Chapter 7: An Encounter With The Handsome Devil
INILAPAG ni Veronica ang ballpen sa ibabaw ng papel na binabasa matapos niya iyong pirmahan. Pinaikot niya ang swivel chair at humarap sa glass wall na nasa kanyang likuran. Natatanaw niya mula sa kinauupuan ang mga katabing skyscrapers ng gusaling kinalulugaran niya. Ang Feron Realty Corporation ang siyang pinakamababang building sa buong lugar na iyon but in terms of business status, they are one of the most successful in the country as of today.
Pinaikot niyang muli ang upuan paharap nang umingit ang pinto ng opisina niya. Ang magiliw na anyo ni Selene ang iniluwa niyon. Napakaganda ng bukas ng mukha nito. She was blooming and glowing. “Congratulations, Ms. Feron!” bati nitong lumapit sa kanya. Inilahad nito ang palad na tinanggap niya ng may malapad na ngiti sa mga labi. Tumayo siya at nakipagbeso-beso rito. Niyakap naman siya nito ng ubod ng higpit.
“Thank you, Ms. Feron but you’re killing me with your hugs,” natatawang usal niya.
“I’m sorry, dear sister. I’m just so happy for you.” Pinakawalan siya nito sa mga yakap nito.
“Napaaga yata ang uwi mo? Akala ko next week pa ang balik mo?” nagtatakang tanong niya. She knew that Selene is in a vacation somewhere in Europe. At sa pagkakaalam niya, dapat ay naroroon pa rin ito ayon na rin sa taning ng leave na ibinigay para dito. Their Mama Miranda gave it to her for her outstanding performance as the vice-president of The Feron Hotels Incorporated.
“Magaganda nga ang bansa sa Europa but I can’t stay there for a long time. It annoys me when I’m not working. Kahit kailan siguro hindi ako masasanay ng hindi nagtatrabaho. And I’ve heard news about your promotion kaya nagkukumahog akong umuwi para batiin ka.”
“Nah, pwede mo namang sabihin iyon over the phone.”
“But I want it to do personally. So, how’s the feeling of the new vice-president of The Feron Realty Corporation, huh?”
A shy smile brandished on her lips. Yes, she’s now the new VP of FRC matapos siyang i-promote ng lola niya sa nabakanteng posisyon ni Mr. John Villegas sapagkat nag-retire na ito.
“Of course, I’m happy but it’s challenging. I felt so exhausted every end of the day. Ang daming kailangang gawin. Pressure din ako ngayon dahil ayokong ma-disappoint si Mama at isa pa’y laging nakamata si Natalia sa mga galaw ko.”
Hindi lamang dahil sa mga apo sila ng may-ari ng dalawang kompanya kaya sila ang iniluklok sa posisyon na iyon. She believed that they got what it takes for the said position because they’ve shown their most exemplary performance. Pinaghirapan nila iyong pareho. Nagsimula muna sila sa pagiging simpleng empleyado ng kompanya at hindi madaling bagay ang pag-akyat sa ladder sa corporate business.
She sighed deeply.
Sadya talagang napakabilis ng oras na halos napakahirap pansinin ng pagtakbo niyon. Marami nang nagbago sa loob ng maraming panahon. Nang araw na magkatampuhan sila ni Rebeecca ay iyon na ang huli nilang pagkikita ng kaibigan. Parang bulang bigla na lamang itong naglaho. Ang huli niyang balita ay nag-migrate na ang pamilya nito sa ibang bansa. Kung saan man iyon ay hindi niya alam at hindi man lang nito sinabi. Wala siyang natanggap na tawag o message man lang galing dito. Simula noon ay nag-iisa na namang muli siya. She was left alone and never had a friend again until she graduated in high school. Except Selene, of course. But she’s her sister.
Pagdating ng college ay palaging aloof at snob siya sa mga kaklase. Lahat ng mga ito ay mataray at warfreak ang tingin sa kanya. May ilan ding nagtangkang kaibiganin siya ngunit hindi niya pinansin at may mangilan-ngilan ding nagtangkang manligaw sa kanya ngunit hindi niya iyon ini-entertain hanggang sa kumonti ang mga ito at tuluyang naubos. Kahit si Agatha na kaklase niya sa ilang units ay hindi niya pinapansin, ganoon din naman ito.
Kumuha siya ng Business Management Course ayon na rin sa kagustuhan ng lola niya. Wala namang problema iyon sa kanya sapagkat iyon din talaga ang gusto niyang kunin. Nagkolehiyo siyang walang mga kaibigan. Sa kabila ng lahat ay nagpursige siyang mag-aral ng mabuti. Sinolo niya rin ang paggawa ng thesis dahil walang gustong maging kasama niya. Okay lang iyon sa kanya. Naipasa naman niya iyon nang hindi umuulit. Nagtapos siyang magna c*m laude, nagtrabaho sa FRC at kumuha ng masteral degree at ngayon nga ay siya na ang VP niyon. Naunang i-promote si Selene kaysa sa kanya. Alam naman niyang ito ang paboritong apo ng kanilang abuela. Wala namang kaso sa kanya iyon. Hindi siya nakakaramdam ng inggit dito.
Ngayong wala na ang legitimate heir ng mga Feron na si Anton ay wala ng ibang hahawak niyon kundi silang tatlong mga bastarda. Hindi na ito natagpuan kailanman. Ni walang anino nito ang sumulpot sa mga nakalipas na madaming taon. Hindi niya alam ang eksaktong naganap ng araw na mawala ito sapagkat wala siya sa tagpong iyon. Even her Mama Miranda and Selene and Agatha who were with him that day didn’t know what really happened. Hindi na rin ito natagpuan ng mga pulis, hindi rin masabing kidnapping ang rason dahil wala namang humingi ng ransom money. Hindi rin naman nila masabing naglayas ito sapagkat malaking kabaliwan iyon. Basta, bigla na lamang itong naglaho at walang iniwang bakas na sana ay makakatulong sa pag-trace dito. Ang sabi ng mga katulong na lagi niyang naririnig sa mga bulung-bulungan ng mga ito ay bahagi daw iyon ng sumpa sa pamilya Feron. Pero hindi siya naniniwala sa bagay na iyon. Walang naniniwala sa kanila maging ang lola niya. At kung anuman ang sumpang sinasabi ng mga ito ay wala rin talaga siyang alam at wala na rin siyang balak alamin pa.
Ang mahalaga ngayon ay ang kompanya. Ang Tita Natalia niya ang kasalukuyang presidente ng tatlong kompanya na pag-aari ng pamilya sapagkat nagretiro na rin ang kanilang abuela sapagkat hindi na nito kaya ang stress sa trabaho. Gayunpaman ay ito ang tumatayong business adviser nilang magkakapatid. Her grandmother, Miranda Consuelo Vallejos-Feron is well known in the country, she’s the famous dowager of the business tycoon, Don Antonio Miguel. Nito lamang taon ay tinanghal ito bilang one of the most powerful women of the era.
Ang Feron Mining and Oil Company ang siyang pangatlong pagmamay-ari ng pamilya. Maliit lamang ito kung ikokompara sa ibang negosyo nila sapagkat kasisimula pa lamang nito. Ang matandang babae ang nagpasimula niyon. May iilang branches pa lamang ang oil products and services nila sa Pilipinas. Ang mga namimina naman ng kompanya ay direktang ibenebenta sa mga jeweler at iba pang kumpanya na ngangailangan ng raw materials na nakukuha sa mining.
Si Agatha ang inilagay na operation manager doon. Hanggang ngayon, pakiramdam niya ay hindi pa rin nadedevelop ang personality nito. Tahimik at lagi pa ring nasa sulok ang half-sister niyang iyon. Buti pa sila ni Selene sapagkat nag-out grown na sila, lalo na siya. Unti-unti na niyang naaabot ang mga pangarap niya. At lahat ng iyon ay dahil sa paghihirap niya at pagtitiyaga.
Natigil siya sa pagbabalik-tanaw nang tumunog ang intercom. Pinindot niya iyon at lumabas ang tinig ng sekretarya niyang si Gretchen. “Ma’am, by eight of the evening po ang scheduled dinner meeting ninyo with Mr. Vince Lorrigo sa Hotel Felizes.”
“All right, pakikuha na rin ang mga form na hinihingi ng operations dito sa opisina ko.” Pinatay niya ang intercom at muling hinarap si Selene. Nakangiti pa rin ito. Hindi niya alam kung kailan niya naging close ito nang tuluyan. Isang araw na lamang ay malapit na sila sa isa’t-isa ngunit hindi masyadong nagtatagpo sa dami ng trabaho. Lagi kasi itong gumagawa ng paraan para makausap siya, kahit namang noong mga bata sila ay ganoon ito. Ginagawa siya nito noong walking diary sa walang katapusang kuwento nito sa mga nagaganap dito sa araw-araw at mga crushes nito. Nakakatuwang isipin at balikan.
“I’ve heard Mr. Lorrigo is the new CEO of the Hotel Felizes, never met him before but his father was an old associate of FHI and he looked like a bunny for me,” humahalakhak na pang-aasar ni Selene.
“Loka,” natatawa na ring sabi niya
“Mauuna na rin pala ako, Veronica. I have plenty of things to do.”
“Okay, ‘wag masyadong magpagod. Thanks for dropping. I really appreciate it.”
“Wala iyon. Take care! See you again, sistah! Ciao!” pagpapaalam nito at lumabas na ng opisina niya. Pumasok naman ang sekretarya niya na lumabas din matapos niyang iabot dito ang mga papel na pinirmahan niya kanina.
Pinagpatuloy na niya ang gagawin pa niyang mga report.
QUARTER to eight na nang makarating siya sa Hotel Felizes. Inasistihan agad siya ng isang waiter patungong Felizes Resto na nasa loob din ng hotel. Iginiya siya nito sa isang table na reserved para sa meeting nila ni Mr. Vince Lorrigo. Confidential ang pag-uusapan nila kaya iniwan muna niya ang kanyang sekretarya sa kotse upang doon na lamang maghintay. Akala niya ay huli na siya sa kanilang meeting ngunit mas late pa pala ito dahil wala pa ang lalaki roon.
Matagal ng business associate ng pamilya nila ang pamilya nito. Sa pagkakaalam niya ay balak makipag-merge ng maliit na land developing company ng mga ito sa FRC na matagal na sanang nangyari ngunit may ilan lamang hindi mapagkasunduan. Kaya ngayon ay nais sila nitong makausap ng masinsinan upang maresolba ang maliit na gusot na iyon.
Habang hinihintay ito ay umorder muna siya ng tea sa waiter. She loved tea and she could drink it forever! Naibsan ang exhaustion niya ng malanghap ang mabangong usok mula sa mainit pang tsa. Nang maramdaman niya ang pamimigat ng pantog ay nagpunta agad siya ng comfort room. Hinding-hindi siya nagpipigil sa pagtutubig dahil na-diagnose na siyang may komplikasyon roon noong college siya.
Nang bumalik siya sa table ay may lalaki nang nakaupo sa kinauupuan niya kanina at iniinom ang tea na-inorder niya! Napatda siya nang malapitang mabistahan ang hitsura nito. Why, he was so handsome! No, he was gorgeous, very gorgeous and flamboyant! His ocher eyes were gazing at her, those pigment of blood-like were telling mysteries and mesmerizing her. And it was the brightest shade of amber she had ever seen in her entire life and it was so damn wonderful and sexy! Mas naging napakaganda ng mga matang iyon sapagkat tinernuhan iyon ng nakaarkong makakapal na kilay na kulay deep brown at malalantik na pilik-mata na nagbibigay ng mapang-akit na anyo sa mga tingin nito! Napakatangos ng ilong nito na tila hinulmang bundok, napakasensual din ng mga labi nitong mapupula at napakakinis ng mukha nito! Good lord, the man was blessed all over his face!
Oh, was she smitten by him? Yes, absolutely macaroni.
Nakaputing tuxedo ito na may pulang rosas sa dibdib. Nakapomada pa ang buhok nito na mala-tsokolate ang kulay. She didn’t expect him to look ravishing like this. Ang sabi nga ni Selene ay mukhang bunny ang ama nito. Ang akala niya ay ganoon din ang lalaki na inilalarawan pa naman niya sa isip bilang isang matabang kalbo na may makapal na bigote at mahabang buhok sa ilong.
Muli itong humigop ng tsa sa tasa, suave ang galaw nito. Tuluyan na niya itong nilapitan and greeted him in business tone. “Good morning, Mr. Lorrigo! I’m sorry I made you wait for a while! I’m Veronica Feron of the FRC.” Mukhang nagtaka ito sa sinabi niya sapagkat nagkagatla ang noo nito. Nabitin ang muling paghigop nito ng tsa sa tasa niya. Naupo siya sa kaharap nitong upuan at nginitian ito. Mas lalong kumunot ang noo nito.
Ibinaba nito ang tasang hawak at tumitig sa kanya. Para siyang nilulunod ng mga matang iyon sa nagbabagang apoy. Kung may anong damdamin siyang nakapa sa sarili na hindi niya mabigyang pangalan. Ngayon lamang iyon nangyari sa kanya. Masyado yatang childish kung tatawagin niyang na-love at first sight siya rito.
Nakalipas na ang ilang minuto ngunit hindi pa rin siya tinatantanan ng mga kabighabighaning mga mata nito. Pakiramdam niya ay may lahi itong werewolf. Binabasa siguro nito ang iniisip niya kaya hindi siya nito kinakausap at nakatulala lamang sa kanya. Baka kaya nagagandahin ito sa kanya? Napagtripan tuloy niyang mag-pacute dito. Hindi niya alam kung paano gagawin iyon. She was not a pro in flirting. Hindi pa niya nagagawa iyon sa tanang buhay niya sa mundo, hindi pa masyado. Nagpa-tantalizing eyes na lamang siya.
Then suddenly, siya naman ang nagtaka when a simper formed on his lips then laughed and caressed his reversed heart shape chin. Hindi kaya totoong nabasa nito ang iniisip niya?
Nagulat siya nang biglang magsalita ito, titig na titig pa rin sa kanya. “You’re beautiful!” Nag-init ang pisngi niya sa komento nito. Hindi na siya magtataka kung nagkukulay makopa na siya. “But I don’t have time to flirt with you, Miss Feron. Maybe we could have a night to remember forever one of these days but not now, I feel repentant about this, though.” Mas ikinabigla niya ang sumunod na sinabi nitong iyon.
She felt embarrassed. Obvious ba masyado na nag-pacute siya dito? Biglang nagbago ang lahat nang naisip niyang magandang bagay para dito. Simpatiko nga kaso antipatiko naman! Gusto sana niya itong barahin ngunit walang maapuhap ang bibig niya na isasagot dito.
Muli itong nagsalita. Nakapaskil pa rin ang pilyong ngiti nito. “Don’t be shy to me. I’m used to girls like you. You’re not the first and not even the hundredth who want to get a slice of heaven.”
“Sorry, Mr. Lorrigo kung iyon ang iniisip mo,” nagtitimping wika niya. Nilunok niya lahat ng pagkainis at pagkaasar para rito. Pero parang bumara iyon sa lalamunan niya at nautal-utal tuloy siya sa pagsaslita. “L-let’s c-c-continue t-to d-d-discuss o-our a-agenda.”
Subalit hindi pa rin ito tumigil. “I never thought that blushing women still exist. You’re swooning over me, Ms. Feron. And I’m flattered by your reaction but I don’t really have a time to discuss your vital stastics. Some other time, darling, some other time. I promise, I will teach you a lot of intimate love making styles that will make you scream, go wild and ask for more. You’ll never forget it, darling.”
Damn this man for talking to her that brutal and carnal!
Naubos ang pagtitimpi niya rito pero ayaw niyang mag-eskandalo kaya tumayo na lamang siya. She gained some poise. “Excuse me, Mr. Lorrigo but if you don’t want us to talk about our meeting then I think I should go.”
“Nice meeting you, then. By the way, aren’t you going to get my number? I forgot to bring my calling card with me. Or maybe if you have yours, I’ll just get it and just call you if I’m available.”
“Thanks, but never mind!” naaasar na asik niya at tinalikuran ito.
Ang taas naman yata ng bilib nito sa sarili upang sabihin sa kanya ang lahat ng bagay na iyon. He was such a brute! Wala na talagang matinong lalaki ngayon. Parang hindi ito edukado. Dapat ay business minded ito dahil malaki ring chains of hotel ang hinahawakan nito. At hindi birong proyekto ang dapat sana nilang pag-uusapan ngayon pero nagkamali siya dahil green minded pala ito! What a son of a filthy rich b***h!
Hindi pa siya nakakalayo nang tawagin siya nito. “Ms. Veronica Feron, I don’t know if that’s your real name or not but my name’s not Vince Lorrigo. In case your research missed, it’s Steve. Steve Garvillez,” saad pa nitong may malapad na ngiti sa mga labi.
Nagpantig ang kanyang mga tainga. Para yatang nabingi siya sa sinabi nito. Hindi niya alam kung ano ang dapat maging reaksyon sa kalokohan nito. Nababaliw ba ito?
Pikon na pikon na muli niya itong hinarap. Para siyang bulkang sasabog sa sobrang galit. Kaya pala ganoon ang pakikitungo sa kanya ng bruho sapagkat hindi pala ito ang dapat na katagpo niya sa dinner meeting na iyon! Pero nasaan na ba ang Mr. Vince Lorrigo na iyon? Makakatikim din ito sa kanya kapag dumating na ito at mas lalo itong makakatikim kung inindyan siya nito.
Kung kanina ay wala siyang balak mag-iskandalo ngayon ay handang-handa na siya. “The hell with you, lard ass! How dare you spoke with me that way earlier!? Damn you, you jerk! And by the way, you are such a bastard of a stink bomb warthog for drinking my tea! Gosh, you’ve drink one’s lady’s tea and sat on to a reserved table for a very exorbitant meeting! You rude, f*****g moron! You’ve wasted my time with your maniacal big mouth!” nagpupuyos sa galit na bulyaw niya rito. Hindi siya tumigil sa kakadakdak hanggang sa hindi siya hiningal. Bahala nang magmukha siyang balbalera.
Inaasahan na niyang magagalit ito sa mga pinagsasabi niya ngunit wala itong ginawa, ngumiti lamang ulit ito ng pilyo. Ang sarap sana nitong sapakin kaso ay nanghihinayang siya sa gwapong mukha nito. Kagwapuhan? Baka kagaguhan? Mabilis niyang sinawata ang letse niyang utak sa inisip nito.
“What are you talking about, mad lady? This is my table and this is my tea!”
“I’m talking about you, red mafia! And for your information, that is my tea, my favorite flavored tea! Look, my lipstick stains are still on the cup, Mr. Nincompoop s**t!” Idinuro niya rito ang tasa.
Sinuri nga ng lalaki ang tasang may bahid pa ng lipstick mula sa labi niya. Napalinga-linga ito sa paligid, ang mga tao ay nakatingin na sa kanila. Hinayon niya ng tingin ang sinulyapan nito. Malapit sa kinaroroonan niya ay may bakanteng mesa na may nakatiwangwang na tasa na marahil ay kapareho din ng inorder niya. Muling dumako ang mga mata nito sa kanya. Pinagtaasan lamang niya ito ng kilay.
“There must be some mistake here.”
“Yes, there were stupid mistakes here and you made that entire blunder, idiot!” nangagalaiti pa ring turan niya rito. Wala siyang pakialam kahit pinagtitinginan na sila ng mga customer sa buong Felizes Resto.
Isang waiter na ang lumapit sa kanila nang hindi niya itigil ang pagtatalak dito. Nagtanong ito kung ano ang problema nila. Agad naman niyang inireklamo ang lalaki, kalmado na siya sa pagkakataong iyon. Wala namang nasabi ang Steve Garvillez na iyon sa mga pinagsusumbong niya.
“Sorry for my unmannered treatment with you, Ms. Feron.” Hindi siya sigurado kung sincere ba ito sa sinabi. Hindi na lamang niya iginiit ditong ulitin iyon para hindi na humaba pa ang usapin. Hiniling na lamang ng waiter na umalis na ang lalaki sa lugar na ikinatuwa naman niya. Mukhang na-offend ang lalaki sa sinabing iyon ng waiter base sa naging reaksyon nito subalit hindi na ito sumagot pa at tumayo na lamang at nilisan na ang lugar.
Nang maupo siya ay saka niya naramdaman ang hiya sa pinaggagagawa. Ilang saglit naman ay dumating na rin ang hinihintay niya. Muntik na niyang maibaling dito ang pagkaasar. Sa huli, tama pala ang hinala niya sa pagmumukha nito. Mukha itong hippopotamus!
“I’m sorry, Mr. Lorrigo but you’ve frittered away the chance our company had given your family. This is failure on your part. Next time, never let a woman waits for you. There will be bloodshed!” salubong niya dito sabay bira ng alis.