"O bakit kanina ka pa wala sa mood?" pagtatanong ko kay Patrick pagkatapos kong umupo sa tabi niya. Kaaalis lang ng mag-amang Simon upang pumasok sa kanya-kanyang trabaho at naiwan na naman kaming dalawa. Ganito na lang ang eksena sa araw-arawin na ginawa ng Diyos sa buhay naming dalawa ni Patrick. Pagkatapos kaming iwan ng mag-amang ay maghapon lang kaming nakatambay. Manunuod ng TV, Netflix series o pelikula, sabay na magla-lunch, tapos manunuod ulit o di kaya ay matutulog ako sa hapon habang may klase si Patrick sa tutor niya. Tapos bababa ako kapag papadilim na at sabay na naman kaming maghihintay sa pagdating ng mag-amang Simon. Kapag dumating na ang dalawa ay saglit silang magpapahinga. Tapos bababa kami at kakainin ng dinner. Routine na namin iyon ni Patrick na nami-miss ko k

