Chapter 9: Two Warm Bodies And A Cold Bloody Flesh
“HI, mukhang nagmamadali ka yata,” si Steve mula sa likuran niya at hinawakan ang braso niya.
Pumiksi siya at mas binilisan ang lakad. “Yes, dahil madami pa akong gagawin.”
“Congratulations nga pala and sorry ulit. Hindi ko talaga alam na ikaw na ang VP ng FRC. Akala ko may bagong modus na ang mga gang ngayon nang sabihin mo sa akin iyon kaya hindi agad ako naniwala. Pasensya ka na talaga.”
Ang kapal naman ng face ng lalaking ito para paghinalaan siyang kasapi ng isang gang!
“At about sa nangyari noong huling gabi, pasensya na rin ulit doon. Akala ko kasi bagong pakulo din iyon ng mga GRO para makakuha ng mga customer.”
Aba, sumusobra na yata ang lecheng lalaki na ito at pinagkamalan din pala siyang babaeng mababa ang lipad!
Bumubulusok sa galit na tinampal niya ito sa noo ng mga folder na hawak niya. Napangiwi naman ito sa sakit. “Go to hell, bigot!” bulyaw niya nang magsawa sa pagpalo dito.
“Hey, I’m sincere here. I can treat you to dinner if you like.”
“Never mind, asshole! I’m richer than you!”
“Whoa! Ikaw na lang pala ang manlibre sa akin.”
“Ang kapal talaga ng face mo!”
“Thick face in business world is an asset, darling. Always remember that.”
“I have a lot of skills to succeed in business, pig-nose. I don’t need to have a thick face.”
“Oh, well, I have a lot of bed skills, darling. I know many exhibitions, too. I can’t wait for the time to come to teach you tricks in bed on how to bring the sensation and pleasure to a hundred degree Celsius.”
“Damn you, fungus fucker!” malakas na bulyaw niya rito, wala siyang pakialam kahit may makarinig sa kanilang mga empleyadong busy sa trabaho. Nagkukumahog na tinakbo niya ang opisina at nang mahawakan ang seradura ng pinto ay matulin niyang binuksan iyon at padarag na isininara.
Nagtatawag naman ang lalaki sa labas ngunit hindi na niya ito pinansin. Tinawagan na lamang niya si Gretchen sa intercom at binilinang paalisin na ang lalaki. Mukhang sumunod naman ito nang tahimik dahil hindi na niya narinig ang tinig nito sa labas ng opisina niya. Ngunit makalipat minuto lamang ay narinig niya ang tinig nito sa intercom.
“Hey, silly girl I want you in my bed!”
“f**k you, f**k face!”
“I will, soon,” anito na tila siguradong-sigurado sabay tumawa ng nakakaloko.
Pinatay niya ang intercom sa labis na inis. At kaba. Kumakabog ng malaka ang dibdib niya. Her mind started to imagine the man seducing her to join him in bed. Mabilis na iwinaksi niya iyon sa isip.
Nang mag-ring naman ang telepono ay nagdalawang-isip siyang sagutin iyon at baka ang lalaki na naman ang tumatawag roon. Makailang minuto lang ay napilitan na rin siyang iangat ang aparato dahil ayaw tumigil niyon sa pagtunog.
“Hi, Nica. This is Selene. Are you busy?”
“Sorry, I’m reviewing some important reports,” pagdadahilan niya.
“Mamaya mo na tapusin ‘yan. Samahan mo muna ako saglit sa salon. I need girl company right now.”
“Okay,” pagsang-ayon agad niya. Mukhang kailangan muna niyang mag-beauty rest matapos ang palitan nila ng mga salita ni Steve.
ISANG red serpentina gown na backless at tube sa harapan ang suot ni Veronica ng gabing iyon. Isang set ng simpleng pearl jewelry ang itenerno niya roon at red high-heeled stiletto ang ipinaris sa paa. Naka-braid ang buhok niya at manipis na kolorete lamang sa mukha ang ipinalagay niya. She was invited by her sister to a salon earlier to buy time in preparing her surprise party. Parang lumubo ang puso niya sa ginawa nito.
“You’ve surprised me, Selene. Hindi ka na sana nag-abala pa,” turan niya nang makapasok sila sa hall ng Hotel Feron.
“We owe you this, Veronica,” she said smiling. Royal blue na evening gown ang suot nito. Halter iyon at may mahabang slit sa magkibalang gilid ng hita. Naka-bun ang buhok nito na may iilang hibla ng buhok ang kumawala at sensual na bumagsak sa gilid ng tainga nito.
“Thank you very much for this,” parang maluluhang sabi niya.
“Veronica, you are so gorgeous tonight,” si Miranda na sinalubong ang mga apo pagpasok ng mga ito sa bulwagan.
“Mama,” nakangiting lingon niya rito. “Gosh, you are very much gorgeous than us.”
Nakakakulot ang maiksing buhok ng kanyang abuela na bumagay sa golden turtle neck gown na suot nito. Mahahaba ang mga manggas niyon at diretso ang pagkakatabas. Black flatted sandals naman ang kapareha niyon sa ibaba.
“Huwag mo na sana akong bolahin, Nica. This party is yours. Congratulations, sabi ko na nga ba at hindi ako nagkamali nang paglalagay sa ‘yo bilang VP ng FRC. In fact, our sales had grown 20% higher for the last month since you’ve taken charge of the position. Kahit kailan talaga alam kong hindi ninyo ako bibiguin at didismayahin.”
“Promise, Mama. I will do all my best for FRC.”
“I hope Iñigo can see the three of you now. He will be happy, very happy that her daughters didn’t waste what he had work hard for in so many years,” Miranda said, loneliness in her voice, her eyes went misty.
“Bawal ang umiyak ngayong gabi, Mama. Huhulas ang mga pinagkagastusan nating mga make-up,” pagbibirong sabi ni Selene. Natawa sila ng sabay-sabay.
“Nasaan nga pala si Agatha? Kanina ko pa siya hindi nakikita.”
“Iniistima marahil ang ilang mga associate ng kumpanya, Mama. Huwag po kayong mag-alala nandyan lang po iyon sa tabi-tabi o ‘di kaya’y nasa mga sulok lang nakapwesto.”
“Okay, sige. Kakamustahin ko na rin muna ang ilan sa aking mga amiga,” paalam ng matanda at iniwan silang dalawa roon ni Selene. Nagpaalam na rin ang huli maya-maya upang batiin ang ilang mga Buena familia at mga miyembro ng alta-sosyedad na imbitado rin sa pagtitipon.
May mga nagsilapitan naman sa kanyang mga bisita upang batiin siya at papurihan ang kanyang angking pisikal na kagandahan. Hindi nauubusan ang mga ito nang binibitiwang mga papuri, higit ang mga kalalakihan---binata man o may kasamang asawa. Ang ilang mga kababaihan naman na nakakabangaang-siko niya ay madalas na purihin ang kanyang naging performance bilang bagong VP ng FRC. Napatigil siya ng lapitan ng isang ginoong Pranses. Bagaman halatado ang twang sa pagsasalita nito ay mahusay sa pag-iingles.
Napasinghap na lamang siya nang may humapit sa kanyang beywang mula sa kanyang likuran sa kalagitnaan nang pagpapalipad hangin ng nagpakilalang Jaime Schortze. Ikinabigla naman niya ng dampian siya ng bagong dating ng halik sa pisngi. Nagsawalang kibo na lamang siya sa ginawa nito kahit naghihimutok ang kalooban niya. Ayaw niyang makahatak ng pansin ng ibang naroroon kahit pa malayo-layo naman sila sa karamihan dahil halos nasa sulok na ang napwestuhan niya sa kaiikot sa bulwagan upang iwasan ang mga bisita. Sa isang banda ay natuwa siya sa ginawa nito dahil agad na nagpaalam ang Pranses na halatang napahiya at nadismaya sa nakita kanina.
“Enjoying the night, darling,” anang baritone ngunit malamyos na tinig. Hinaplos nito ng daliri ang kanyang pisngi pababa sa kanyang mga labi.
Pinigilan niya ang paglalakbay niyon sa kanyang mukha at itinaboy ang kamay nito palayo. “You are being scandalous, humungous nuts.”
“I know you love scandal, darling. Don’t you?”
“Good way to start ruining my night, stupid swine. I’m warning you, don’t dare me,” binigyang diin niya ang huling pangungusap na sinabi pero hindi iyon inalintana ng lalaki. Bagkus ay muli nitong inilabas ang makamandag na ngising aso nito.
“I dare you. But I can’t just believe you are enjoying the company of that EMO. I never thought your taste are cheap. Kaya pala hindi ako makapasa sa standard mo dahil overqualified ako,” mayabang na wika nito, itinaas ang kopita na hawak patungong bibig.
“Boasting your ego again, dog butt. Ang laki talaga ng bilib mo sa sarili mo, ano? Pwede bang mahiya ka naman kahit kaunti?”
“Why would I? A handsome like me will never be ashamed of himself. I almost got everything---fortune, fame, power, hot body… you are the only one left that is not in my possession.”
Ang kapal talaga ng face ng lalaking ito! Anong akala nito sa kanya bagay na idadagdag sa mga koleksyon nito? Manigas ito! “You will never get me, half-ass,” mariing turan niya.
“I will and I know you will. It’s inevitable.” Mas lalo niyang ikinainis ang kasiguraduhan sa tinig nito.
“Dream on,” aniya sabay bira ng talikod dito sa sobrang pagkapikon. Subalit muli siya nitong hinapit sa beywang. Sa pagkakataong iyon ay pinagdaigti nito ang kanilang mga katawan. Amoy na amoy niya ang pabango nito na napakahalimuyak sa kanyang ilong. He smelled of mint, berries and honey. Nakakagutom iyon na para bang sa mga oras na iyon ay ang sarap nitong sagpangin at kainin.
“Your eyes are dreamy, darling. It’s so transparent I can vividly see that you are fantasizing me naked and tasting my sweat body, every bulk and every pertinent part,” his voice in flaming sensation, alluring her very being. Nanigas na tila paralisado ang kanyang katawan.
“This time, let us all hear a word from the new vice-president of the Feron Realty Corporation. Let us give her a round of applause…” Tila batingaw na nagpagising sa kanya ang anunsyo na iyon ng master of ceremonies na naging dahilan upang malakas niyang maitulak palayo si Steve. Mabuti na lamang at matagal nahanap ng spotlight ang kinalulugaran nila.
Hinayaan naman siya ng lalaki na makawala subalit ang iniisip niyang tuluyan nitong paglubay ay hindi nagkabula. Pinaabrisyete nito ang kamay niya sa braso nito at inihatid siya paakyat sa entablado ng bulwagan. Nagkaroon ng bulung-bulungan sa paligid na hindi na lamang niya ininda.
Habang nagsasalita siya sa harap ng mga tao ay naliligalig siya sa mga titig ng lalaki. Naiilang siya sa mga mata nito sapagkat pakiramdam niya ay hinuhubaran siya ng mga iyon. Sa kabila niyon ay hindi niya maiwasang hindi mag-init. Sa katunayan ay pinagpapawisan siya ng malagkit sa kung anong damdaming lumulukob sa bawat himaymay niya.
Mabillis niyang tinapos ang kanyang speech at agad na bumaba ng entablado. Sa kabilang side siya dumaan na malayo sa kinatatayuan ni Steve. Pero gayunpaman ay alam niyang sinusundan siya nito, damang-dama niya iyon na para bang ang hininga nito ay dumadampi sa kanyang batok. She grown goose-bumps all over.
Nagtuloy-tuloy siya sa comfort room ng hotel. Hindi siya mapalagay. Ano ba ang mayroon ang lalaking iyon upang bulabugin nito ng labis ang disposisyon niya at gambalain ng ganito na lamang katindi ang kanyang huwisyo? Nakakabaliw ang estrangherong damdamin na iyon.
Nagsipagtaka ang mga kasamahan niya sa lady’s room nang bumulaga sa loob niyon si Steve. Nagsilabasan agad ang mga ito. “This is not the men’s room, dim-witted pervert!” babala pa rin niya kahit na alam niyang alam nito iyon.
“I am telling you, Veronica Feron. You won’t escape from me. If you want me to seduce you or to woo you or anything, I will do just to get you,” sa halip ay sagot nito.
“That’s madness asshole! Get out now f*****g parrot or I will call the security!”
“Go ahead, darling.” Wala man lang siyang nakitang kahit kapiranggot na takot o alarma sa ekspresyon nito mula sa sinabi niya. Sa palagay pa niya ay mas lalong sumidhi ang kung anumang pagnanais sa nag-aapoy nitong mga mata. The amber eyes got more reddish all of a sudden. He looked like a man shape-shifted into a werewolf who is ready and so eager to make love.
“f**k-you-damn-pervert-son-of-a-b***h-wart-hog!” nangigigil na sigaw niya rito.
“Let me handle that big-bad-luscious-mouth of yours, darling.” Nilapitan siya nito at hinatak palapit sa matipunong dibdib nito.
His broad shoulders imprisoned her with tenderness and passion. She tasted his breath, it was heavenly. But top all that, she could sense the massive reaction in his crotch. And she was sure that he was well endowed down there.
Narinig niya ang pagsinghap, pag-ismid at malakas na pagpalatak ng papasok na matandang babae nang makita nitong ibinalya siya papasok ni Steve sa isang cubicle ng banyo. Agaran nitong isinara at ini-lock iyon. Isinandal siya nito sa pinto. Hindi na siya nakapag-protesta pa nang siilin siya nito ng halik sa mga labi. May dahas, mariin, nanunubok, mapagparusa. Nalalasahan niya ang sariling dugo. Pakiramdam niya ay mapupugto ang kanyang hininga.
Anu’t-anuman ang gawin niyang pagpupumiglas ay walang epekto sa lakas at laki ng katawan nito. Parang mababali na ang mga buto niya sa katawan sa higpit at igting ng pagkakayakap nito. Wala siyang magawa kundi ang magpaubaya sa nais nito. Hindi na siya naglaban sa pwersa nito, nagpatangay siya sa agos at mga bugso ng damdamin.
Gumanti siya ng halik. Sa pagkakataong iyon ay bumagal ang ritmo ng bibig at dila nito. Naging malumanay iyon, masuyo, malambing, may haplos ng kiliti. Lumuwag din ang pagkakagapos ng mga braso nito sa katawan niya.
Maaari na sana siyang makatakas mula dito ngunit hindi niya madaig ang pananabik na bumabalot sa kanyang katawan, napakaigaya niyon sa pakiramdam at may hatid iyong luwalhati sa kanyang kamalayan. Nagpatuloy sila sa pagpapaliyab ng mga ugat, kumakalat ang mga ningas sa bawat sulok ng kanilang diwa. Walang mga salitang namutawi sa kanilang mga bibig. Puro anas at ungol ng nakaliliyong sensasyon ang tanging maririnig sa maliit na esapasyo na iyon ng palikuran.
Naramdaman na lamang niyang umaarko na ang kanyang katawan sa labis na init na tumitighaw sa kanyang laman nang buhatin nito ang kanyang hita. Kusang napaikot naman niya ang mga binti sa balakang nito. Wala na siyang pakialam kahit narinig pa niya ang pag-crack ng kanyang gown o kahit ang pagpupumilit ng mga kamay nitong makalagos sa ilalim ng suot niya. Ang tanging mahalaga ay ang halik. Ang halik ni Steve. Iyon lang at wala ng iba.
Hayok na hayok ito sa pagtikim sa kanyang mga labi. Walang tigil iyon maliban na lamang sa mga sandaling mabilis nitong pinapalusot ang hangin sa magkahinang nilang mga labi upang hindi sila ma-suffocate. Samantalang ang mga kamay nito ay patuloy sa paglilikot sa kanyng suot. Nang tila marahil mahirapan itong marating ang puntirya ay mas lalo nitong winarak ang kanyang serpentina gown. Tinastas nito iyon gamit ang mga daliri. Nang maging malaya sa paglalakbay ang nag-aalab nitong mga palad ay agad niyang nadama ang baga niyon sa manipis niyang panloob. Ang apoy na dala niyon ay nagtulay ng bolta-boltaheng kuryente na gumuhit sa kanyang gulugod. Nagsumiksik pa lalo ang mga nanggigil na daliri nito sa loob niya, nang maramdaman niya ang ibayong sakit kasabay ng mga apoy sa alapaap at mga kuryente sa paligid ay napaigtad siya ng ubos ng lakas at naibagsak ang mga paa sa tiles na sahig. Tuluyang nagambala ang pinagsasaluhan nilang halik.
Doon lamang sa sandaling iyon niya naramdaman ang sundot ng konsensya ng kanyang pagkakababae. “Jeez, pig nose, let me go. I don’t know what I’m doing.” Pinagbigyan naman siya nitong makawala. Mukhang natauhan din ito sa ginawa nila.
Lumabas siya ng cubicle. Anong pagkagulat na lamang niya nang makita si Agatha sa harap ng salamin, sinisipat ang suot nitong plain white gown. Napalingon ito sa kanila nang mabistahan sila sa repleksyon ng salamin. Rumehistro rin sa mukha nito ang pagkagulat. Napatutop pa ito sa bibig.
“What happened? Bakit napunit iyang gown mo? Sino siya at anong ginagawa ninyo dito sa banyo ng magkasama?” sunod-sunod na tanong nito nang makahuma sa pagkagulat.
Siya naman ang naturete sa puntong iyon. Agad siyang naghagilap nang maisasagot. “Naipit kasi iyong gown ko sa pinto ng banyo. Nahirapan akong tanggalin kaya humingi ako ng tulong. Buti na lang dumating siya.” Itinuro niya si Steve pagkasabi niyon. “Kaso nagkapunit-punit pa din nang hatakin ko,” dugtong pa niya. Mas labis siyang pinagpawisan. Mabuti na lamang ay mabilis na tumango si Steve bilang pagsang-ayon.
“Paano ka lalabas niyan? Your gown was messed up, para kang ni-rape sa totoo lang.”
“I’ll take her home,” gagad ni Steve. Hinubad naman nito ang coat nito at itinapis sa beywang niya.
“Yes, uuwi na lang muna ako. Ikaw na lang ang magsabi kay Mama ng nangyari,” patianod niya sa lalaki kahit na sa totoo lang ay gusto niya itong sakalin. Pa-gentleman kuno pa ito sa harap ng iba. Leche!
“Okay, make sure to call Mama when you got home,” bilin pa sa kanya ni Agatha.
Nauna na silang lumabas ng C.R. Inaalalayan siya nito. "Masyadong madaming tao. Sa fire exit na lang tayo dumaan. Diretso na iyon sa garahe," suhestiyon niya.
"Yeah, much better."
Binagtas nga nila ang makipot na rail staircase roon. Siniko niya ang kamay ni Steve na kanina pa nakahawak sa kanyang beywang. "Pwede ba, tapos na ang palabas."
"What? Inaalalayan lang kita."
"Nanantsing ka lang!" akusa niya at binilisan ang pagbaba sa hagdan.
"Whoa, you're acting like molested. For sure you liked my touch. Baka hindi ka makatulog niyan mamaya," ngisi-ngising pahayag nito.
"Kapal talaga ng face mo!" Mas lalo pa niyang binilisan ang pagbaba sa hagdan nang matanaw ang labasan patungong garahe. Pagkalabas na pagkalabas ay tinakbo niya ang kinapupuwestuhan ng kanyang kotse.
Hinabol naman siya nito. Binato niya sa mukha nito ang coat na tinapis nito sa gown niya. Pumasok agad siya sa kanyang Porsche.
"Thank you!" he yelled sarcastically.
"Why, thank you for totally ruining my party!" balik sigaw niya.
"I'll make it up to you, I promise. I'll give you one hot finger the next time!"
"Damn you!" Hindi na niya hinayaang makasagot pa ito nang pagrebolusyunin niya ang kotse. Sunod-sunod ang ginawa niyang pagbusina nang may makasalubong na security sa daan. "Go to hell, c**k sucker!" bulyaw niya sa guwardiya na walang nagawa kundi ang hayaan siyang makadaan.
Nagpupuyos ang dibdib niya sa kahihiyan. Pasensya na lamang ang mapagbuntungan niya ng inis. Binagalan niya ang pagpapatakbo ng sasakyan ng nasa kalsada na siya. Nag-text siya sa kanyang lola at nagsabi dito ng dahilan. Tinext niya rin si Rodolfo na umuwi na siya at dala ang sasakyan. Bahala na ang driver niya kung paano ito makakagawa ng paraan upang makauwi.
INAANTOK pang pilit na nagmulat ng mga mata si Veronica nang marinig ang ingay ng kanyang doorbell. Sobrang antok na antok pa siya kaya hindi niya pinagkaabalahan ang nagdo-doorbell. Kahit kasi maaga siyang umuwi kagabi galing sa party niya ay hindi naman siya nakatulog agad sapagkat ginambala siya ng pinagsaluhan nila ni Steve. Nagdilang anghel nga ang sinabi ng demonyo. Halos papa-umaga na siya dinalaw ng antok.
Nang hindi tumigil ang pagtunog ng doorbell ay napilitan na rin siyang tuluyang tumayo. Para bang gigil na gigil ang tao sa labas dahil sa walang patumanggang pagpindot nito roon. Nang sulyapan niya ang orasan sa side table ng higaan ay pasado alas-siete pa lang ng umaga.
“Sandali!” iritadong sigaw niya. Naghihikab na naglakad siya at sandaling napatigil nang makita ang gown niya kagabi. Hindi na talaga maaring maisuot pa iyon at wala na siyang balak na ipaayos pa.
“Ano ba, saglit nga lang e?!” iritadong sigaw niya ulit nang hindi pa rin tumigil sa pagpindot ang tao sa labas.
Wala siyang inaasahang bisita ng ganito kaaga. Imposibleng ang Mama Miranda niya ang naghahanap sa kanya dahil nakapagdahilan na siya rito ukol sa nangyari kagabi. Hindi rin naman siya umorder ng breakfast sa restaurant ng condominium at masyado pang maaga upang dumating ang maglilinis ng unit niya. Kadalasan ay alas-nuwebe o alas-dies ito pumupunta.
Sinilip niya sa monitor na nakakonekta sa camera sa labas kung sino ang kanyang bisita pero walang tao doon. Naaasar na binuksan pa rin niya ang pinto. Tiningnan niya ang pasilyo kung may taong nagdadaan ngunit wala namang ibang naroroon. Napatingin siya sa kanyang paanan nang matisod ang isang gift box. Nagkibit-balikat na binuhat niya iyon. May kabigatan din ang kahon.
Pumasok na siyang muli sa loob. Walang nakasulat kung kanino iyon galing. Tanging ‘for you’ lamang ang nakasulat sa mismong wrapper ng regalo. Sigurado siyang manyika na naman ang laman niyon ngunit nang alugin niya ang laman niyon ay mukhang babasagin ang nasa loob. Curious na binuksan niya ang gift box.
Isang may katamtamang laki na babasaging garapon ang dinukot niya sa loob ng kahon. Lumarawan ang pagtataka sa kanyang mukha nang makita kung ano iyon hanggang sa unti-unting gapangan siya ng kilabot sa buong katawan nang mapagtanto ang nilalaman ng garapon. Agad niyang nabitiwan iyon kasabay ng matinis na paghiyaw sa labis na pagkahilakbot na nadama. Nabasag ang hawak niya nang mabitiwan niya iyon at tumama sa sahig, kumalat ang laman niyon sa marmol na bato.
Nagtilamsikan sa kanyang mga paa, sa kanyang mga kamay, sa kanyang damit ang mga dugo, ang ilan ay nalasahan ng kanyang mga labi at ang iba ay nagmantsa ng butil-butil sa kanyang mukha. Mas nasindak siya ng tila kumislot ang munting katawan ng fetus sa sahig, mahinang tumitibok pa ang maliit na puso nito, napakaliit niyon, halos durog-durog ang mga parte, tanging ang ulo lamang nito ang magpapatunay na kung mas nabuhay ito ng matagal ay magiging sanggol ito.
Napasigaw siyang muli nang tila gumalaw ulit ang fetus. “Holy, help me… Oh God!” halos wala sa sariling namutawi sa kanyang bibig. Itinulos siya sa kinatatayuan at sukat na lamang pinanawan ng ulirat.