukha nito. Naasar siyang bigla rito kaya tinabunan niya ito ng kumot. Sa huli, ang red top ang napili niyang isuot. Sinamahan niya iyon ng ruffled mini-skirt at pinarisan iyon ng black high-heeled stilettos bilang pampaa. Itinali lamang niya paitaas ang maalong buhok at nagpahid ng manipis na blush-on sa mukha at lip balm sa labi.  Pagbaba niya ay wala ng mga kawaski na nakakalat sa mansion. Tulog na marahil ang mga ito sapagkat tahimik na ang paligid at wala na siyang naririnig na tsismisan. Hindi na niya pinaandar ang ilaw kahit madilim, mabilis na lamang siyang tumakbo patungong pintuan at lumabas. Nang marating niya ang gate ay nakita niyang tulog na rin ang guwardiya roon. Dinampot na lamang niya ang susi sa mesa nito at binuksan ang pedestrian gate. Hindi naman ito nagambala ng ingay. Ibinalik niya rin ang mga susi at kumuha lamang ng isang duplicate para ma-i-lock ang gate sa paglabas. Naabutan niya si Rebecca na nakasandal sa isang Mazda pagkalabas niya ng tarangkahan. Naka-spaghetti strap ito na kulay black at squared-short na may katernong net stockings at black boots. "Ang tagal mo kasi kaya sinundo na kita," nayayamot na pahayag nito. "Pasensya naman. Hindi ako makapag-isip ng isusuot." "Sana naghubad ka na lang." "Loka!" "C'mon, hop inside my car!" maarteng saad nito. "Sigurado ka bang marunong kang mag-drive? At saan mo naman pala 'to nakuha?" "Of course, ako pa. This is my stepfather's car and I stole it pero 'wag kang mag-alala hindi niya malalaman dahil wala naman siya dito sa 'Pinas." Sumakay na silang pareho roon. Pinagrebolusyon nito ang sasakyan. Umiiyak ang gulong niyon sa kalaliman ng gabi sa sobrang bilis ng pagpapatakbo nito. Walang kagatol-gatol na nilagpasan lamang nito ang gate ng subdivision. Sa isip-isp niya ang astig ni Beki dahil marunong na itong mag-drive kahit fourteen pa lang sila. Makailang saglit pa ay high-way na ang binabagtas nila patungong Roxas Boulevard. Marami pa ring tao sa kalye kahit hatinggabi na. Ilang minuto pa ang nagdaan ay inihimpil nito ang sasakyan sa tapat ng isang nagliliwanag na gusali. Dalawang guwardiya ang nagbabantay sa saradong pinto niyon. "Are you sure they are going to let us in even if we are minors?" aniya habang bumababa ng sasakyan.  "Watch and learn." Inilabas nito ang isang tarheta sa pouch nito at nang ipakita nito iyon sa mga guards ay agad silang pinapasok ng walang tanong-tanong. May nag-aabang pa sa isang pintuan na malaking mama bago tuluyang makapasok sa pinakaloob ng gusali. Nakasuot iyon ng itim na leather sa buong katawan at may hawak na batuta habang nakaupo sa likod ng mesa. What a stink bomb warthog! Tuya niya rito sa isip. Hindi nga siya nagkamali nang tuluyan niyang mabistahan ang mukha nitong parang baboy at amoy nitong malansa nang tuluyang makalapit sila ni Rebecca. Ipinakita lamang muli nito sa lalaking amoy anghit ang tarheta at pinapasok na silang muli. Isang club ang nabungaran niya. Napakaraming party goers na sumasayaw sa saliw ng maharot na tugtugin kasabay ng mga iba’t-ibang kulay na bumabalot sa madilim na paligid. Hinatak siya ng kaibigan patungong bar stool at agad itong umorder ng margarita sa bartender. “Huwag kang mag-alala treat ko ‘to,” anito at iniabot sa kanya ang glass ng inumin. “Ano pang pakinabang ng VIP passes na dinekwat ko kay mudrabells kung hindi ko lulubusin, ‘di ba? O, toast tayo!” Itinaas nito ang baso nito at ganoon din ang ginawa niya. “Toast for the wonderful evening! Let’s go wild and free for the whole night!” tili niya sabay tungga sa laman ng baso. Nagsimula na namang muli ang malakas na tugtugin. Tumayo siya at tumakbo sa gitna ng nagsasayawan nang umere ang kanta ni Rihanna na S&M. Nakisabay din sa kanya si Beki habang hawak-hawak pa ang baso ng margarita nito. Nakiindak sila ng kaibigan sa lively na kanta ng sikat na singer. And she felt so high jiving with the groove fever of the dance floor. Wala siyang pakialam kahit mabangga-bangga na niya ang mga katabi nilang sumasayaw. Ganoon din naman si Beki, hibang na hibang ito sa ginagawa. Pawis na pawis na siya at humalo na ang amoy sa ibang naroroon. Ngunit ayaw pa rin niyang tumigil sa maharot na pagsayaw kahit nakailang beses nang nagpalit ang awitin. There was no stopping her right now. She was so alive and vigorous. Marahil ay tulak na rin iyon ng nainom niya sapagkat hindi naman talaga siya manginginom. Pinasahan muli siya ni Beki ng isa pang baso ng alak na kinuha nito mula sa waiter na naglilibot. “Here, Nica drink some more. Cheers!” “Cheers!” ganti niya at umindayog ulit sa musikang dumadagundong sa bulwagan. Nang mapagod si Rebecca ay hinatak siya nitong muli pabalik sa bar stool at naupo sa mga upuan roon. “This is the best time of my life! Hallelujah!” natatawang usal niya sa pagitan ng paghingal. “Grabe, ang tagal nating sumayaw. Nananakit na ang mga tuhod ko.” “You’re weak,” natatawa pa ring komento niya. “Ah, ganoon? Por que ba mas magaling ka lang sumayaw kaysa sa akin?” “It came from your mouth not mine.” Sabay silang napahagikgik at inubos na ang alak na nakalagay sa kanilang mga kopita. Ilang saglit pa’y dalawang lalaki ang lumapit sa kanila. Mukhang mga hip-hop dancers ang mga ito ayon na rin sa jologs na pananamit ng mga ito. Umaalingasaw ang halo-halong amoy ng alak na nainom ng mga ito nang magsalita ang isang lalaki. “Gusto ninyo bang maki-join sa amin?” “No, thanks! We are enjoying our own company,” mariing tutol niya. Nagsabit siya ng pekeng ngiti sa labi. “Ang yabang! Pakipot ka pa, miss pero halata namang gusto mo rin. Kanina mo pa kaya kami binubunggo sa dance floor,” hindi natitinag na turan nito. Maangas sa pagkakataong iyon. “Sorry but you were mistaken, mister. I didn’t know I was bumping you. I’m really sorry!” mahinahong tugon niya kahit kumukulo na ang dugo niya. “P're, wala ka pala, e. Tinanggihan ka ng chicks!” buska ng kasamahan nito. Pinalo ito sa pang-upo dahilan upang tumilamsik sa kanya ang ilang lamang alak ng hawak-hawak nitong baso. “Sorry, miss! Sorry!” Mabilis na inalalayan siya nitong punasan ang nabasa niyang top. “Ang lulusog pala ng boobs mo,” nakakalokong turan nito pagkakuwan. Agad na umakyat ang dugo sa ulo niya at sinapok ito ng babasaging baso sa ulo. “Manyak!” “Aba’t sumusobra ka ng malanding babae ka!” Galit na baling nito sa kanya nang masapo nito ang duguang sentido. Susuntukin sana siya nito nang mabilis na tumayo si Rebecca at pumagitna sa kanila. “Subukan mo, gago! Ipapahuli kita, hindi mo ba ako kilala? Ako ang anak ng may-ari ng club na ‘to! Kaya bago pa kita ipadampot at ipatapon sa kulungan lumayo-layo ka na sa amin!” Sinitsitan nga ng kaibigan ang bouncer ng club na mabilis namang lumapit sa kanila. “Anong problema ninyo?” anang malaking boses. Hindi tumugon ang mga lalaki at basta na lamang umalis. Hinayaan na rin sila ng bantay at payapang umupo silang muli. “Panira ng gabi! Hmp!” nanggagalaiting tili ni Beki. Inis na inis itong umorder ulit ng inumin nila. “Naku, huwag na nga nating isipin ang mga iyon. Sumayaw na nga lang tayo ulit.” “Buti pa nga!” segunda niya. Nakisabay nga silang muli sa gitna ng club. Ni hindi na nila pinansin pa ang paglipas ng oras. Walang patid ang ginawa nilang pag-indayog sa kung anu-anong tugtugin. Lahat ay maharot, napaka-wild at daring. Nahinto lamang sila parehas nang sabay silang sumuka sa dance floor. Nagkahalakhakan lamang sila at nag-unahang tumakbo papuntang comfort room. They threw up everything they drunk and ate. They just kept on laughing afterwards. Naghilamos sila pagkatapos at nagpahinga ng kaunti bago napagpasyahang umuwi na. Bumibigat na rin ang ulo niya. Ngayon lamang niya naramdaman ang hilo at pagod sa pinaggagawa nila ni Beki. “Are you sure you can still drive? We’re drunk.” “Okay lang ako. Sanay ako, mare huwag kang mag-alala,” nakangiti pang turan nito. Pinaandar nga nito ang sasakyan. Binuhay nito ang radio sa loob at pinatay ang aircon. It’s passed two in the morning. Mangilan-ngilan na lamang ang nag-dadaang mga sasakyan sa kalsada. Wala ng mga tao sa kalye. Tanging mga streetlights lamang ang nagbibigay liwanag sa daan. Ihihilig sana niya ang ulo sa headrest ng upuan nang biglang may kumalabog sa sasakyan. They bumped someone. Mabilis na naapakan ni Rebecca ang preno subalit huli na ang lahat. Huminto ang pagtakbo nila. Walang kumikibo sa gitna ng katahimikan. Isa pang pagkalabog ang muling narinig nila na bumasag sa pananahimik nila.   HINDI sigurado si Veronica kung ano ang sumunod na kumalabog na iyon o kung saan man iyon nagmula o kung sino man ang may puno't dulo ng ingay na iyon. Isa lamang ang alam niya, may nabangga silang tao! "May nasagasaan tayo, Beki." "Punyeta, wala namang tao sa daan kanina. Bakit bigla na lang may sumulpot sa harap?" Magkahalong pag-kaasar at takot ang nasa tinig nito. "Buhay pa kaya?" "Huwag mo akong tanungin. Tara babain natin." Magkapanabay na bumaba sila ng kotse at sinilip sa ilalim niyon ang naipit na katawan ng nabangga nila. Si Rebecca ang kumalabit sa katawan ng nakahandusay na lalaki kung buhay pa ba ito o hindi, walang pagkilos at paggalaw na reaksyon ito. Wala rin silang marinig na paghinga. Senyales lamang iyon na wala na itong buhay. "Tulungan mo akong tanggalin ito sa ilalim ng kotse." Magkatulong nilang hinatak ang katawan ng lalaki. Itinihaya nila ang bangkay niyon at laking gulat na lamang nila nang makita mula sa malamlam na liwanag ng street lights at headlights ng kotse ang kalunos-lunos na mukha nito. Mata lamang ang halos walang latay, lahat ng parte ng mukha nito ay ginilitan ng kutsilyo o anumang matulis na bagay! Puro dugo rin ang katawan nito at may malaking sugat sa leeg na hanggang ngayon ay may umaagos pa ring dugo! Punit-punit din ang damit nitong tigbak sa saksak at taga! "f*****g s**t!" she cursed loudly. "Sakay na, Nica!" bulyaw sa kanya ng kaibigan na nagmamadaling tumakbo pabalik sa loob ng sasakyan. "Tang-ina! Tang-ina talaga!" sunod-sunod na mura nito. Nanginginig na muli nitong pinagrebolusyon ang kotse at iniatras iyon palayo bago pinasibad iyon sa kahabaan ng highway. Naisukbit niya ang seatbelt sa labis na bilis ng pagpapatakbo nito. "Holy crap, Rebecca slowdown! We are far from the corpse. God, you're waking the s**t out of me!" Binuksan niya ang bintana ng kotse at sumuka sa labas niyon. "Sorry, nag-panic lang." Binagalan na nito ang pagpapatakbo hanggang sa makarating sila sa kanyang bahay. Matulin siyang bumaba ng sasakyan at nagpaalam dito. "Bye, take care. Don't speed up. Call me when you reach your house." "Okay, goodnight!" Umandar nang muli ang kotse, hindi na niya hinintay pang makalayo iyon bago nagkukumahog na sinusian ang pedestrian gate. Halos madapa't madulas siya nang takbuhin niya ang pagpasok sa mansion. Hindi naman siya muling napansin ng guard sapagkat tulog pa rin ito. "Damn!" she shrieked when she saw shadows walking behind her. She held her breath for a moment. Nanindig ang balahibo niya nang unti-unting lumapit ang anino. At napabuga rin ng hangin nang makasalubong niya si Agatha na siyang may likha ng anino, bitbit nito si Charlotte. "The hell with you, snotface! You gonna kill me!" "Saan ka ba galing? Kanina ka pa wala, ah. Bakit ganyan ang suot mo mukha kang belyas?" "Buwisit ka! Bakit pala nasa iyo 'yang manyika ko?" "Nakita ko lang 'to na pakalat-kalat dito pagbaba ko para kumuha ng tubig sa ref." Imposible! Iniwan niya sa kama si Charlotte bago siya umalis at tinabunan pa nga niya ito ng kumot. Siguradong-sigurado siya roon. Pinagsisinungalingan lamang siya marahil ni Agatha. "Tse! Huwag mo kong lokohin! Pumasok ka siguro sa kwarto ko, 'no?" "Bakit ko naman gagawin 'yon? Nakakatakot kaya sa kwarto mo at may nakita akong anino ng lalaki kanina," nanlalaking matang sabi nito. Hinaklit niya si Charlotte mula rito at inirapan ito. "Buwisit ka talaga! Diyan ka na nga!" Binuksan niya ang pinto ng kanyang silid at kinapa sa dingding ang switch ng ilaw. Nang magliwanag sa loob ay nagpalingalinga siya sa kabuuan ng kwarto bago pumasok roon. Nahiga siya sa kama at niyakap si Charlotte. Nagbalot siya ng kumot sa buong katawan at mahigpit na isinara ang mga mata. Akala niya ay mahihirapan siyang matulog sa labis na takot pero naagaw din ng antok ang kamalayan niya sa sobrang pagod. Kinabukasan ay frustrated na frustrated si Veronica nang pumasok sa school. Naihi siya sa pagtulog kagabi. Ngayon na lamang muli iyon nangyari. Nanririmarim siya sa sarili. Nang-mag-ring ang bell hudyat na uwian na nila ay siya ang kauna-unahang tumayo at lumabas ng silid-aralan. Hinabol siya ni Rebecca at hinatak patungo sa banyo ng cafeteria. Muli ay tinakpan nito ang CCTV ngunit ngayon ay panyo na ang ginamit nito roon. "Baka lang kasi sobrang natakot ka kagabi. Namumutla ka kanina pa. Huwag ka nang matakot, Nica hindi naman tayo ang nakapatay doon sa lalaki, e. Nakita na iyong bangkay ng mga pulis at sabi sa balita saksak sa puso ang cause of death ng biktima. See, hindi tayo ang gumawa n'on so technically hindi talaga tayo ang pumatay sa kanya. Hindi nga lang natin siya tinulungang makarating sa morgue," she said nonchalantly then smiled at her, assuring everything were alright. "Don't worry 'bout me, I'm perfectly fine. Medyo toxic lang ako sa dami ng projects at sa nawawalang heirloom ng pamilya namin. I'm not scared anymore, not too much now but you really sound scared, Beki." "After shock lang siguro ng nangyari kagabi. Pero incase baka kailangan natin ito kaya mabuting gamitin na rin natin." Inilabas nito ang isang stick sa bulsa nito. Akala niya ay magyoyosi lamang ito ngunit iba ang ginawa nito. Tinanggal nito ang laman ng tobacco ng sigarilyo at ibinuhos iyon sa trash can. "Why are you wasting it?" confused na tanong niya. "Maiba naman," anitong inilabas sa kabilang bulsa ang isang maliit na paketeng may lamang pinong puting pulbura. Nilangkapan nito ang nabakanteng basyo ng sigarilyo ng pulbos at pinuno iyon saka sinindihan. Hinithit nito iyon ng parang sigarilyo. "O, ikaw naman!" Iniabot nito iyon sa kanya. "What's this?" "Pangpa-high." Sa tinuran nito ay agad niyang nakuha kung anuman iyon. Hindi naman siguro masama kung susubukan niya iyon paminsan-minsan. Tikim lang naman. She somehow wanted to feel what it felt like to be drugged. It was a cool stuff, she thought. Masarap nga sa pakiramdam iyon. Mas marami pa ang naubos niya kaysa kay Beki. Nang matapos sila ay lumabas na rin sila ng banyo pagkakuha ng panyo nito sa CCTV camera. Ang dami nang nakapila sa labas. Nang makita nilang papalapit na rin ang school guard ay tumakbo sila nito. Napahagikgik silang pareho. Nagkayayaan pa silang mag-malling muna bago tuluyang umuwi. Nakarating sila ng Ayala. Nagpagala-gala sila sa kung saan-saan. High sila nito, game na game na gumawa ng kabulastugan. Pumasok si Rebecca sa isang jewelry shop, sinundan niya rin ito roon. Nakakaakit bilhin lahat ng accessories na naroroon. May iba't-ibang klase ng watches for men and women, maririkit na set ng lady's jewelries at kung anu-ano pang kumikinang na bagay. Kahit siguro ang katulad niyang hindi mahilig sa alahas ay maeenganyong sulyapan iyon at bilhin. Ang kaso ay nakakalula ang mga presyo. Hindi kaya ng pitaka niya kahit ang pinakamura. Maybe she could ask her Mama Miranda to buy her one. "Nica, tingnan mo ang ganda. Birthstone ko 'yan." Itinuro sa kanya ni Beki ang isang gold ring na may maliit na batong ruby. "Wow, sa tingin ko bagay sa ‘yo ‘yan, Beki." "Talaga? Miss, pasukat nga ako kung totoo ang sinasabi ng kaibigan ko. Baka magustuhan din ng daliri ko," sabi nito sa saleslady na tumalima naman at inilabas sa glass ang singsing. Isinukat nga iyon ni Beki at sakto iyon sa palasingsingan nito. "I told you," usal niya. "Hmp, ang pangit naman. Pa-try naman ako nung isa pa, miss. Pati iyong isa pa na ruby din ang stones," anito at pinagtuturo ang mga singsing na lahat ay elegante at napakaganda ng mga disenyo. "Iyang isa po, ma'am mas bagay sa inyo," komento ng babae sa kaibigan niya sa heart design na sinukat nito. "Kaso maluwang. Mayroon ba kayong ibang size nito?" "Yes, ma'am!" masiglang tugon ng babae, lumiwanag na lamang bigla ang mukha nito sa pakiwari niya. "Mga size six po, ah," pahabol pa ni Beki. "Okay, ma'am. Kindly, wait for a minute." Umalis ang babae at may pinuntahan ito na marahil ay stockroom. Nagulat na lamang siya nang biglang ibulsa ni Rebecca ang singsing na first choice nito. Siniko siya nito at nagpatiuna nang umalis. Kabadong sumunod siya rito. Nang madaanan niya ang isang kahitang nakapatong sa glass racks ay mabilis niya iyong dinampot at isinuksok sa ilalim ng paperbag na pinaglalagyan niya ng libro. Nang dumaan sila sa security ay halos hindi siya huminga ng i-check ang mga gamit nila. Nang makalagpas sila roon ng walang aberya ay kumaripas sila ng takbo ng kaibigan palabas ng mall. Tawanan sila ng tawanan nang makalayo sila sa vicinity ng Ayala. Isinuot na nito sa pagkakataong iyon ang sing-sing na kinuha nito. Nagniningning iyon sa karikitan at humigit kumulang isandaang libo ang halaga niyon! "Pa-choosy ka pa kanina," panunudyo niya rito. Bumungisngis naman ito. "Inggit ka, ano?" "Bakit, anong akala mo ikaw lang meron?" Inilabas niya ang maliit na kahita na naipit sa pinakailalim ng mga libro. Napamulagat silang pareho ni Beki nang buksan niya iyon. Isang pares ng diamond stud earrings! Only the rich knew the exact price of the jewels! It was a hell exorbitant! "Naka-jackpot ka, mare!" hindi makapaniwalang bulalas nito. "Hindi kaya nila tayo mahuli?" Bigla ay nag-alala siya. Napakalaking halaga ang nawala sa shop na iyon. "Naku, hindi no! Hindi naman sa atin nakaharap ang surveillance camera nila, e. Nakailang balik na rin ako doon at aanga-anga talaga ang mga saleslady sa store na 'yon." "So, sa ‘kin na talaga itong mga diamonds?" Enthusiasm filled in her voice. "Oo naman. Isukat mo, dali!" Tuwang-tuwang tinulungan siya nitong ikabit ang hikaw sa tainga niya. Panay ang puri nito sa kanya. Ang swerte-swerte niya raw at naiingit daw ito ng husto. Iyon lang ang naging bukang bibig ni Beki hanggang sa mag-commute sila pauwi at maghiwalay. Bago siya pumasok sa mansion ay hinubad muna niya ang kanyang hikaw at ibinalik iyon sa lalagyan. Nabigla siya ng salubungin siya ng nakangiting mukha ni Miranda sa bungad ng higanteng pinto.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD