"Siguro ngayon na nakasama mo na sila ng ilang beses na ay sanay ka na kina Patrick at Valentin." Nilingon ko si Samuel na nasa likuran ko. "Oo, nasasanay na ako sa bangayan nilang dalawa, Daddy. Para yatang kasama na sa paghinga nila ang pagbabangayan nilang dalawa kapag nasa iisang lugar sila." Natawa si Samuel sa sinabi ko. "Totoo Yan. Malabo na yatang magkasundo pa ang dalawang iyon. Hindi na ako magugulat kung magbo-boxing sila sa harapan natin bukas," tatawa-tawang sabi pa niya. Nag-iwas na ako ng tingin sa kanya. Kung alam mo lang, Daddy. Sa ibabaw lang yata ng kama nagkakasundo ang dalawang iyon. "Mauuna na akong maligo, Daddy. Nanlalagkit na ako, eh," pagpapaalam ko sa kanya. Tumango siya bago inalabas ang kanyang telepono. "Sige mauna ka na. May tatawagan lang ako.

