Eight: Arousing Bad Mouth

3502 Words
Chapter 8: Arousing Bad Mouth HINDI malaman ni Veronica kung ano ang gagawin. Kanina pa siya nangangatog sa labis na pagpipigil ng panubig. Nasa gitna siya ng highway sa kalagitnaan ng gabi. It was past ten in the evening based on her wrist watch. Napakahaba na nang biniyahe niya. Galing pa siyang La Union at ngayon ay pauwi na sa mansion nila sa Bulacan. Nalagpasan na niya kanina pa ang mga fast-food chains at restaurants na kung saan pwede sana siyang makibanyo man lang. At wala pa siyang nakikitang malapit na mga commercial establishments na bukas pa sa ganoong oras. Wala ang diver niyang si Mang Rodolfo ngayon dahil may emergency raw ito sa bahay kaya nagpaalam itong uuwi sa pamilya nito. Pinagbigyan naman niya ito kaya ngayon ay siya ang nagmamaneho ng sariling kotse. Hindi niya mabatid kung bakit kailangan siyang pauwiin ng lola niya sa mansion nila. Hindi na siya doon nakatira sapagkat nagsarili na siya ng tirahan at kumuha ng isang condo malapit sa FRC upang mas malapit siya sa trabaho. Wala naman siyang maalalang okasyon na nalimutan niya na dapat nilang ipagselebra. Hindi rin naman nasabi ng kanyang abuela ang dahilan kung bakit siya nito pinapauwi kanina nang tumawag ito noong hapon sapagkat naputol ang koneksyon sa pagitan nila. Hindi na siya nakakontak pang muli dahil nagkaroon sila ng emergency meeting sa La Union sa isang private subdivision project nila roon sapagkat inaangkin iyon ng isang land grabber. Ipinara niya ang Porsche nang tuluyang hindi matiis ang pantog niyang sasabog na. Madilim naman sa paligid at mabibilis ang takbo ng mangilan-ngilan na ring mga sasakyan na dumadaan sa provincial road kaya siguro ay wala na ring makakakita at makakapansin sa kanya. Bahala na. Kaysa naman i-risk niya ang kalusugan niya. Bumaba na siya ng kotse at umupo sa gilid ng gulong niyon. Nilingkis niya pababa ang kanyang panty, mabuti na ring nakabistida siya dahil hindi siya nahirapan. Alanganing matatawa o mahihiya siya sa kalagayan niya. This will be her most embarrassing moment in her whole life! Sa susunod marahil ay magdadala na siya ng arinola para sa mga hindi inaasahang pagkakataon katulad nito. She started to pee and when she was almost done urinating, she was disturbed by a raging motorcycle that emerged from the woods. Halos lumipad iyon sa bilis nang pagpapatakbo ng driver niyon. Bumagsak iyon sa tabi ng kotse niya sa mismong harap niya. Nasilaw siya ng nakabukas na headlights ng motor dahil napatutok iyon sa kanya. Hindi pa rin siya makatayo sa pagkakaupo roon sapagkat parang hindi maubos-ubos ang urine niya. “Oh, crazy yank! Ilihis mo nga ‘yang ilaw ng motor mo at nasisilaw ako!” she outburst. Hindi sumunod ang nagmamaneho niyon. Bumaba ito at iniwang bukas ang ilaw at ignition ng motor nito. Lumapit ito sa kanya at tinanggal ang helmet nito. “What’s up? Anong ginagawa ng isang magandang binibini sa ganitong disoras ng gabi sa kalagitnaan ng madilim na kalsada at nakababa ang salawal?” tanong nitong lumalapit sa kanya. Huminto siya at napatayo. Hindi siya nakagalaw nang mabistahan ang kumikislap nitong pulang mga mata na parang sa mga lobo. Hindi iyon naglalaho sa dilim. Walang namutawi sa kanyang mga labi. At napatda siya sa sumunod na aksyon nito matapos nitong ibaba sa lupa ang helmet nito. Itinaas nito ang panty niya at sinuot iyon sa kanya! Labis-labis ang kahihiyang nadama niya para sa sarili. Namuo ang pagkaasar, pagkairita, pagkainis at galit sa kanya. Kahit kailan ay walang hiya talaga ang lalaking ito! Mag-asawang sampal ang ginawad niya sa magkabilang pisngi nito. “Pervert! Pervert!” tili niyang paulit-ulit at pinagtatampal pa ito sa dibdib! “Hey, hey. Stop, stop it! You’re hurting me. Do I at least get some thank you after I helped you wear your sexy undie?” Hinuli nito ang mga kamay niya at pinigil ang ginagawa niyang pagpalo sa dibdib nito. Kahit hindi masyadong maliwanag sa paligid ay alam niyang ngumisi ito sapagkat lumikha ng munting ingay ang mga labi nito. “You dumb-ass! Bitiwan mo nga ang mga kamay ko!” “Oh, I remember you. The one who told me that she is a Feron. Veronica, isn’t it?” May halong pang-iinsulto sa tinig nito. Mas lalo namang nagpuyos ang kalooban niya. “Asshole!” “Ah, ah. Very brave. What are you doing here? Having some orgasm in the middle of the highway? You can ask me now, darling. I can give it to you. I’m free tonight and little horny, too.” “f**k you!” “f**k me and I’ll f**k you back!” “Napakabastos mo talaga! Manyak!” “Hear who’s talking!” Nagpumiglas siya at binawi ang mga kamay na hawak nito. Hinayaan naman siya nito. Naitakip naman nito ang palad sa ilong nang muling magsalita. “What’s that fowling odor? Hey, don’t tell me you pee here? It smells like s**t. That’s not lady like, darling.” “Pakialam mo ba? Naiihi na ako e, anong gusto mo umihi ako sa panty ko? At bakit, kayo ngang mga lalaki kung saan-saan din naman nag-ji-jingle, ‘di ba?” “Of course, we’re male!” Buwisit talaga! Bakit sa dinami-dami ng mga taong pwedeng makakita sa kanya ay ang antipatikong lalaki pang ito ang makakaalam ng ginawa niya?! Nakakasurang nilalang! Malas. Malas. Malas. “Pwede ba lubayan mo na ako! Sisirain mo na naman ang gabi ko!” sigaw niyang tinalikuran ito at dali-daling pumasok sa loob ng kanyang kotse. Sumungaw naman ito sa nakabukas na bintana ng kanyang sasakyan. “Hey, ang lakas din ng pagpipigil mo sa temptation mo, ano? Aayawan mo talaga ang alok ko? Wala pang kahit na sinong babae ang umaayaw sa akin,” mayabang na wika nito. “Ngayon mayroon na!” bulyaw niya sa mukha nito at mabilis na pinaandar ang kotse at pinatakbo iyon. Mula sa rearview mirror ay natatanaw niya ang lumiliit na bulto ng lalaki. Nanatili lamang itong nakatayo roon.  Napaka-awkward ng pakiramdam niya. Bumuga siya ng hangin sa ere at itinuon na sa daan ang pansin.   PASSED twelve midnight na nang marating ni Veronica ang mansion nila sa Bulacan. Gising pa ang mga tao sa loob sapagkat maliwanag pa sa kabuuan ng kabahayan dahil bukas pa ang lahat ng mga ilaw. Nang makapasok siya sa loob ay naabutan niya ang kanyang Mama Miranda at si Agatha na nakaupo sa couch sa may salas at tahimik na nag-uusap doon. Parehong naka-whole white dress ang mga ito. Pawang nangabigla ang mga ito nang mapansin ang pagdating niya. Tumayo ang kanyang abuela at sinalubong siya ng bati. “Hija, you’ve been late. Kanina ka pa namin hinihintay.” “I’m sorry, Mama. Late na ring natapos ang emergency meeting sa La Union and heavy traffic approached me on my way here.” Binanggit niya rin dito ang suliraning naging agenda ng kanilang pagpupulong. “Let our lawyer do their job regarding that land grabber, Nica.” “Yes---” “Don’t you know the word consideration, Veronica?” Natalia butted-in in the middle of their conversation, wearing a white colored dress, too. “After all the luxuries this family had given you. I expect you to at least give us a little of it. Why are you still insulting my son even if he was already dead for several years? Hindi ka pa ba natuwa sa nangyari sa kanya at nagsuot ka pa talaga ng pula sa paggunita sa kamatayan niya? Hah, hindi ko na pala dapat ipagtaka iyon sapagkat ang isang katulad mong bunga ng isang walang modong babae ay walang modo rin,” patuloy nito. Napatutop naman siya sa kanyang bibig, pinasadahan ng mga mata ang suot na red Sunday dress. Kaya pala wala ang babae nang ipatawag niya ito para sa emergency meeting nila kanina ay narito na pala ito para sa death anniversary ni Anton. Hindi man lang sumagi iyon sa isip niya. Kahit paano ay nakaramdam siya ng pagkapahiya sa kanyang lola. “Do not start an argument tonight, Natalia. It’s your son’s death anniversary. Give him some of your consideration as her mother. Hija, just change your clothes. Mayroon ka pa namang ibang naiwang damit sa closet mo sa iyong kwarto. Sasabihan ko na lamang si Delia na ihanda ang mga iyon,” ani Miranda. “I’m sorry, Mama. Ako na lang po ang kukuha niyon sa itaas.” “O, siya sige.” “I am never confused why they are still stubborn like children, Mama. You are pampering them until now,” her stepmother muttered then walked out. “I’m really sorry, Mama,” paghingi niya ng tawad muli bago umakyat sa kanyang silid. Pagpasok niya roon ay bumungad sa kanya ang sandamakmak na mga vintage dolls na naka-display sa mga glass cabinet. Napakadami niyon. Lagpas isang daan na marahil. Halos naging collection na niya ang mga regalong iyon ng kanyang anonymous sender. Hindi pa rin ito nagpapakilala hanggang ngayon. Wala rin namang naging paraan upang makilala niya ito. Tila ito palos na hindi pahuhuli sa tunay na identity. Nang mapansin niya ang isang gift box sa kama ay nilapitan niya iyon, kinuha at binuksan kapagdaka. Isang bago at napakarikit na vintage doll ang nasa loob niyon. Hanggang ngayon ay pinapadalhan pa rin siya ng mga manyika nito kahit malaki na siya. Katulad pa rin noon ay may kasama pa rin iyong maiksing note. “Congratulations.” Iyon ang simpleng nakasulat sa maliit na papel. Mukhang sinususubaybayan pa rin siya ng kung sinumang taong iyon. Hindi naman siya masyadong nag-aalala sapagkat sa hinabahaba ng panahon ay wala naman itong ginawang masama at pananakit sa kanya. Isinama na niya iyon sa iba pang mga manyika. Nadaanan niya sa isang cabinet ang isang pamilyar na pamilyar na manyika. Kapansin-pansin iyon sa ibang mga naroroon sapagkat hindi iyon masyadong vintage katulad ng iba. Nakaramdam siya ng tuwa and nostalgic at the same time. She smiled when she remembered her younger years when she was still talking with Charlotte as if her doll could answer. Tinanggal niya ito sa loob ng cabinet at pinagmasadan. Pinalagyan niya ito ng wig upang matakpan ang napanot nitong buhok na sinunog ng kanyang mommy noon. Nilagyan niya rin ng maskara ang kalahati ng mukha nito upang maitago ang sunog na bahagi niyon at binihisan ito ng vintage gown upang mag-anyong vintage doll. Ah, childhood. It wasn’t bad to reminisce old times in a moment like this she thought. Charlotte would always be a fixture in her heart. Malaki ring parte ng buhay niya ang ginampanan nito lalo na noong bata pa siya at nalulungkot mag-isa. Nang mag-sawa siyang tingnan ang manyika ay binalik niya iyon muli sa cabinet. Kumuha siya ng white dress sa kanyang wardrobe at pumanaog na rin pababa. “Come, Nica. Sasamahan na kita sa mausoleum ng pamilya. Sayang at hindi mo naabutan ang ilan sa ating mga relative. Nandito rin si Selene kanina pero maaga rin siyang umalis pagkatapos ng padasal para kay Anton. Alam mo naman iyong kapatid mong iyon, napaka-workaholic,” anang abuela niya habang tinatahak nila ang makipot na daan na patungong mausolea na kanugnog lamang ng hardin sa bakuran ng mansion.  “She visited me the other day in the office,” imporma niya. “Oh. Nabalitaan ko ngang umuwi siya ng maaga sa kanyang bakasyon. Ang batang iyon talaga.” “Yeah, napakasipag po talaga niya.  Pasensya na nga po pala ulit at nakalimutan ko ang tungkol kay Anton.” “It’s okay, hija. I understand. Hindi ko na rin sana gustong gawin ito sapagkat nalulungkot ako tuwing naaalala ko ang nangyari sa kanya. Subalit napakatagal na nating hindi ginagawa ito kaya naisip kong mabuti na rin. Gayunpaman hindi pa rin ako naniniwala hanggang ngayon na patay na siya. Magbabalik siya, Nica. Magbabalik siya dahil buhay pa siya, nararamdaman ko. Ayaw kong mawalan ng pag-asa.” “I hope so, too,” anas niya. May takot na gumapang sa kanyang katawan sa pagsang-ayon sa matandang babae. Kung anumang dahilan ng kilabot na iyon ay hindi niya mawari. Nang marating nila ang paroroonan ay nadatnan niya ang dalawang magkatabing nitso roon na may nakasinding mga kandila at may mga bulaklak. Nandoon din ang mga labi ng mga naunang bahagi ng pamilya Feron. Pero alam niyang naiiba ang mga labi nila Anton at Iñigo dahil walang laman ang mga iyon maliban na lamang sa jar na nilagyan ng mga abo mula sa pinangyarihan ng sunog na bumawi sa buhay ng kanyang ama ay wala ng ibang labi roon. Matapos nilang magdasal para sa yumao ay lumabas na rin sila ng mausoleum. Nagpatiuna naman ang lola niya na aakyat na raw sa silid nito upang magpahinga. Nang makasalubong niya sa may salas si Agatha ay tinanguan laman siya nito at nilagpasan din siya. She sighed. Umakyat na siyang muli sa kwarto niya upang magpahinga. Bukas ay may maaga pa siyang meeting.   “MA’AM, hinihintay na po kayo ng engineer ng Bataan Project para sa monthly meeting ninyo with the board sa conference room,” imporma ng kanyang sekretarya sa kanya. “Thanks, Gretchen. Pakiayos na lang ang mga papeles na hinihingi ng accounting. Dalhin mo na rin iyon sa opisina ni Natalia para mapirmahan niya,” utos niya rito at lumabas ng kanyang opisina. “Yes, Ma’am,” anang nakasunod niyang sekretarya. Naghiwalay sila sa crossing ng hallway. Dumiretso na siya sa conference room. Tahimik doon nang makapasok siya. Isang lalaki ang nakaupo nang patalikod sa mahabang meeting table. Mukhang hindi nito nadama ang presensiya nang pagdating niya sapagkat hindi man lang ito lumingon upang sulyapan siya. Tumikhim siya upang ipagbigay alam na naroon na siya. Pinihit nito ang swivel chair paharap. Napamulagat na lamang siya ng tuluyang humarap ito. Mukhang hindi naman nagulat ang lalaki nang makita siyang muli, ang totoo niyan ay parang kalmanteng-kalmante lamang ito. “Good morning, Ms. Feron! Pasensya ka na at naaliw ako sa paglalaro ng candy crush,” nakangiting pahayag pa nito at tumayo. Inirapan niya ito. “What are you doing here?” nakataas kilay na tanong niya. “’Doing some business.” “Really? I’m surprised! Paano ka nakapasok dito? Sinong nagpapasok sa ‘yo? I’m warning you, Steve Garvillez. Get out now or else ipapakaladkad kita sa mga security. Huwag kang manira ng isang importanteng pagpupulong sa pangalawang pagkakataon.” “You’re harsh, darling. I’m sorry for what I’ve done when we first met… and for the second time, too. Cool ka lang. Huwag masyadong mainit ang ulo, nababawasan ang ganda mo,” said he, simper on his masculine red lips. “This isn’t club, grease bag. Go now and find a w***e out there who can give you a head,” mataray na wika  niya. Nanlaki at namilog ang mga mata nito sa sinabi niya at mayamaya’y humalakhak. “I’m starting to have sugar crush on you, Ms. Feron. Why don’t you give me a head right here?” A smirk formed on her lips. “Why don’t you suck yourself, pervert!” bulyaw niya nang makabawi sa sinabi nito. “You arouse me with your dirty talking, darling. I can merely feel the stirring of my loin. My pants are getting tighter inside, in my crotch exactly,” may ngiting asong saad nito sa kanya. Sumilay ang mapuputi at pantay-pantay nitong ngipin. Patatamaan sana niya ito ng hawak niyang folder kung hindi lamang bumukas ang pinto ng conference room at iluwa niyon ang kanyang abuela. Nabitin sa ere ang balak niyang gagawin. “Hello, good morning, Engr. Garvillez! It seems you’ve already met my granddaughter, Veronica Feron, the new vice-president of FRC. Well, I hope you’ve heard Mr. Villegas early retirement,” bungad ng kanyang abuela, zany smile on her old face. “Yes, Ma’am but I’ve heard it late,” sagot naman ng lalaki. Inayos nito ang sarili. Tinapunan siya ng nakakalokong ngiti at naupong muli sa kinauupuan nito. Naupo na rin ang lola niya na ginaya na rin niya. “How are you, Engr. Garvillez?” “Never been great, Ma’am.” “Oh, Steve, my boy. You sound awful but you’re growing handsome even more,” puri ng kanyang lola na ikinapagtaka niya. Hindi mahilig mamuri ng pisikal na appearances ang kanyang abuela pagdating sa ibang tao. At isa pa’y growing handsome even more daw ang manyak na lalaking iyon? Pakiramdam niya ay nagdadalaga ang kanyang Mama Miranda. Ang hinayupak naman ay parang masyadong na-flatter yata sa sinabi ng matanda at namula-mula pa ang pisngi. Ang sarap nitong kutusan sa inakto nitong iyon. Samantalang ang sarap namang kurutin sa singit ng lola niya. Naghuntahan pa ang mga ito at para bang sa pag-uusap ng dalawa ay matagal nang magkakilala. Nabubwisit siya sa dalawa dahil nagmukha siyang invisible sa paningin ng mga ito at hindi man lamang naisipang isingit sa usapan. “Oh, by the way, before I forgot, congratulations to you! Pasensya ka na at hindi ako nakarating sa graduation party mo. You’re now finishing your master degree in business administration, right?” “Nope, Ma’am. I’m already done studying the master degree. I think, so many years had passed since we last met.” “Oh, times flew so fast. I didn’t notice. So, it’s been so long, then. Hasta la vista!” “Yes, yes.” “I’m really sorry, hijo. Alam mo namang mahirap para sa akin na pansinin pa ang oras lalo pa’t nakaka-frustrate iyon. I’m ageing and I can’t accept it.” Halos umabot na sa tainga ng lola niya ang mga ngiti nito sa pagsasalita. Ganoon din ang lalaki sa pagkausap sa kanyang abuela. “The boards of directors are late. Pupuntahan ko lang si Gretchen para ipatawag ulit sila,” pahayag niya nang sa wakas ay makasingit sa usapan ng mga ito. “No need, Nica. The boards are coming. Hindi ka na nasanay sa mga matatandang iyon. Pinag-uusapan pa nila ang tungkol sa nangyaring polo tournament nila noong isang linggo at tungkol sa mga kabayong magandang i-breed,” pigil sa kanya ng abuela. “But they’re half an hour late for the meeting, Mama!” nabubugnot na bulalas niya sa mataas na tinig. Magkasabay na napatingin ang mga ito sa kanya. Nag-isang linya ang mga mata ng mga ito. Tila inaarok ang isip niya. Pakiwari pa naman niya ay may kakayahang magbasa ng isip ang lola niya dahil may pagka-psychic ito base sa pananaw niya minsan at ang lalaki naman ay tila may kaparehong kakayahan dahil tinititigan siya ng malalim ng mga mata nito, wolf-eyes---alluring and scary at the same time. Agad niyang pinalis ang paningin sa mga ito dahil baka mag-katotoo ang iniisip niya at malaman ng mga itong nanggagalaiti siya sa asar ng walang dahilan. “Here they are, young lady,” anunsiyo ng lola niya nang sumulyap ito sa pinto at magsipasukan doon ang mga panot na mga director ng kompanya. At tama nga ang sabi ng lola niyang tungkol sa polo at kabayo ang pinag-uusapan ng mga ito. Nang mapadako ang tingin niya kay Steve ay hinandugan siya nito ulit ng nakakalokong ngiti. Kagyat namang nagsimula ang meeting. Nagsalita agad si Steve sa harap at ipinirisinta ang mga plano nito. Hindi niya akalaing ganoon ka-ismarte magsalita ang lalaki. Pawang nakikinig lamang nang maigi ang mga naroroon sa sinasabi nito at tila ninanamnam iyon. Walang naging kwestiyon ang mga director sa mga inihayag nitong plano. Sa totoo lang ay gusto sana niyang magsabi ng violent reaction dahil sa nakikita niyang labis na pagtitiwala ng mga ito sa lalaki. Ngunit sa huli ay naisip niyang baka siya lamang din ang mapahiya sa gagawin niya. Hindi kalaunan ay parang humahanga na rin siya sa mga nais nito para sa Bataan Project lalo pa nang ipakita na nito ang mga blue prints at model units na ayon sa vision nito. Napakagaganda ng lahat ng iyon. Wala siyang masabi sa galing nito. Wala nang iba pang naging concerns ang mga director at maging ang lola niya kaya mabilis nang natapos ang pagpupulong. Wala na rin siyang sinabi pang iba at sumang-ayon na lamang dahil wala namang magagawa ang pag-veto niya sa bagay na iyon. Nagmamadali na niyang iniligpit ang mga gamit niya nang i-dismissed na ang pulong. Iniwan na niya ang mga gurang na directors na bumalik sa polo at mga kabayo ang usapan. Nagulat siya nang maramdamang hinabol siya ng lalaki. Binilisan niya ang lakad para hindi nito mahabol. Asshole.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD